Ang mga tiket sa Loteria ni Haji Zakaira May ikling kwento mula sa bayan ng Indonesia Akdani Mukhtar Lubis Nasa bus ako papuntang Kerenchi nang bigla kong naisip si Haji Zakaira. Mahigit labing apat na taon ko siyang hindi nakita. Kamakailan lamang ay namatay ang aking ama sa aming maliit na nayon sa Sumatra at kinakailangan kong bumalik. sa aming bahay upang aliwin ang aking ina at talagaan ang lahat ng mga gawain na kailangang asikasuhin kapag namatay ang isang ama. At isa nga rito ay kinakailangan kong maglakbay papuntang Kirinchi, kung saan mayroon siyang maliit na ari-arian ng guma.
At doon muna ako pansamantalang manunuluyan sa bahay ni Haji Zakaira. Noong una ay wala kong pagkakataon na mag-isip ng sinuman o anumang bagay maliban sa bus. Hindi ko nagustuhan ng ideya ng paglalakbay na ito dahil alam ko na ang kalsada ng motor mula Pedang hanggang Sungay Peno ang daan sa dulo.
dulo ng Kerintsi ay nasa pinakamasamang posibleng kondisyon. Ang napakalaking ilog ay dapat pa rin tawirin ng mga punton at ang kalsada ay nakapagitan sa siksik na ligaw na gubat, pataas at pababa ng malalaking bundok. Ngunit hindi ko kayang tanggihan ang kahilingan ng aking ina.
Kaya mula sa simula pa, inaasahan ko ng paglalakbay na ito at ang mga maaring mangyari. Hindi naman sa nagkaroon kami ng matinding aksidente, bagamat dalawang beses na bali ang ihi ng bus at nadulas kami sa paghinto ng ilang talampakan mula sa bunganga ng malalalim na bangin. Si Ruth ang driver ay tila sanay na dito. At sa katunayan ay may sapat na supply na mga bagong ehe sa likod ng bus.
Gayunpaman, ang gayong mga insidente ay medyo nagdudulot ng kaunting kaba sa akin. At may isang higit na nakagagambala sa aking biyahe. May isang isang binata na malakas na umaawit ng mga taludod ng Quran na pabalik mula sa isang reliyosong paaralan sa parayaman.
Ang pasahero sa kanyang tabi ay nababalisas dahil sa init at sa mabilis na pagindayog ng bus sa mga buluktot na bundok ay labis na nababagot sa malakas na pag-awit at hiniling na huminto ang batang panatiko ng reliyon. Si Ruth din ay nilakasan ang pag-awit. Biglang nagwala ang taong galit na galit na sumigaw sa mga awit na itigil ang ingay na iyon at isara ang kanyang bibig. Sumpayin ng taksil, ang batang panatiko ay napasigaw pabalik, ipinalakpak ang kanyang kamay at hinipitan ang... ang pagkatali ng kanyang sinturon.
Gaano ka nangahas na utusan ako na ihinto ang pag-awit ng mga sagradong talata ng banal na Quran. Pagkatapos ay magpakawala siya ng mga pahayag na Arabic, ay bumalik ito sa kanyang lokal na dialekto. Ito ay Isinumpa ang taong galit sa kanya ng apoy ng impyerno, puot ng Diyos at black death sa loob ng pitong henerasyon. At pagkatapos, tumingin siya sa bawat isa sa amin. Na makitang walang gustong humamon sa kanya, tumahimik siya.
Nakalimutan ang kanyang intensyon na patayin ang may sakit na pasahero. At muling nagsimulang umawit ng kanyang mga taludod ng mas malakas kaysa dati. Ngunit sa wakas ay nasanay na ang isa kahit sa mga sirang ehe.
Bangin sa bangin at pag-awit ng mga panatiko at bumalik ang aking isip kay Haji Zakaira. Ito ay noong aking ama ay Commissioner ng Distrito sa Kerinci, matagal na mga taon na nakalipas. Bata pa lang ako noon, ngunit palagi kong naalala si Haji Zakaira bilang isa sa pinakamabait na tao na nakilala ko.
Isa siyang mayamang tao, mayroon siyang mga ektarya ng palayan, mayroon siyang malalaking plantasyon ng kape na may pinakamagagandang uri ng Robusta at Arabica. At noong panahon yun, mataas ang presyo ng kape. Ang aking ama'y mayroon. Meron ding isang tanima ng mga kape, ngunit hindi ganong malaki. Nang magsimulang mas tumaas ang presyo ng goma sa mga pamilihan, nagpas siya ang aking ama na putulin ang kanyang mga puno ng kape at sa halip ay magtanim ng goma.
Pinayuhan nito ni Haji. Haji Zakaira, ngunit natakot si Itay na bumagsak ang merkado ng kape at pagkatapos ay guma ang mas nagmamahal ang presyo. Natawa si Haji Zakaira sa ideya ni Ama na parang umanong baliw. Ang mga tao ay palaging umiinom ng kape, sabi niya, ngunit sino ang kakain ng guma?
Tuwing bagong taon, siya at ang aking ama at ina ay nangangako na sasamahan siya sa paglalakbay sa Mecca. Ngunit palaging kailangan pumunta ni Haji Zakaira ng mag-isa. Hindi kailanman nakakapaglakbay si na ama at ina sa Mecca. At nitumban ng huli ko lamang nalaman ang dahilan ay wala silang sapat na pera. Bawat taon ay sinikap ni Haji Saqaira na tanggapin nila ang pera mula sa kanya at sinabi kay Itay, O kaibigan kong komisyoner, bakit ang lupit mo sakin?
Hindi ba pera mo ang pera ko? Hindi ba bahay mo ang bahay ko? Kung hindi mo tatanggapin ang pera bilang isang rigalo, ituring ito bilang isang utang na maari mong bayaran kahit kailan mo gusto. Ngunit ang aking ama ay tatawa lamang at tatanggi sa alok at si Haji Zakaira ay aalis sa aming bahay ng galit na galit.
At pagdating ng araw, nag-iisa na naman siya sa paglalakbay. Ngunit nang bumalik siya mula sa banal na lupain ng Mexico, Hindi niya makakalimutang dalhin kay inay ang mga pulang coral stone ng Dead Sea, maliliit na sanga mula sa ilang mga banal na puno ng meka na ginamit bilang toothbrush, at ang tubig ng zamzam sa isang bote mula sa mga banal na bukal. At pagkatapos ay naalala ko rin kung gaano kahilig si Haji Zakaira sa mga loteria.
Bawat buwan ay gumagasto siya ng malaking halaga sa mga tiket sa loteria mula Padang. 400 hanggang 500 rupiya ang halaga at nung mga araw na yun ay nagkakahalaga ito ng halos 300 dolyar. Sa pagkakalala ko, wala pa siyang panalo.
Gayunpaman, hindi niya itinapon ang mga lumang tiket at iningatan nito mabuti bilang isang koleksyon. Naaalala ko nga, noong gabi ng isang bagong libaran, sina ama at ina ay dinala kami upang bisitahin siya at sinimulan niyang sabihin sa amin ang tungkol sa mga loterya. Oh, aking mga mabuting kaibigan, sabi niya.
Noong nakarang buwan ay halos nanalo ako ng malaking premyo. Ang nanalong numero ay 56889 at ang isa sa aking mga tiket ay 567888. Ngayon ay malapit na akong manalo. Sa susunod na buwan, bibili pa ako ng mga tiket.
Si Itay na nag-isip na ang mga loteria ay kasing laki ng kasama ng pagsusugal ay hindi sumangayon kay Haji Zakaira at madalas nilang pinag-aawayan nito. Sa pagkakataon ito, kinindatan sa mata. ng aking ama si Haji Zakaira at nagtanong siya, Ah Haji, gaano kalakian na sayang mo sa mga loterya na ito nang hindi ka man lang nakakuha at nalo ng kahit isang sinti mo? Umalis sa kwarto si Haji Zakaira at bumalik na may dalang isang kahon na yari sa lata.
Sa loob nito ay may mga laman na mga koleksyon nitong mga tiket sa loterya na nakasalansan sa isa't isa. Mayroong halos 10,000 rupiya ang halaga ng mga ito, wika niya, na hinampas ang kaha gamit ang kanyang palad. Ito ay laro lamang ng kapalaran. Kung manalo ka, makakakuha ka ng malaking tubo. Kung matatalo ka, ano ang kahalagahan ng...
ng limang daan o walong daan at rupiya bawat buwan. Umiling lamang ang aking ama at pagkatapos ay sinabi, Ano ang silbi ng mga papel na tiket sa'yo? Marihing ipinapayo ko sa'yo na itapo na mga ito. Masama sila at magdadala. Ang dadala ng kalungkutan sa iyong puso sa bandang huli.
Tumawa na malakas si Haji Zakaira. Hindi, paliwanag niya. Ang kasiyahan ng mga loteria ay nakasalalay sa pagkaunawa kung gaano ka kalapit minsan sa pagkapanalo ng malaking premyo.
Isa o dalawang numero lamang ang gumagawa ng lahat ng pagkakaiba. Nasa puntong ito ng aking mga alaala nang huminto ang bus sa tapat mismo sa bahay ni Haji Zakaira. At tumalunak o palabas.
Naghihintay na si Haji Jisakaira sa harapan at niyakap niya ako katulad ang pagyakap nito sa akin nung bata pa ko. Sa loob ng kanyang tahanan, tinanggap ako ng kanyang asawa, mga anak at mga anak na babae at nakahanda na rin ang mga pagkain. Pagkatapos ng hapunan ay napapansin ko na ang malaking bahay ay nagbago at ngayon ay tila walang laman.
Naalala ko noon ang makapal na smear na carpet sa sahig at ang ingay na ginagawa ng mga bata. Mayroong anim na anim. Si Haji Zakaira, lumaki na rin sila at ngayon ay isang babae na lamang ang naiiwan, si Mariam, ang nananatili sa bahay na walang asawa. Siya ang aking kalaro nung bata pa kami, ngunit ngayon ay nag-iisa magandang dalaga na siya.
Halos buong sandali, hindi ko maalis ang aking mga mata sa pagkakatitig sa kanya. Si Ajinz Akaira ay halos walang tigil sa pakikipag-usap sakin. Inaalala ang mga lumang araw at inuulit-ulit kung gaano kahangahangang makita kung muli at kung gaano kalungkot na namatay ang aking ama.
Nang maglaon, nang umalis sa mga anak na lalaki at babae at si Mariam at ang kanyang ina ay bumalik sa kusina, biglang sinabi ni Haji Saqqaira, Mahirap na kami ngayon anak, namumagsakamirkado ng kape, maraming taon na nakalilipas, sinunod ko ang halimbawa ng iyong ama. Pinutol ang mga puno ng kape at nagtanim ng goma. Ngunit nang tumubo ang mga puno ng goma, bumagsak din ang halaga nito. At sa katangahan ko, pinutol ko ang mga ito at muling nagtanim ng kape.
Ngunit ang mga presyo ng kape ay nananatiling bumaba. Maswerte ang iyong ama. Dumikit siya sa goma sa panahon ng pagbagsak nito. At nang gumawa ng rubber boom ang Korean War, nagbunga ito.
Hiniling niya sa akin na lagaan ang kanyang taniman. At malaki ang naitulong nito sa amin. Ngunit ngayon ay bagsak na naman ang goma. Pagtatapos niya.
At hindi ko alam kung ano ang mangyayari. Sinabi ko sa kanya aking misyon. Hiniling ni inay sa kanya na ipagpatuloy ang pag-alaga sa taniman ng goma. Ngunit ngayong wala na si Itay, ituring ito bilang kanya.
Kinagabihan, pumunta siya sa moske at pumasok si Mariam upang makipag-usap. Ayon kay Mariam na bumagsak ang kape, hindi ito masyadong sineryoso ng kanyang ama. Siya ay nagpupunta pa rin sa Meka bawat taon at bumili ng kanyang mga tiket sa Loteria tulad ng dati. Nang maglaon, kailangan niyang magbenta ng ilang palayan bawat taon upang mabayaran ang kanyang paglalakbay. Ngunit ang pinakamalaking dagok na dumating pagkatapos ng pananakop na militar ng Japon, si Haji Zakaera ay isang makabahayan kasama ang kanyang mga anak na lalaki sa revolusionaryong hukbo at ibinenta niya ang marami sa kanyang mga palayan upang bumili ng Republican National Loan Bonds.
Hindi na ito at patriotismo lamang, alinman. Ginagarantian ng gobyerno na republika ang interes at ang buong pagbabayad ng prinsipal sa loob ng tatlo o apat na taon. Pagkatapos ay dumating ang Korean War.
Gayunpaman at sa kabutihang palad, ay hiniling ng aking ama kay Haji Zakaera na pangasawaan ang kanyang plantasyon ng Goma para sa kalahati ng kita. Mula sa kwento ni Mariam, Itinuturing na si Haji Saqqaira ay may kaya pa rin sa karaniwang mga pamantayan. Lahat ng kanyang mga anak na lalaki ay nagtatrabaho at tinutulungan siya. At mayroon pa siyang ilang palayan, kaya hindi na niya kailangan pang bumili ng bigas. Ngunit, sabi ni Mariam, hindi na niya kaya maglaro ng loteria o gawin ang kanyang taon ng paglalakbay sa Mecca.
At yun ay nakakalungkot sa kanya. Di naglaon ay nakabalik mula sa mosque si Haji Saqqaira at nang may biglang kung anong mayroon. mayroon sa akin nang bigla kong tinanong siya tungkol sa kanyang mga loteria. Lumiwanag ang kanyang mukha at ako ay dinala niya sa kanyang silid at inilabas ang malaking kahonayari sa lata at ito ay kanyang binuksan. Nalala mo ba kung paano ako bumibili ng mga tiket sa loteria kada buwan at gaano kadalas ako malapit ng manalo?
Pakiusap, subukan mo nga ang tantyahin kung ano ang halaga ng lahat ng ito? Oo, tiyak na libu-libong rupiya ang sabi ko. Hindi, hindi lang libu-libu anak Alam ko nang isakto kung magkano ang binayad ko para sa sa mga ito.
56,000 rupiya. Hindi higit, hindi bababa. At ang mga ito ay magagandang rupiya.
Isipin mo, hindi ang ating kasalukuyang rupiya. At hindi ka nananalo? Nagtatakang tanong ko.
At hindi ako nananalo, sagot niya. Tumawa siya, isinara ang bag at nagsimulang magtungo sa kanyang kwarto. Matulog ka na, anak, sabi niya. Pagkatapos ay napabulalas ako. 56,000 rupiya.
Ang lumang magagandang hindi mo ba napagtanto ang nangangahulugan nito ng higit isang milyon at kalahati ngayon? Ano ang hindi mo mabibili sa napakaraming pera kahit na sa mga presyo ngayon? Aba, sana mayaman ka ngayon. Huminto si Ajiz Akaira at tumawa, tapos bigla siyang tumigil sa pagtawa. Tila may ulap na tumawid sa mukha at mga mata niya at tumingin siya sa akin ng kakaiba.
Pagkatapos ay bumulong siya. Kalukuhan na yung mga pinagsasalita. Matulog ka ng maayos.
Siguradong pagod ka sa iyong paglalakbay. Ang aking silid ay nasa pagitan ng matandang mag-asawa at ni Mariam. Narinig kong hindi siya mapakali. At sa puso ko ay umaasa ko na kung hindi siya makatulog ay dahil sakin.
Isang buwan mula nang ako ay nakabalik sa Jakarta na makatanggap. Nanggap ako ng liham mula kay Mariam. Sinabi nito sa liham na hindi ito mapapalagay sa inasal ng kanyang ama mula nang bumisita ko sa kanila.
Madalas siyang nagkukulong sa kanyang silid. At nang makita nila ay abala siya sa pagbibilang ng kanyang mga tiket sa loteria. Mula noon, si Ajiz Akaira ay naging napakatahimik at sa loob na maraming oras at kahit na mga araw ay hindi nakikipag-usap sa sino man.
At minsan, nang kunin niya ang kanyang baril para mangaso at manghuli, bumalik siya ng walang dala. Tumangging sabihin kung saan siya pumunta o kung ano ang nangyayari. nangyari.
Samantala ang mga lawa ay punong-puno ng mga ligaw na itik noon na hindi niya maaring palampasin ang mga ito. Kahit isang itik ay wala siyang huli. Sumulat ako pabalik. Sinabi ko kay Mariam na huwag mag-alala.
At sinabi ko, tulad ng ginagawa ng mga kabataan, na ang mga matatanda ay may sariling mga problema, ngunit sila ay sumasabog. Pagkarana isang linggo, ipinag-alala. Ipinalam sakin ng isang telegrama mula kay Mariam na patay na ang kanyang ama.
Ipinaliwanag sa liham na si Haji Saqqaira ay nagpakamatay sa kanyang nakalak na silid sa pamamagitan ng pagbuga ng kanyang utak gamit ang baril. Nang pilitin nilang buksan ng pinto, nakita nila siyang nakahiga sa gitna ng silid. Tumalsik ang kanyang dugo sa lahat ng kanyang tiket sa loteria na kumalat sa sahig at ang Republican government bonds.
Ang aking ina, pagtatapos ni Mariam, ay nagkasakit at hindi ko alam kung anong gagawin. At ito ngayon ang aking suliranin. Ano ang aking gagawin?
Ilang gabi na akong hindi makatulog. Nakokonsensya ako. Pinatay ko si Ejil Zacaera sa pamamagitan ng pagpapaalala sa kanya ng kanyang mga tiket sa loteria.
Sa kalungkutan ay pinatay niya ang kanyang sarili dahil ipinalala ko sa kanya ang kanyang kahangalan. Mahal ko si Mariam. Ngunit maribang pakasalan ng isang anak na babae ang lalaking pumatay sa kanyang ama. Anong kaligayahan ang aking may handog? sa aking magiging asawa na si Mariam kung maramdaman ko lang ang katiyakan at katiyakan na hindi dahil sa mga loteria kaya pinatay ni Haji Zakaria ang kanyang sarili.
Kung maniniwala lang ako na nagbunsod sa kanya sa pagpapakamatay ay ang kanyang kalungkutan sa hindi nabayarang Republican National Bands. Ang wakas ng kwento.