Masayang araw mga heyo, henyo at heyo, henya! At welcome sa unang episode ng AP Pinasaya! Inyong magiging tambayan na magbibigay sa inyo ng mga bagong karanasan, karunungan at kaalaman sa pag-aaral ng geografiya, kasaysayan, kultura at lipunan ng Asia. Ako si Sir Leo Angiles, ang inyong guro, kaibigan at kalakbay aral o tour guide para sa ating masasayang paglalakbay.
At dahil espesyal ang araw na ito, meron tayong makikita. makakasama na dalawang mababait at bibong, sina Jeo at Pia, na tutulong sa atin upang mas maging magaan at masaya ang inyong pag-aaral. O ano, mga AP Natics?
Excited na ba kayo? Kaya sabay-sabay nating pasukin ang masayang mundo ng pag-aaral ng Kontinenting Asia. O milyar...
Nagka ba sa mga lugar na ito? Napansin ba ninyo na bawat lugar ay may sariling kakaibang katangiang pisikal? At upang lalo ninyong maintindihan ang ating aralin, dadaling ko kayo hindi lamang sa iba't ibang sulok ng bansa, kundi pati na rin sa labas ng Pilipinas.
Kung handa na kayo, ihanda na ang globo, mapa, kompas, samahan mo na rin ng bo- ball pen, papel, kamera, at magbao na rin ng face mask at face shield. Pero bago ang lahat, kailangan muna nating dumaan ng emigration para sa ating passport at boarding pass. Makukuha lamang ninyo ito kung masasagot ninyo ang aking mga katanungan. Para sa unang tanong, ilang kontinente ang bumubuo sa daigdi?
A. Lima B. Anim C. Pito o D. Walo Kung ang iyong sagot ay T-Tek-C, appear, tama ka, pito nga ang ating kontinente.
Para sa ating ikalawang tanong, ano ang pinakamalaking kontinente sa daigdig? A. Asia B. Afrika C. Europa O D. Hilagang Amerika Music Appear kung ang pinili mong titik ay tama ka.
Asya nga ang pinakamalaking kontinente. Para sa ikatlong tanong, alin sa mga sumusunod ang nagpapaliwanag sa konsepto ng heoglipo? A. Ang geografiya ay pag-aaral sa pinagmula ng tao.
B. Ang geografiya ay tumutukoy sa pag-aaral ng katangiang pisikal ng daigdig. C.
Ang geografiya ay tumutukoy sa pag-aaral ng katangiang pisikal ng daigdig. Ang geografiya ay pag-aaral ng wika at kultura ng isang pamayanan? D.
Ang geografiya ay tumutukoy sa pag-aaral ng distribusyon at alokasyon ng likas na yaman. Tama ka! Kung ang sagot mo ay titik-pi, magaling dahil ang geografiya ay pag-aaral ng katangiang pisikal ng daigdig. Para sa ikaapat na tanong, alin sa mga sumusunod ang hindiwastong impormasyon tungkol sa kontinenting Asia? A. Ang hugis, anyo at klima ng mga lupain sa Asia ay pare-pareho?
B. Ang buong kalupaan ng Asia ay mahatagpuan sa silangang bahagi ng globo? C. Ito ay napapalibutan ng mga dagat, karagatan at ibang-ibang anyong lupa at tubig. D.
33 bahagdan o 1 third ng lupain sa mundo ay sakop ng kontinenting Asia. Mahusay! Kung ang sagot mo ay titik A, tama ka! Dahil sa lawak at laki ng asya, hindi pare-pareho ang hugis, anyo at lima nito.
Apil! Para sa huling tanong. Anong kabundukan ang nagsisilbing hangganan ng Asia sa Europa?
A. Karakuram Ranges B. Kabundukan ng Yural C. Tianxian Mountains D. Kabundukan ng Himalayas Kung ang sinagot mo ay titik B, tama ka. Dahil ang nakapagkitan sa Asia at Europa ay ang kabundukang Ural, Apir. Mukhang handang-handa na kayo sa inyong paglalakbay. Dahil nasagot ninyo...
ang mga tanong. Pero, huwag kayong mag-alala. Yung hindi nakakuha ng tamang sagot, okay lang yan.
Dahil makakasama pa rin kayo sa ating adventurer. Sa ating paglalakbay, may paalala sa inyo ang ating flight attendant na si Kuya Cheyo. Tara, makinig muna tayo. Milyong kaso na ng COVID-19 ang naitala.
Pansamantala mang ipinagpawal ang pagpasok ng mga dayuhan at turista. Nagsaraman ang kanilang daungan or borders. Ang nawalan ng trabaho dahil sa pagkasarado ng mga pagawaan. Ang good news, pagkalipas ng ilang buwan, unti-unti nang binabalik sa normal ang ating...
ating pamumuhay. Kailangan ng lumabas para maghanap buhay. At higit sa lahat, unti-unti nang pinapayagan ang pagalakbay. Pero bago tayong lumipad, may mga ilang paalala na dapat tayong tandaan para sa kaligtasan ng bawat isa. Una, ugaliin ang paggamit ng face mask at face shield kung lalabas ng ating mga tahanan.
Tip number two, kung hindi maiiwasan ang paglabas, i-observe ang social distancing para natiliin ang isa hanggang dalawang metrong layo upang makaiwas sa hawahan ng virus. Ikatlo, kumain ng masustansyang pagkain at uminom ng bitamina upang maparatili ang kalakasan ng resistensya ng ating pangatawan. Hanggang sa susunod na mga tips mula kay... Kuya Geo. Bago tayo magpatuloy, may tatlo akong katanungan sa inyo.
Una, ano ang kahulugan ng geografiya? Ikalawa, ano-ano ang katangihang pisikal ng asya? Ikatlo, ano ang kahugnayan ng geografiya sa ating pamumuhay? Ang salitang geografiya ay nanggaling sa dalawang griyegong salita na geo na ang ibig sabihin na ay mundo o daetik at grapia o grapit na ang ibig sabihin ay isulat o ilarawan. Sa makatuit, kung pagsasamahin natin ang dalawang salitang ito, tayo ay makakabuo ng kahulugan ng geografiya.
Ito ay paglarawan ng katangiang pisikal ng mundo o daetik. Sa hupdin ng... ang geografiya, ang pag-aaral sa mga bagay na bumubuo sa ating kapaligiran. Tulad ng mga anyong lupa at tubig, likas na yaman, klima at vegetation cover.
Kasama na rin ang iba't ibang mga interaksyon ng lahat ng mga bagay sa ating paligid. Na ang mga salik na ito ay may malaking epekto sa paraan ng ating pamumuhay. Halimbawa na lang ang...
Pilipinas na napapalibutan ng katuligan. Kaya mayaman tayo sa mga iba't ibang yamang tubig bukod pa dito. Tayo rin ay binayaan ng yamang lupa.
Kung kaya't sagana tayo sa produktong agrikultural at mga mineral. Kinala ba ninyo ang itinuturing na father of geography? Ang kinikilalang ama ng geography? ay ang Greek na si Eratosthenes.
Siya ang unang gumamit ng salitang geografiya para sa mga mapang kanyang nilikha. Maituturin din siya sa mga pinakamahalagang nayambag niya ang konsepto ng latitude and longitude. Ginagamit ng mga Greek ang mga linyang ito upang maitala sa mga mapa ang mga lugar na kanilang napuntahan. Alam ba ninyo na ang daigdig na ating tirahan ay may kabuang sukat na 500 million kilometro kwadrado? At dahil sa laki at lawak niya, ito ay hinati sa mga kontinente.
Ano ang kontinente? Ang kontinente ay tumutukoy sa pinakamalaking dibisyon o masa ng lupain sa daigdig. Ito ay hinati-hati sa pitong kontinente upang mapadali ang pamahala dito. Tulad din, ng paghahati-hati sa Pilipinas sa iba't ibang reyon. Ngayon, heyo, henyo at heyo, henya, magpapakita ako sa inyo ng 7 mapa.
Sasabihin nyo sa akin kung anong kontinente ito. Para sa unang mapa. Magaling! Africa nga ito.
Ito ang pangalawang pinakamalaking kontinente na may kabuang sukat na 30,269,817 km2. Ikalawang mapa. Kung ang sagot mo ay Hilagang Amerika, mahusay dahil tama ang sagot mo. Ito ay may kagungang sukat na 24,210,000 km2. Ikatlong mapa.
Very good! Ito nga ay Timog Amerika na may kabuang sukat na 17,820,852 km2. Ikaapat na mapa.
Antarctica nga ito na may kabuang sukat na 13,209,069 km2. Ikalimang mapa. Bravo! Europa nga ito na may kabuang sukat na 10,530,789 km2.
Ikaanim na mapa. Mahusay! Ito nga ang Australia, ang pinakamaliit na kontinente na may kabuang sukat na 7,862,336 km2. Ang pinakahuling mapa.
Kung ang sagot mo ay Asia, tama ka! Appear! Pahusay! Ngayon, nalaman na ninyo ang pitong kontinente sa daigdig.
Tulad ng sinabi natin kanina, dahil sa lawak at laki ng daigdig, ito ay hinati-hati sa bawat kontinente. Alam mo ba kung saan nagmula ang salitang Asya? Ang salitang Asya ay sinasabing nanggaling sa salitang Asu, isang salitang Ajan na nangangahulugang pagbubukang liwayway o lugar na sinisikatan ng araw o silangan. Ngunit may mga ilang sources na nagsasabing ang salitang Asu ay galing din sa salitang Asiryan. Ang salitang Ajan at Asiryan ay parehong simetik.
Samantala, ang Europa ay mula sa tang Erep na nangangahulugang lugar na nilulubugan ng araw o kanluran. Ngayon, pwede ba akong magtanong? Maaari mo bang ilarawan ang iyong idolo? Ano ba ang mga bagay na nagustuhan mo sa kanya? Siya ba ay nagustuhan mo sa pagiging mabait, matalino, magalang o malambing?
O baka naman nagustuhan mo si idol dahil magpapasok? Dahil siya ay matangkad, maganda ang tinding, makinis ang kutis, mapungay ang mata. Bakit ko ito na itanong sa inyo? Kasi una nating nagugustuhan sa ating iniidolo ay ang kanilang pisikal na katangian. Kung ating ikukumpara sa pag-aaral ng geografiya ng asya, mapag-aaralan din natin ang katangian pisikal nito.
Lagi ninyong tandaan, hindi lang mga... ang nagtataglay ng katangiang pisikal, pati rin ang mga bansa at kontinente. Sa pag-aaral ng katangiang pisikal, ...pisikal, tinatalakay natin ang lawak, sukat, lokasyon, at hangganan, at iba pa. Ngayon, alamin natin ang laki at sukat ng asya.
Ang asya ang pinakamalaking kontra... na may kabuoang sukat na humigit kumulang sa 44,486,104 km2. Ito ay halos katumbas ng pinag- nagsama-samang lupain ng Hilagang Amerika, Timog Amerika at Australia at halos sangkapat lamang nito ang Europe.
Tinatayang 33% o one-third bahagi ng lupain ng daigdig ay sakop ng Asia. At dahil sa lawak at laki ng Asia, halos lahat ng uri ng klima dito ay nararanasan. Mula sa pinakamalamig na klima.
Sa hilagang bahagi at pinakamainit na klima sa timog kalurang bahagi nito. Ngayon naman ay ating aalamin ang tiyak na lokasyon nito. Ano nga ba ang lokasyon?
Ang lokasyon, ito ay tumutukoy sa kinaroonan ng isang lugar. At upang matukoy natin ang tiyak na lokasyon, ng Asia o ang absolute location nito, gagamit tayo ng latitude at longitude. Ang latitude ay ang distansyang angular ng isang lugar mula sa hilaga o timog. ng ekwador.
Ang ekwator ay mahatagpuan naman sa zero degree latitude. At ito rin ang guhit-pahalang o paralel na humahati sa globo, sa hilaga at timog na hemispiro nito. Samantala, ano naman ang longitude? Ang longitude ay distansyang angular na tumutukoy sa silangan at kaluran na.
ng prime meridian. Ang prime meridian naman ay matagpuan sa zero degree at nasaguhit pa tayo na makikita sa globo. So ngayon, tukoyin natin ang eksaktong lokasyon ng asya gamit ang degree ng latitude at longitude. Subukan nga natin hanapin ang asya sa inyong globo.
Saan makikita ang asya? Sa Hilaga o Timog Hemispiro? Kung ang sagot Ang mga sagot mo ay parehong makikita ang Asia sa Hilaga at Timog Hemispiro mahusay. Samantala, gamit pa rin ang inyong globo. Saan naman makikita ang Asia?
Sa Silangan ba o Kanluran? Kung ang inyong sagot ay Silangan, tumpak na tumpak ang inyong sagot. Dahil lahat ng mga bansa sa Asia ay matagpuan na silangang bahagi ng mundo. Ang Asia ay makikita... sa silangang bahagi ng Daiti.
Ito ay nahihiwalay sa Hilagang Europa sa pamagitan ng kabundukang Ural, Suez Canal, Red Sea at Gulf of Eden naman ang nagihiwalay sa Asia at Afrika. Samantala ang Bering Strait, ang hangganan ng Asia at Hilagang Amerika. Ang Dagat Timor ang nagihiwalay sa Asia at sa kontinente. ng Australia. Nasa hilaga ng Asia ay ang Arctic Ocean.
Samantala sa timog ay ang Indian Ocean. Sa silangan ay ang Pacific Ocean. At sa kanluran ay ang Ural Mountains, Caspian Sea at Black Sea.
Sige nga, subukan nga natin kung naaalala nyo pa. Para sa aking unang tanong, anong kabundukan ang nagihiwalay sa Asia at Europa? Ito ba ay Suez Canal o Kabundukang Yural? Kung ang pinili mong sagot ay Kabundukang Yural, magaling! Tama ang iyong sagot.
Para sa aking ikalawang tanong, ano ang hanggara ng Asia sa may silangang bahagi nito? Ito ba ay Red Sea o Pacific Ocean? Kung ang sagot mo ay Pacific Ocean, very good! Nakuha mo ang tamang sagot.
Ang Pacific Ocean, ang pinakamalaking ocean sa buong mundo. Para sa aking panguling katanungan, gamit ang mapa ng daigdig, anong kontinente ang nakatikit sa Asia? Ito ba ay Afrika o Europa? Kung ang napili mong sagot... Ay Europa, tumpak na tumpak ang iyong sagot.
Europa ay makikita sa kanlurang bahagi ng Asia. Dahil sila ay mag-augnay, dito na buo ang salitang Eurasia. Mga APnatics, tapos na ang ating paglalakbay. sa unang bahagi ng ating pag-aaral. Pero bago kayo makalabas at makuha ang inyong exit pass, kailangan muna natin magbalik-aral sa naging kwentuhan natin kanina.
Para pagating sa immigration, masasagot din nyo ang... ang kanilang mga katanungan. Tandaan natin na ang geografiya ay pag-aaral ng katangiang pisikal ng daigdig. Dito ay pinag-aaralan din natin kung papaano nakakaapekto ang mga katangiang pisikal tulad ng lawak, sukat, laki, lokasyon, kinaroroonan, hangganan, anyong lupa, anyong tubig, likas na yaman. klima at vegetation cover sa pamumuhay natin.
At dahil sa lawak at laki ng Asia, ito ay nagtataglay ng magkakaibang anyong lupa, anyong tubig, likas na yaman at klima. At ito rin ang pangunahing dahilan ng pagkakaiba-iba ng uri ng pamumuhay ng mga Asyano. At para sa inyong takdang aralin, Basahin ang inyong self-learning module tungkol sa paghahating geografiko ng ASHA. Lagi ninyong tandaan, ang pag-aaral ng ASHA ay mahalaga at masaya. Kaya ugaliing tumuto at manood sa susunod na episode ng AP Pinasaya na laging magbibigay sa inyo ng ngiti, saya, ligaya at pag-asa.
Ako si Sir Leo Angeles, nagsasabing mag-aaral ng ASHA. upang saysay ng mga salaysay ay ating matutunan.