Ang Sibilisasyong Indus Ang kabiyas ng Indus ay tinatayang umusbong noong 2700 hanggang 1750 BCE. Matatagpuan ito sa Timog Asia at malapit sa mga ilog ng Indus at Ganges. Pinaniniwalaan na ang mga Dravidians ang bumuo sa kabiyas ng Indus. Nagkaroon sila ng sentralisadong pamahalaan na siyang namahala sa mga pampublikong proyekto. May dalawang pangunahing lungsod ang umusbong sa kabihas ng Indus.
Ito ang Mohenjo-Daro at Harapa. Planado ang mga lungsod na ito at organisado. Makikita ang mga disenyong kwadrado. na may pare-parehong sukat ng bloke ng kabahayan.
Mayroong isa o higit pang banyo o palikuran na nakakonekta sa isang sentralisadong sistema ng kanal o drainage system sa ilalim ng lupa. Paniniwala sa supernatural ang reliyon ng kabihas ng Indus. Sila ay sumasamba sa mga hayop at puno. Ang kanilang lipunan ay pinamumunuan ng mga haring pari na may mataas na antas sa lipunan na sinusundan ng mga opisyal ng pamahalaan, mga ngalakal, artisano at mga magsasaka.
Dahil sa lat sa punong kahoy at metal ay pagsasaka ang naging pangunahing kabuhayan. Sila ay marunong maghabi ng tela at gumagawa ng mga alahas na gawa sa ginto at kabibe. Pictogram ang sistema ng pagsulat sa indus.
Sila ay may maayos na sistema ng kanal at stepwell. Nakahukay din ang mga eksperto ng mga laruan, botones, alahas na palamuti at mga palayog na nagsisilbing patunay ng kanilang kasanayan sa pagawa ng mga bagay na ito. Mahiwaga ang paglaho ng kabihas ng Indus noong 1750 BCE.
Paliwanag ng mga eksperto na maaaring nagkaroon ng mga kalamidad o pagsakop ng mga Aryans. Walang matibay na ebidensya na may pakita para sa mga paliwanag na ito. Sa paglipas ng panahon ay unti-unting nawaglit sa alaala at nawala sa kasaysayan ang kabihas ng Indus.
Music