FILIPINO SA PILING LARANG
URI NG PAGSULAT:
- Teknikal
- Espesyalisadong uri ng pagsulat na tumutugon sa mga kognitibo at sikolohikal na pangangailangan.
- Nagsasaad ng mga impormasyong maaaring makatulong sa pagbibigay solusyon sa isang komplikadong suliranin.
- Nakataon sa isang ispesipiko o pangkat ng mga mababasa.
- Dyornalistik
- Pamamahayag ang uring ito ng pagsulat na ginawa ng mga mamamahayag o journalist.
- Saklaw ang pagsulat ng balita, editorial, lathalain, artikulo, at iba pang sulatin na makikita sa mga pahayagan o magasin.
- Reperensyal
- Layunin ng sulating ito na bigyang-pagkilala ang mga pinagkunang kaalaman o impormasyon.
- Naglalayong magrekomenda ng iba pang reperens o sors hinggil sa isang paksa.
- Malikhaing Pagsulat
- Masining na uri ng pagsulat
- Layunin na paganahin ang imahinasyon at pukawin ang damdamin ng mga mambabasa.
- Bunga ng malikot na isipin ng isang manunulat.
- Akademiko (Academic Writing)
- Intelektuwal na pagsulat
-
Ayon kay Carmelita Alejo et.al, may sumusunod na particular. na kumbensyon tulad ng pagbibigay suporta sa mga ideyang pangangatwiran.
Akademiko
Di-akademiko
Layunin
Magbigay ng ideya at impormasyon
Magbigay ng sariling opinyon
Paraan ng batayan o datos
Obserbasyon, pananaliksik, at pagbasa
Sariling karanasan, pamilya at komunidad
Audience
Iskolar, mag-aaral, guro (akademikong komunidad
Iba’t ibang publiko
Organisasyon ng ideya
Planado ang ideya, may pagkakasunod-sunod,
Hindi malinaw ang estraktura
Pananaw
Obhetibo, hindi direktang tumutukoy sa tao, damdamin kundi sa mga bagay, ideya, facts. Nasa pangatlong panauhan ang pagkakasulat. Hindi direktang tumutukoy sa tao at damdamin, at hindi gumagamit ng pangalawang pangunahin.
Subhetibo, sariling opinyon, pamilya, komunidad ang pagtukoy. Tao at damdamin ang tinutukoy. Nasa una at pangalawang panauhan ang pagkakasulat
Katangian ng Akademikong Pagsulat:
Kompleks
- Mas kompleks kaysa sa pasalitang wika. Mas mayaman sa leksikon at bokabularyo. Kompleksidad ng gramatika.
Pormal
- Hindi angkop rito ang mga kolokyal at balbal na salita.
Tumpak
- Sa pagsulat, ang mga datos tulad ng facts and figures ay inilalahad nang walang labis o kulang.
Obhetibo
- Hindi personal. Ang pokus nito kadalasan ay ang impormasyong nais ibigay at ang mga argumentong nais gawin, sa halip na manunulat mismo o ang kanyang mambabasa.
Eksplisit
- Responsibilidad ng manunulat nag awing malinaw sa mambabasa kung paano ang iba’t ibang bahagi ng teksto ay nauugnay sa isa’t isa. Gumagamit ng “signaling words” sa teksto.
Wasto
- Gumagamit ng wastong bokabularyo o mga salita. Maingat dapat ang manunulat nito sa paggamit ng mga salitang madalas katisuran o pagkamalian ng mga karaniwang manunulat.
Responsable
- Ang manunulat ay kailangang maging responsible lalong-lalo na sa paglalahad ng mga ebidensya, patunay, o ano mang nagpapatibay sa kaniyang argumento. Responsable sahanguan ng impormasyong kaniyang ginamit kung ayaw niyang marapatan na isang playgyarista.
- IBA’T IBANG ANYO AKADEMIKONG SULATIN
SINTESIS
LAYUNIN AT GAMIT:
-Ang kalimitang ginagamit sa mga tekstong naratibo para mabigyan ng buod, tulad ng maiklling kwento.
KATANGIAN:
- -Kinapapalooban ng overview ng akda. Organisado ayon sa sunod sunod na pangyayari sa kwento.
ABSTRAK
LAYUNIN AT GAMIT:
- Ito ay karaniwang ginagamit sa pagsulat ng akademikong papel para sa tesis,papel siyentipiko at teknikal, lektyur at report. Layunin nitong mapaikli o mabigyan ng buod ang mga akademikong papel
KATANGIAN:
- Hindi gaanong mahaba, organisado ayon sa pagkakasunod sunod ng nilalaman.
TALUMPATI
LAYUNIN AT GAMIT:
- Ito ay isang sulating nagpapaliwanag ng isang paksang naglalayong manghikayat, tumugod, mangatwiran at magbigay ng kabatiran o kaalaman.
KATANGIAN:
- Pormal, nakabatay sa uri ng mga tagapakinig at may malinaw ang ayos ng ideya.
REPLEKTIBONG SANAYSAY
LAYUNIN AT GAMIT:
- Ito ay uri ng sanaysay kung saan nagbabalik tanaw ang manunulat at nagrereplek. Nangangailangan ito ng reksyon at opinyon ng manunulat.
KATANGIAN:
- Isang replektib na karanasang personal sa buhay o sa mga binasa at napanood.
LAKBAY SANAYSAY
LAYUNIN AT GAMIT
- Ito ay isang uri ng sanaysay na makakapagbalik tanaw sa paglalakbay na ginawa ng manunulat.
KATANGIAN:
- Mas madami ang teksto kaysa sa mga
- larawan.
PICTORIAL ESSAY
LAYUNIN AT GAMIT:
- Kakikitaan ng mas maraming larawano litrato kaysa sa mga salita.
KATANGIAN:
- Organisado at may makabuluhang pagpapahayag sa litrato na may 3-5 na pangungusap.
PICTORIAL ESSAY
LAYUNIN AT GAMIT:
- Kakikitaan ng mas maraming larawano litrato kaysa sa mga salita.
KATANGIAN:
- Organisado at may makabuluhang pagpapahayag sa litrato na may 3-5 na pangungusap.
POSISYONG PAPEL
LAYUNIN AT GAMIT:
- Ito ay naglalayong maipaglaban kung ano ang alam mong tama. Ito ay nagtatakwil ng kamalian na hindi tanggap ng karamihan.
KATANGIAN:
- Ito ay nararapat na maging pormal at organisado ang pagkakasunod-sunod ng ideya.
BIONOTE
LAYUNIN AT GAMIT:
- Ginagamit para sa personal profile ng isang tao, tulad ng kanyang acad
- emic career at iba pang impormasyon ukol sa kanya.
KATANGIAN:
- May makatotohanang paglalahad sa isang tao.
PANUKALANG PROYEKTO
LAYUNIN AT GAMIT
- Makapaglatag ng proposal sa proyektong nais
- ipatupad. Naglalayong mabigyan ng resolba ang mga prolema at suliranin
KATANGIAN:
- Pormal, nakabatay sa uri ng mga tagapakinig at may malinaw ang ayos ng ideya.
KATITIKAN NG PULONG
LAYUNIN AT GAMIT:
- Ito ay ang tala o rekord o pagdodokumento ng mga mahahalagang puntong nailahad sa isang pagpupulong
KATANGIAN:
- Ito ay dapat na organisado ayon sa pagkakasunud- sunod ng mga puntong napag-usapan at
- makatotohanan.