Transcript for:
Pagsusuri sa Budget ng OVP sa Senado

Magandang gabi po Luzon, Visayas at Mindanao. Nagkainitan sa hearing ng Senado para sa budget ng Office of the Vice President na imungkahing ilaan na lang sa mga ahensya ng gobyerno ang pondo. para sa programa nito kung pareho lang sa iba. Sagot ng Bise na pupulitika raw kasi ang budget. Ito rin ang tawag niya sa hearing ng tanungin tungkol sa kanyang libro na gagastusan ng gobyerno ng 10 milyong piso. Natanong din ang Bise tungkol sa umunoy nilulutong impeachment complaint laban sa kanya at giit niya hindi siya natatako. Nakatutok si Marisol Abduraman. Sa mahigit 2 bilyong pisong 2025 proposed budget ng Office of the Vice President, may ilang mga naging tanong si Sen. Rizal Tiveros kay Vice President Sara Duterte. Ikukonsidera rao ba ng OVP? Nailagay na lang sa line agencies ang pondo para sa mga proyekto ng OVP, meron din ang mga ibang ahensya, tulad ng medical, financial at education assistance. Para in sync sa priorities ng executive department, sa halip na magkaroon pa ng... Hiwalay pero magkatulad naman na programa. Sabi ng vice, sa karanasan daw niya kapag nakasalalay sa ibang ahensya na pupulitika raw ang kanilang budget. Kapag meron po kaming nire-refer o binibigyan ng endorsement ng AICSA sa DSWD, kadalasan po nasagot sa amin ay hindi pwede dahil galing yan sa office of the vice president at kalaban yan. Minsan po, totoo yan. na pupolitika ang assistance para sa ating mga kababayan. Pero nagkainitan ng dalawa nang tanungin ni Jonte Veros ang tungkol sa nilalaman ng children's book na sinulat ng BSE at gagastusan ng 10 milyong piso para ipamahagi sa mga batang estudyante. Madam Chair, this is an example of politicizing the budget hearing through the questions of a senator. Ang problema niya kasi, nakalagay yung pangalan ko doon sa libro. At yung libro na yan, ibibigay namin doon sa mga bata. At yung mga bata na yan, may mga magulang na buboto. At yung pangalan ko ay nagkalat doon sa kung saan man ibibigay yung libro. Madam Chair, hindi ko maintindihan yung ugali ng ating resource person. It is a simple question. Paulit-ulit na this is politicizing. Ang VP ang nagbanggit ng salitang boboto. Wala akong sinabing boboto. Usually, ang resource persons natin ay nagbibigay ng parehong institutional courtesy sa legislature na ibinibigay natin sa executive. I don't appreciate this kind of attitude. Hindi ko rin maintindihan ang ugali ni Sen. Teresa Antiveros and I do not appreciate, ano yung sinabi niya? I do not appreciate this kind of behavior and attitude. Naongkat pa ang minsang paghingiraw ni Ontiveros ng tulong kay VP Sara nung mayor pa siya ng Davao noong 2016. Madam Chair, noong 2016, tumatakbo si Sen. Teresa Ontiveros na senator na kailang talo na siya. Dalawa, Madam Chair. Okay, dalawa. Natatakot siya sa pangatlong talo niya, kaya pumunta siya sa Davao, humingi siya ng tulong. Noong nanalo siya, anong ginawa niya? Siya ang pinakaunang umatake. kay President Rodrigo Duterte. Anong tawag sa ugaling ganito? Dito na umawat si Finance Committee Chairperson Sen. Grace Poe. Natanong ang VP tungkol sa kanyang security. Ano na bang status? Ilan ang tinanggal na security? It was a targeted list. It was a political move. It was political harassment. Sa huli, pasado sa komite ang hinihiling na 2.037 billion na budget ng OVP. Pero bago matapos ang pagdinig, may hirit pa ulit ang vice. We would like to thank all the honorable members of the Senate for your... For doing your work here in the Senate of the Philippines, except... Joke lang, ma'am. Magandang hapon. BP talaga. Consistent, Madam Chair. Pagkatapos ng hearing, muling napunta sa politika ang usapin na makapanayan ng media ang bise, particular tungkol sa umunay ni Luluto ng impeachment complaint alaban sa kanya. Pinag-uusapan nila, kahit na i-deny nila, pinag-uusapan ng members of the House of Representatives. It's openly discussed yung impeachment. Ano ba ang gusto nilang gawin? Gusto nilang pabagsakin ang pamilya Duterte sa politika. At hindi lang siguro politika, sa personal din. Sinama nga nila yung asawa ko, he's a private individual, pero sinama nila sa harassment nila. Di raw siya natatakot na ma-impeach. Wala naman daw talaga siyang plano nung tumakbo bilang vice. Kung hindi lang daw humingi ng tulong sa kanya, ang magkapatid na sina Sen. Aimee at Pangulong Bongbong Marcos. Sabi nila, hindi kami mananalo kung hindi mo tutulungan kami sa Mindanao at sa Visayas. Pagpaalisin nila ako dito or impeach nila ako, hindi ikawalan sa akin. Nang tanungin kung nagsisisi ba siyang tumulong kay Pangulong Marcos. Do I regret helping? Haa... Do you want to answer the question? Or alam mo ba ang tanggot? Para sa GMA Integrated News, Marisol Abduraman. Nakatuto 24 oras. Nakarating na sa Malaysia, Singapore at Indonesia, si Alice Guo. Batay sa record ng mga immigration nila, ayon sa ating Bureau of Immigration. Pero ang giit ng abugadong nagnotaryo. ng counter affidavit ni Goh, personal niyang nakaharap ang dinismissed na mayor noong nakaraang linggo. Nakatutok si Sandra Aguinaldo. Sabi sa Senado kahapon, July 18 pa nakalabas ng Pilipinas si dismissed banban mayor Alice Goh. Pero may taong nagsasabing nakaharap niya si Goh, nito lamang August 14. Si Atty. Elmer Galicia, ang abugadong nagnotaryo ng counter affidavit ni Goh, sa isang human trafficking complaint. Nagpaliwanag siya sa Department of Justice pero tumaging magbigay ng payag sa media. Sabi ng mga nakapulong niyang prosecutor na nakatutok sa Banban Pogo, pinanindigan ni Galicia na personal niyang nakaharap si Go nang ninotaryo niya ang counter affidavit nito. Isang kaalan umano ang nag-ayos ng... At pagpapanotaryo. On August 14, 2024 at around 7 o'clock PM, nung dumating siya sa opisina, nandun na isang Land Cruiser on board is Miss Alice Guo. Nakausap sila ni Alice Guo dun sa baba ng kanyang opisina. Nakita niya. At nagpresento ng driver's license si Alice Guo sa kanya. Hiningan ang sinumpaang salaysay ng DOJ. at anumang ebidensyang sinunod niya ang alituntunin sa pagdanotaryo, kabilang ang personal na pagharap ng taong nagpapanotaryo. Pero ang Bureau of Immigration nakatanggap na impormasyon sa mga immigration ng ibang bansa na wala si Go sa Pilipinas sa pecha ng pagpapanotaryo. Bagamat walang record ng pag-alis sa Pilipinas si Go, may record daw ang Malaysian immigration ng pagdating ni Go sa Kuala Lumpur noong July 18. May record din ang pagdating niya sa Singapore noong July 21 at may record din ang arrival niya sa Batam, Indonesia noong August 18. Yung most recent po is August 18 which is the other day lamang lumipat po siya including her group po with Sheila Lealguo, Wendy Lealguo and Cassandra Leong papunta na po ng Indonesia. Batay sa intel ng immigration, may flight pabalik ng Pilipinas-Sigo. Upon verification po, wala pong sumakay doon sa aircraft na yun pabalik po ng Pilipinas and it got us asking the question na bakit siya may ticket galing sa labas papasok ng bansa when our record... states that she is still in the country. Bineripika pa nila ito, kaya hindi agad nasabi sa mga senador na nag-iimbestiga sa POGO operations na kinasangkutan ni Go. Posible rin umanong di dumaan si Go sa airport kunsaan may mga immigration personnel at sa halip ay sa mga backdoor o iligal na daanan kunsaan hindi na immigration ang nakabantay. Kagaya po ng mga private airstrip and mga tawid dagat. Tingin po natin yun po ang inabuso ni Mayor Guho upang makalabas po ng bansa and to circumvent immigration. Ganun pa man, iniimbestigahan pa rin ang immigration kung mula sa hanay nila ang nagpalusot. Ultimatum ni Justice Secretary Boyeng Remulya sa kung sino mang immigration personnel ang may papel sa pag-alis ni Guho, lumantad na at magsabi ng totoo. Kung hindi, personal niyang aalamin ang nangyari, may masisibak at higit pa. Aalamin din kung may papel ang kampo at mga abugado ni Go sa kanyang paglabas ng bansa. Sabi naman ang isa sa mga abugado ni Go, Kasi ako nag-reply ako sa sinasabi niya, assurance niya sa akin. Sabi niya, nandito naman siya sa Pilipinas. Although personally, nandito naman siya nakita. Para sa GMA Integrated News, Sandra Aguinaldo, Nakatutok 24 Horas. Sunod-sunod na nagtumbahan ang labing limang poste sa Marilao, Bulacan. nang mabatak ang kawad nito ng isang dumaang truck. Dalawa ang sugatan habang daan-daan ang nawala ng kuryente. Nakatutok si Oscar Oida. Maghapong kinumpuni na matawa ng Meralco ang mga nabuhag nitong poste dito sa barangay Lambakin ng Marilao, Bulacan. Maghahating gabi-gabi nang masabitan umunod ng isang dumaraang 10-wheel dump truck ang mga kawad ng kuryente sa... Mario Santiago Road. Sa tuloy na pag-andar ng truck, nahatak kaya nagsitumba ang labin limang poste sa lugar. Sampu sa mga ito ay poste ng Meralco, sugata ng isang motorcycle rider at isang siklistang nabagsakan ng lumaylay. ay nakawad. Agad naman silang dinala sa ospital. Ang tumama naman sa akin yung wire. Napadapa ako noon. Akala ko naman, katapusan ko na. Kung nasa naman po yung may-ari ng company ng truck, bayaran na lang po yung araw ko. Kasi ilang araw din po ako makapagpahinga na ito. Hiwalay pang abala ang mismong pinsala sa mga bumagsak na poste at epekto nito sa supply at komunidad. Hindi pa masabi ng Meralco ang halaga nito. Oo! Ang isang poste, kaya lang price lang ng pull, 15 to 20,000. Kaya lang, poste lang yun, may labor pa, at saka may mga attachments pa yan. At saka yung nawalan ng opportunity loss nito. Yun, yung nakikita ko ang mga posibleng maging charges niya. Tumangging humarap sa kamera ang driver ng truck nang kuhanan namin ng pahayag. Umabot sa 800 pamilya ang nawalan ng kuryente. Sa dami naman na buwag na poste, ayon sa meralko, hindi daw... talaga biro ang pagsasayos ng mga ito pero target nilang matapos ang trabaho bago mag alas 12 ng hating gabi. Anggat maaaring asan abang maliwanag para hindi kami mahirapan sa restoration pero kung abutin man ang kuhan ng din. Basta today, basta this day, yun ang target naman. Bago magtanghali kanina, ay naibalik na ang kuryente sa ilang bahay. Pero hindi sa ilang lugar tulad ng kina Carlos Miguel. Wala, paypay ka lang talaga ng paypay. Tapos anong oras na nawalan kaya hindi din makatulog na maayos. Mainit po eh. Ang ilan nga daw, sa labas na ng bahay nagpalipas ng magdamag. Para magkaroon po kayo ng idea kung gano'ng kainit ang panahon dito kagabi, yung ilang mga residente, eh ginawa ng makeshift na... na tulugan yung kanilang mga sasakyan. Para lang kahit papano, medyo presko. Gagabi, nawalan kami ng ilaw, kaya dito na po kami natulog sa labas. Gumak, bakit may bahay-bahayan? Hindi kami nakatulog para mag-pay-pay ng... hindi rin makadaan ang mga sasakyan kaya naglakad papasok ang mga mag-aaral sa lugar maayos na po kasi napakahira po eh ang hira po pumasok pag ganito po para sa GMA Integrated News Oscar Oida nakatutok 24 oras pumalaga ang kampo ni Pastor Apollo Quibuloy nang basahin sa Senado ang testimonya ng isa umanong inabuso niya humarap din sa Senado nag-asuporta ng pastor na namatayan o banon ng kaanak sa raid ng PNP sa compound ng grupo Nikki Beloy. Nakatutok si Jun, venerasyon. Mainit ang naging tagpo sa pagitan ni na Interior Secretary Benjor Abalos at mga opisyal ng KOJC o Kingdom of Jesus Christ ni Pastor Apollo Quibuloy sa pagdinig sa Senado kanina. Pumalag kasi ang abugado ni Quibuloy ng basahin ni Abalos ang laman ng testimonya noon sa Senado ng isa umanong biktima ng panggagahasa ng leader ng KOJC. You will have your time at auditorium. Yes, I know that. This is part of the transcript of the Senate. That is improper. Order, order, order. This is my speech. You cannot tell me what is improper. This is my right. Order, order. I am the chairman. Please listen to me. Itinuloy pa rin ni Abalos ang pagbasa sa testimonya ng umunoy biktima. Noong nakahiga na ako, pumaibabaw sa akin si Kibuloy. Gusto kong sumigaw ng tulong. Kung hindi totoo ito, okay may karapat na siya sabi niya hindi totoo. Pero kung totoo ito, dapat lamang siyang malagot sa batas. To quote verbatim the allegations in the affidavit complaint, I think Attorney Abalos knows that it is improper in a Senate proceeding. That is also unfair on the part of Pastor Apolo Siquibuloy who cannot actually also state his portion. Sabi mo sa kliyente mo, sumuko na. Ang pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs ay kaugnay ng umanoy labis na puwersang ginamit ng PNP nang isilbi ang Warrant of Arrest laban kay Kibuloy noong June 10. Nangaharap si Kibuloy sa kasong paglabag sa Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act at kaso ng Qualified Human Trafficking. Kinontra naman ng Department of Justice ang sinasabi ng kampo ni Kibuloy na iligal ang 10 milyon pesos na reward para sa ikakaaresto ng religious leader. Maliwanag naman sa ating sistema na hindi bawal. Hindi bawal ang pabuya para mahanap ang isang akusado. Sa pagdinig, iniharap ang isang taga-suporta ni Kibuloy na nawalan daw ng mga mahal sa buhay dahil sa takot at trauma sa ginawang raid sa KOJC compound. Umatay akong papa, umatay akong asawa. Unya, wapag yung itawang malasakit, ngamuingon sa kuha. Sir, pasensya lang yun kaya trabaho na mo. Pero nanindigan ang mga PNP ground commander na hindi excessive force ang kanilang ginamit nang isilbi ang arrest warrant. Ito ang pangalawang hiling ng Senado ukol sa umunay labis ng pwersang ginamit ng PNP nang isilbi ang arrest warrant laban kay Pastor Apollo Quibuloy. Pag-aaralan pa ng mga Senador. Kung ito na ba ang huli o kailangan magpatawag pa ng isa pang hearing. Para sa GMA Integrated News, June Veneration, nakatutok 24 oras. Pinalibutan ng mga barko, speedboat at rubber boat ng China Coast Guard ang BRP Teresa Magbanua ng Pilipinas na nasa Escoda Shoal. Pangamba ng PCG, magiging mahirap ang resupply mission kung ganyan ang sitwasyon. Nakatutok si Chino Gaston. Ilang oras pa lang ang nakakaraan matapos banggain ng China Coast Guard ang BRP Bagacay at Cape Engaño sa Escoda Shoal kahapon. Pinalibutan naman ang Chinese Militia Vessels, China Coast Guard at maliliit na speedboat at rubberboat ang BRP Teresa Magbanua. Sa bilang ng Philippine Coast Guard, limang rubberboat at tatlong speedboat ang paikot-ikot at tila nagbabantay sa paligid nito. Sa di kalayuan, makikitang nakaangkla ang CGV 5202 at 4303 ng China Coast Guard. Bukod pa sa mga Chinese militia vessels. Ayon sa PCG, ang maliliit na rubber boat at speedboat ng China ay kapareho ng mga nangharang at bumanga sa mga rubber boat ng Philippine Navy sa resupply mission sa BRP Sierra Madre noong June 17 sa Ayungin Shoal. They are so afraid with their own narrative that we are going to reinforce our presence in Skoda Shoal and deploy additional vessel dito para samahan ng Teresa Magbanwa. Mula Mayo, ilang beses nang inirereklamo at pinaaalis ng China ang BRP Magbanwa sa Escoda Shoal na nagbabantay sa umano'y tangkang reklamasyon doon ng China. At dahil limitado ang supply ng barko ng PCG, kailangan hatiran ito ng supply ng tubig at pagkain. Pero magiging mahirap daw ang resupply kung nakaharang na sa palibot ng mga barko ng China. As far as our enforcement is concerned, lahat ito ay alinsunod sa UNCLOS and of course the 2016 Arbitral Award. Pero hindi ba tayo mahirap ang magbigay ng supply? Kung nakapalipot sila? Well, that may be a challenge but that is something that we are strategically considering pa. Para sa maritime law expert na si Prof. J. Batumbacal, malinaw na interference o pangingialam na ang ginagawa ng China na posibleng ireklamo sa UNCLOS o iba pang tribunal. Unlawful interference in the legitimate maritime activities of another sovereign state in its own... Exclusive economic zone. It is directly contrary to the principles of the United Nations. Especially against this threat and use of force and it is also a matter of coercion. Dagdag pa ni Batong Bakal, ang mga agresibong taktika ng China ay taliwas sa pahayag na naghahanap ito ng mabayapang solusyon sa problema sa West Philippine Sea. Para sa GMA Integrated News, Chino Gaston na Katutok, 24 Horas. Binaha ng hanggang hita ang ilang lugar sa Malabon kahit hindi umulan ng malakas Nasira na rin kasi ang isang tide control gate dahil sa presyo ng tubig, bunsod ng sira pa rin floodgate sa Labotas Nakatutok si Darlene Cai Ganito kalakas ang ragasan ng tubig palabas sa Kailanan Creek sa Barangay Dampalit Malabon kahapon ng umaga matapos masira ang Dampalit Tide Control Gate sa lakas ng agos na tangay pati samot saring basura. Agad bumaha sa Barangay Dampalit at mga kalapit na... Sa bahay ni Naremi, kaunting tubig na lang ang natitira ngayon mula sa abot-tuhod na bahakahapon. Nagulat ako, saka natakot din ako dahil lumalaki ang tubig. Sabi ko saan kaya ako pupunta, sabi kong ganun. Hindi naman ako umalis. Siyempre, walang tao dito. Labis ding ikinagulat ng barangay ang biglang pagbaha dahil hindi naman daw malakas at tuloy-tuloy ang ulan kahapon. Nagpanik po kami nila. Kasi ito, biglang bugan na lang ng pinakapanara ng gate. Luma na raw ang floodgate kaya hindi namin ito kinayang high tide na sinabayan pa ng malakas na agos ng tubig sa creek. Yung pagkakasira din po ng nabotas na bigational gate. Isa po yun sa dahilan kung bakit. Ang lahat po ng presyo ng high tide sa amin. po napunta. Kaya po sumabog tong floodgate natin. Umabot daw hanggang hita ang bahas sa ilang bahagi ng Dampalit, kaya sinuspindi ng local government ang klase sa lahat ng antas mula kahapon hanggang ngayong araw. Agad naglagay nitong mga sheet pile yung makaunin ng barangay Dampalit bilang pansamantalang solusyon. Meron pa rin kaunting tubig na tumatagas pero napakalaking bagay na raw nito para mapigilan yung pag-agos ng maraming tubig mula sa creek. Rumespon din na rin ng MMDA sa lugar. Ang order po, ipakatihin mo muna ito, tapos ipasisid ito yung aming chief engineer doon sa Pasig para ma-check up ang ilalim. Pusible raw umabot hanggang sa susunod na linggo ang pagkumpuni sa Dampalit floodgate. Doon nila yung na-damage support, ipapalit na po yung bago at yung na-damage i-repair. Samantala, humupa na ang baha sa halos lahat ng lugar sa Malabon kaya posible raw magkapasok na bukas. Para sa GMA Integrated News, Darlene Cai, Nakatutok 24 Horas. Pinag-aaralan na ng Health Department ang pagdedeklara ng dengue outbreak sa bansa. Nasa kalahati pa lang kasi ang taon at hindi pa nagsisimula ang lanin niya. Eh mahigit isang daan libu na ang... nagdede o nagkakadengge. Nakatutok si Mark Salazar. Tatagal ng isang buwan ang ganitong mga anti-dengue misting operasyon ng local government ng Manila. Ang kanilang tinututukan, mga eskwelahan sa lungsod. Ganyan din sa Caloacan City na hanggang sa mga eskinita hindi pinalalagpas. Ang target, puksain ang mga lamok na carrier ng sakit na dengue. Sa huling talakase ng Department of Health noong August 13, umabot na sa 136,161 ang dengue cases mula. mula Enero hanggang August 3. 33% itong mas mataas kumpara sa parehong panahon noong isang taon. Bilang tugon, balak ng DOH na magdeklara na ng dengue outbreak. Magdideclare din ako ng dengue outbreak. Kasi based on my conversation with our epidemiology bureau director, outbreak levels na ang ating dengue. Sa gitna nito, mas kaunti ang namatay sa dengue ngayong taon dahil sa early detection and management. Pero nasa masugid na kampanya pa rin daw sa kalinisan, ang sekreto para masugpo ang dengue ng tuloyan. Kasi nahilap lang po pag nag-ticket eh, pag na-stack siya, kaya hindi ako nag-stack ng tubig. Lagi chinecheck weekly yung mga naka-imbax sa mga hindi nagagamit na bagay ay kagaya ng gulong. Sa barangay Tatalon, Quezon City. City nakabantay ang mga residente sa kalinisan ng loob at paligid ng kanilang dalawang daycare center. Lalo't mga bata ang vulnerable sa sakit. Laging nagpapalinis ang aming barangay. Tapos mga kanal. Tapos yung mga bahay-bahay, binahay-bahay po kasi ng mga health workers namin. Si Nelma aktibo sa kampanya para sa kalinisan dahil minsan na silang lumaban sa dengue nang tamaan ang kanyang pamangkin. Laging sumasakit yung ulo niya tapos may umalabas na dugo sa ilong. Magasos po talaga, malaki po ginasos namin noong time na yun. Nakabantay ang DOH sa datos ng dengue lalot habang nasa panahon tayo ng habagat. Patuloy rin daw ang koordinasyon sa mga local epidemiology and surveillance units para gabayan sila sakaling may magdeklara ng local dengue outbreak. Para sa GMA Integrated News, Mark Salazar, nakatutok 24 oras. Sinampahan ng reklamo sa ombudsman ang chairman ng COMELEC dahil sa pagkiling umano sa kumpanyang napiling mag-supply ng election system. na gagamitin sa 2025. Tugon nito, nililihis lang nang nagreklamo ang atensyon palayo sa maanumalya umanong 2016 election system na inimbestigahan ng Comelec. Nakatutok si Joseph Moro. Reklamong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act ang isinampa ni dating Congressman Edgar Erize sa ombusman laban kay Comelec Chairperson George Garcia, gayon din laban sa 7 iba pang opisyal ng Comelec na mga miyembro ng Bills and Awards Committee. Aligasyon ni Erize, pinaboran umano ni Garcia ang Miro Systems Company Limited at kasama nitong kumpanya para mapunta sa kanila ang 17.9 billion pesos na kontrata para sa automated election system na gagamitin sa 2025. Ayon kay Erice, hindi umano dapat nagpabid ng bagong kontrata dahil may kontrata pa sa Smartmatic para i-refurbish ang mga ginamit na vote counting machine o VCM noong 2022 elections. Dagdag niya, binili na ito at pag-aari ng gobyerno at may warranty pa. Ati na yun eh, diniklara lang nilang sira pero actually pwede pa ang magamit. Kung hiling umano ang Comelec para ibigay nito ang kontrata sa Miro kahit wala pang opisyal na joint venture agreement at kahit wala pa umano na napapatunayan. ang track record ng Miro. Hiling ni Erisa sa Ombudsman imbestigahan at kasuhan si Nagarcia sa Sandigan Bayan. Ang end goal natin dito, hindi magamit yung Miro system na yan sapagkat napaka-delikado niyan. Hindi ko ito titigilan hanggang makarating tayo sa impeachment. Ang issue sa track record at kwalifikasyon ng Miro nasa Korte Suprema na ayon sa chairman ng COMELEC. At pinangako po natin bilang pag-respeto at pagkilala sa jurisdiksyon ng Korte Suprema. na hindi po tayo magsasalita na muna tungkol sa bagay na yan. Pagtatanggol ni Garcia, mas delikado kung mga lumang makina ang gagamitin sa 2025 midterm elections. Dagdag niya, binadyata ng Kongreso ang pagpapalit ng makina. Halos lahat ng mga makina ang nakastandby namin para doon sa eleksyon na yan, na sa pilot testing ay pumalpak. So yung sinasabing paggamit ng mga lumang makina, madaling sabihin. Pero pag naandyan na, sino ang masisisi? Siya ba? Tingin ni Garcia ay nililis lamang ni Erice ang atensyon sa ginagawang investigasyon ng Comelec sa mga umunimang anomalya sa pagbili ng automated election system noong 2016. In fairness sa kanya, hindi naman po siya partido doon. Subalit within the Comelec, sa ating palagay, may mga tao na maaaring managot at may mga tao na kinakailang pagpaliwanagin. Dagdag naman ang tagapagsalita ng Comelec, inaasahan na nilang mga taga-Comelec, Ang reklamo pero lahat sila ani ay naging tapas sa tungkulin sa bidding na ginawa umunon ng naaayon sa batas at may full transparency. Para sa GMA Integrated News, Joseph Morong, Nakatutok 24 Horas. Pinag-aaralan na po ng National Maritime Council ang paghahain ng reklamo sa United Nations kasunod ng pinakahuling pambabanga ng China Coast Guard sa mga barko ng Philippine Coast Guard. Pero giit nito, walang plano ang Pilipinas na tapatan ang pagiging agresibo ng China. At nakatutok si Ivan Mayrina. Sa pinakahuling agresibong aksyon ng China Coast Guard, natamon ng mga barko ng Philippine Coast Guard ang pinakamalalang pinsala. Pero ang tugon ng pamahalaan, hindi raw magbabago. Ayot sa bagong talagang tagapagsalita ng National Maritime Council na si retired Vice Admiral Alexander Lopez. Wala raw plano ng Pilipinas na tapatan ang agresibong aksyon ng China. If you're referring to more kinetic actions, that would not be to the best interest of our country, and of China, and even in the region. So we're looking at this approach. We can never go wrong by using this diplomatic and peaceful approach. Ipinag-utos ng Council sa Philippine Coast Guard na mangalap ng ebidensya para sa posibleng pagkahayin ng isa na namang diplomatic protest laban sa pamabangga ng China Coast Guard malapit sa Escoda Shoal kahapon. Pero bukod dyan, ilang hakbang pang pinag-aaralan tulad ang pagkahayin ng reklamo sa United Nations. Tungo sa hakbang na ito, ginawa na ring miyembro ng National Maritime Council ang Solicitor General. Nais din ang reklamo ng Council. ang anilay paglabag ng China Coast Guard sa UNCLOS at ang 1972 Convention on the International Regulations for Preventing Collisions at Sea. It is actually a code of conduct among seafarers. The principle behind it is to ensure safety among vessels at the high seas especially para hindi sila magkabunggu-bungguan. But what happened is sila pa yung nag-went. through the extreme of putting a vessel at risk. So it's ridiculous on their part. Nangyari ang panibagong pababanga sa mga barko ng Coast Guard isang buwan matapos ang provisional arrangement para sa matiwasay na resupply mission sa Yungin Shoal. Pinag-aaralan din ang pagpapalawak ng kasunduan sa iba pang bahagi ng maritime domain ng bansa. Ang Estados Unidos, France, Japan at Germany. Pare-parehong nagpahayag ng pagkabahala sa nangyaring pambabangga ng China at nanawagan na sundin itong international law at mapayapang pagsasayos ng sitwasyon. Para sa GMA Integrated News, Ivan Mayrina nakatutok 24 oras. Pang-podium finish ang mainit na pagsalubong kay double Olympic gold medalist Carlos Yulo nang bumisita siya sa GMA Network. At nakatutok si JP Soriano. Carlos Yulo! Carlos Yulo! Pagsalubong fit for a double Olympic gold medalist. Congratulations! Yan ang grand kapuso welcome para sa ating Olympic champion, si Carlos Yulo. Kasama ni Yulo sa Gymnastics Association of the Philippines President Cynthia Carion. Sa pagdalaw ni Yulo sa Kapuso Network, sinalubong siya ng GMA Executives. Sa pangunguna ni na President and Chief Executive Officer Gilberto R. Duavit Jr., Executive Vice President and Chief Financial Officer Felipe S. Yalong, Senior Vice President Atty. Annette Gozon Valdez, at Senior Vice President... and Head of GMA Integrated News, Regional TV and Synergy, Oliver Victor B. Amoroso. Outstanding. Very proud. At very grateful for the opportunity to personally meet him and congratulate him and thank him. To thank him for the inspiration and the strength he brings us all. The hope he brings to everybody. Bukod tangi siya and proud to be Filipino. Tayong lahat. Ang GMA, yung one of our core values is excellence. And he excelled that. So we're so proud that he came over and to give. our company and the employees sa B-SIT. Para sa GMA Integrated News, JP Soriano, Nakatuto, 24 Oras. Get ready ng magpa-check-up dahil sa kilig overload na ihahatid ng bagong OPA Doctor. Sabot kamay na pangarap. Yan si Dr. Kim Young na ginagampanan ni Kim Jisoo at ngayon pa lang, siniship na kay Doc Annalyn Jillian Ward. Makitsika kay Lars Santiago. Malaki drama ang feels ng unang pagkikita ni na Dok Annalyn, Jillian Ward at bagong OPA Doctor sa Apex Medical Hospital na si Dr. Kim Young, played by South Korea. actor, Kim Ji Soo. Ang viewers, mabilis sa pagsiship sa dalawang characters. Magaling po siyang actor. Very professional po siya. Tapos, syempre para sa aming lahat nakaka-except. Kasi Korean actor siya, tapos pumasok siya sa show namin. Pag kinausap niyo po siya, medyo funny din siya and mabait siya. She's a good actress. As I say, she's a good person. Like bright and personality. I mean, she's very energetic. So, she's a good actress. Natutuwa at nagpapasalamat daw si Jisoo. Nakabilang na siya sa cast ng abot kamay na pangarap. Lalot na laman niya. acting as a doctor. So it's really exciting. Si Jillian naman, alam daw na nakikiramdam pa si Jisoo sa kanyang bagong mga katrabaho. Kaya gusto niyang maging komportable ito. Medyo mas nasa tahimik na side po siya. Pero kapag kinausap niyo po siya, papansin niyo na outgoing pala siya. Pero nang tanungin si Jillian, kung saan niya ipapasyal si Jisoo sa Pilipinas? Una siyempre yung pampanga. Kasi doon po ako lumaki. Nandun yung aking lola, ang aking papa. Doon kami nagsistay pag walang taping. And sa Puerto Galera, kasi nung bata po ako, lagi kami nagbi-beach doon. Lar Santiago, updated sa showbiz happenings. Mga kapuso, may binabantayan tayong low pressure area sa loob ng Philippine Area of Responsibility. Ayon sa pag-asa na mataan niyo. Kanyan, 1,170 kilometers east-northeast ng extreme northern Luzon. Dahil may kalayuan, wala itong direct ng efekto sa bansa. At mababa ang chance ang maging bagyo sa susunod na 24 oras. Southwest monsoon o habagat pa rin ang nakaka-apekto sa bandang hilagang Luzon. Sa datos naman ng metro weather, umaga pa lamang, posibleng nang ulanin ang Palawan, Karagat, Sulu, Arquipelago. Pagdating ng hapon, halos buong bansa na ang ulanin. Heavy to intense rain sa kaasakan sa central Luzon, Mimaropa at Bicol region. Gayun din sa Panay Island, Negros Provinces, pati sa Davao Region, Soxargen, Barm at Zamboanga Peninsula. Pusiblo rin ang mga paglulaan sa Metro Manila pagdating ng hapon. Iingat po mga kapuso sa pusibling pagbaha at pagguho ng lupa. Pinakakansela na ang passport ni Dismissed Mayor Alice Guo kasunod ng pagsisiwalat na nakalabas siya ng Pilipinas. Hinala ng Presidential Anti-Organized Crime Commission, dumaan si Guo sa backdoor o yung kadalasang route. ng mga sangkot sa human trafficking. Nakatotok si Marise Umali. Nagpakita ngayon ng mga litrato ang Presidential Anti-Organized Crime Commission o PAOK ni dating Bamban Mayor Alice Leal-Guo, mga kapatid niya si Sheila Leal-Guo at Wesley Leal-Guo at Catherine Cassandra Lee Ong. Kuha raw ito nang dumaan sila sa immigration area sa Singapore noong July 21, 2024. Bago ito, Dumaan pa rao si Guo sa Indonesia at Malaysia basis sa nakuha nilang impormasyon. Doon sa mga natatanggap naming reports sa mga counterparts natin sa ibang bansa, lumalabas talaga na nakalabas na ng bansa si Alice Guo. Dalawa lang naman yung pwedeng gawin nila dyan. Una yung backdoor, yung madalas dinadaanan ng mga human trafficking route dito sa south. Yung isa naman is yung by airplane. Pwede nga ang nangyari dyan, nag-hire sila ng chartered plane from outside sa bansa natin. Tapos kung may hinatid dito, tapos sila na yung backload palabas. So walang record. Hiningi ng PAOK sa Department of Foreign Affairs at Department of Justice na kansilahin na ang passport ng tatlong wo at ni Ong. Bagay na pinagbigyan ng Office of the President. Hindi na siya pwedeng lumayo. Kung saan bansa siya inabot nitong cancellation, doon na lang siguro. And that will be easier for us to monitor and locate her. Ang NBI patuloy sa pagkumpirma kung ang dating Bamban Mayor nga, ang nasa ibang bansa. Yung record niya with Malaysia, nakalagay no image available eh. Very high tech ang Malaysia. Hindi pa pwedeng walang image. Pag harap mo pa lang sa counter, kita na agad yung mukha mo, yung dalawang fingerprint mo. Dalawang index finger. So we are still checking the veracity of the report. Remember also na merong nag-apply ng NBI clearance, alis guo din, but different page. Ibang itsura sa litrato. Inihahanda na rao ng PAOK ang patong-patong na kasong isasang panilalaban kinagwo, kabilang ang qualified human trafficking, money laundering, at falsification of documents na yahain daw nila sa korte sa loob ng tatlong linggo. Kapwa naman sinabi ng PNP at NBI na pananagutin ang sino mang tumulong o kasabuat ni Nagwo para makalabas ng bansa. Meron pong liability in terms of criminal and administrative kung meron man po mamapatunayan na may tumulong po sa kanya because the mere existence po ng immigration lookout bulletin, alam po natin na existing yan, dapat po ay na-inform o natimbrehan po yung mga concern agencies sa... sa atempo na lumabas ng bansa. Kung nakalabas na, eh siguro merong ulong gugulong. Bakit nakalabas? Saan lumabas yan? Lahat ng private na mga airport, meron tayong mga tauhan yan. Hindi dapat makalusot na gano'n na lang. Para sa GMA Integrated News, Maris Umali, Naktutok, 24 Horas. Pangarap Plus Pagsusumikap. Yan daw ang naging susi ni Carlos Yuno para maka-double gold sa Olympics na di niya inaasahan nung una. Bukod sa coaches na nagsanay sa kanya, malaki rin ang ambag ng nakalabang Phil Britt na si Jake Jarman dahil may itinuro sa kanya. Nakatutog si Pia Arcangel. Mayigit dalawang linggo mula na makamit ang makasaysayang dalawang gold medal para sa Pilipinas. Hindi pa raw lubos na nakakapag-relax ang golden hero ng Philippine Gymnastics na si Carlos Yulo. Nakapagpahinga ka na ba, Carlos? Ah, yung... iniimagine ko po na pahinga. Hindi pa po. Ano ba yung iniimagine mo na pahinga? After Olympics po kasi. Kala ko, ah, makakapagpahinga na ako ng weeks or wala akong gagawin. Pero pag... dating po. Sobrang busy po pala. So ang idea mo ng pahinga is yung nasa bahay ka lang buong araw, wala kang kailangan gawin. Yeah, ganun po yung naisip ko. Mala panaginip pa rin daw para kay Carlos, ang lahat ng nangyayari sa kanya ngayon, matapos ang tagumpay sa Olympics. Sa Olympics po talaga, gusto ko lang po manalo talaga ng medal. And yung medal po, itself, yung pinapangarap ko po since 12 years old po ako, di pa rin po talaga ako maka pangalala. Paniwala na nasa kamay ko po yung dalawang medala na pinaghirapan ko po. And yeah, super grateful po talaga sa naging journey ko. Thankful sa sarili ko din. And kay Lloyd of course, hindi ako pinabayaan at hindi ako sumuko. Pwento ni Carlos, hindi naging madali ang journey sa pagtupad niya sa isa sa kanyang biggest dreams na magka-Olympic medal. Katunayan, hanggang sa pagtatapos niya ng kanyang floor exercise routine, hindi raw niya nabatid. kung makakapag-uwi ba siya ng medalya o hindi. Nung nakaganon ka na, ramdam mo na na, ayun na, ayun na yung gold, napakalapit ng gold. Bago kasi ako mag-start po sa floor, nakita ko na 14-9 plus yung score ng competitor po. I was like, ano eh, de, focus na lang ako sa sarili ko. And then, pakita ko kung ano yung pinractice ko. Nagawa ko po. Sobrang saya po talaga eh. Pero hindi ko alam na mag-go-gold ako. Ang vault naman kung saan nakakuha rin ng gold si Carlos, tila mas mahirap pa daw para sa kanya. Pero ang nakatulong sa kanya rito, ang kapwa gymnast at fitness coach. Filipino-British na si Jake Jarman ng Team Great Britain na itinuturing niyang Ang technique niya po talaga. Nag-thank you ko ba sa kanya pagkatapos ng awarding ceremony? Sabi ko, turuan niya pa po ako. Payag naman si Jake. Yay! Sa karera ni Carlos, marami na siyang iba pa nakasama sa training. Tulad na lang ng Japanese coach niya noon na si Munihiro Kugimiya na nagsanay sa kanya sa Tokyo, Japan. Ilang taon din nanirahan si Carlos sa Japan at malaki ang pasasalamat niya sa mga tumulong sa kanya doon. Owen. Arigato gozaimashita. Hontani, ako ko kara, kukuro kara, kansya siya mas. Ano ibig sabihin nun? Maraming salamat po sa support ha. And from the heart po, nagpapasalamat po ako sa inyo lahat. Sa pagbabalik bansa ni Carlos mula Paris, laking tua niya na nagkaroon siya ng pagkakataong makabonding ang ibang atleta. ng Team Philippines. Excited po talaga ako na makita si Kuya AJ. Patalan-talan po ng country, hindi ko po siya talaga nakikita. So nung nakita ko po, like ang dami ko, tinanong, kamusta ka po? Alam ko, nahirapan din po siya sa journey niya. na to and super proud ako sa ginawa niya. Yung mga athletes po talaga natin, sobrang nirerespeto ko sila and na-inspire po nila ako. Hindi raw expected ni Carlos ang ingrandeng homecoming parade. Kanina, ikwinento ni Gymnastics Association of the Philippines President Cynthia Carreon na pati siya nagulat sa mainit na pagtanggap at sa dami ng aktibidad na inihanda para sa mga atleta. Naunan ang sinabi ng female gymnasts na sina Alia Finnegan. Emma Malabuyo at Levi Ruy Vivar na hindi raw sila sinabihan at inimbita sa Heroes Parade at sa aktibidad sa Malacanang. Pero sabi ni Carion, hindi rin daw niya alam na may inihandang Heroes Parade. I heard something that they will have, Carlos will have, and the medalist. I thought it's only Carlos and the medalist. I didn't think all the Olympians will be invited. If I had known about it, you think I will not invite them? Of course I will. I'm proud of them. You know, this is the first time in the history that they're getting, they haven't won, but they're getting finances. They're getting incentives. Even their coaches, their foreign coaches are getting. Pero ayaw na raw palakihin pa ni Carion ang issue. Mas nais daw niyang pagtuunan ng pansin ang lumalaking interes ngayon sa gymnastics. Dahil ngayon pa lang, pinaghahandaan na nila ang pagsabak na Pilipinas sa 2028 Olympics. Sa pagbabalik ng golden hero ng gymnastics ng ating bansa, marami ang umaasa na ito na ang hudyat ng golden era, di lamang ng Philippine Gymnastics, kundi ng Philippine Sports. Para sa GMA Integrated News, Pia Arcangel, Nakatutok 24 Horas. At yan ang mga balita ngayong Martes. Ako po si Mel Tianko. Ako naman po si Vicky Morales para sa mas malaking misyon. Para sa mas malawak na paglilingkod sa bayan. Ako po si Emil Sumangil. Mula sa GMA Integrated News, ang news authority ng Pilipino. Nagatuto kami 24 oras.