Ang pagpapakasal daw ang isa sa pinakamasayang araw sa buhay ng isang babae. Pero paano kung ang lalaking pakakasalan mo, ang lalaking nang abuso rin sa iyo? Hello po! Kumusta po? Ako po si Kara.
Ayan, nag-smile na. Nag-smile na. Ilan man nga nga na ka na? Kumahan ko yun po. Sa November?
Ano ipapangalan mo sa baby mo? Ano ipangalan mo sa baby? Ah, baby rin. Baby rin ang ipangalan mo.
Naka-aral ka? Ah, hindi ka nakaaral? Ba't hindi ka nag-iskwela?
Ah, hindi. Grade Y. Isip bata. Ganyan ang bansag ng komunidad sa 25 taong gulang na si Dolores.
Di niya tunay na pangalan. Bakit po hindi niyo siya pinag-aral? Kaya nakasakit man. Bata pa siya, nakasakit.
Hanggang ganyan na hindi na nakaaral yan. Ano po yung naging sakit niya? Parang buhang ba. Minsan, mabuti ang salita niya.
Minsan, parang buhang niya. Iba-ibang salita. Pero sa likod ng mga inusenteng ngiti ng kamusmusan, may nagtatagong mapait na nakaraan.
Nagpunta yung anak ko sa kanila, tapos pag-iwi niya, ginbira niya sa may san. Sino po ang nang-rape? Tandaan mo mga sobra 50 siguridad niya.
Ang anak ninyo ilang edad? Mga siguro mga 16, 17 siguridad niya. Inutusan kasi siya ng tatay niya na kunin yung sako doon sa bahay ng tiyohin niya kasi nga nag-harvest sila ng mais at sisidla ng mais.
Ngayon pagkagaling niya daw doon, hinila siya ng tiyohin doon sa may maisan. Doon parang pinwersa siyang pinahiga. Si Ati Bing ang kagawad ng barangay noong panahong iyon. Sinamahan ni Ati Bing si Dolores at ang kanyang ama na mag-report sa pulis. Two days, three days ang nakalipas, nagulat na.
Ako lang ako, tinawag nila ako na yung bata aareglohin. Ano ibig sabihin aareglohin? Ibig sabihin para hindi na mapakailan ng kaso yung tiyohin, pag-usapan na lang. Sa mga lugar na malayo sa korte at iba pang institusyon ng gobyerno, madalas sa barangay o di kaya sa tribal council inaayos ang mga problema. Pag ang mayroong problema dito sa aming lugar, IP versus IP, doon kami pupasok sa costumato.
Ang Tribal Council ay bahagi ng kultura ng maraming katutubo sa Pilipinas. Sila ang naatasang magpanatili ng kaayusan ng komunidad at magsulong ng mga... nakasanayang tradisyon ng pangkat. Sa kaso ng mga teduray, pati mga karumaldumal na krimen inaareglo sa loob ng tribo.
At pala yung pagsa tradisyon kasi walang tawag na rape. Kung baga yung isang lalaki, halimbawa pag gusto niya yung isang babae, kung baga hindi niya dinadan sa panindika o parang may kasamayan niya yung parang saan dinadan sa sanpong paspasan. Pero actually, mahal na mahal niya yung babae. Tapos minsan yung babae kasi hindi niya gusto.
Parang ang natawag doon pag sa mainstream, siya nagiging rape. So pag ayaw ng babae, ang gagawin doon, mayroong mga dooy na yung penalidad niya is yun. Yung kahihiyan, sa babayaran po yun.
Babayaran yung kahihiyan? Opo, so yun po yung nangyayari sa... Magkano yun?
Nakadipindi po sa pagustuhan ng... sa side ng babae po. Imbis na magkaso laban sa nanggahasa sa kanya, tinanggap ng pamilya ni Dolores ang tinatawag nilang bayad sa kahihiyan.
Binayaran kayo? Oo na isang kabayo tapos 6,000 ang isang kabayo, multa niya. Ba't hindi niyo po pinakulong? Hindi po, kay ang tribo ng mga kagawa, opisyal, na... na...
Sila rin nag-ayos na katribu namin, tadura iba. Sila-sila lang nag-ayos. Isang kabayo at anim na libong piso.
Kapalit ng lahat ng sakit, kapalit ng kanilang pananahimik. Binayaran man ang kanyang katahimikan, hindi naging tahimik ang mundo ni Tolores. Makalipas ang ilang taon, naulit ang pang-aabuso. So base dito sa salaysay na ito, sinabi ng babae, pinagsamantalahan niya ako.
Wala siyang kasama. Hindi ako makasigaw dahil tatakutin niya ako. At nang dumating si ate, sinabi ko sa kanya ang pangyayari pero pinagalitan pa ako ni ate.
At saka pinauwi sa aming barangay. Ito yung pangalawang beses na ginawa sa kanya ito. Maikli lang yung salaysay pero ramdam mo na...
yung trauma doon sa ginawa sa kanyang pang-aabuso at more than that, yung hindi siya pinaniwalaan at pinagalitan pa siya dahil sa nangyari sa kanya. Kung mismong kaanak hindi ka paniniwalaan, maglalakas loob ka pangabang magsumbong sa kinauukulan? Kaya tulad ng naunang pang-aabuso, hindi rin umabot sa korte ang reklamo. Di na nga.
Nanganggap na lang niya kasi nga wala din eh. Anong gagawin mo? Mag-file ka ng kaso, wala kang kaalam-alam, wala kang pera, lahat wala sa kanila.
Una-una, hindi talaga siya makahindi kasi nga may diferensya siya sa pag-iisip, hindi siya maka-decide ang sarili niya. Marso ng taong ito, dumating ang ikatlong kalbaryo. Napansin nilang lumalaki ang tiyan ni Dolores, ang nakabuntis isang kapitbahay. Sabi niya pumunta daw siya ng Rifau River, yung Rifau River, yung ilog.
Tapos dinaanan daw siya ng lalaki at hinawakan daw siya sa kamay. Hinila daw siya. Sabi niya, hinila niya ako doon sa area kung saan siya dinala.
Pag dating doon sa baba, anong ginawa sa iyo? Pinahigaan niya ako. Hindi mo ba masasabi na rape yun? Para sa akin, rape yun.
Kasi nga, alam mong may kakulangan siya sa pag-iisip. Sinamantala mo yung kahinaan niya. Ayon sa batas, maituturing na rape ang pakikipagtalik sa isang babaeng wala sa tamang pag-iisip. Kasama rito ang mga may intellectual at mental disability. Pero dahil Tribal Council muli ang umaksyon sa kaso ni Dolores, hindi itinuring na rape ang nangyari.
At imbis na pagmultahin ng lalaki ang disisyon ng konseho, ipakasal si Dolores sa lalaking nagsamantala sa kanya. Ang sampal sa mukha ng isang babae, kung yung lalaki gumamit sa kanya ay hindi tinatayuan ang problema. Pero kung tinatayuan ang problema, hinaharap ang problema, nag-asawa sila, so stop ang issue.
Walang issue. Walang issue. Na-stop yun lahat nang dahil nag-asawa sila. Kasi parang hindi na siya nirip? Pero nirip siya eh.
Ganun ang tingin namin. Naputol lahat ng mga kahiyaan dahil yung nag-rip sa kanya. Pinanagutan niya. Pinanagutan niya. Isa lamang si Dolor.
sa libu-libong babaeng biktima ng panggagahasa sa Pilipinas. Sa datos ng PNP noong 2023, mahigit sampung-libong babae ang biktima ng rape sa ating bansa. Ibig sabihin, isang babae ang ginagahasa kada oras dito sa Pilipinas.
Ang masaklap, hindi lahat ng biktima inire-report ang nangyari sa kanila. Marami ang nananahimik at ang iba ipinapakasal pa sa lalaking nanggahasa sa kanila. Ang tingin nila, pag kinasanay yung babae, ang tingin natin, pag na-divergenize, ang isang babae, hindi na siya malinis. Yun ang tingin nila? Yun ang tingin nila.
So kung naipakasal, the same person naman, yung lalaki. So ang tingin nila parang naiibsa, nalelesen yung impact ng kahiyaan. Pero hindi po ba pang dagdag na abuso po yun? Kasi pakakasalan mo yung rapist mo. Exactly, exactly, Ms. Cara.
Yung cycle ng... Ang violence, paulit-ulit na siya. Ayon sa Ministry of Social Services and Development ng Maguindanao, isa pang dahilan kung bakit inaareglo ng Tribal Council ang rape cases ay dahil sa tradisyon ng rido. Rido, ito po yung parang ubusan ng lahi, yung ganyan.
Yung away ng dalawang pamilya, tapos magpapatayan sila. So ano pong kinalaman nito dun sa pagpapakasal sa rape? Kasi kung baga...
Para hindi na wala nang away. So ariglohin na lang. Papakasalan na lang. Ngayon, paano kung ayaw mo pakasalan kasi hindi mo talaga gusto ang lalaki? Doon po pag-meetingan ng aming mga Timway.
Oo. Para? Kung paano i-endorse yung kaso sa mainstream.
At kakasuhan na talaga ng rape? Oo. So balit, bago yun ma-endorse, tawagin yung mga... Timway, tanungin kung wala na talagang kakaihan na iayos itong dalawang pamilya nito. Ba't kailangan po ipag-ayos?
E may ginawa pong kasalanan ang lalaki. Hindi po namin maiwasan kasi yun ang tradisyon namin bilang IP. Kasi kapag hindi pinag-ayos? Maraming buhay ang madadamay. Ang masaklap na katotohanan para sa katahimikan ng komunidad kailangang maging...
tikum ang bibig ng biktima. Saglit ko lang nakausap ang ama ni Dolores. Pero ramdam ko ang sakit sa kanyang bawat salita.
Alam kong hindi niya kagustuhan ang sinapit ng anak. Bakit niyo po pinaasawa na lang? Pinaasawa lang kay Bonteso yung anak ko.
Oo. Eh ba't hindi ninyo kinasuhan? Ha?
Ba't hindi kayo nagkaso? Hindi. Anong kami kayo? Pobre man kami.
Walang kawang kalamanan. Mahirap maging mahira. Pero gaano man sila kalayo sa hustisya, may mga taong maglalakas loob na lumaban para basagin ang katahimikan. Kung pagmamasdan sila ngayon, masayahin ang magkapatid na itatago natin sa pangalang Marisol at Hasmin. Walang bakas ng bangungot na sinapit nila noong nakaraang taon sa kamay mismo ng kanilang tiyo.
Pinili talaga namin hindi na-interviewin yung dalawang bata. kasi alam namin kung gaano kahirap yung isalaysay yung traumatic na pangyayari sa iyo. So, imbis nakausapin ko yung dalawang bata at interviewin sila, babasahin ko na lang yung kanilang sinumpaang salaysay. Hindi ko na po matandaan kung kailan po ang unang pangyayari, pero ang natatandaan ko po ay sa May Sagingan.
Nakadaan po ako doon dahil papunta kami sa Balunan para maligo. Kasama ko po ang kapatid ko para maligo. Sinandan po kami ni Tito, at nang lumapit na po siya, ay pinauwi na po ang aking kapatid.
At ano ang ginawa sa iyo nung mga oras na iyon? Hinubaran niya po ako, inalis niya po ang aking gamit. At pagkatapos ay inalis din niya ang kanyang shorts at hinalikan na po niya ako at pinahiga na po ako. Sinabi niya na huwag kong sasabihin kahit kanino ang ginawa niya dahil papatayin na daw po ang mga magulang ko.
Umiyak po ako kasi masakit po ang ginawa niya sa akin. Maraming beses na kinailangan kong tumigil sa pagbabasa. Masyadong mabigat ang salaysay ng bata, lalo pat alam kong sampung taong gulag lamang si Marisol noon. Makalipas ang ilang buwan na ulit-muli ang pang-aabuso.
Saksi ang tahimik na nagaslas ng mga kawayan sa karumaldumal na krimeng kinawa kay Marisol, pati sa limang taong gulang niyang kapatid. na si Hasmin. Ang dilim dito. Base sa salaysay ng mga biktima, dito sa masukal na lugar na ito na may maraming kawayan na ganap yung isa pang instance ng pag-aabuso.
Mapapansin ninyo, actually maaga pa ngayon pero dahil napakasukal nitong lugar na ito, madilim siya, madaling magtago at walang makakarinig sa iyo kahit na sumigaw ka. Base sa salaysay ng dalawang bata, dito daw pinagsamantalahan silang magkapatid. Nauna po ang nakababata kong kapatid na lumakad. Sinundan po kami ng tito ko. At nakita ko po na p***.
Ay, Diyos ko. So, nawitness niya yung... Nakita niya mismo na inaabuso ng tito niya yung kanyang nakababatang kapatid. Tapos pagkatapos nun, pinaalis ni Tito ang kapatid ko at ako naman po ang ginamit niya.
Ano ang mga sumunod na nangyari? Ginahasa niya po ako ulit. Habang nangyayari ang lahat ng ito, walang kamalay-malay ang buong pamilya sa pangaabuso sa mga bata.
Parang binibigyan daw sila ng pera, ganun po. Mayayayan yung mga bata na manood sa cellphone, ganun po ang ginagawa niya. Tapos kinakarga niya po, nilalagay niya po talaga sa katawan niya, yung dalawa ginaganyan niya po.
Kahit yung nanay. Nakikita niya yung kuya ko, ganun din nakikita niya ang ginagawa. Tapos yung dati na yun, parang baliwala lang sa amin. Akala namin na mabait siya. Yun pala.
Yun pala. Iba ang pakikitungo niya sa mga bata. naman naulit pa ng ikatlong beses ang pang-aabuso.
Sa salaysay ng limang taong gulang na si Hasmin, Sa may bahay po namin, nasa labas ang ate ko. Tapos wala po ang mama ko. Dumating po ang tito. Pumasok po siya at humiga sa duyan.
At kinaridgan niya po ako at pinatong sa may itaas niya. Tapos inalis niya po ang aking damit at nilabas niya po ang kanya. Pero may hangganan ang lahat ng kasamaan.
Hulyo noong nakaraang taon, nakitulog si Marisol sa bahay ng kanyang tiyahin. Habang natutulog, naulit ang pangaabuso ng kanyang tiyuhin. Nabisto ng kanilang tiyahin ang kahayupang ginagawa ng kanyang asawa. G-check ko na yung hinigaan nila. Oo.
Sabi ko, ganun ba? May basa. Ganun po ang ako reaction ko. Tinignan ko ang bata, basa talaga ang shirt niya.
Sabi niya sa akin, matagal na ginagamit ako ng ankle sa mga ganun. Nagsumbong si Rosa sa ina ng mga bata. Pero hindi madaling tanggapin ang katotohanan.
Ba't kayo nag-awal? Kaya, lundan. Di ako manwala kung sabihin nila.
Ganun lang, nangyari sa mga basta. Hindi ka nag-awala? Hindi ako manwala. Hanggang sa siya na mismo ang nakasaksi sa pang-aabuso.
Matagal nalilaglabas, ma'am. Sabi niya nagpaalam siyang mag-CR, tapos hindi pa bumabalik. Saan niyo po nakita yung anak niya?
Doon sa kabilang tubig, ma'am. May pispag. Puro naputik na mga gamit nila. Ma'am, ang bata. Opo.
Tapos tinanong lang yung mga bata. Saan ka? Bakit nagtagal ka na bata?
Ihi, saan ka? Nag-iyak lang bata. Sabi ng bata, ginagamit niya sa akin.
Sabi niya ang bata, adoy, Diyos ko. Bakit ganyan buhay natin? Mahirap tayo, bakit maglagyanan tayo? Ganyan lang.
Ba, ganito lang po ma. Kalayo-layo na kayo, ma'am. Tama na po. Pinuntahan mo lang kami dito.
Sige po. Masakit. Tama na po. Masakit. Tama na po.
Sige po. Sa puso ko po. Opo. Nag-iingat. Ah, kakarama na.
Okay na po. Kaya nga sabi ko mga bata, taposin na mga pag-aral para hindi kayo malikay na kayo nangyari. Opo, opo.
Sige po. Hindi ko na po kayo tatanungin. Sorry po. Hangad ng bawat ina ang ilayo ang anak sa kapahamakan. Pero paano kung ang halimaw?
ay nasa loob ng iyong tahanan. Masakit yung nangyari. Alam natin yun, masakit yung nangyari. Pero pwedeng bumangon.
Pwede tayong bumangon. Alam mo, ganito lang buhay namin, ma'am. Kaya maglaban lang kami.
Kahit mahirap. Kahit lang ganito lang buhay namin, ma'am. Lalaban kayo.
Opo. Gaano man sila kahirap, lakas loob na naghahin ng kaso si Nanay Lydia, pati ang mismong asawa ng suspect, kumampi sa mga bata at sumama sa reklamo. Ang naisip ko pa talaga, yung hostesya ko para sa mga pamangkin. Yun po talaga.
Parang, parang kumbaga, sinabi ko sa sarili ko na isinusumpa ko sa sarili ko na hindi ako mananahimik hanggat hindi matapos tong problema ko. Tumulong din sa pagsusulong ng reklamo ang pinsan ng mga bata. Bakit po importante po sa inyo na ipaglaban po itong kasong ito? Pangina ito man kasi kung gano'ng kasakit sa kanila, masakit din sa akin yung nangyari.
Tapos, una po, kaming mga taduray, wala kaming... Malalapitan, wala kaming kilala na nasa taas. Sinubukang makipag-areglo ng suspect sa pamamagitan ng Tribal Council. Ayon sa panig ng suspect, kahihiyan daw ito sa tribo, kaya mas mabuting huwag na lang magkaso, manahimik na lang.
Ilang beses din silang tinakot ng suspect. Sabi niya sa akin, susunugin niya daw kami. Sabi ko sa kanya, bakit mo kami susunugin? Wala naman din kaming kasalanan sa iyo. Hawakan niya ako dito sa leib ko, yung panangdamit ko, kinwelyo po ako.
Sabi niya sa akin, itro ka din, matapang ka. Anong pinagmamayabang mo? Sabi niya sa akin.
Pero sa kabila ng pananakot, matapang na lumaban si Nanay Lydia at ang kanyang pamilya. Hindi sila pumayag sa areglo. Lakas loob nilang ipinagtanggol ang karapatan ni na Hasmin at... Marisol. Paano natin makukuha yung katotohanan kung isinitel natin sa ganito lang?
Paano naman yung karapatan ng biktima? Tapos, antingin na lang ng lahat. Okay lang na gumawa tayo ng ganito.
Masisitel naman kaagad. Tao din kami, ma'am. Kailangan pag may problema, dapat magkaroon din ng ustisya.
Tao din kami. Parehas lang din tayong tao na may karapatan din kami. Sa tulong ng mga social worker, nakahanap ng abugadong hahawak sa kaso. Maparusahan kaya ang tiyuhin ng mga bata? O mau-uwi ulit ito sa areglo?
Makalipas ang ilang buwan, naipakulong ang tiyuhin ni na Hasmin at Marisol. Hindi sila makawa ng mga anak nila. Pero nay, nakakulong na po siya, di ba?
Yun ang importante. Yan ang gusto ko na diyan lamang kalabas. Pero ang importante, nakakulong na.
Yun ang importante, di ba? Yung mga bata, mag-aaral yan. Pwede pang mabuhay yan.
Ang maganda po, kinuha ninyo ang hustisya. Hindi na bago ang karanasan ni Dolores at ng magkapatid Hasmin at Marisol. Sa datos ng World Population Review, isa sa bawat tatlong babae sa mundo ang nakararanas ng seksual na pangaabuso. Isang bilyong babae taon-taon ang nabibiktima ng pangaabusong seksual. Pero, sampung porsyento lamang sa bilang na ito ang maglalakas loob ng magsalita.
Marami ang mananahimik dahil sa takot, dahil sa kahihiyan, dahil sa mabagal na takbo ng hustisya. Habang buhay ang papasaling sugat ng mga babaeng biktima. So ang lagi nating sinasabi na huwag silang matakot, huwag silang mangamba, dahil may mga government officers na very willing to help them. Para mabigyan ng lakas ng loob ang mga biktima, nagtayo ng rescue center ang lokal na pamahalaan ng Maguindanao. Kung saan maaaring manatiling ligtas ang mga rape victim, kumuha na rin sila ng mga abogado na handang magbigay ng libring serbisyo.
Sa ngayon, patuloy ang pakikipag-ugnayan ng mga social worker sa komunidad at sa Tribal Council para matigil na ang pag-aareglo sa mga krimen tulad ng rape. Nilinaw naman ang Tribal Council na Mediator lang sila. Hindi naman daw nila pipigilan ng isang pamilya kung kagustuhan talaga nilang magkaso. Depende kung hindi sila agree, magkasuhan sila. Kung kaya kayo po, bilang tribal council, kayo lang ang nagkakasundo sa kanila.
Pero ang ultimate na decision sa pamilya pa rin, sa biktima pa rin. Pero pakiusap nila, sana tulungan ng gobyerno ang mga katutubo na gawing mas mabilis at mas abot kaya ang justisya. Pag file mo pa lang ng kasto is P50,000, P30,000 to P50,000. acceptance fee, sa kaso, sa mga ganon, sa aturnemo.
So saan kami kukuha ng mga ganon? Mahirap lang kami. Sana ay titingnan nila yung rape ay rape. Hindi siya nababayaran ng kung anumang kabayaran, pera man yan, or kaginawahan.
Rape is rape. Rape is a public crime. Kumusta na po ang mga bata ngayon?
Nakakapag-aral na sila. Dati raw may takot pa sila. Sabi ko, huwag ka na matakot.
Maglaban tayo. Handa ka bang lagdaan ang salaysay mong ito na may tatlong pahina? At ang iyong sinasabi ay pawang katotohanan lamang, opo. Tapos pinirmahan niya yung kanyang salaysay.
Kung makikita ninyo yung salaysay nung bata at yung pirma niya, alam mong this is just a 10-year-old girl na. Na hindi man lang makasulat ng maayos. Mabigat, mabigat malaman na yung isang bata na sampung taong gulang pa lamang at isang bata na limang taong gulang pa lamang ay makakaranas na ng apat na beses na panggag-aasa mula mismo sa kanilang tito. Masyadong mabigat.
Sa mahigit dalawampung taon ko sa eyewitness, ito na marahil ang isa sa pinakamahirap na istoryang aking isinulat. Bilang isang ina, bilang isang babae, mabigat tanggapin na sa panahon ngayon, may mga babae pa rin hindi ligtas sa komunidad, hindi ligtas sa sarili mong tahanan. Patuloy ang pang-aabuso at ang masaklap, wala kang boses para labanan ito. Pero alam kong hindi pa huli ang lahat. Hanggat may mga ahensyang pilit na maglalapit ng hustisya sa mga maliliit, hanggat may mga nanay na maglalakas loob na lumaban, hanggat may mga babaeng tahimik na sumisigaw, Para sa katarungan, patuloy tayong maninindigan.
Kamakailan isinilang ni Dolores ang sanggol sa kanyang sinapupunan. Lalaki ang kanyang anak. Sana malaman niyang hindi nababayaran ng katahimikan. Sana matuto siyang lumaban para sa katarungan.
Sana. Lumaki siyang may respeto sa kababaihan. Ako po si Cara David at ito po ang Eyewitness.
Maraming salamat sa pagtutok ninyo sa eyewitness, mga kapuso. Anong masasabi ninyo sa dokumentaryong ito? I-comment nyo na yan. Tapos mag-subscribe na rin kayo sa GMA Public Affairs YouTube channel.