Transcript for:
Kahalagahan ng Paghubog ng Konsensya

Ang mapagpalang araw sa ating lahat. Muli ako si Binibining Rowena Bulabos ang inyong guro sa Edukasyon sa Pagpapakatao. Nasasamahan kayo sa isa namang masayang pagkatuto sa bagong aralin. Ang paghubog ng konsensya batay sa likas na batas moral. Balik-aral tayo. Nabanggit sa nakaraang aralin na bilang natatanging nilikha, ang tao ay binigyan ng isip kaya't may kakayahan siyang magnilay at magmunimuni dahil may kamalayan siya sa kanyang sari. Bukod dito, ang isip ay may likas na kaalaman tungkol sa mabuti't masama. Ito ang titawag na konsensya. Nilikamang hindi tapos ang tao, may kakaya naman siyang buuin ang kanyang isip. Sa kabuuan ng aralin, nalaman mo na ang gamit ng isip ng tao ay ang pag-unawa at tunguy naman ito ay ang katotohanan. Ang kilos loob naman inilirawan ito ni Santo Tomas de Aquino bilang isang makatuwirang pag-agusto sapagkat ito'y naaakit sa mabuti at lumalayo sa masama. Ang gamit ng kilos loob ng tao ay ang kumilos o gumawa. At ang tunguhin naman nito ay walang iba kundi kabutihan. Ngayon naman, tayo ay nasa panibagong aralin. Siguradong narinig mo na ang payo na gawin mong gabay ang iyong konsensya. O di kaya makinig ka sa iyong konsensya. Naunawaan mo ba ang tunay na kahulugan ng pahayag na ito? Ano ang bahaging ginagampana ng konsensya sa pagpapaundlad ng tao sa kanyang pakatao bilang persona upang tuluyang makamit ang pagiging personalidad? Ang konsensya ay ang bataya ng kaisipan. sa paghusga ng tama o mali. Ngunit, naitanong mo na ba sa iyong sarili kung paano nga ba nalalaman ng konsensya na tama o mabuti ang isang kilos samantalang mali o masama ang iba? Ibig bang sabihin ito ay laging tama ang hatol ng konsensya at hindi kailanman ito nagkakamali? Paano natin huhubugin ang ating konsensya upang kumiling ito sa mag- mabuti. Ito at marami pang ibang mga tanong ang sasagutin sa module na ito. Sa pamamagitan ng mga gawain at video lesson na ito, inaasahang masasagot mo ang mahalagang tanong na paano huhubugin ang konsensya upang magsilbing gabay sa mabuting pagpapasya at pagkilos. Handa na ba kayo? Tayo na! Basahin at unawain ang sitwasyon sa iba ba. Sakaling ikaw ang maharap sa ganitong pangyayari, ano ang iyong gagawin? Ano ang iyong naging batayan ng kaisipan sa pagbuo ng pagpapasya? Nakapagtala ka ba ng mga paraan o hakbang ng pagkilos ng iyong konsensya sa iyong gagawing pasya? Ang konsensya ang isa sa mga kilos ng isip na nagkuutos at nanghuhusga sa mabuting dapat gawin o sa masamang dapat iwasan. Malaki ang bahaging ginagampanan nito sa pagsisikap ng tao. na makapagpasya at makakilos ng naaayon sa kabutihan. Ngunit, paano ba nalalaman ng konsensya ang mabuti't masama, ang tama at mali? Paano natin huhubugin ito upang kumiling o tumungo ang ating mga pasya at kilos sa kabutihan? Sa ating buhay, humaharap tayo sa maraming katanungan. Gaya ng ano, alin, paano at bakit. Kailangan gumawa tayo ng mga pasya mula sa ating pagkagising sa umaga hanggang sa pagtulog sa gabi. Ang ilan sa mga pasyang ginagawa natin ay may tuturing na pangkaraniwang lamang, samantalang ang iba ay may kabigatan dahil nakasalalay sa mga ito ang pagbuo ng ating pagkatao at ang kapakanan ng kapwa. Sa mga sitwasyong namanggit, ginagamit natin ang ating konsensya. Ang konsensya ang pinakamalapit na pamantayan ng moralidad na gumagabay sa ating pamumuhay tungo sa kabutihan. Marahil, ang pinakatumpak at pinakasimpleng paliwanag sa konsensya ay ang praktikal na paghuhusga ng isipan na magpapasya na gawin ng mabuti at iwasan ng masama. Sa puntong ito, susubukan nating palalimin at palinawin. ang galaw ng konsensya ng isang tao. Sa pag-unawan nito, makapagbibigay tayo ng paliwanag kung paano nagiging gabay ang konsensya sa tamang pagpapasya at pagkilos. Sa ating pang-araw-araw na pakikibaka sa buhay, ginagamit natin ang ating konsensya ng hindi natin namamalayan. Mahalagang maunawaan ng mabuti kung ano talaga ito. Dahil malaki ang maitatulong nito sa pagpapaundlad ng ating pagkatao at ng ating ugnayan sa ating kapwa at sa Diyos. Ano nga ba ang konsensya? Ang konsensya ang munting tinig sa loob ng tao na nagbibigay ng payo sa tao at naguutos sa kanya sa gitna ng isang moral na pagpapasya kung paano kumilos sa isang konkretong sitwasyon. Waring bumubulong ito palagi sa tagong bahagi ng ating sarili, na ito ay mabuti, ito ang kinakailangan mong gawin, ito ang nararapat. O kaya naman ay, ito ay masama, hindi mo itong nararapat na gawin. Ang munting tinig na ito ay hindi lamang nagsasabi ng mabuting dapat gawin o ng masamang dapat iwasan, kundi nagpapahayag ng isang obligasyon na gawin ang mabuti. naghahayag ng may autoridad at nagmumula sa isang mataas na kapangyarihan. Ayaw kay Santo Tomas de Aquino, ang konsensya ay isang natatangin kilos pang kaisipan, isang paghusga ng ating sariling katwiran. Sa pamamagitan nito, nailalapat ng tao ang batas na naitanim sa ating puso mula pa noong ating kapanganangakan. Sa mga particular na sitwasyon na ating kinaharap sa bawat araw, tumatawag ito sa atin upang gumawa ng pagpili o pagpasya. Ayon pa rin sa kanya, ang konsensya ay ang kapangyarihang pumagitna sa dalawang ito. Ito ang humuhusga kung paano ilalapat ang pangkalahatang kalaman na ito sa particular na sitwasyon na ating kinaharap. At gumagabay sa atin, na magpasya kung ano ang mabuting kinakailangan gawin at masamang kinakailangan iwasan. Malinang sa atin ang sinasabi ng ating konsensya. Gawin mo ang mabuti, iwasan mo ang masama. Kung mabuti ang kilos, nangangulugang ito na ang kaalaman ng tao tungkol sa katotohanan ay tama. Ngunit kung masama ang ikinilos, nangangulugang ito Nataliwa sa katotohanan ang taglay niyang kaalaman o hindi pa gaano matatag ang kanyang paninindigan sa mabuti. May dalawang elemento ng konsensya. Una, ang pagninilay upang maunawaan kung ano ang tama o mali, mabuti o masama. At ang paghatol na ang isang gawain ay tama o mali, mabuti o masama. At ang pangalawa? Ang pakiramdam na obligasyong gawin ang mabuti. Sa madaling salita, isang paghatol ang ginagawa ng konsensya kapag sinasabi nito sa atin na ang isang kilos ay masama at hindi dapat isagawa. Ngunit kung susuwayin ang konsensya at ipagpapatuloy ang paggawa ng masama, masasabing itong isang paglabag sa likas na pagkiling ng tao, ang mabuti. May dalawang mahalagang bahagi ng konsensya. Una, ang paghatol moral sa kabutihan o kasamaan ng isang kilos. At ikalawa, ang obligasyong moral na gawin ng mabuti at iwasan ng masama. Maaring magkamali ang paghusga ng konsensya, kung tama o mali ang isang kilos. Ngunit hindi lahat ng maling gamit ng konsensya ay maituturing na masama. May mga pagkakataon na hindi ito kinikilalang masama dahil sa kamangmangan ng tao. Ang kamangmangan ay kawala ng kaalaman sa isang bagay. Lumilitaw ito sa mga pagkakataong kinakailangang gamitin ang kaalaman Sa isang pagkakataon, may dalawang uri ng kamangmangan na mahalagang maunawaan upang mataya kung kailan may tuturing na masama ang maling paghuhusga ng konsensya. Mga uri ng kamangmangan Una, kamangmangang madaraig, VINCIBLE IGNORANCE Ang kamangmangan ay madaraig kung mayroong pamamaraan na magagawa ang isang tao upang malagpasan ito. At ang pagkakaroon ng kaalaman dito ay magagawa sa pamamagitan ng pagsisikap o pag-aaral. Ang kamangmangan ay dahil na sa sariling kababayaan ng tao. May pagkakataon ng tao na makaalam ngunit hindi nabigyan ng panahon at pagsisikap upang malaman ang tama o ang mabuti. Nangyayari ito kapag may nararamdaman ng taong pag-aalinlangan. Ngunit walang pagsisikap na maunawaan ang tunay na mabuti't masama. May mga sitwasyong hindi tiyak ng tao kung ano ang dapat niyang gawin. Sa pagkakataong ganito, may panganib na magpadalos-dalos ang tao sa pagkilos. Ngunit sa ganitong pagkakataon, hindi na na rapat na sundin ang maling konsensya. Mahalagang tandaan na may obligasyon tayong alamin kung ano ang tama't mabuti. Nawawala ang dangal ng konsensya kapag ipinagbawalang bahala ng tao ang katotohanan at kabutihan. Kamangmangan na di madaraig. Invincible ignorance. Ang kamangmangan ay di madaraig kung walang pamamaraan na magagawa ang isang tao upang ito ay malampasan. Ito ang uri ng kamangmangan na bumabawas o tumatanggal sa pananagutan ng tao sa kanyang kilos o pasya. Ang paggusgan ng tama ng... Hindi nawawalan ng karangalan ang konsensya dahil tungkulin mong sundin ang iyong konsensya kahit ito ay mali. Ito ay dahil sa pagkakataong ginawa ang pagpili. Pinaniniwalaan mong tama at mabuti ang iyong ginawa. Ang mahalaga ay magkaroon ka ng pananagutan upang ituwid ang iyong pagkakamali matapos mong malaman ang katotohanan. Ang mahalaga lamang ay maglaan siya ng panahon at pagsisikap upang kanyang maraming magpapasok. ang kanyang kaalamang kailangan niyang upang mahubog ang kanyang konsensya. Ang hamon sa atin ay hindi lamang sundin ang konsensya, kundi hubugin ito. Bago nating pag-usapan ang paghubog ng konsensya, mahalagang maunawaan muna ang proseso ng pagkilos ng konsensya na nakatutulong sa ating pagpapasya. Kadalasan, madali para sa atin ang makagawa ng mga pangkaraniwang pasya sa iba't ibang sitwasyong kinaharap natin sa araw-araw. Bihirang dumating ang mga pagkakataon na hindi natin alam kung ano ang gagawin. Ginagamit natin ang ating mga kaalaman bilang gabay sa paggawa ng pinakamainam na pasya. Gayunpaman, paminsan-minsan, nahaharap tayo sa krisis kapag hindi natin alam kung ano ang gagawin sa isang sitwasyon. Ang krisis na tinutukoy dito ay isang kritika na sandali sa ating buhay. Hindi ito palaging isang negatibong sitwasyon. Dumarating ang panahon na hindi tayo sigurado. Sa kung ano ang gagawin, kahit pa marami tayong kaalaman sa maraming bagay, hindi ito nakapagbibigay sa atin ng malinaw na direksyon sa ganitong mga pagkakataon. Dahil dito, kinakailangan natin ang ating konsekwensya. Kaya mahalagang pag-aralan ang proseso upang makamit ito ng mabuti. Ano-ano ang apat na yugto ng konsensya at paano ito nakatutulong sa paggawa ng mabuting pasya? Unang yugto, alamin at naisin ang mabuti. Ang tao ay nilikha na may likas na pagnanais na mabuti at totoo. Sa kabila nito, bakit kaya maraming tao ang gumagawa pa rin ng mga bagay na masama? Una, ang ilang mga tao kahit alam na kung ano ang mabuti, ay pinipili pa rin ang gumawa ng masama. Ikalawa, maaring kulang ang kaalaman ng isang tao sa totoong mabuti upang tuluyan niyang naisin ito. Dito pumapasok ang kahalagahan ng likas na batas moral bilang batayan sa pagkakaroon ng mabuting konsensya. Ikalawang yugto, ang pagkilatis sa particular na kabutihan sa isang sitwasyon. May ilang gawaing kaugnay nito tulad ng pag-aaral ng sitwasyon, pangangalap ng mga impormasyon, Pagsangguni na sinusunda ng pagninilay na naghahatid sa paghatol ng konsensya. Sa sandaling ito, nailalapat natin ang ating nalalaman sa mga prinsipyo ng moralidad upang kilitisin ang mabuti sa isang partikular na sitwasyon. Ikatlong yugto, paghatol para sa mabuting pasya at kilos. Mula sa unang yugto na tumatalakay sa pagnanais sa mabuti at sa ikalawang yugto na pagkilati sa partikular na kabutihan sa isang sitwasyon, ang ikatlong yugto ay Oras ng paghatol ng konsensya, kung saan, waring sinasabi sa atin, ito ay mabuti, ito ay kinakailangan mong gawin, o kaya naman ay, ito ay masama, hindi mo ito narapat na gawin. Sa sandaling ito, nahusgahan ang kabutihan o kasamaan ng isang kilos, ang hatol na ibibigay sa atin ang magsisilbing resolusyon sa krisis na kinaharap natin. Ikaapat na yugto, Pagsusuri ng Sarili, Pagninilay Sa sandaling ito, pinabalikan natin ang ginawang paghatol. Pinagninilayan natin ang ating paghatol upang matuto mula sa ating karanasan. Kung sa pagninilay ay mapatunayan natin na tama ang naging paghato ng konsensya, kinukumpirma natin ang ating pagiging sensitibo sa mabuti at masama at higit na pinagtitibay ang ating paghato ng konsensya. Sa kabilang banda, ang negatibong resulta ng maling paghatol ng konsensya ay indikasyon na itama ito kung maaari pa at matuturin mula sa maling paghatol. Ngunit, saan nga ba nararapat ipatay ang paghubog ng konsensya? Bagaman sinasabing ang konsensya ang batayan ng isip sa paghusga ng mabuti o masama. Ito pa rin ay ang subjetibo, personal at agarang pamantayan ng moralidad ng tao. Kaya, may mas mataas na pamantayan pa kaysa rito. Ang pinakmataas na batayan ng kilos ay ang likas na batayan. Sa batas moral, ano nga ba ito? Ang likas na batas moral bilang bataya ng kabutihan at ng konsensya. Ang likas na batas moral ay ibinigay sa tao dahil nakikibahagi siya sa karunungan at kabutihan ng Diyos. Sa pamamagitan ng batas na ito, may kakayahan siyang kilalanin ang mabuti sa masama. Ngunit may kakayahan din ang tao na gumawa ng mabuti o masama dahil sa kanyang malayang kilos loob. Kaya may likas na batas moral. Sa batas moral upang bigyang direksyon ang pamumuhay ng tao. Sa kanyang pagsunod sa batas moral, siya ay gumagawa ng mabuti at isinasabuhay ang makabuluhang pakikipagkapwa. Subalit, hindi ito nangangahulugan na ang likas na batas moral ay pangkat na mga batas na dapat niyang isaulo upang sundin araw-araw. Pagkos, kailangan niyang gawin ang mabuti dahil ito ay pangkat na mga batas na dapat niyang isaulo upang sundin araw-araw. Ito ang nakaukit na sa kanyang pagkatao. Sa makatwid, ang konsensya ng tao kung saan nakalapat na ang likas na batas moral ay ginagamit na personal na pamantayang moral ng tao. Ito ang ginagamit sa pagkatao. Nagpapasya kung ano ang tama at kung ano ang mali sa kasalukuyang pagkakataon. Dahil dito, mahalagang maunawaan ang mga prinsipyo ng likas na batas moral. Ang unang prinsipyo ng likas na batas moral Una, gawin ang mabuti, iwasan ang masama. Hindi nagbabago ang likas na batas moral. Hindi ito nakikisabay sa pagbabago ng panahon o nakabatay sa pangangailangan ng sitwasyon. Hindi ito mahalit tulad sa pagbabago na hindi natatapos at hindi ito maaaring mabawasan, nagawin ng masama at iwasan ng mabuti. Madali namang unawain ang prinsipyong ito. Mula sa pagsilang ng tao, nakatatak na ito sa kanyang isip. Kaya nga, kahit hindi ganap na hubugin, kayang kilalanin ng tao ang mabuti at masama. Kung mananatiling matibay na nakakapit ang kanyang isip, Sa unang prinsipyong ito, sa proseso ng paghubog ng kanyang konsensya, kailangan na lamang ang pagiging matatag laban sa pagtatalo ng isipan sa pagitan ng mabuti laban sa masama. Ang mga pangalawang prinsipyo ng likas na batas moral. Mahalaga rin maunawaan ang mga pangalawang prinsipyo na makukuha sa kalikasan ng tao. Una, kasama ng lahat ng may buhay, may kahiligan ang taong pangalagaan ang kanyang buhay. Ikalawa, Kasama ng mga hayop, mga nilikhang may buhay at pandama. Likas sa tao, nilikhang may kamalayan at kalayaan. Ang pagpaparami ng uri at papag-aralin ang mga anak. Ikatlo, bilang rasyonal na nilalang, may likas na kahiligan ang tao na alamin ang katotohanan at mabuhay sa lipunan. Paghubog ng konsensya. Bakit mahalaga ang paghubog ng konsensya? Nakatutulong ito sa tao na makilala ang katotohanan na kailangan niya upang makamit ng mapanagutan ang kanyang kalayaan. Ano mang paghubog ay nag-uugat sa pagnanais ng tao na paunla rin ang kanyang kaalaman ukol sa katotohanan at ang kaakibat nitong pagnanais na gawin ng mabuti. Paano nga ba mahuhubog ang konsensya ng tao upang kumiling sa mabuti? Makatutulong kung susundin ang mga hakbang ayong kay Sister Felicidad Lipio. Una, matapat at masunuring isagawa ang paghahanap at paggalang sa katotohanan. Hinuhubog natin ang ating konsensya kapag kumikilus tayo ng may pananagutan. May pakikita ang pananagutan sa kilus ng tao. Kung gagawin niya ang sumusunod. Ikalawa, naglalaan ng panahon pa sa regular na panalangin. Ang regular na pakikipag-ugnayan sa Diyos sa takdang oras sa bawat araw na nakatutulong sa pagpanatag ng kalooban, paglinaw ng mga pag-iisip, at kapayapaan ng puso. Matutuko ito sa pagtataya ng kabutihan o kasamaan ng kilos dahil panatag tayo na ang ating konsensya ay ginagabayan ng panalangin. Isang mahalagang hakbang sa pagkilala ng ating sarili. ang kamalayan sa dahang-dahang proseso ng paghubog ng konsensya na gaganap mula pa nung bata pa tayo hanggang sa kasulukuyan. Katulad ng iba pang mga kakayahan ng tao, dahan-dahan din ang proseso ng paghubog ng konsensya ng tao. Mahalagang matalakay ang iba't ibang antas nito. Mga antas ng paghubog ng konsensya. Una, ang antas. Antas ng likas ng pakiramdam at reaksyon. Ikalawa, ang antas ng superego. Ikatlong antas, ang konsensyang moral. Ang layunin ng paghubog ng konsensya ay mahubog ang pagkatao batay sa pagsasabuhay ng mga bertul, pagpapahalaga at katotohanan, upang matiyak na ang sarili ay magpapasya at kikilos batay sa kung ano ang tama at mabuti. Upang higit na mapaunlad ang paghubog ng konsensya, makabubuti na humingi ng paggabay sa sumusunod. Sa proseso ng paghubog ng konsensya, gamitin ng mapanagutan ang mga sumusunod. Una, Isip, sa pamamagitan ng pag-aaral, pagkatuto, pagtatanong, pag-alam at pagkuhan ng mga impormasyon, paghingi ng payo, panalangin, pagkakaroon ng kahandaan na baguhin ang nilalaman ng isip, pagiging maingat sa pagpapasya sa kung ano ang pinakamabuting kilos na narapat gawin, pag-unlad sa bertud. Ikalawa, kilos loob. Sa pamamagitan ng pag-aaral, Pagpapasya at pagkilos tungo sa kabutihan at pagninilay kung ano ang nabubuong pagkatao sa sarili ay patungo sa paglinang ng pagkapersonalidad. Katlo, puso, pananalangin, pagkakaroon ng mas malalim na kakayahan sa pagkilala ng mabuti laban sa masama. Kahandaan na mas piliin ang mabuti. Ika-apat, kamay. Palagi ang isa kilos. ang ginawang pagkiling o pagpili sa mabuti. Pagkakaroon ng pananagutan sa anumang kilos. Pagsasabuhin ng mga birth control. at pagpapahalaga. Pakikipaghalubilo sa mga taong tunay na sumusuporta sa paghubog ng mga moral na pagpapahalaga. Gabay ang una at pangalawang prinsipyo ng likas ng batas moral, maaaring mapadali ang proseso ng paghubog ng konsensya ng tao. Kung isa sa puso ng lahat ng tao ang mga prinsipyong ito, malinaw ang magiging gabay ng tao sa kanyang kilos at pagpapasya. Hindi naman inaasahan ang agarang pagbabago, sapagkat ang paghubog sa konsensya ng tao ay isang mabagal na proseso. Mahalagang maiwan ang mahalagang mga kataga hango sa aklat ng konsensya. Libyo 2004 Ang ating mga pagkabigo ay daan tungo sa ating pagunlad. Tiyatawag tayo upang maging ganap sa salita at gawa. Kung ano tayo at kung anong magiging ano tayo. ay nakasalalay sa ating mga moral na gawain. Ang mga gawain ito ang humuhubog sa ating pagkatao, pag-uugali at buong buhay. Ang ating kakayahan na maunawaan at piliin kung ano ang mabuti patungo sa mabuting paraan ng pagkilos ay nagmumula sa konsensyang na hubog ng mahusay. Ang pagsunod sa utos ng konsensya ay hindi lamang ang paggawa ng mabuti. Kundi higit sa lahat, ang pagiging mabuting tao, ang pagpapakatao. Matatag ka na ba sa pagtugon sa hamon ng maayos at regular na paghubog ng konsensya?