Ang Pagtatag ng ASEAN Ang Samahan ng Mga Bansa sa Timog Silangang Asia o Association of Southeast Asian Nations ay isa sa mga pang-regional na organisasyon sa mundo. Naglalayon ang ASEAN na katawanin ang Timog Silangang Asia. Mapagtibay ang pagkakakilanlan ng regyon at magkaroon ng matatag na ekonomiya, politika at lipunan sa mga bansa at estadong kasapit.
Inisa-isa sa Deklarasyon ng ASEAN ang mga pangunahing layunin ng pangregional na organisasyon. Layunin nito na mapabilis ang paglago at mapaunlad ng ekonomiya, lipunan at kultura ng buong regyon. Layuni ng ASEAN Declaration na mapabilis ang paglago ng ekonomiya, lipunan at pagunlad ng kultura sa regyon sa pamamagitan ng mga sama-samang pagkilos. Ang maisulong ang kapayapaan at katataga ng regyon sa pamamagitan ng pagpapanatili ng pagkilala at paggalang sa hustisya at mga alituntuni ng mga bansa na sumusunod sa United Nations Charter.
Maisulong ang pagtutulungan ng mga bansa sa kalagayang pang-ekonomiya, panlipunan, kultural, teknikal, agham at pang-administratibo ang makapagbigay ng tulong sa isa't isa sa pamamagitan ng mga pagsasanay o pasilidad para sa pagsasaliksik ng sektor ng edukasyon, profesional, teknikal at administratibo. Makipagtulungan upang mapabilis ang patuloy na pagunlad ng agrikultura at industriya at sektor ng kalakalan, kabilang dito ang patuloy na pagpapaunlad ng mga pasilidad ng transportasyon at komunikasyon at pagsasagawa ng mga pag-aaral sa pagpapalitan ng kalakal upang mapaangat ang kabuhayan ng mga mamamayan ng ASEAN. Maisulong ang mga pag-aaral patungkol sa Timog Silangang Asya. Mapanatili ang malapit at kapakipakinabang na kooperasyon kasama ng mga pandaigdigan at regional na organisasyon na may kaparehong layunin at maghanap pa ng mga paraan para mas mapaigting ang kooperasyon.
Bago pa man na itatag ang ASEAN ay may mga nauna ng regional na organisasyong na itatag na naglalayo ng kooperasyon at pagkakaisa sa regyon. Pinalitan ng ASEAN ang naunang regional na organisasyon na Association of Southeast Asia na naitatag noong July 30, 1961. Ito ay pinangunahan ng tatlong bansa na Malaysia, Pilipinas at Thailand. Ang Association of Southeast Asia ang unang regional na organisasyon sa Timog Silangang Asya na naglalayong mapaigting ang kooperasyon ng mga bansa ng rehyon at mapaunlad ang regional na ekonomiya at kultura. Ngunit sa pag-usbong ng mga alitang teritoryal sa pagitan ng mga miyembrong bansa gaya ng alitang Indonesia laban sa Pilipinas at Malaysia laban sa Pilipinas ukol sa isyo sa Saba ay hindi naging malinaw ang naging rason ng pagbagsak ng ASA. Ang Asian and Pacific Council ay isang malawak na organisasyong pang-regional na itinatag ng mga bansa sa Silangang Asia at ng mga bansang Pilipinas, Australia, Taiwan, New Zealand, South Vietnam at Thailand noong 1966. Noong August 8, 1987 ay nagsama-sama ang limang kalihim ng ugnayang panlabas na mga bansang Indonesia, Malaysia, Pilipinas, Singapore at Thailand at kanilang nabuo ang Bangkok Declaration.
Nilagdaan ng limang kalihim ang dokumento ng deklarasyon na formal na nagtatatag sa Association of Southeast Asian Nations o mas kilala sa tawag na ASEAN. Nilalaman ng deklarasyon ang mga layunin at ninanais ng ASEAN na nakasentro sa pagtutulungan ng mga bansa patungkol sa mga isyo na kinakaharap sa ekonomiya, lipunan, kultura, teknolohiya, edukasyon at iba pang sektor. Binigyang diin din ng deklarasyon na bukas ang ASEAN sa partisipasyon ng lahat ng mga bansa sa Timog Silangang Asia.
Ang Estruktura ng ASEAN Ang ASEAN Charter ang nagsisilbing legal na balangkas at pundasyon ng ASEAN. Ito ay nilagdaan kasabay ng 13th ASEAN Summit noong November 20, 2007 sa Kuala Lumpur, Malaysia. Ang ASEAN ay pinangungunahan ng isang Secretary General na direktang nakikipag-ugnayan sa opisina ng mga ASEAN Community Council. Ang kasalukuyang Sekretary General ng ASEAN ay si Kau Kim Horn mula sa bansang Cambodia. Ang ASEAN Community Councils ay binubuo ng tatlong haligi ng ASEAN.
Ang ASEAN Political Security Community, ASEAN Economic Community, at ASEAN Socio-Cultural Community. Ang bawat Community Council ay may kanya-kanyang binibigyang pansin ng mga issue at usapin. Ang ASEAN Political Security Community ay nagsusumite ng mga ulat o rekomendasyon sa ASEAN Summit sa mga usapin na sakop neto.
Ang ASEAN Economic Community ang responsable na tumulong sa pagsasakatupara ng ASEAN Community Vision sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga layunin ng ASEAN Community Pillar. Ang ASEAN Socio-Cultural Community naman ang responsable na tumulong sa pagsasakatupara ng ASEAN Community Vision sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga layunin ng Socio-Cultural Community Pillar. Ang ASEAN Coordinating Council ay naitatag noong 2008 at binubuo ng mga kalihim na mga ugnayang panlabas ng mga bansa na kabilang sa ASEAN.
Sila ay nagpupulong dalawang beses sa isang taon upang paghandaan ang ASEAN Summit. Ang ASEAN Coordinating Council ang nagsasayos ng implementasyon ng mga mandato ng mga pinuno ng ASEAN at ng iba pang mga inisiyatibong organisasyon. Ito ang nagtatakdang mga siwa sa pagsasagawa at implementasyon ng mga dokumentong itinakda ng mga pinuno ng ASEAN.
Ang mga unang miyembrong bansa at estado ng ASEAN ay ang Pilipinas, Indonesia, Thailand, Malaysia at Singapore. Ang kanilang pag-anib sa ASEAN ay napagtibay sa pagpirma sa Bangkok Declaration noong August 18, 1967. Sumunod na sumali ang Brunei noong 1984. Vietnam 1995, Myanmar at Laos noong 1997 at Cambodia noong 1999. Upang maisakatuparan ng layunin ng organisasyon sa pagpapanatili ng kooperasyon at pagpapaunlad sa iba-ibang aspeto ng mga bansang kasapi, ay may mga hakbangin na ginawa ang ASEAN. Ang Declaration on the Zone of Peace, Freedom and Neutrality.
Isang deklarasyon na nilagdaan noong November 27, 1971. Ang mga kalihim ng ugnayang panlabas ng mga kasaping bansa ay lumagda sa deklarasyon kasabay ang ASEAN Foreign Ministers Meeting na ginanap sa Kuala Lumpur, Malaysia. Ang Declaration of ASEAN Concord. Ito ay naglalayo na patuloy na isulong ang kapayapaan, kaunlaran, kasaganaan at kapakanan ng mga mamamayan na mga miyembrong bansa at estado.
Nilalaman ng deklarasyong ito ang Program of Action bilang balangkas ng pagkakaisa ng ASEAN. Sa kasalukuyan ay mayroon ng tatlong ASEAN Concord. Ang ASEAN Concord na mas kilala sa tawag na Valley Declaration noong 1976, ang ASEAN Concord II noong 2003, at ang ASEAN Concord noong 2011. Ang ASEAN Free Trade Area at ASEAN Economic Community.
Naglalayo na mas mapadali at mas mapausbong ang kalakalan sa pagitan ng mga bansang kabilang sa ASEAN. Ninanais ng kasundoang ito na mas mapaigting ang pagkakaisa ng ekonomiya ng mga bansa sa rehyon sa pag-alis ng taripa sa mga produkto ng mga miyembro. Ang Southeast Asian Nuclear Weapon Free Zone Treaty Nilagdaan noong December 15, 1995 na mga kasaping bansa sa Bangkok, Thailand. Ito ay ang pagpapahayag ng suporta at paninindigan na ingatan at siguraduhin na ang rehyon ng Timog Silangang, Asia ay maging isang rehyon na hindi nagtatago, gumagamit at nag-iimpok ng mga armas nuklear at iba pang mga sandata ng malawakang pagkawasak.
Ang ASEAN Vision 2020, nilagdaan noong December 15, 1997 sa Kuala Lumpur, Malaysia, isang kasulatan na naglalaman ng kagustuhan ng mga kasaping bansa na marating ng regyon ng Timog Silangang Asya. ASEAN shall have, by year 2020, established a peaceful and stable Southeast Asia, where each nation is at peace with itself. where the causes for conflict have been eliminated through abiding respect for justice and the rule of law, and through the strengthening of national and regional resilience. Nasundan ng ASEAN Vision 2020 na isa pang kasulatan na tinawag na ASEAN Community Vision 2025. Ang ASEAN Community Vision 2025 ay nahahati sa pagtalakay ng mga hakbangin at nais makamit ng organisasyon para sa regiyon sa tatlong malawak na usapin.
Ang ASEAN Political Security Community, ASEAN Economic Community, at ASEAN Sociocultural Community. Ang Pagtatag ng Aseyan