Transcript for:
Kasaysayan ng Europa 15-16 Siglo

Mahalagang pangyayari sa daigdig noong 15 at 16 na siglo ang pagsasara ng Konstantinopol, Renaissance, Reformasyon at Kontra-Reformasyon. Ang Konstantinopol ang naging kabisera ng Roman Empire noong 330 CE sa pamumuno ni Emperor Konstantin I na pinakaunang Roman Emperor na Kristiyano. May 29, 1453 ay bumagsak ang Konstantinopol matapos ang 55 araw ng pananalakay ng Ottoman Empire sa pamumuno ni Sultan Mehmed II. Ang pagbagsak ng Konstantinopol ang naging hudyat ng pagbagsak ng Imperyo ng Roma at naging simula ng pangingibabaw sa kapangyarihan ng Imperyo ng Ottoman.

Ang pagbagsak ng Konstantinopol ang naging sanhirin ng pagkawala ng mga rutang pangkalakalan mula sa Asia na naging dahilan ng pagsisimula ng panahon ng eksplorasyon. Maraming eskolar ang tumakas mula sa Konstantinopol at bumalik sa Europa na nagbigay kontribusyon sa pagsisimula ng Renaissance. Ang Renaissance, sa salitang Pranses, ay nangangahulugang muling pagsilang o rebirth.

Hindi isang biglaang revolusyon ang pagpasok ng Renaissance sa Europe. Sa halip ay isang unti-unting transisyon para matamo ang kanilang minimiting pagbabago. Sa panahon ng Renaissance ay muling binalik ang mga sinaunang kulturang klasikal ng Grecia at Roma na nakapagdulot ng sigla sa kaisipan ng Europa at nagbigay daan sa maraming pagbabago sa larangan ng sining, arkitektura, at eskultura.

Naging inspirasyon din ang renaissance sa mga mga ngalakal dahil naging maunlad ang ekonomiya at sa larangan ng eksplorasyon ay binigyang sigla ang mga manlalakbay na galugarin ang mundo na kung saan na itatag ang mga bagong imperyo ng European mananakop. Ang Renaissance ay isang panahon kung saan nabuhay muli ang interes ng mga mamamayan sa kalikasan ng tao. At mula rito ay naglabasan ang mga taong may taglay na kakayahan.

Ang paglaganap ng humanismong Renaissance. Ang mga eskolar na nanguna sa pag-aaral ng klasikal na sibilisasyon ng Greece at Rome ay tinawag na humanist o humanista. Ito ay mula sa salitang Italian na nangangahulugang guro ng humanidades, particular ng wikang Latin. Pinag-aaralan sa humanities o humanidades ang wikang Latin at Greek, komposisyon, retorika, kasaysayan, at filosofiya, at maging ang matematika at musika.

Sa pag-aaral ng mga ito ay napagtanto ng mga humanista na dapat gawing modelo ang mga klasikal na ideyang matatagpuan. sa mga asignaturang ito. Ang kontribusyon at epekto ng renaissance.

Hindi matutumbasan ang pamana ng renaissance sa sangkatauhan. Ang mga kahangahangang likha sa iba't ibang larangan ng sining at panitikan. Kilalani natin ang mga taong kinilala sa mga pambihirang na gawa nila sa panahon ng renaissance. Sa larangan ng sining at panitikan, Francesco Petrarch ang ama ng humanismo. Pinakamahalagang sinulat niya sa Italiano ang Songbook, isang koleksyon ng mga sonata ng pag-ibig sa pinakamamahal niyang si Laura.

Giovanni Boccaccio, matalik na kaibigan ni Petrarch, ang kanyang pinakamahusay na panitikang pyesa ay ang Decameron, isang tanyag na koleksyon. na nagtataglay ng isang daang nakakatawang salaysay. William Shakespeare, ang makata ng mga makata, naging tanyag na manunulat sa ginintoang panahon ng England sa pamumuno ni Reina Elizabeth I. Ilan sa mga sinulat niya ang mga walang kamatayang dula gaya ng Julius Caesar, Romeo and Juliet, Hamlet, Anthony at Cleopatra, Desiderius Erasmus, ang prinsipe ng mga humanista, may akda ng In Praise of Folly, kung saan tinuligsa niya ang hindi mabuting gawa ng mga pari at mga karaniwang tao.

Niccolo Machiavelli, isang diplomatikong manunulat na taga Florence, Italy, at may akda ng The Prince. Kunsaan nakapaloob ang dalawang prinsipyo na ang layunin ay nagbibigay matuwid sa pamamaraan at wasto ang nilikha ng lakas. Miguel de Cervantes Sa larangan ng panitikan ay isinulat niya ang nobelang Don Quixote de la Mancha, aklat na kumutya at ginawang katawatawa sa kasaysayan ang kabayanihan ng mga kabalyero noong medieval period.

Sa larangan naman ng pagpinta ay nakilala si Michelangelo Bonarot, ang pinakasikat na eskultor ng Renaissance. Ang una niyang obra maestra ay ang estatwa ni David. Sa paanyaya ni Pope Julius II ay ipinenta niya sa Sistine Chapel ng Katedral ng Vaticano ang kwento sa banal na kasulatan tungkol sa pinagmula ng Sunday Igdigan hanggang sa pagbaha.

Pinakamaganda at pinakabantog niyang likha ay ang La Pieta, isang estatua ni Cristo pagkatapos ng kanyang krusipiksyon. Leonardo da Vinci, isang henyong maraming nalalaman sa iba't ibang larangan. Hindi lamang siya isang kilalang pintor, kundi isa ring arkitekto, skultor, inginyero, inventor, siyentista, musikero at pilosoper.

Ang hindi makalimutang obra maestra niyang Huling Haponan o The Last Supper, na nagpakita ng Huling Haponan ni Cristo kasama ang kanyang labing dalawang disipulo. Rafael Santi, pinakamahusay na pintor ng Renaissance, kilala sa pagkakatugma at balanse o proporsyon ng kanyang mga likha. Ilan sa kanyang tanyag na gawa ang obra maestrang Sistine Madonna, Madonna and the Child, at Alba Madonna. At sa larangan ng agham ay nakilala si Nicolás Copernicus. Inilahad ni Nicolás Copernicus ang tsyoryang heliocentric, ang pag-ikot ng daigdig sa axis nito, kasabay ng ibang planeta, at umiikot din ito sa paligid ng araw.

Pinasinungalingan ng tsyoryang ito. ang tradisyonal na pag-iisip na ang mundo ang sentro ng San Sinucum na matagal ding tinangkilik ng simbahan. Galileo Galilei, isang astronomo at matematiko, malaki ang naitulong ng kanyang naimbentong teleskopyo para mapatotohanan ang teoryang Kopernikan.

Sir Isaac Newton Ang higante ng siyentipikong renaissance, sang ayon sa kanyang batas ng universal gravitation. Ang bawat planeta ay may kanya-kanyang lakas ng gravitasyon at siyang dahilan kung bakit nasa wastong lugar ang kanilang pag-inog. Ipinariwanag niya na ang gravitasyong ito ang dahilan kung bakit bumabalik sa lupa ang isang bagay na inihagis pataas.

Isa sa mga pagbabagong hatid ng Renaissance ay ang kilusang reformasyon. Ito ay isang kilusan na kumikwestyon sa otoridad ng simbahan at santo papa. Ang isa sa mga unang reformista na bumatikos sa simbahan ay si Erasmus Desiderius, isang humanista at paring katoliko mula sa Netherlands. Kanyang binatikos ang pagpokus ng simbahan sa mga komplikadong seremonya at ritual. ang korupsyon sa simbahan at ang pagbebenta ng mga indulhensya na siyang ginagamit na pondo sa pagpapatayo at pagpapaganda ng mga simbahan sa Europa.

Ang indulhensya ay isang sertipiko na binibenta ng simbahan at sinasabing makakabawas ng 1,443 taon sa purgatorio. Ang isa pang kilalang reformista sa panahon ito ay si Martin Luther. isang paring aliman at profesor sa teolohiya.

Kanyang kinontra ang doktrina ng katolisismo na nagsasabing ang kaligtasan ay matatamo sa pamamagitan ng pananampalataya at mabuting gawa. Para kay Martin Luther, ang kaligtasan ay hindi makakamit sa mabuting gawa, kundi sa pananampalataya lamang na tinawag na justification by faith. Kanyang ipinaskil sa pintuan ng simbahan ng Wittenberg ang kanyang 95 thesis na naglalaman ng pagtuliksa sa mga paraan ng simbahan, lalo na ang pagbebenta ng indulhensya. Ipinatawag siya sa isang asembleya na tinawag na Diet of Worms upang ipaliwanag ang kanyang sarili at bawiin ang kanyang mga sinabi laban sa simbahan. Ngunit tumanggi si Martin Luther na sundin ito kaya siya ay hinatulan bilang isang heretiko.

Ang aksyon na ito ni Martin Luther ay naging simula ng Protestantismo sa Europa na binoo ng iba't ibang pangkat na siyang lumaganap sa Europa. Sinimula ng simbahang katolika ang kanyang sariling reformasyon upang mapanatili ang kanyang impluensya. Ang Religious Order of Society of Jesus o mas kilala sa tawag na Jesuits ay tinatag ni St. Ignatius de Loyola noong 1450. Ginamit ng mga Jesuits ang edukasyon upang muling palaganapin ang impluensya ng simbahan sa Europa.

Sa pamumuno ni Pope Paul III ay kanyang itinatag ang Reform Commission at nabuo ang Council of Trent upang imbestigahan ang mga naging katiwalian ng mga Renaissance Popes at upang isaayos ang doktrina ng Katolisismo upang mapag-isa at mapalakas ito. Isa sa mga naging risulta ng Council of Trent ay ang pagbabawal sa pagbebenta ng simbahan na mga indulhensya. Mahalagang pangyayari sa daigdig noong ikalabing lima at ikalabing anim na siglo.

Ang pagsasara ng Konstantinopol, Renaissance, Reformasyon at Kontrareformasyon.