Pamamaraan at patakarang kolonyal ng mga Amerikano sa Pilipinas. Ang Pilipinas ang nakaranas ng pinakamalaking epekto ng kolonyalismo dahil sa haba ng pananatili ng Espanya rito. Balikan natin ito sa Aral ng Nakaraan, Ating Balikan. Pili Letra Isa ang Pilipinas sa mga bansang nakaranas ng pananakop ng mga kanluranin.
Magkakaiba ang pamamaraan at layunin ng mga Pilipino na nakipaglaban para makamit ang kalayaan. Pagsunod-sunodin ang mga pangyayari na may kaugnayan sa pagpapakita ng mga Pilipino ng damdaming nasyonalismo. Pakikipaglaban ni Lapu-Lapu sa mga Espanyol, pagbitay kina Padre Gomez, Burgos at Zamora, Pagsulat ni Rizal ng nobelang No Limitangere at pamumuno ni Andres Bonifacio sa Revolusyon.
Bakit nag-alsa ang mga babaylan laban sa mga Espanyol? Dahil pinwersa silang baguhin ang kanilang kinagis ng pananampalataya at yakapin ang relihiyong katolisismo. Ang sumusunod ay mga hangarin ng mga reformista o kilusang propaganda, maliban sa isa. Itaguyod at palaganapin ang himagsikan.
Ano ang pinakamahalagang dahilan kung bakit hindi nagtagumpay ang kilusang propaganda? Kakulangan ng pagkakaisa ng mga Pilipino sa pagsusulong ng reforma. Kasama sa walong lalawigan na nag-alsa noong panahon ng himagsikan, ang Cavite, Laguna, Manila, Bulacan, Tarlac, Nueva Ecija, Pampanga at Batangas.
Matapos ang 333 taong pananakop ng mga Espanyol sa mga Pilipino, ang Pilipinas ay muling napasailalim sa kapangyarihan ng isa pang bansa. ang Estados Unidos. Nilagdaan ng mga Amerikano at Espanyol ang kasunduan sa Paris noong December 10, 1898 na nagsalin ng pamamahala ng Pilipinas sa mga Amerikano sa halagang 20 milyong dolyar. Dalawang uri ng patakaran ang ipinatupad ng United States sa bansa. Ang isa ang patakaran ng pasifikasyon at ang ikalawa ay ang patakaran ng asimilasyon.
Tulad ng Espanya, kinailangan ng mga Amerikano na mapatahimik ang bansa sa ilalim ng kanilang kapangyarihan. Kaya naman ang una nilang itinatag ay isang pamahalaang militar. Nagpatupad sila ng iba't ibang batas, upang supilin ang mga grupong tumangging tanggapin ang mga bagong kolonyalista. Pinasimulan ng mga Amerikano ang pacification campaign na sa katotohanan ay digmaang kolonyal. Sedition Act 1901 Sa batas na ito, ipinagbawal ang ekspresyon ng suporta para sa kalayaan, kasarinlan o pagsasarili ng Pilipinas.
Higit sa lahat ipinagbawal ang paghahayag ng sa loobin ng isang Pilipino laban sa Estados Unidos. Brigandage Act, 1902. Sa batas na ito, ang mga Pilipino ay pinagbawalang bumuo ng samahan o kilusang makabayan. Ang sino mang magpakita ng paglaban sa pamahalaang Amerikano ay itinuring na isang bandido o tilisan.
Reconcentration Act, 1903. Sa pamamagitan ng batas na ito, naglabas ng patakaran ang mga Amerikano na naglayong ilipat ang mga Pilipinong taganayon sa iisang nakahiwalay na lugar upang hindi makapagbigay ng impormasyon o suporta sa mga rebelde laban sa mga Amerikano. Flag Law 1907 nagbawal sa pagpapakita ng anumang bandila, sagisag o device para sa pagsulong ng rebeliyon o pag-aaklas laban sa United States. Ang patakaran ng makataong asimilasyon o benevolent assimilation ay isinagawa naman sa pamamagitan ng pagtatatag ng sistema ng edukasyong pampubliko sa buong kapuluan.
Gamit ang mga ideyang Manifest Destiny at White Man's Burden, ipinalaganap ng Estados Unidos na ito ay itinadhana ng Diyos na magbumulat sa mga tao na kabilang sa mga kabihasnan sa labas ng kanilang hangganan. Gamit ang wikang Ingles bilang wika ng pagtuturo, Unti-unting nabago ang pananaw at kamalayan ng mga Pilipino. Ang mga pampublikong paaralan sa pamagitan ng kurikulum na ipinatupad at mga aklat na ginamit ang naging daluyan ng mga kaisipang nagturo sa mga Pilipino na tangkilikin ang pamamahala ng mga Amerikano at tanggapin sila bilang kakampi at kaagapay sa pag-unlad. Pinagtibay rin ang Pensionado Act na nagbigay ng scholarship sa mga Pilipino para makapag-aral sa United States. Marami sa mga naging pensyonado ay nagmula sa mga nagaharing uri na sa kaluunan ay nagpalawak sa agwat sa pagitan nila at ng mas nakararaming Pilipino.
Sila rin ang nakipagtulungan sa mga Amerikano sa pamamalakad sa Pilipinas at nakasamsam ng kayamanan bunga ng kanilang mga posisyon at mga pribilehyong nakamtan. Hindi naglaon ang pacification campaign ay kinilala na bilang policy of attraction na idinisenyo upang maakit ang mga pangkat elitista at iba pang Pilipino na makiisa sa pamahalaang Amerikano. Pumayag ang Kongreso ng Estados Unidos na palitan ang pamahalaang militar at gawin itong pamahalaang sibil dahil nais nilang makuha ang kalooban ng mga Pilipino.
Noong July 4, 1901, itinatag ng Philippine Commission na pinamunuan ni William Howard Taft ang Pamahalaang Sibil sa Pilipinas. Ito ang pagsisimula ng Pamahalaang Modelong Bureaucratic ng Estados Unidos sa Pilipinas. Ang Pamahalaang Bureaucratic ay tumutukoy sa pamahala ng hindi halal na opisyal o pangkat ng mga opisyal ng pamahalaan na may matatag o permihang tungkulin.
Nang maitatag ang Philippine Assembly, ito ang nagsilbing lower house o mababang kapulungan at ang Philippine Commission naman ang nagsilbing mataas na kapulungan ng sangay lehislatibo mula 1907 hanggang 1916. Noong 1916, sa visa ng Spooner Amendment, Ang lehislatura ng pamahalaang Pilipinas ay pinamahalaan na ng mga Pilipino. Ito ay binuo ng Senado at kapulungan ng mga kinatawan. Sa pagkakataong ito, si Manuel Quezon ay nahalal na Pangulo ng Senado at si Sergio Osmeña naman ay nahalal bilang tagapagsalita ng kapulungan o Speaker of the House. Sa kabila ng umunlad na partisipasyon ng mga Pilipino sa pamahalaang sibil, ang Gobernador General na Amerikano pa rin ang makapangyarihan sa likod ng pamahalaan. Ang Gobernador General kasama ang Pangulo ng Estados Unidos ay may kapangyarihang magveto o ipawalangbisa ang anumang batas na ipinapasa ng lehislaturang Pilipino.
Maaari rin ipawalangbisa ng kataas-taasang Korte Suprema ng Estados Unidos ang anumang desisyon ng kataas-taasang Korte Suprema ng Pilipinas. Higit sa lahat, kontrolado rin ng Kongreso ng Estados Unidos ang kalakalan ng Pilipinas. Ito ay patunay na mabagal ang proseso sa modelong bureaucratik na ginamit ng mga Amerikano sa Pilipinas. Pili sa kahon Ipinagbawal nito ang anumang gawain nagsusulong ng pagtiwalag sa United States o ang pagtataguyod ng kasarinlan. Sedition Act Patakaran na naglayong ilipat ang mga Pilipinong taganayon sa iisang nakahiwalay na lugar upang hindi makapagbigay ng impormasyon o suporta sa mga rebelde laban sa mga Amerikano.
Reconcentration Act Binaban sa ganito bilang bandido ang sino man na magpapakita ng pagtanggi sa bagong pamahalaan. Brigandage Act Nagbigay ng scholarship sa mga Pilipino para makapag-aral sa United States. United States.
Pensionado Act. Nagbawal sa pagpapakita ng anumang bandila, sagisag o device para sa pagsulong ng rebeliyon o pag-aaklas laban sa United States. Flag Law. Pumili ng isa sa tatlong gawain kung saan may pakikita ang pananaw.
tungkol sa uri ng pamahalaan at patakarang ipinatupad noong panahon ng mga Amerikano sa bansa. Poster, slogan o tula. Tugon ng mga Pilipino sa kaayusang kolonyal ng mga Amerikano sa Pilipinas. Noong Hunyo 12, 1898, kaagad inineklara ni General Emilio Aguinaldo ang kalayaan ng Pilipinas. Ngunit ang inaasahang kalayaan para sa bansa ay naantala ng formal na angkinin ng Estados Unidos ang Pilipinas sa visa ng kasunduan sa Paris.
Ngunit hindi kinilala ng mga revolusionaryong Pilipino ang pag-angkin ng Estados Unidos sa kapuluan. Noong Enero 22, 1899, ipinroklama ng Asemblea ng Kongreso sa Malolos ang unang Republika ng Pilipinas, na kinilala bilang Revolusionaryong Kongreso. Si General Emilio Aguinaldo ang unang naging Pangulo ng pamahalaang ito. Sa loob ng tatlong taon nagpatuloy ang mga revolusyonaryong Pilipino sa kanilang paghihimagsik para sa tunay na kalayaan ng bansa at sa pagkakataong ito ay laban sa panibagong mananakop ng mga Amerikano. Naganap ang digmaang Pilipino-Amerikano mula 1899 to 1902. Ang pagsisimula ng digmaang Pilipino-Amerikano ay inihudyat.
ng unang putok na naganap sa panulukan ng silensyo at sosego Santa Mesa noong Pebrero 4, 1899. Nang sumunod na araw, ipinagutos ni General Arthur MacArthur Jr., ama ni Douglas MacArthur, natapatan ng mga Amerikano ang mga Pilipino sa labanan. Nagsimula ang labanan mula San Juan hanggang Pasig at iba pang kalapit na puok at sa loob lamang ng ilang araw, Napasok na ng mga Amerikano ang Guadalupe, Pateros, Marikina at Caloocan. Matapos ito, ang labanan ng mga Pilipino at Amerikano ay naganap na sa maraming bahagi ng bansa. Ang labanan sa Maynila ay pinamunuan ni General Antonio Luna, ang kinilalang may pinakakayahang commander ng hukbong Pilipino. Matapos ang labanan sa Maynila, nagsimula ng habulin ng mga Amerikano si Aguinaldo.
Noong Marso 31, 1899, hinabol ni General Arthur MacArthur Jr. si Aguinaldo sa Malolos. Ngunit hindi na niya dinatnan ang pangkat ni Aguinaldo na nakalikas na patungong Bayambang, Pangasinan. Ito ang nagtakda ng pagbagsak ng Kongreso ng Malolos. Noong Nobyembre 1899, ang pamahalaang Pilipino ay lumikas pahilaga at patuloy na naghimagsik laban sa mga Amerikano. Sa pagkakataong ito, ginamit ng mga Pilipino ang estrategiyang gerilya sa pakikipaglaban.
Bunga ng malalakas na sandata ng mga dayuhan at sa tulong ng makabebe scouts, ipinagpatuloy ng mga Pilipino ang kanilang pagsisikap na mapagkalooban ng kasarinlan hanggang sa ito ay matapos sa pagkakabihag kay Heneral Emilio Aguinaldo noong Marso 23, 1901. Pili-letra, ang kasunduang naglilipat ng pamamahala sa Pilipinas mula sa mga Espanyol papunta sa Estados Unidos. Tratado ng Paris Anong pangyayari ang naganap noong Febrero 4, 1899 na siyang sinasabing simula ng digma ang Pilipino-Amerikano? Nagpaputok ang Amerikanong si William Walter Grayson sa mga Pilipino habang nagpapatrolya sa panulukan ng Kalye Sosyego at Kalye Silencio, Santa Mesa. Siya ang tinaguriang bayani ng Tiradpas dahil sa kanyang ginawang pagharang sa mga Amerikano upang makalayo at makatakas si Emilio Aguinaldo. Gregorio Del Pilar, ang Pangulo ng Estados Unidos na nagproklama ng Benevolent Assimilation William McKinley, ano ang nilalaman ng Benevolent Assimilation?
Ang mapagkalingang pamamahala ng Amerika sa Pilipinas Ang sipi sa ibaba ay mula kay Arnaldo Dumindin, kilalang leader politiko noong unang Republika ng Pilipinas. Ito ay bahagi ng isang liham mula sa mga Amerikano patungkol sa kanilang pananakop sa Pilipinas. The U.S. have come not as invaders or conquerors, but as friends, to protect the natives in their homes, in their employment, and in their personal and religious rights.
Moreover, the U.S. wanted to win the confidence, respect, and affection of the inhabitants of the Philippines by assuring them in every possible way that full measure of individual rights and liberties, which is the heritage of free peoples, and by proving to them that the mission of the United States is one of benevolent assimilation, substituting the mild sway of justice and right for arbitrary rule. Pagsusuri, ano ang nais ipadama ng mga Amerikano sa liham? Naging tapat ba ang mga Amerikano sa kanilang inihayag? Bakit? Mapanagutang pagpapasya, sakaling ikaw ang nasa katauhan ni Aguinaldo noong panahon ng imperialismo, paano mo sasagutin ang liham?
Lumikha ng isang liham na magsisilbing sagot sa pahayag na ito.