Wika, nasyonalismo at panlipunang katarungan. Tatlong napakahirap na mga konsepto yan. Pero susbuka natin ipaliwanag ngayong araw na ito. Siguro mas magandang magsimula sa isa lamang sa mga ito.
Ang unang-una siguro i-dediscuss ko sa inyo ay ang ang nasyonalismo. Pag nasyonalismo ang sinabi sa inyo, sigurong unang-unang naisip ninyo ay ang pambansang watawat. Bakit? Kasi ito yung ating national symbol. Sa mga laro ng basketball, lumalabas ito.
Kasi ito yung ating national symbol. Kahit nung kabataan pa natin, ito rin yung sinusumpaan natin ng panatang makabayan o panatang nasyonalista. Ibang mga simbolo, isa-isihin ko sa inyo, tingnan natin kung maaalala pa ninyo.
Pambansang awit, hindi ba ito yung lupang hinirang? Dati ang tawag lang namin dyan ay bayang magiliw. Pero noong 1998, nilagyan ito ng pangalan. Ito ay lupang hinirang.
Isa pa, pambansang damit ng mga lalaki. Hindi ba ito ang barong? Parang Tagalog, pagka sa babae, ito naman ang Barotsaya.
Pambansang ibo, naalala nyo pa ba? Noong bata ko, actually, Maya yan eh. O, ang Ingles niyan eh, rice bird. Kasi nga, ito yung mga nagnanakaw lang ng mga butil-butil ng bigas sa kalsada.
Later on, gagawin itong Philippine Monkey Eating Eagle. Pero noong nawala yung mga unggoy sa Davao, hindi na rin kumakain ng unggoy ang mga ibo na ito. Kaya naging Philippine Eagle na lang. Pambansang prutas, syempre manga.
Hindi Indian mango, hindi star mango, hindi kung ano-ano pang mango. Ito yung pinakamalaki nating manga, yung kalabaw. At yun din yung pambansang hayop natin. Pambansang bulaklak, sampagita.
Pambansang sasakyan, ayang jeepney. Pambansang sayaw, naalala nyo pa ba? Ito yung karinyosa. Dati, tinikling. Isa itong imitation dahil.
ng ibon na tikling. Pero pinalitan, ginawang karinyosa. Ito, pinakapaborito ko sa lahat. Ang pambansang dahon.
Anahaw, di ba? Ngayon, ano yung problema ng mga simbolong ito? Maganda ang simbolo kasi sa isang simpleng bagay, nakikilala natin ang iba't ibang mga konsepto.
Pag lumabas ang watawat ng Pilipinas, alam na natin na nirepresenta nito ang buong bayan ng mga Pilipino. Pero ang mga simbolo rin ay may kanya-kanyang sulirinin. Halimbawa, may mga nagko-contend ng ating pambansang damit, yung barong Tagalog, ay sinusuot lamang ng mga indyo noong panahon ng pananakop ng Kastila.
Dahil ang nakasanayan na nagtatak-in ng damit noon ay ang mga Kastila lamang o yung mga pinanganak sa Espanya at kahit yung mga pinanganak sa Pilipinas. Kaya nagiging simbolo ito ng pagiging kolonya natin. ng mga Espanyol.
Ang pambansang sayaw natin ay cariñosa na nagmula sa wikang Espanyol. Maraming nagsasabi, sana tinikling na lang. Kaya lang ayaw din nila yun eh. Kasi imitation dance lang yun ng isang ibon. Ako, kung ako yung tatanungin ninyo, baka mas maganda pa yung maglalatik.
Kasi ano yun eh, war dance yun. Yung ating namang pambansang sasakyan, yung jeepney, originally nang galing yan sa mga naiwan ng mga sasakyan ng mga Amerikano. Yun yung GP, General Purpose Vehicles. Later on, tatawag yung GP o Jeep at yun siya namang magiging jeepney natin. Kaya ako paborito yung pambansang dahon, yung anahaw.
Kasi sa lahat yata ng mga dahon natin sa Pilipinas, ito yung isa sa mga pinakawalang silbi sa kasalukuyan. Kasi dati ang anahaw, ginagamit yan sa pamaypay. Yung pamaypay na nakikita ninyo na ginagamit sa mga isawan.
Pero kasi... Kasi yung mga pamaypay na binibenta ngayon, hindi na rin yari sa anahaw kung saan saan ang mga dahon na nanggagaling yan. Matigas din ang anahaw. Hindi rin ito nakakain.
Hindi katulad ng gabi na nagagawang Bicol Express at ibang pang mga putay, ang anahaw. Anahaw ay walang silbi sa atin. Tapos magiging makabayan ka ba? Kung halimbawa umuulan ng napakalakas, tapos sabihin mo sa nanay mo, nanay, umuulan sa labas, gusto kong makabayan ngayon, pakilabas po ng dahong anahaw at gagamitin ko ito.
Di ba hindi rin naman? Nandun pa rin yung tanong, ano ang nasyonalismo? Isa ito sa mga ismo na pinakamahirap ipaliwanag kasi lahat na mga ismo, meron palaging personahe na nakakabit ang marksismo, nakakabit kay Marx, ang kristyanismo. nakakabit kay Jesus Christ. Ang Muhamedanismo, nakakabit kay Muhammad.
Ang Natsismo, nakakabit kay Hitler. Pero ang Nasionalismo, napakahirap tukuyin kung sino yung nakakabit sa kanya. Sabi ni Benedict Anderson, ah, Mahirap na konsepto ang nasyonalismo at kung tutusin, isa lamang itong pakiramdam. Isang pakiramdam na nagbibilong kayo na kayong mga tao ay nasa isang komunidad.
Kaya nga, Imagined Communities yung pangalan ng kanyang libro. Isa pang libro, isa pang thinker bago ang turn of the 20th century, si Ernst Runon. Sabi niya, bukod sa pagiging pakiramdam, Pakiramdam, ito rin ay kaluluwa ng grupo ng mga tao. Kapag ang isang tao ay kinaligtan na niya yung pansarili niyang mga kapakanan at lahat ng mga bagay na ginagawa niya ay inaalay na niya sa mas maraming bahagdan ng tao sa lipunan, ito ay matatawag na na-nasyonalismo. Mahirap pa rin, ano?
Siguro, para maipaliwanag ang nasyonalismo, kailangan natin ipasok yung mga tinatawag na sangkap. ng nasyonalismo. Merong mga lima o anim yan. Teritoryo, relihiyon, lahi, kasaysayan, kostumbre at tradisyon, at pinahuli yung wika. Teritoryo, halimbawa ang Pilipinas, ay meron tayong malinaw na teritoryo.
Kaya lang, nagiging problema rin ito paminsan-minsan. Ang ating Scarborough Shoal, halimbawa, ay inaagaw sa atin ng China. May sarili rin tayo sa teritoryo. teritoryong yan. Actually, sa buong mundo, Scarborough Shoal ang tawag dyan.
Pero pag tinanong mo yung mga taga-sambales ng mga mangingisda, ang tawag nila dyan ay Kalburo. Ang North Borneo ay inaangpin pa rin ng ilang pamilya sa Mindanao. Sa reliyon, oo, malaking prosyento ng mga Pilipino ang katoliko. Pero hindi nilang naman matatawag na katoliko sarado.
Nasa sampung uto sa limbawa ng katolisismo, ang bawal sumamba si sa ibang Diyos. Pero pagka nagsimba naman tayo linggo-linggo, nakikita natin ang mga Pilipino na sumasambasa kung sino-sinong mga santo. In fact, natuwa, nagdiwang yung buong bayan, di ba, nung nagkaroon ng Pilipino, o mga Pilipino, sa listahan ng santo sa Vatican.
Finally, sabihin natin, makakapagsalita, makakadasal na tayo sa sarili nating wika. Lahi. Sa lahi pa. pa lang kahit tignan mo yung mga tao sa paligid mo, makikita mo na hindi mo naman kamuka.
Merong mestizo, merong inchik, merong indyong indyo, merong mukhang Amerikano, merong mukhang Kastila, at merong mukhang hindi mo na maintindihan. Sa kasaysayan din, iba-iba rin naman yung kasaysayan natin sa Pilipinas. Ang karamihan sa atin sa populusyon ng mga Pilipino ay dumaan sa pananakop ng mga Espanyol, ng mga Amerikano, at later on, ng mga Japon. Pero marami rin Pilipino ang hindi naman lumaan sa parehong kasaysayan. Halimbawa, ang mga Moro, o ang mga Muslim, ay hindi naman nasakop ng mga Kastila.
Sila rin yung matinding lumaban sa mga Amerikano. Isa sa mga armas na nilikha ng mga Amerikano ay nilikha nila para sa labanan sa mga Moro sa Mindanao. Kung ako nga minsan yung tatanungin, baka dapat gamitin na natin yung armas na yun na simbolo ng bayan.
natin. Hanapin nyo na lang sa Google kung ano yung armas na yun. Kustombre, tradisyon, ganun din. Magkakaiba rin tayo ng mga kostumbre. Siyempre, ang mga Ilocano ay kuripot, ang mga Bisaya ay masyadong galante.
Ganun din, sabi nga ni June de Leon, sabi niya, meron ba kayong kilalang mga awit mula sa Ilocos? Siguro wala. Pero sa Visayas region, napakarami. Sabi niya, ang explanation dyan, isa sa mga paliwanan dyan, ay yung folk songs nila. Ang mga folk songs ng mga Ilocano ay napaka-ikli ng range.
Ibig sabihin, hindi lumalang. sa isang cycle ng Dore, Mipha, Sola, Tido. Manang biday, ilukat tuman.
Nasa isang range lang yun. Pero yung mga kanta, yung mga folk songs sa Visayas, ay katatanggap. at kalalayo, usahay, usahay, na na na na na, lumalayo na na na.
Kaya natitrain ng mga Bisaya na kumanta. So magkaiba ng kostumbre, mula sa Norte hanggang sa may Bisaya. Ang wika, meron tayong, sabi ng Summer Institute of Linguistics, meron tayong umaabot sa 108 na wika sa buong Pilipinas, sa buong kapuluan ng bayan natin. Hindi pa nga tayo yung pinakadehado eh.
Ang Indonesia, na pinakamalaking arkipelago sa buong mundo, ay umaabot sa isang libo yung mga wika nila. Sa bayan natin, isandaan at walo. Iilan lang sa isandaan na yan, ang merong isang milyong nagsasalita o higit pa. Sa sarili kong pananaliksik, may ihahanay ko sa inyo yung mga salitang major o merong isang milyon o higit pang nakapagsalita.
Pangunahin siyempre yung pambansang wika, Filipino, na hindi pa rin... rin naman malinaw na malinaw sa atin. Wala pang standard ang wikang Filipino. Pangalawa, hanggang panglabing isa, Tagalog, Cebuano, Iloko, Hiligaynon, Bicol, Ingles, Waray, Kapampangan, Pangasinense, at Maguindanao.
Sumusunod dito yung Tausug, Maranao, Kapisnon, Bondok, Bontok, at Ibanag. So malinaw na maging sa wika ay magiging suliranin din natin ito sa pagtutukoy ng ano ba ang ating bayan, ano ba ang nasyonalismong Pilipino. Kihinto muna tayo dyan dahil ngayon naman ipapaliwanag ko sa inyo kung ano yung panlipunang katarungan. Ang katarungan bilang konsepto ay hindi likas naman sa atin yung konsepto ng justisya. Ang pinakasimple.
kasimbolo ng justisya sa buong mundo ay yung tinatawag na si Lady Justice. Ito yung nanggagaling sa Roman mythology. Yung Roman goddess ng justisya, ito si Justisya. Siya yung nakikita ninyo na babae, minsan may gamit, minsan wala. Meron siyang bit-bit na scale.
Yung nagsusukat siya kung ito ba kung tama o mali, wasto o hindi, oo o hindi. Hindi. Sa kabilang kamay, usually ang dala niya, espada. Kasi nga, kung nasukat na niyang maliitong ginagawa ng isang tao, pwede niya kaagad parusahan.
Sa Pilipinas, hindi naman magkaiba ang konsepto ng justisya ng Europa o yung pinasok na justisya ng mga Espanyol sa atin sa sarili nating konsepto. Kaya nga, ang translation natin sa justisya sa sarili nating wika ay katarungan. Ang tarung. na salitang ugat ay nagbumula sa Visayas Region.
Sa Tagalog Region, siguro ang pinakamalapit na konsepto natin sa justisya ay ang tuwid o katwiran. Ginagamit din ito ng mga bayani natin noong panahon ng pakikibaka. Iba rin ang panlipunang katarungan. Kung yung kanina, ay yung konsepto ng katarungan na may judiciary system, merong judge, merong korte, may mga lawyer, ang panlipunang katarungan ay kasama rin doon Pero mas maipapaliwanag ito sa kung ano ba yung mahalaga para sa mga tao. Sa kaso natin, sa mga mamamayan na Pilipino, tatlo lang naman yung basic na pangailangan natin bilang tao.
Ito yung food, shelter, at saka clothing. Pagkain, tirahan, at pananamit. Sa Pilipinas, hindi lahat ng tao ay mayroong lahat ng yan.
Hindi tayo kumakain ng tatlong beses isang araw. araw, maraming Pilipino ang walang bahay, maraming Pilipino ang walang sapat na damit. Sa isang banda, napakaraming may hirap ng mga Pilipino.
Pero ang Forbes Magazine, halimbawa, taon-taon ay naglalabas ng listahan ng mga Pilipino na pinakasalabas. mayayaman sa ating bansa at sa buong mundo. Sa ating bansa, ang pinakamayaman si Henry C. Sumusunod sa kanya ang mga... ang sampung ito. John Gokongwei, Lucio Tan, George T., David Konsunhi, Andrew Tan, Tony Tan...
Kak Chong, Enrique Razon, Lucio at Susan Ko, Robert Coyito, at Manuel Villar. Sino-sino bang mga ito? Sila yung pangunahing may pag-aari ng PIN.
pinakamalalaking mga investment companies sa ating bansa. Si Henry C., ang SM Investment Corporation, at sumusunod dito yung halos lahat ng 11 na binanggit ko, ay may pag-aari ng financial companies sa buong bansa. Sa kanila rin ang gagaling yung mga pangunahin natin kinakain sa araw-araw.
Siguro kilala nyo naman yung Payless, Nissan, Jack and Jill, C2. Siguro pag may... nag-birthday din sa pamilya ninyo, madalas kayang pumupunta sa either Jollibee o kaya McDonald's. Ang Jollibee, pag-aari yan ni Tony Tan Kakchong.
Ang McDonald's naman, lahat ng parangkisa ay si Andrew Tan ang nag-aapruba. Ang mga minerals na mahalaga sa isang bayan, particular ang gold, copper, nickel, ay in a sense ay pag-aari rin ng mga taong ito. Ang Semerara Mining ay pag-aari din ang isa sa mga ito. Ganon din ang ang lahat ng mga damit natin. Tandaan ninyo, ang textile industry sa bansa natin ay malaon ng namatay.
Siguro noong 1980s o 1970s pa, malakas ang ating textile industry. Pero ngayon, ang sinusot natin sa araw-araw ay in fact, nanggagaling lang din sa mga imports na itong mga taong ito rin ang nagpapasok sa ating bansa. Tandaan natin na 25 tao na pinakamayayaman ng mga Pilipino sa ating bayan ang merong tao. ang taonang kita na umiikot sa 44.1 billion dollars. Kung itatranslate natin ito sa buong bayan, 76 million na mga Pilipino ang kumikita ng parehong halaga.
So makikita ninyo, 25 tao sa isang banda, 76 million na mga Pilipino sa isa pa ang may parehong kinikita. Anong punto ng lahat ng ito? Unang-una, hindi tunay na... demokratiko ang ating bayan.
Konting-konti yung mayayaman at napakarami naman ng mga mayihirap. Pangalawa, hindi makabayan ang ekonomiya ng Pilipinas. Hindi ito isang ekonomiya na nagtatakda na magiging mayaman.
tayo sa hinaharap. Pangatlo, mababa ang antas kung hindi man walang panlipunang katarungan sa ating bayan na maikita natin sa 76 na milyong Pilipino na nagihirap sa araw-araw. Masasalamin natin ito sa wika.
Ngayon naman, maaaring tignan natin ang wika bilang isang produkto. And then later on, ipapaliwanag ko sa inyo kung paanong kahit ang mga jokes ay nagiging salamin ng ating hindi pagkakapantay pa. pantay sa lipunan? At panghuli, anong nagiging papel ng wika sa trabaho ng mga Pilipino? Ang wika ay hindi naman talaga produkto.
Lahat ng tao, kapag pinanganap kung anak ka, meron kang kakayahan na matuto ng wika. Ang tanong nga lang ay kung ano yung matututunan mo. Sa ating bayan, merong hierarchy ang mga wika.
Siyempre, pangunahin ang wika ng edukasyon. Ingles ang pinakamataas na anyo ng wika natin sa bansa. Susunod dito, yung mga wika na sa sentro, particular ang Tagalog. At habang lumalayo ka sa sentro, ay nagiging mas mababa ang halaga ng mga wika. Halimbawa sa mga jokes.
Ang pansariling tingin ko sa jokes ng mga Pilipino ay mahahati lamang sa dalawa. Una, kalahati ng mga jokes ng mga Pilipino ay bastos. Hindi na ako magbibigay ng example sa inyo. Kalahati naman ay lingwes.
Halimbawa, lahat ng knock-knock jokes ay linguistic joke. Knock-knock, who's there? Ako ma ba?
Ako ma ba who? Tapos matatawa na tayo dapat doon. Isa pa, sinong nagsabing bisaya ako?
Wala naman kayong ibedensya. Kung natawa kayo dun, ibig sabihin, isa kayo sa milyong-milyong Pilipino na napaka-elitista. Kaya siya nakakatawa kasi hindi na-pronounce na maayos ang ebidensya at naging ebidensya.
Anong tawag sa dalawang binti? Kuwarinta. Hindi siya nakakatawa sa ibang bansa, pero sa bayanan... natin, nagiging katawa-tawa siya. Anong tawag niyo dito?
Labi, di ba? Anong tawag dito? Balcony.
O kaya, second floor. Ganun din, pagkahalo yung Ingles at Tagalog, ang labi na lips. ay iniintindi ng joke na ito bilang lobby o yung unang bahagdan ng isang building. Huli na lang, anong pagkakaiba ng conclusion sa opinion? Matagal yung pinag-iisipan, pero ang sagot dyan, conclusion, edi hindi opinion.
Kung sarado, edi hindi bukas. Ganon din, napakarami nating jokes sa ating bayan na umiikot lang sa laban. sa mga laro ng wika. Pero kung a-analsahin ninyo mabuti, malalaman ninyo na merong elitismo na nagaganap sa bawat mga joke na ito. Pagkabastos, alimbawa, kadalasan dyan ay anti-women.
or kuminsan nga anti-women na anti-sistempa, anti-church, anti-politics, anti-government. Pagka-linguistic na, may kita nyo rin na kung hindi ka marunong mag-Ingles, mababa kang tao, hindi ka matalino. Kung di mo napopronounce na maayos sa mga bagay-bagay, either hindi ka marunong mag-Ingles, hindi ka marunong mag-Tagalog, bisaya lang ang kaya mong salitain.
Ganon naman tayo sa bansa natin. Mga nag-aaral, sila yung marunong mag-Ingles. Yung mga nasa sentro ng Maynila, sila yung mga nagtatagalog. Yung mga nagtatrabaho ng manual labor, mga katulong, mga karpentero, tubero, ay nagagaling sa ibang bahagi ng ating bayan.
Pagdating sa trabaho naman, Meron tayong kinatawag na limang pangunahing trabaho sa bayan natin. At hindi ito halos nagbago sa panahon ng pananakop ng Espanyol hanggang sa kasalukuyan. Inhenyero, lawyer, doktor. Pare at saka teacher. Yung teacher, nawawala na kasi hindi naman luxuryo sa Pilipinas ang pagtuturo.
Ang pare, isa pa rin sa pinakagugustuhan yan dahil wala naman tayong kilalang pare na mahirap, di ba? Yung tatlo, doktor, lawyer at saka engineer, ang yumayaman. May tendency ang yumaman sa ating bayan. Sa kasaysayan ng ating bansa, ngayon naman babanggitin ko sa inyo kung anong kinalaman ng wika sa trabaho. Nung matapos, Tapos ang pananakop ng mga Kastila sa atin, umaabot yan ng 333 years.
Umaabot lang sa 2.2% ng mga Pilipino ang marunong mag-Espanyol. Ibig sabihin kasi nyan, sila rin yung merong kakayahan noon, merong pera para ipadala yung mga anak nila sa Europa. At kahit nga yung pagpapaaral na yan, ay naganap lamang noong 19th century. Nung marami sa mga namumuno sa ating lipunan, ang nagkaroon ng kakayahan. kayahan na makipag-trade sa ibang mga bansa.
Kasama dyan yung mga bayani natin, Sina Jose Rizal, Graciano Lopez Jaina, Marcelo del Pilar. 2.2% lang yan. Nung panahon naman ng pananakop ng mga Amerikano, magsisimula ng 1898 at magtatapos ng 1935 sa pagsisimula ng Commonwealth.
O 37 taon lamang yan. Lumalabas sa isang survey, Monroe Survey, na 37.7% ng mga Pilipinas. ang nakakapagsalita na sa Ingles. Isang generation lang yun ng mga Pilipino. Ibig sabihin, hindi pa nga nagkakaapo yung mga dinatnan ng mga Amerikano.
Ay karamihan sa kanila ay marunong nang magsalita ng Ingles. Bakit kaya? Malaking bagay dito ang pagtuturo ng public education ng mga Amerikano sa bayan natin.
Ibig sabihin yan, libre ng mag-aral ang kabataan sa lahat ng eskwelahan. At syempre, tinuturo sa kanila ang Ingles. Sabi nga ng mga... historians na kilala ko.
Kung ang mga Kastila, ang tinuruan nila ang mga kababaihan kung paano magdasal, mas patalino ang mga Amerikano kasi tinuruan nila ang mga bata kung paano mag-Ingles. Pagbalik nila sa kanilang bahay, yung mga magulang ay mapipilitan din mag-aral ng Ingles. Isa yun.
Pero ang hindi nakikita kadalasan ng mga historians ay yung lure ng pagtatrabaho. Ang civil service, nung panahon ng pananakot, ng mga Amerikano ay ginagawa lamang sa pamagitan ng wikang Ingles. Lahat ng exam para maging civil servant ay kinakailangan kang marunong mag-Ingles. At lahat ng pinakamataas na sweldo kasama na ang pagtuturo ay nasa gobyerno, nasa civil service.
Kaya hindi nakakapagtaka na halos kalahati ng mga Pilipino ang marunong na mag-Ingles bago matapos. ang pananakop ng mga Amerikano. Sa kasalukuyan, ang pinakasikat na trabaho na siguro sa ating bayan ay ang call center agency o yung pagpasok bilang call center agent.
1990s, nagsimula ang mga yan pero yung... yung karurukan ng pagdami ng call center agents sa bayan natin ay noong 2000s. Nakakagulat lang ang pangyayaring ito. Noong 2006, ang Kennedy Center ang unang nagbalita.
sa buong bayan, na sa sampung nag-a-apply ng call center, isa lang ang nakakapasok bilang call center agent. Siyam ang hindi. Doon sa siyam na yun, dalawa hanggang tatlo ang pwede pang turuan ng kaunti. Ibig sabihin, dadaan lang sila sa finishing school tuturuan kung paano makipag-comunika sa wikang Ingles.
Pero sabi ng Kennedy Center, sa dalawa o tatlong yun, isa o dalawa lang eventually yung matatanggap sa call center. So, sa bawat sampu na nag-a-apply, dalawa hanggang tatlo lang ang natatanggap bilang call center agent. Kinatakot ito ng maraming Pilipino. Sabi nila, bakit ganon?
Dati ang galing-galing natin sa Ingles, ngayon hindi na. 2006 rin nagkaroon ng executive order si ang dating Pangulo, si Gloria Macapagalaroyo, na nagsasabing dapat Ingles lang ang gamitin ng mga mag-aaral mula grade 1 hanggang grade 6. Ingles ang dapat na maging... ang focus ng ating pag-aaral. Ano bang significance ng 2006 sa ating bayan? Ang average na Pilipinong bata ay nag-aaral ng 20 taon, mula elementarya hanggang college, hanggang makatapos sa college.
Kung imemenos natin sa 2006, ang 20 years na yan, mapupunta tayo sa 1986. Ano bang significance ng 1986? Ito yung nagkaroon tayo ng bagong konstitusyon. Kasama dyan ang panibagong probisyon sa wika.
Sa Constitution 1986 nakalagay na ang pambansang wika ng ating bayan ay Filipino. At lalo pang naipush ang paggamit ng pambansang wika na ito. Halimbawa, naaalala ko nung bata ako, ang sikat na news sa TV noon ay ang Newswatch. Kasi may balita siya at merong watch, merong relo doon sa telebisyon. At nasa wikang Ingles lang yan.
In fact, wala ko naaalala na balita noon o palabas sa telebisyon, maliban lang sa soap opera, ang nasa... wikang sarili natin. Karamihan sa mga yan ay nasa Ingles.
Pero pagsapit ng 1986, lahat, halos ng mass media natin, kabilang na ang balita. TV Patrol at ibagpang mga balita, Jaryo, mga palabas na dating nasa Ingles tinatranslate sa Filipino. Ang Voltas 5 na sikat na sikat bagong 1986 ay magiging Filipino na pagkatapos ng 1986. Ang Sesame Street na dati namin pinapanood ay magiging una kalimutang kalya siya sa may hanggang sa magiging batibot na ito. Ibig sabihin yan, lahat ng bata na pinanganak ng 1986 ay mas sanay na sa Filipino kaysa sa Ingles. Pagdating ng 2006, kung kailan sila gagraduate, kung kailan magkakaroon sana sila ng oportunidad na magtrabaho, na may malaki-laking sweldo sa pamagitan ng call center, hindi na na ang kanilang Ingles.
Dalawang huling punto na lamang. Una, ang pambangsang wika natin ay Filipino. Makabayan ito at kailangan natin ipaglaban. Kahit na may nakikita tayong weaknesses dito, hindi ito weakness ng wikang pambansa natin.
Weakness ito ng sistemang panlipunan natin. Kung ano ba yung dapat pahalagahan. Sabi nga ni Rizal sa El Filibusterismo, tanging sa sarili nating wika, mapauunlad ang ating bayan. Sa sariling wika lamang natin, mapalala.
lawig ang ating pagtingin sa mga bagay-bagay. Pangalawa, paraan ng wika tungo sa demokrasya, nasyonalismo, at panlipunang katarungan. Pero hindi dapat deterministiko ang tingin dito.
Marami kasing language advocates ang nagsasabi na kung Filipinong wika natin, yayaman tayo. Ang pinagagalingan kasi niyan, kung ang Japan may sariling wikang Japon, umaman sila. Kung ang Germany may sariling wikang sa sariling wikang aliman, umaman din sila. Pero walang direktang kinalaman ang mga wika nila sa pagyaman nila. Of course, may kinalaman dyan ng iba't ibang mga kalagayang pangkasaysayan na nakatulong sa pagyaman nila.
Ganon din sa ating bahayan. Hindi ko naman sinasabi na sa pamagitan ng wikang Filipino, eh hindi tayo yaman. Mas magandang balikta rin siguro ng kaunti. Merong problema ang ating bahayan. Siguro, mas magandang ayusin Muna ang sistemang ito at susunod at susunod din ang ating pambansang wika.