Transcript for:
Korapsyon sa Flood Control

Mga Gayong hindi lang pala bilyones kundi trilyones ang napunta sa flood control projects ng gobyerno at ang iba pang mga proyekto na parang kinorakot lang. Sino ba ang mga dapat managod? Punsod ng sunod-sunod na mga bagyo kamakailan na nagdulot ng mga pagbaha, tumaas ang bilang ng mga nagka-leptospiro...

Ang mga pampublikong ospital, nag-overcapacity. Kaya may mga nagdeklara na ng leptospirosis surge. Pero ayon sa independent health reform advocate na si Dr. Tony Liachon, hindi lang daw leptospirosis surge ang dapat pagtuunan ng pansin ng gobyerno. Pagina, ang tunay na ugat ng paglaganap ng sakit na ito na kung tawagin niya kleptopirosis. Pinagsamang mga salitang leptospirosis at kleptomenia o hindi mapigilang pagnanakaw.

Ayon kay Liachon, ninakaw kasi ang pondong dapat inilaan sa flood control projects. Hanggang ang Pangulo na mismo ang nainis. Sa mga nakikipagsabuatan upang kunin ang pondo ng bayan, hiyang naman kayo sa inyong kapang Pilipino.

Sinundan! ng hearing sa Senado. Naku, ilang project ang na-execute mo na?

Marami na eh. O kanina sinabi mo hindi ka pa nakapag-umpisa eh. Paano nga ba tayo humantong sa ganito?

Ang bilyones na nakalaan para masolusyonan ang taon-taon na lang nating problema sa mga baha. Naku-rako! Ilang linggo na ang nakararaan mula nung humagupit ang sunod-sunod na mga bagyo. Pero ang barangay Maysulaw sa Kalumpit, Bulacan, eto, lubog pa rin sa baha. 80% noong barangay ko eh nakalubog sa tubig.

Dahil abot-tuhod pa rin ang tubig, ang mga residente kailangang magbangka. Ang ilang mga pasilidad ng Maysulaw Elementary School hindi na mapakinabangan. Ganito po na may high tide, ito po ang level ng tubig na nakikita nyo ngayon, ito po ay tumataas pa hanggang dibdib. Ang itinuturong sa larin, ang palpak na flood control project sa kanilang barangay. Hindi tama yung pagkadugsom niya, kaya siguro bumita.

Malaking bagay ito kasi kung lumalaki tubig, hindi basta-basta pumapasok rito sa amin. Kaya kung pabubuo ito, mamang konting tubig nila pumasok sa amin. Sa Lucena Quezon, ang flood control project na nagkakahalaga raw ng humikit-kumulang 100 million pesos na videohan ang pagbuho. Hanggang inilabas na ng Pangulo mismo ang listahan niya ng 15 pinakamalalaking contractors daw na nakakuha ng pinakamaraming flood control projects. sa 545 billion pesos na...

budget daw para sa mga proyekto nitong nakaraang tatlong taon. 20% nito o humigit kumulang 100 billion pesos napunta lang sa 15 contractors na ito. Pusap muna sila kung ano yung offer nila. Sa market economic system, ang tawag dyan, oligopolin, unethical. Pino na rin ang Pangulo na karamihan sa mga proyekto, hindi lang pareho ang presyo o contract cost.

Pareho rin, pati disenyo at materyales na gagamitin. Gayong itatayo o itinayo na ang mga ito sa iba't ibang mga lugar. Sinundan niya pa ito sa pagbisita mismo sa flood control project sa Bulacan. na panglima sa top 10 flood-prone areas sa Pilipinas at siya ring probinsya na may pinakamaraming flood control projects. Kabilang na ang diking ito sa Barangay Francis sa Bayan ng Kalungpit na pinaglaanan ng 77.1 million pesos.

Pinuna ng Pangulo na ang materyales na ginamit, substandard. Pinuntahan din niya ang baliwag para sa proyektong nagkakahalaga ng 55 million pesos. Pero pagdating niya roon, wala naman siyang nakitang kahit na anong proyekto. Now daw na isa itong ghost project.

I'm getting very angry. Wala talaga, 220 meters, 55 billion, completed ang record ng public works. Kahit isang araw hindi nagtrabaho, wala. Hanggang saan nga kaya aabot itong pagsiwalat sa mga kurakot o katiwalian sa gobyerno? Sa linggong ito, nakarating ito sa Senado.

Nitong Martes, ipinatawag sa Senado ang top 10 Top 15 Contractors na pinangalanan ng Pangulo pero pito lang sa kanila ang dumalo sa hearing. Sabi mo hindi ka pa nakapag-umpisa ng project? Paano ka naging quadruple? Yung sinasabi kong 1992, isa-idwe pa yun.

Hindi natin pinag-uusapan yung hardware mo. Pinag-uusapan natin flood control projects. Paano ka nagkaroon ng lisensya? Isa sa mga nagsiwalat ng mga diumano maanumalyang mga proyekto.

ng gobyerno si Senator Panfilo Lacson. Sa nauna na niyang pahayag, sinabi niyang hindi bababa sa 67 ng mga kongresista ang diumano supplier o kontraktor din mismo ng government projects. Sa kanyang privileged speech, inilahat ni Senator Panfilo Lacson kung paano raw kinurakot ang pondong nakalaan para sa flood control projects sa ilang mga probinsya gaya ng La Union, Pampanga, Bulacan at Oriental Mindoro.

Ang kalakaran ng ilang mga kontraktista at mga kasabot pila sa gobyerno sa paghahati-hatihan ng pondo, kasama na rin ang mga termino o codes patungkol sa kanilang modus. Isa sa mga kontraktor na binanggit ni Lacson ang Darcy and Anna B. Builders and Trading. Ayon sa dokumentong isinumite ng DPWH, wala namang opisina ng Darcy and Anna Builders and Trading sa nakarehistro nitong adres.

Hello Darcy, ang Anna, nasaan ang flood control? Nagtanong-tanong ang aming team sa lugar. Ang mga nakausap nilang residente, itinuro sila sa kabilang barangay kung saan daw posibleng nakatira ang mga kontraktor.

Gayunman, hindi sila nagbigay ng pahayag. Sa barangay Santa Lucia sa Kapas Tarlac, gumuho rin agad ang dike nung nagkasunod-sunod ang mga bagyo at habagat. 24 million pesos daw ang inilaan para sa proyektong ito. Kasi dati di na po naka-cemento yan eh.

Buhangin po ito eh. Pag maano yun ang tubig, naagos yung buhangin sa baba. Kaya ganyan po bumigay yan.

Ang DPWH kasi ang may jurisdiction sa mga flood control projects dito sa bayan ng Kapas, including itong mga slow protection. Walang coordination sa amin yung mga contractors. Ayon sa munisipyo, ang kontratista para sa proyektong ito, Santo Cristo Construction and Trading Incorporated, na ang opisina, pinuntahan ang aming team sa Bataan, pero wala naman silang nadatnandoon. Sa probinsya naman ng Oriental Mindoro, na binanggit din ni Sen. Lacson sa kanyang privileged speech, siyam na dyke ang gumuho rin. Kabilang na ang isang ito sa bayan ng Bungabong na ang ginastos P217 million.

Nung Kalaksan po, hindi po ito nababa. Itong dyke na ito, nung lumiit na lang po yung tubig, saka po siya bumagsak. Kung may kontratista ditong pumalpak at hindi sumunod sa specification, bukod siya mabar ito, bukod siya masuspindi.

Dapat ito tama na, huwag nang babibigyan ulit ng proyekto. Ang kabuang halaga ng siyam na mga day, 1.9 billion pesos. Yung mga flood control projects po na nasabi na may nasira, hindi pa po tapos yung proyekto na iba.

Meron po kasing warranty ang mga proyekto na kung saan dapat one year ay may retention ng pondo sa contractor at meron pong five years na warranty period para ayusin po yung... Mga nasira na bibigay po ng tiwala sa DPWH. Pero kung meron po talagang pagkukulang, di sa kapo natin panagutin.

Anim sa mga ito nakakontrata sa SunWest Incorporated ng negosyanteng si Elizalde Zaldico na ngayon ay party list representative ng ACOBICOL. Pero ayon kay Zaldico, nag-divest na siya ng mga interest niya sa SunWest noong 2019. Ayon sa ibinigay na statement ng SunWest Construction and Development Corporation, 5% ng kanilang flood control projects sa Mindoro ang nagkapinsala. As a AAA government contractor, SunWest Inc. is mindful of its contractual obligations with the DPWH and will abide by its terms and conditions.

Ang isa naman sa Shamna Dike, nakakontrata sa St. Timothy Construction Corporation na pagmamayari ni Pacifico Curly Diskaya II, asawa ni Sara Diskaya, na tinalo ng kampo ni Mayor Vico Soto sa Pasig nito lang nakaraang eleksyon. Nagtungo rin ang aming team sa nakalistang adres ng St. Timothy Construction Corporation na building din pala ng St. Gerard Construction na pagmamayari pa rin ang mga Diskaya. Pero hindi rin sila nagbigay ng pahayag.

Walang humarap sa aming team. Pumarap sa Senate Blue Ribbon Committee si DPWH Secretary Manuel Bonoan. Sinabi niyang naniniwala siyang may mga ghost flood control projects.

Who in particular informed you? There are. There are people actually who can certify or not.

These are the projects that we are now intensively validating. Itong Sabado, sinabi niyang umabot ng P450 billion pesos. Sumatotal. Karamihan, Nakalaan sa flood control projects ng gobyerno ang ipinasok sa DPWH budget sa ilalim ng 2025 General Appropriations Act. Malakanyan establish and launch the Sumbog sa Pangulo website last week.

I commend and sincerely thank the President for this open source website. Isa sa mga dumalo sa privileged speech ni Sen. Lacson si Baguio City Mayor Benjamin Magalong, ang lead convenor ng M4GG o Mayors for Good Governance. Retiradong Heneral ng PNP si Mayor Magalong.

Dati rin siyang hepe ng CIDG o ng Criminal Investigation Detection Group na siya rin inatasang nag-imbestiga sa Mamasapano Massacre taong 2015. I sacrifice my career to fight for what is right. Ganon din yung Mamasapano, I fought for what is right. Ano pa bang question ninyo sa reputation ko at track record ko? Mayor Magalong, salamat po sa interview na ito.

Yes, good afternoon Jessica. Pwede po bang malaman pano nyo ho? Naisip na bumuo na itong Mayors for Good Governance na movement. Nag-umpis yan nung nagsalita ko sa Pilipino National Police na cram-crame sometime in July 2023. It's corruption now becoming a norm in government. Marami na tumatawag at nagsasabi sa akin na huwag mo na ituloy yan, kawawa ka lang yan.

Naalala ko na tumawag doon sa mga kaklasiko sa leadership and governance. Then we built the Mayors for Good Governance now. And the first launch was done in UP Diliman. And there were 56 mayors.

56 lang po. Oh yeah, 56 out of the 1,400 plus na mayors. At wala kaming ginawang filtering.

After mga almost 2 years, 2025, umabot kami sa 202. Na-weirdan lang po ako as a layman na out of the 1,400 mayors sa buong Pilipinas, kukonti lang yung gustong maging miyembro po ng mayors for good governance. So, what does that mean? Tell you po, anong sinasabi nito? Ayaw nilang maging maayos at malinis at tapat na mamumuno.

Alam mo sa 202, lumalabas na 11 point something percent lang yan. We're just scratching the surface. Siguro tanong, bakit tayo mag-join? Isang malaking factor is, natatakot sila na baka mawalan sila ng tubig sa gripo.

Kasi binabantayan din sila. Mawalan ng tubig sa gripo? Ano ibig sabihin ngayon? Mawalan sila ng pondo. Ganun mo ba sa gobyerno?

Maging tapat at malinis na mamumuno, pwedeng patayan ka ng gripo. Alam mo, nakakalukot pero yan ang katotohanan. Yan na yung sistema.

Kaya, kasi nga it's a good governance has become an exception rather than a norm dito sa Pilipinas. Such a lonely fight. Do you feel that?

Initially. Pero I went over the words again of Senator Lackson, frustrated. Don't get frustrated. Alam mo ngayon.

Andami namin support ah, coming from very reputable na mga organization from the private sector. Noon pang nakaraang taon, inilabas ni Magalong ang mga nadiskubri niyang diwanong anomalya sa DPWH. Sa Cordillera Administrative Region o CAR. Katulad ng overpriced na pagbili ng tinatawag na cat's eyes o reflector lights sa mga kalsada. Ang ako!

Aktwal na presyo ng bawat unit ng Cat's Eyes nasa 1,350 pesos lang. Pero ang nakalagay sa detailed unit price analysis ng DPWH, 11,720 pesos na ang presyo. Ibig sabihin, overpriced ng 10,370 pesos per unit. Kung may isang daang...

Cat's Eyes sa kalsada, gagastos ang gobyerno ng mahigit 1.1 milyon pesos sa halagang dapat lang sana 135,000 pesos sa computation ni Mayor Magalong. 9.8 billion pesos ang kabuang halaga ng naibulsa para lamang sa Cat's Eyes. P121,330 ang inilaang pondo para sa yellow barriers sa bawat isang metro ng kalsada. Pero ang aktual na presyo lang daw nito, P20,000. Malinaw na ang kickback, kada isang metro mahigit P100,000.

Ang presyo ng rock netting, ayon kay Mayor Magalong, P6,000 kada square meter. Pero ang nakalista raw sa DPWH, P25,000 noong 2023. Kaya kung susumahin sa kabuuan para sa lahat ng rock netting na binili para sa Cordillera taong 2017 hanggang 2023, P46.61B. Sa pagtatansya ni Mayor Magalo, P28B dito ang napunta sa kickback o tongpats. Paano niyo na nakita na may anomalya sa procurement po noon? Nagmihingi ako ng...

data, information, o kaya documents sa DPWH. Nilalaro ako, pinapahikot ako. Minsan nga nag-request na ako sa 2D Regional Development Council to compel DPWH to provide me documents, yung mga contracts, gano'n.

Ang sabi sa akin ng DPWH, hindi, bigyan ka na lang namin ako ng link. Pinuksan namin yung link. Isang linggo na kami click ng click.

Wala kami makita doon. So, kinausap ko yung NEDA to kanda kayo study. Doon namin nabisto na.

Ang TV pala. Tapos nakausap ko yung isang contractor. Sabi niya, sir, pagod na kami. Kadi-deliver na pera sa kanila.

Kano ba tinatang kinukuha sa iyo? 40%. So ang collusion, contractor and DPWH, ganun po ba yan? Yeah.

Contractor, DPWH. Tapos tinanong ko sa kanya, sino ba binibigyan mo? Pero di siya mga binag-isa.

Kaya naman mga mga batas. Tanong ko sa kanya, ilan ba kayong contractor? Sir, sa grupo namin, pito kami pero hindi ako yung contractor. Subcontractor lang po kami.

Kaya nga, sino siya? Main contractor. Sila rin po.

Yung mga politiko, sinong supplier? Sila rin po. Triple whammy na. E yung mga cat's eyes po.

Nagulat din kami kasi maraming maraming nang hindi na nagpa-function. Tapos nakita ko, bakit nilagyan ito? Bakit itong lugar nato hindi nilagyan? Bakit uneven yung mga distansya? What I did was to get in touch with a similar supplier na accredited din ng DPWH.

Quote mo nga kami, bibili kami. Can you just imagine? Diba? P9,900 pala ang bawat peraso ang mark-out. So ilang millions.

Millions. Million pieces ang binili dito sa buong bansa. Millions and millions of pieces.

Para mas marami po sila mahukurakot. Precisely. At nakaka-insulto na.

Sige, lagyan na natin yan. Di naman nakaka-entity ang mga Pilipino dyan. Parang ganun eh na nakaka-insulto naman kayo. Inaral din daw ni Mayor Magalong kung magkano ba ang hatian ng mga nangurakot. Mayor, kayo rin po yung nagsabi na kung pie chart yung Budget para sa isang proyekto ng gobyerno, 30% lang pala yung napupunta sa actual cost.

For the execution. And then? Average kasi lumalabas ng mga 40 to 45, di ba?

Pero wala pa yung profit ng contractor. Sabi mo, nag-impose siya ng 15%, 30% na namayuan. Yun yung 30% na gagamitin niya. So ang tanong ko sa kanya, how will you be able to execute it? Ba'no ma-assure na quality yan?

Sir, hindi sir. Mapipilitang kaming mag-substandard. Kaya walang bakal yung mga nakikitang proyekto.

Kaya po yung simento, napaka-nipis. Ganon din, pati yung asphalt overlay, mga road opening. Kapag ito ay mag-fail sa design, maaaring sa construction, maaaring sa materyales. Especially kapag ito ay pumalya, nag-collapse, maaaring magdulot ito ng pagkasawi ng buhay nang nandoon sa isang infrastruktura na yun.

Mayor, kung i-reduce lang po natin in simpler terms, sa bawat isandaang piso na gagastusin para sa proyekto ng gobyerno pala, 30 pesos lang ang napunta sa construction, sa execution ng proyekto. 8% sa tax. Bat is 7% and 1% is bond.

So 60%, halos kinurakot po lahat yun? Ganun po ka, tindi yung problema? Wow!

E di limpak-limpak po yung kinikita ng mga kurakot pala. Some of them are stealing 1 billion a year, more than. And if you're stealing 1 billion a year, you're stealing 2.7 million a day.

Bukod sa pagsasalita, Mayor, meron pa ho ba kayong ibang kongkretong hakbang na ginawa? I remember noong 2022, kumunta ko mismo sa office ni Secretary Bonoan. Dala ko na hong ganito kakapal na kong dokumento.

Sabi ko, Secretary, ito yung mga substandard na project. Please. Take out the district, your district engineer there. Kasi lang beses ko na siya sinabihan, wala pa rin.

Hindi natanggal po. Sa awan ng Diyos, wala nangyari. Sinubukan naming hinga ng pahayag si DPWH Secretary Manuel Bonoan.

We are now validating all the documents but there are already projects that we have found out na either hindi namin makita. or have done, these are the things that we are trying to unearth. Kasi from monitoring submission nila on the status of these projects, I don't know if it's fictitious yung sinasubmitin na mga project.

Anybody who will find out involved in the dubious projects that were implemented that the district or regional office will have to file cases against them, including po the contractor. Una nandyan yung Anti-Graft and Corrupt Practices Act. Pwedeng mapag-usahan ang...

akusado ng 1 to 10 years plus fine. Dito rin yung malversation of public funds. Kapag ginamit ang pondo ng publiko sa pansariling interes, maaaring mapatawan ng parusa ang public official ng 8 to 12 years.

Or minsan, aabot pa ng 40 years. Yung accountability ay mahalaga naman para sa mga tao kasi kapag hindi mananagot yung mga dapat managot, talagang... pakapalanan ng mukha ang nangyayari sa gobyerno.

Kayo po, you served in the police when it was still under the military and then you come face to face dito po sa ganitong mga pangungurakot. Ano po nararamdaman nyo? Masama alam mo because we are out in the field.

Nakita namin yung poverty. We have visited villages na talagang hirap ang mga tao. At ang masama na ito, yung kanilang kasakiman, walang hangganan. Sa laki po ng ninanakaw, ng kinukurakot, hindi mahirap ang Pilipinas, Mayor.

Yeah, mga 20% of the total budget. Kinigna nga namin yung budget. Nag-drill down kami, kasama namin yung National Budget Coalition. Nakita nila kung papaano talaga minasakar yung 2025 budget. And previous budget, magigigil ka talaga.

Naglalabasan na po. Yung mga napakarami palang kaso ng kurakot. And I think you were part of that build-up, Mayor. Anong pakiramdam niyo? Sort of redemption.

Una, walang niniwala eh. Binabanatan ako. Alam mo, I spent half of my time sa mga kokus eh.

Spent explaining the lies. At nakakalungkot isipin. Natatakot po kayo for your life dahil dito sa mga naisiwalat niyo na? Mabigat na laban ito.

Of course, I fear for the safety of my family. Not so much sa akin. Kaling naman tayo sa ganyan sa gera.

May talagpahu kaya ang lahat ng ito dun sa mga kurakot to the bone? To their core? Meron kasing phenomenon sa human behavior.

Sabi nga nila, man's desire is insatiable. Walang kabusugan. Walang kabusugan. Kasi tayo rin eh, we don't speak up eh.

The Filipino people just simply opt to be silent. Yan ang sandata nila ngayon. Tahimik lang sila. Okay lang, bulsa tayo ng bulsa.

May pag-asa po ba tayo? Meron pa naman. As politicians. It's about time na talagang embrace namin yung real essence of public service.

At tama na, tama na, bahiya na po tayo. Sa mga naranasan nating hirap, pagod at perwisyo, at sa mga narinig nating kwento tungkol sa katakot-takot na pangungurakot nitong nagdaang mga araw, the death of corruption has become so overwhelming. Hindi mahirap isipin na hindi pala baha ang magpapalubog sa ating bayan, kundi kasakiman.