Kamusta, ako si Humi. Sa video na ito, pag-uusapan natin
ang pamilya, kabataan, at ang early education
ng pambansang bayani. Susuriin natin ang
iba't ibang tao at pangyayari na nakaapekto at humubog
sa buhay ng batang Rizal. ♪ Intro ♪ Kapag sinabi nating batang Rizal,
anong unang pumapasok sa isipan mo? If I would take a guess,
ang iniisip mo siguro ay noong bata si Rizal ay nakitaan
na siya ng kahusayan sa pagsulat. At ang patunay diyan ay ang tulang ito: "Sa Aking Mga Kabata." Na kahit 8 years old pa lang siya, he already wrote a masterpiece that
expresses the love of one’s native language and the importance of freedom. Kung medyo hindi ka familiar sa title, siguro mas familiar ka dun
sa highly quoted line ng tula: "Ang hindi magmahal sa kanyang salita, mahigit sa hayop at malansang isda." O kung hindi 'yung
eksaktong line na 'yan, malamang ay na-encounter mo na
yung different versions ng tula na may ibang variations. Pero alam mo ba na hindi naman ang
batang Rizal ang nagsulat ng tulang ito? Para malinawan tayo, pakinggan natin
ang historian na si Ambeth Ocampo sa isang episode ng
"The Howie Severino Podcast". Nagdududa rin ang ibang mga historians
at scholars kung ang batang Rizal ba ang nagsulat ng tula. Ayon sa kanila, ang eight-year-old
na bata ay natututo pa lang magbasa, kaya paano nangyari na sa edad na 8
ay nakapagsulat na siya ng tulang sobrang komplikado na may sukat at tugma? Isa pa, ang letrang "k" ay hindi naman laganap
na ginagamit noong 1869. In Rizal’s childhood, they spelled
words with a “c” rather than “k". At ang tula ay punong puno ng "k". Ang dalawa nga dito,
makikita natin sa kalayaan. At ang word na "kalayaan" was
not widely used in the 19th century. As a matter of fact,
salamat sa mga sulat, malalaman natin na
na-encounter lang ni Rizal ang word na "kalayaan"
nung 21 years old na siya. At isa pa, <i><font color="#e3ffae">(julet-julet)</font></i>. Tingin mo ba ay aware na ang batang Rizal
sa colonial condition ng Pilipinas sa ganitong musmos na edad
para humiling ng kalayaan? Ganun ba talaga siya katalino? o ino-overestimate lang natin
ang kanyang mga kakayahan? Hindi lang 'yan ang kasinungalingan
tungkol sa batang Rizal. Baka narinig mo na
rin ang kuwento na ang batang Rizal daw
ang nag-imbento ng champurado. Ganito umuusad ang kuwento. Ang paboritong almusal ni Rizal
ay tuyo at isang tasang kanin, na may kasamang mainit na tsokolate. Isang araw, habang nag-aalmusal
ang batang Rizal, aksidente nitong natabig
ang mainit na tsokolate sa kaniyang plato na may kanin at tuyo. Nakita ito ng kaniyang mga ate
na tinalakan si Rizal. "Ano ba 'yan!?
Hindi ka man lang nag-iingat!" Ang sagot naman ng batang Rizal:
"Shunga, sinadya ko 'yan!" Hindi mo ba alam na kapag pinagsama
ang kanin at tsokolate, makakabuo ito ng isang champurado. Ang totoo lang sa storyang ito ay isa sa
mga paboritong breakfast food ni Rizal ay ang tuyo. Pero walang primary source na
sumusuportang siya ang nag-imbento ng champurado. Isa pang kwento na puno ng kasinungalingan,
ang storya ng "Tsinelas." Ganito umuusad ang kuwento. Naglalaro ang batang Rizal
sa may tabing-ilog ng biglang nahulog ang isa niyang
tsinelas at tinangay ito ng alon. Dahil hindi niya na maabot
ang tsinelas na inalon, at useless na rin yung isa niya pang suot, napagdesisyunan niyang ibato
yung isa niya pang tsinelas. Ang rason niya, para kung sakaling may makadampot man,
at least ang makukuha nila ay magkapares na pwedeng gamitin. Ang selfless ng kwento, pinapakita ang kaniyang kakaibang
angking talino at malawak na pananaw, pero hindi rin siya totoo. Ang mga kuwento na ito ay dine-depict ang
batang Rizal na parang isang superhero. Na sobra-sobra ang katalinuhan,
kabaitan, at pagmamahal sa bayan. Kaso ang mga kwento
na ito ay inimbento lang, at hindi sumasalamin sa tunay na
karanasan ni Rizal sa kaniyang kabataan. Nakakalimutan tuloy natin na ang
batang Rizal ay isa pa ring bata. Hindi siya iba sa mga naglalaro,
nakikipag-away, nagkakaproblema, umiiyak, nasasaktan, napapagod,
natatakot, at umiibig. We have lost sight of the real Rizal
and his formative years. Therefore, we need to start
correcting these inaccuracies and view Rizal as a normal child,
not as a superhero. Kung pag-uusapan natin
ang buhay ni Jose Rizal, o sa kanyang buong pangalan na "Jose Protacio Rizal
Mercado y Alonso Realonda", kailangan natin magsimula sa pinakasimula. Mula sa kaniyang kapanganakan. Noong June 19, 1861, pinanganak si Jose
sa isang lakeshore town sa Calamba, Laguna. The birth occured between 11 pm and 12 am, at ilang araw bago mag full moon. Ang birthing process na nangyari
ay hindi naging madali. Muntik pang mamatay ang nanay ni Jose
dahil malaki ang ulo ng bayani. Pero buti na lang,
naging successful ang labor. Si Jose at ang kaniyang ina
ay parehas na naka-survive. Three days later, binaptize si Jose Protacio
sa isang Catholic Church ng parish priest o kura paroko
na si Father Rufino Collantes. Ang sanggol ay pinangalanang Jose Protacio
pagkatapos ng dalawang santo. Kaya Jose ang pinangalan sa kanya ay dahil ang nanay niya
ay deboto ng Christian Saint na si San Jose o Saint Joseph. Ang Protacio naman ay
nanggaling kay St. Gervacio Protacio, na ang feast ay cine-celebrate
tuwing June 19th, kung kailan pinanganak si Rizal. May mga references na ini-ispell ang
pangalan na Protasio with an "s", pero dito, for consistency,
gagamitin natin ang Protacio na may "c". Habang nangyayari ang baptism ceremony,
napansin ng kura paroko ang malaking ulo ni Jose Rizal. Namangha siya dito at inadvisan niya
ang mga family members ni Jose na ingatan ang bata. Sa tingin siguro ng kura paroko ay
dahil malaki ang ulo ng bata ay malaki rin ang utak nito. Dahil sa kalakihang yun,
he believed na lalaking matalino ang bata and someday he would become a great man. Pumunta tayo sa pangalan ni Jose Rizal
kasi baka napansin mo na parang ang haba naman niya masyado. ike, may galit ba ang mga
magulang niya sa kanya? Well, wala naman. Pero kung napansin mo,
tama ka, mahaba talaga siya. At ang dahilan dito ay
kombinasyon kasi ito ng iba't ibang apilyido ng pamilya
niya throughout the years. Subukan nating i-breakdown
ang kaniyang mahabang pangalan. Ang Jose Protacio, as I said,
ay galing sa dalawang santo: kay San Jose at kay Gervacio Protacio. Ang Mercado naman ay galing sa kanyang
Chinese ancestor na si Domingo Lam-co. Ito ang context niyan. Si Lam-co ay isang tsino,
at noong nabubuhay pa siya ay grabe ang rasismo sa bansang Pilipinas. Hostile ang mga Spanish authorities
sa kanilang lahi. Para maiwasan ang anti-Chinese hostility
ng mga Kastila sa kaniya at sa kaniyang pamilya, binago ni Lam-co ang kanilang
apilyido para maging Spanish. At napili niya ang apilyidong Mercado, na ang ibig sabihin ay "market", which is ideal kasi
mga merchants ang lahi niya. Ang Rizal naman ay inadapt ng mga Mercado
noong *1840's dahil sa Claveria decree. Context ulit. Noong 1840s, ang Governor-General
na si Narciso Claveria ay nag-issue na ang bawat Pilipino ay
kailangang magkaroon ng apilyido, isang step para ma-improve
ang census data at tax collection. Ang bawat province noon ay
binigyan ng listahan kung saan mamimili ang mga
pamilya ng kanilang apilyido. Ang mga apilyidong iyon ay
galing sa libro na'to: sa "Catalogo alfabetico de apellidos" o "Alphabetical Catalogue of
Surnames sa English." Ang mga Mercados ng Calamba
ay pinili ang unlisted name na Rizal. Ang original choice talaga nila ay Ricial, which means "the green of young growth"
or "green fields", para konektado sa kanilang kabuhayan. Kaso na-deny siya for some reason. Pero kahit pinili nila ang Rizal, patuloy pa rin nilang ginamit
ang surname na Mercado. Bakit? Dahil ang surname na Rizal ay nag-cause ng
confusion sa commercial affairs ng pamilya. Kilala kasi sila bilang mga
Mercado ng Calamba. Kung gagamitin nila ang Rizal, e 'di
hindi na sila mare-recognize ng mga tao. So ang ginawa na lang ng tatay ni Rizal ay
cinombine ang dalawang surname para maging Rizal Mercado. Pero mas madalas ang ginagamit niya
lang ay yung apilyidong Mercado, dahil nga mas kilala sila dun. Ang y sa mga Spanish names
indicates the conjunction "and", at nandito siya para i-seperate ang
patriarch surname sa matriarch surname. At oo, during this time nauuna talaga ang father's family name
kesa sa mother's family name. Ang Alonso naman ang matandang apilyido
ng pamilya ng kanyang Ina. Samantalang ang Realonda ay ang inadapt
ng mga Alonso dahil sa Claveria decree. At kagaya ng mga Mercado, kahit inadapt na nila ang Realonda,
patuloy pa rin nilang ginagamit ang Alonso. This seemed to be a common practice,
so that each family ended up with four surnames: each of the old and new family names
of both the mother and the father. Kung medyo nahahabaan ka,
or medyo naguguluhan sa apat na apilyido ni Jose Rizal, pwede naman natin siyang
tawagin sa isa niyang nickname: "Pepe." Bakit "Pepe", hindi ba medyo malayo? Ayon sa libro na "In Excelsis"
ni Felice Prudente Santa Maria, ang mga letters na "P.P." daw
ay laging nilalagay after ng pangalan
ni Saint San Jose. Sa Latin, ang P.P. stands
for pater putativus, which means putitative father. Kasi nga 'di ba commonly accepted na
ang legal father ni Jesus o Jesus Christ ay itong si San Jose o si St. Joseph. Sa spanish, ang letter na "P" ay
binibigkas ng "Peh." na nag-lead para tawagin si
Saint Joseph na Pepe. At dahil nga pingalan si Rizal sa santo,
tinawag na rin siya ng mga tao na Pepe. Si Jose Rizal o si Pepe ang
pang-pitong anak ng pamilya Mercado, isang mayamang pamilya na nakatira
sa isang Dominican-owned tenant land sa Calamba, Laguna. Ang kaniyang tatay ay si Francisco at ang kaniyang nanay naman ay si Teodora. Ang mag-asawa ay nakabuo
ng labing-isang anak: ang panganay na si Saturnina, ang panganay na lalaki na si Paciano, si Narcisa, si Olimpia, si Lucia, si Maria,
si Jose, si Concepcion si Josefa, si Trinidad, at ang bunso na si Soledad. Magfo-focus lang tayo sa
mga magulang ni Pepe, pero kung interesado kang malaman
ang details ng magkakapatid, nilagay ko pa rin sila sa video. Pwede mong i-pause or
i-screenshot kung gusto mo. Kung hindi ka naman interasado,
skip mo na lang. Ok. Francisco Mercado Rizal was more
than just the father of Jose Rizal; he was a man of admirable qualities. Pinanganak itong si
Francisco Mercado Rizal noong May 11, 1818
sa Binan Laguna at nakapag-aral ng Latin at Philosophy
sa College of San Jose sa Maynila. Maagang naulila ang batang Francisco
sa kaniyang ama. Nung namatay na ang
parehas niyang magulang, lumipat siya sa Calamba para
magsaka sa isang asyenda na pagmamay-ari ng
isang Dominican. Pero linawin ko lang na hindi naman
naghihirap itong si Francisco. Sa totoo niyan, ang tatay ni Francisco na si Juan Mercado, ay naging gobernadorcillo ng Binan
ng tatlong beses. Noong 1808, 1813, at 1823. At ang lolo niya naman na
Francisco Mercado rin ang pangalan, ay naging gobernadorcillo
din noong 1783, and incidentally owned the largest herd
of carabaos sa buong Binan. Clearly, may nainherit naman siguro
itong si Francisco noong namatay na ang kanyang mga magulang. Pero dahil sa kaniyang pagsusumikap ay
mas napalago niya pa ang kanilang pera by engaging in farming and trading. Sa Calamba, si Francisco ay well-respected. In fact, ang tawag pa nga sa kanya ng mga
tao doon ay Don Francisco o Don Kiko. Ang "Don" is an honorific prefix used
to show respect and courtesy. Ang characteristics nitong si Don Kiko ay
bihirang magsalita pero maraming nagagawa, malakas ang pangangatawan,
at maayos ang pag-iisip. Dahil sa mga katangiang ito, ang mga tao sa Calamba ay ginawa siyang
"cabeza de barangay" o ang head of town. Itong si Don Kiko ay hindi lang mahal
ng ibang mga tao sa Calamba, mahal din siya ng kaniyang pamilya. Sa pag-aaral nga natin kay Pepe,
makikita natin kung gaano kalaki ang admiration niya sa
kanyang ama. Sa kaniyang student memoirs,
tinawag ni Pepe si Don Kiko as "a model of fathers" o "huwarang ama" May mga obrang ginawa si Pepe
para sa kaniyang ama na mapapakita itong admiration na sinasabi ko. Noong 1881 nga, ginawan niya
ang kaniyang ama ng clay bust, at six years later, nag-spend pa
siya ng time para gawan si Don Kiko ng life-size sculpture. Ayon din sa ibang mga sources, ipinangalan ni Pepe ang kaniyang
maagang namatay na anak kay Josephine Bracken na Francisco. Medyo hindi ako sure sa part na ito kasi
may mga source na nagsasabing Peter daw yung pinangalan nila sa kanilang anak. Pero kung hindi man yun totoo, totoong totoo pa rin ang
pagmamahal ni Pepe sa kaniyang ama. Bago siya barilin, sinulatan niya
ang kaniyang kapatid na si Paciano. Ang sabi niya: Sinulatan niya rin si Don Kiko. Ang sabi niya sa kanyang ama: Makikita natin na maganda ang
relasyon ni Pepe sa kanyang ama, at ganun din sa kaniyang ina. Baka nga mas grabe pa. Sabi kasi sa sinulat na memoir ni Jose
kung saan dinescribe niya ang kaniyang ina: Si Teodora Alonso Realonda y Quintos,
ang ina ng bayani, ay isinilang noong November 8, 1826
sa Maynila. Bago pa pakasalan ni Donya Teodora ang
kaniyang asawa na si Don Kiko, she's already living a comfortable life. Mayaman sila. Ang pamilya kasi ni Donya Teodora
ay kabilang sa mahabang linya ng mga principalia class. Kapag sinabi nating principalia class, they were the ruling and educated
upper class in the towns during the Spanish occupation. Ang mga original na principalia
ay ang mga dating datu. Noong 16th century kasi, ang mga datu
na ito ay nakipagtulungan sa mga Espanyol na sakupin ang kanilang mga nasasakupan. Ang kapalit, gagantimpalaan ang mga datu
ng mga posisyon sa pamahalaan, tulad ng pagiging gobernadorcillo
at cabezas de barangay. Ang katayuan na principalia ay namamana,
at kabilang dito ang posisyon sa gobyerno. Kaya kahit 19th century na, ang pamilya pa rin nila Dona Teodora
ang mga gobernadorcillo ng kanilang bayan, ang highest position na kayang mahawakan
ng isang Filipino noong time na yun. Ang kaniyang lolo na si Cipriano Alonso ang naging gobernadorcillo ng
Binan noong 1790 at 1802. Ang kaniyang tatay naman na si
Lorenzo Alberto Alonso ang humawak ng posisyon na ito noong 1844. Bukod sa pribilehiyong magkaroon
ng pwesto sa gobyerno, ang mga principalia ay mayroong mga hawak
na malalawak na lupain na pwedeng ipaupa at excempted sila sa pagbabayad ng buwis. Dahil nga may kaya ang pamilya, napag-aral nila ang kanilang anak na si
Teodora sa Colegio de Santa Rosa. Sa kolehiyo na yun,
she displayed a special inclination toward literature and music. And her education and refined culture set
her apart from most women of her time. Ang kaniyang characteristics ay ito: Kahanga-hanga siyang babae,
mabini kung kumilos, may talino sa panitikan, negosyo, at taglay niya ang kahalintulad na
katatagan ng isang babaing Sparta. Ayon nga sa kaniyang anak na si Jose Rizal, Si Teodora ang naging unang guro
ng mga magkakapatid na Rizal. Tinuruan niya ang kaniyang mga anak kung
paano magbasa, magsulat, at magdasal. She also taught them values such as
discipline, justice, and compassion, and most importantly,
to treat Indios as *equals. Teodora also act as Rizal's
reading teacher and critic, and together they would read
books in their home library. Her love for literature and the arts
would be passed on to her children, who would become renowned writers
and artists in their own right. Maraming kwento tungkol kay Teodora
ang makikitaan mo ng kahangaan, pero I think ang pinakakahanga-hanga
niyang ginawa ay nangyari bago siya mamatay. After i-declare
ng mga Amerikano na ang national hero ng Pilipinas
ay si Jose Rizal, inofferan nila si Teodora ng life pension. Anong ginawa ni Teodora? Tinanggihan niya ito. She said, Maliban kay Donya Teodora,
nakatanggap din itong si Pepe ng gabay at mga tagubilin sa kaniyang
tatlong tiyuhin sa mother's side. Nandiyan si Tiyo Jose Alberto,
si Tiyo Gregorio, at si Tiyo Manuel. Each of them played a unique role
in shaping Rizal's character and skills. Unahin natin si Tiyo Jose Alberto. Si Tiyo Jose, isang talented artist,
ang nag-nurture sa batang Rizal para i-appreciate ang kagandahan
ng kalikasan o the beauty of nature. Tinuruan niya rin ito ng
iba’t ibang anyo ng sining, katulad ng pagpipinta,
pagguhit at pag-sculpture. Sumunod naman ay si Tiyo Gregorio. Siya ay isang marunong na iskolar, na nag-instill sa batang Rizal
to love education. He emphasized its importance
and the value of hard work. Ito ring si Tiyo Gregorio
ang nag-encourage kay Rizal na maging critical thinker at
dapat marunong mag-obserba sa kaniyang kapaligiran. Makakatulong daw kasi ito sa pagpapalawak
ni Pepe sa kanyang curiosity at kaalaman. Sa ilalim ng kaniyang guidance, mas lalong
nagustuhan ng batang Rizal ang pagbabasa. Ang huli naman ay si Tiyo Manuel. Itong si Tiyo Manuel ay medyo worried sa
physical development ng pamangkin niya. Kaya tinuruan niya ito ng
iba't ibang athletic skills. Nandiyang ang swimming, fencing,
wrestling, at iba-iba pang martial arts. At that time kasi, itong si Pepe ay
lampa, mahina, maliit, at sakitin, pero dahil sa kanyang mga gabay, he helped
to develop proficiency in these areas. Dahil lumalaki na ang batang Rizal, napagdesisyunan ng kanyang magulang na
magkaroon na siya ng mga privature tutors para maihanda siya sa
kaniyang formal education. Isa sa kanyang mga tutoy ay si Leon Monroy,
dating kaklase ng kaniyang ama. Itong si Leon Monroy ay nanirahan sa
pamilya ni Rizal at nagturo kay Pepe ng Spanish at Latin. Sa kasamaang palad, pagkatapos ng
limang buwan ay namatay itong tutor niya. At gusto ko lang linawin,
bago ka maging suspicious, walang kinalaman si Rizal
sa kaniyang kamatayan. Matagal ng may sakit
itong si Leon Monroy. Pagkatapos ng kamatayan ni Monroy,
ipinadala ni Don Kiko ang kaniyang anak sa Binan para ipagpatuloy ang
pag-aaral ng Espanyol at Latin. Kasama ni Pepe ang kanyang kuya Paciano. Nanirahan si Pepe at si Paciano
sa bahay ng kanilang tiyuhin. Si Paciano, dahil nga
mas lubos na nakakatanda, ang nagsilbing father figure ng
batang Rizal habang nag-aaral sa Binan. Ang kaniyang naging guro sa Binan ay si
Maestro Justiniano Aquino Cruz, who Rizal described as a tall, thin man
with a long neck and a sharp nose. Terror teacher itong si
Maestro Justiniano pero matalino. He knew Latin and Spanish grammar by heart. Ang unang araw ni Pepe sa
eskwelahan ay hindi naging madali. Pagkapasok niya pa lang classroom,
tinanong na agad siya ng kaniyang guro. "Do you speak Spanish?" " A little, sir." "Do you know Latin?" "A little, sir," Dahil sa mga sagot na ito,
si Pepe ay pinagtawanan. Kinutya siya ng anak ng guro
na ang pangalan ay Pedro, na dinescribe ni Rizal na ang
pinakamasamang bata sa klase. At dahil sa pangungutyang ito,
nagsimula silang mag-away. Si Pedro ay mas matangkad kay Rizal, kaya sa tingin niya siguro ay easy-easy
lang na matatalo niya ang batang Rizal. Pero, dahil nga marunong
mag-martial arts itong si Pepe, salamat kay Tiyo Manuel, e natalo niya ito. Noong binitawan niya si Pedro,
iniwan niya itong mortified. Sabi ni Pedro, "Rematch!" Kaso tumanggi si Jose. Dahil sa time na 'yun ay
gising na yung guro nila at natatakot siya na baka
makatanggap siya ng parusa. Dahil sa laban na ito, nakagawa si Pepe
ng pangalan para sa sarili niya. Kaya pagkatapos ng klase,
hinamon siya ng isang bata. Ang batang humamon ay si Andres Salandanan
at magbunong braso daw sila. Kaso at this time, wala na
kay Rizal ang kapalaran. Natalo siya at muntik pa ngang mabagok. Nine-name call siya, tinutukso, at binibigyan siya ng palayaw
tulad ng Calambeno. Pero hindi niya naman ito
iminamasama ng loob. Kasi ang mga tumutukso sa kanya ay
cino-consider niya na mga matatalik na kaibigan. Na sa sobrang bait ay nakakalimutan
tuloy niya ang mga wrongdoings na kanilang ginagawa. Kung hindi niya mini-mind ang natatanggap
niya sa kaniyang mga kaklase, e kabaliktaran naman kapag ang
kaniyang guro na ang pinag-uusapan. Sabi nga ni Rizal sa
kaniyang student memoir: Malaki ang impluwensiya
ng pag-aaral ni Rizal sa Binan sa kaniyang pananaw sa edukasyon. Noong lumaki na ang batang Rizal,
nag-reflect siya sa estado nito. Naniniwala siya na ang edukasyon ay
hindi lang isang obligasyon, pero isang investment na magdadala
sa atin sa isang brighter future. At matatamasa lang natin ito when schools become a safe haven
and a playground of the mind. Where young minds can explore and grow, rather than what he experienced, which can be likened to a
dreaded torture chamber. Noong bumalik na ang
batang Rizal sa Calamba, his parents decided na he should
stay there and later go to Manila. At during this time, ang kaniyang tiyo,
na si Don Jose Alberto, ay bumalik from Europe. What happened next is a scandalous story
involving Rizal's family, na sa sobrang scandalous ay para
siyang isang modern teleserye. You know what, for fun,
let's imagine it as a teleserye. Inihahandog ng Dreamscape Productions. In association with ABS-CBN. Ok. I'll try to be serious na kasi
nakakalungkot ang sumunod na nangyari sa nanay ni Rizal. At masakit na rin yung lalamunan ko
kakaboses kay Teodora PERO---- Dahil sa pagbibintang sa kaniya
na sinubukan niyang lasunin ang asawa ng kaniyang kapatid, hinuli siya at kinasuhan. And as a punishment,
pinaglakad si Teodora ng 50 kilometers mula Calamba papuntang Santa Cruz. Pinagbawalan siya na gumamit
ng kahit anong sasakyan. Kailangan niya daw mag-suffer sa kahihiyan kahit ang panlalason ay
hindi naman napatunayan. Dahil sa ginawa sa kaniyang ina, pwede nating sabihin na
namulat ang batang Rizal kung gaano ka-cruel ang mundo. Maraming salamat sa panonood. Dito nagtatapos ang video. Dagdag ko lang, mabilis lang. Habang nire-research ko yung
tungkol sa batang Rizal, pumasok sa isip ko yung toxic trait
ng mga Filipino families. Yung cino-compare ng mga magulang
yung kanilang mga anak sa ibang bata. Bakit hindi mo gayahin si ganito?
Ang tali-talino. Bakit hindi mo gayahin si ganiyan?
Ang bait-bait, ang sipag-sipag. O baka nga may
nagcompare din kay Rizal, bakit di mo gayahin si Rizal ang
bata bata pa lang ang galing galing na. Pero again, as I said, at sa pag-aaral
natin kay Rizal is hindi naman inherent yung mga admirable qualities na ito. They were nurtured and developed over time. Yung nanay niya, nag-spend talaga
ng time para turuan si Pepe. At ganun din yung mga kapatid niya
pati yung mga tiyuhin niya. So imagine if parents focused more
on nurturing their children instead of constantly
comparing them to others. Think about the incredible potential
that could be unlocked if parents provided the support and
encouragement necessary for their children to grow and develop
their own unique strengths. When we nurture a
children's innate potential, the possibilities are truly limitless. 'Yun lang, maraming salamat ulit.