Transcript for:
Pag-alaala kay Rebo

Intro 6 na Sabado ng Beyblade ni Ferdinand Pisigan Harin Unang sabado ng paglabas niya ng hilingin na niyang magdiwang ng kaaruan kahit hindi pa araw. Nangumbida ako ng maraming tao kasabay ng biling, huwag kalimutan ang regalo at pagbati ng Happy Birthday Rebo! Kailangang din niya malimutan ang araw na ito. Dapat pinakamasaya ang sabadong ito sa lahat ng sabado. Maraming maraming laruan, stop toys, mini helicopter, walkie-talkie, crash gear, remote control cars, at higit sa lahat, ang Beyblade. Ang paborito niyang Beyblade. Maraming maraming Beyblade. Tinanggap niya ang lahat ng ito at marami pang iba sa kanyang karawan, sa kanyang pagtuntong sa limang taon, kahit di totoo, kahit hindi pa araw. Ikalawang sabado, naki-birthday naman siya. Pagkatapos ay muling naglaro ng Beyblade kasama ang mga pinsan. Tatlong araw bago dumating ang ikatlong sabado, sorpresa ko siyang dinalaw. Unti-unti na siyang nanghihina. Bihira na siyang ngumiti. Hindi na niya makuhang laruin ang Beyblade, bagamat ayaw niya itong bitiwan sa loob ng kanyang kamay o di kaya'y bulsa. Ang nakapagngangalit, unti-unti na lamang nalalagas ang kanyang buhok, subalit pinipilit pa rin niyang maging malakas, bagamat talagang di na kaya ng kanyang paang tumayo. Nang kahit ilang sandali man lang, nakadudukot na rin siya ng mga matitigas na butil ng dugo sa loob ng kanyang gilagid. Sa labas ng bahay ng kanilang tinitirhan, lubos kong ikinagulat ng tanungin niya ako ng, Tay, may peya ah? Tay, may pera ka? Dali-dali kong hinugot at binuksan ang aking pitaka at ipinakitang mayroon itong laman. Agad akong nagtanong kung ano ang nais niya na sinagot naman niya ng agarang pagturo sa isang kalapit na tindahan. Kung mabilis man akong nakabili ng mga kending kanyang ipinabili, mas mabilis siyang umalis agad sa tindahan at nakangiting bumalik sa aming kinauupuan. Naglalambing ang aking anak nang kami pumasok na sa loob ng bahay na iwang nilalanggam na ang nakabukas ngunit di nagalaw na mga candy sa aming kinaupuan. Tuluyan na siyang nakalbo pagsapit ng ikatlong sabado, subalit di nakusang nalagas ang mga buhok. Sa kaniyang muling pagkairita, Sinabunutan niya ang kanyang sarili upang tuluyang matanggal ang mga buhok. Nang araw na iyon, kinumbida ng isa kong kasama sa trabaho ang isang maskot upang bigyan ng pribadong pagtatanghal si Rebo ng walang bayad. Matapos ang pagtatanghal, bagamat di man lang siya makangiti at makatawa. Kitang kita sa kanyang mata ang kasiyahan, isang kasiyahang, unti-unting humina at nawala. Di na maikakaila ang mabilis na pagkapawi ng lakas ng aking anak. Pagsapit ng ikaapat na sabado, di na niya makuha pang ipasok ang PC ng Beyblade upang mapaikot ito. Ramdam na ang pagol at hingal sa kanyang pagsasalita. Kaya kahit nang dalhin ko siya sa isang carnaval, isa lamang ang ninais niyang sakyan. Ang mga maliliit na helikopter na tumataas at bumababa ang tila oktopus na galamay na bakal. At sa tuwing tataas, hahanapin ako ng tingin sa baba at malungkot nang ingitian. Pagka baba, mabilis na siyang nagyayang umuwi. At pagka uwi, humiga ng humiga. at paulit-ulit tumingin sa kawalan. Huling Sabado ng Pebrero, ang ikalimang Sabado, eksaktong katapusan, kasabay ng pagtatapos ng Pebrero, ay pumanaw ang aking anak. Ilang sandali matapos ang sabay na paglaglag ng luha sa kanyang mga mata at pagtirik ng mata. Ibinuga niya ang kanyang huling hininga. Namatay siya habang tangan ko sa aking bisig. Inintay lamang niya ang aking pagdating. Di na kami nakapag-usap pa. Dahil pagpasok ko pa lang ng pintu ay pinakawala na niya ang sunod-sunod na palahaw ng matinding sakit na di nais danasin ang kahit sino. Sige na, boh. Salamat sa apat na taon. Mahal ka namin. Paalam. Ika-anim na sabado ng paglabas ni Rebo sa ospital. Huling sabado na masisilayan siya ng mga nagmamahal. Wala na ang Beyblade at ang may-ari nito. Payapa na silang nakahimlay sa loob ng kabaong. Magkasamang tutungo sa lugar na walang sakit, walang gutom, walang hirap. Payapang magpapaikot at iikot. Maglalaro ng maglalaro habang kaming mga naiwan. ay paglalabanan at pag-aaralang tanggapin ang kirot ng pagkalungkot. At ito nga ang anim na Sabado ng Beyblade. Maraming salamat sa mga nakinig. Hanggang sa muli, paalam! Oops! Huwag kalimutang mag-subscribe! Salamat!