Transcript for:
Pagpinta at Kwento ng mga Bata

Akala ko nung una, ganun-ganun lang ang magpinta. Magbabanat ka ng canvas, maghahalo ka ng pintura, nandung susubo ka ng kung ano-ano. Tulad ng portraits, watercolor, landscape, abstract, at sari-saring eksperimento. Para lamang may matawag na obra. Kahit kapag daka eh, wala namang ibig sabihin. Sinubukan kong iguhit ang Last Supper. Pero ibang kawan ang mga kasama ni Kristo. Imbis ng mga apostolist na nakabalabal, mga batang gutom, nalilimahid, nangangalakal. Nung una na challenge lamang ako, ngunit habang tumatagal, parang di ko na ito matitigan. May mga mata kasi itong nakatingin mismo sa akin. Nagmamasid, nagmamatsyar, nangungusap, nagtatanong, bumabagabag. Kala ko kasi mga figura lamang ito na hinagod ng aking brush. May mga buhay din pala. Actually, araw-araw ko naman silang nakikita. Pero di ko lang sila napapansin dahil napaka-ordinaryo nila. Kala ko nga dati baliwala lang sa kanila ang buhay maralita dahil sanay na sila. Hindi rin pala. Ako pala ang nasanay na sa kanilang kahirapan. Sinubukan kong puntahan si Nene. Nakatira siya sa simenteryo. Buhay pusa ang buhay niya. Pakalat-kalat, ngiyaw lang ngiyaw. Di naman makahiyaw. Basta na lamang siya iniwan. Walang kumakalinga, walang nag-aalaga. Naman nga ako nung ina niyan, 50-50 pa yan. Kasi tinadala niya doon sa Mayon, pinapapalimus niya noong isang buwang palang edad niya. Kaya nasunod yung mukha niya. Ngayon kinuha ko siya sa kanin, kinuha ko doon sa ina yan. Pagnimitso ang trabaho niya. Caretaker ng kondominium ng bangkay Ikanga. Para na rin siyang buhay na patay. Ako ba'y ganun din? Buhay patay? Mabuti pa nga yung patay nagbigay buhay kay nene. Kailan pa ba ako nagbigay buhay sa iba? Di na lang ko nga siya ng teddy bear. Pinemigay lamang niya sa mga kalaro niya. Mas mapagbigay pa siya kesa sa akin. Mas nagbibigay buhay siya. Nagulat din ako nang bisitahin ko si Joyce, isang bata na nagluwal din ng isang bata. 14 years old pa lamang si Joyce nang siya ay mapuntis. Nagati po kami ng anak ko. Kanyari po, isandahan na yung budget ng mama ko. Yung isandahan na yun, hindi na po ako papasok naman kasi bigyan na lang po ng gatas ko. Isa po alternator yung pasok. Ang gano'n-gano ko na po absent sa school. Di ko akalain ganito ang buhay niya nung siya ay una kong pininta. Ang sustansya naman kaya ang mabibigay niya. Di naman niya mapagatas ang sanggol. Kapi nga ang pinapainom niya sa bata. May peklat na ang kanyang pagkatao. Makamark ka na. Marami rin naman akong lamat sa kalooban ko. Marami rin agyo. Sana maging buo ako. Pinasya lang ko rin si Tinay. Lagi siyang tulala. Di makausap. Nanginginig. Hawak na mayigpit ang kanyang manika. Marusing siya. Gula-gulanit. Wasak at lupay-pay. Ano kayang bagyo ang sumagupa sa walang kalaban-laban at muntim bata na to? Ako kaya, anong bagyo nang sumapit sa buhay ko? Sana kayanin ko. E paano naman yung mga bagyo na binigay ko naman sa iba? Sana kayanin din nila. Sinubukan kong sadyain si Itok Garganera. Ang sarap kumain ng batang to. Di man lamang nagalok. Bata pa lang, tirador na. Lagi may hawak na hairpin. Handa siyang magbukas ng anumang disusi. Mapapadlak, kadena, o gate. Kayang-kaya niyang akyatin. Henyo siyang may tuturing. Magaling siya. sumagot at mahusay sa matematika. Matapang. Handang makipagbuno kahit anong oras. Mahusay tumambling. Pwede maging gymnast. Pag tinitingnan ko ang mga mata niya, nanlilisik. Isa kaya siya sa tatarak ng punyal sa dibdib ko pagdating ng araw. Sana maagapan siya. Sayang siya. Pinasyalan ko naman si Emong. Uhaw na uhaw siya. Pagod sa pangangariton. Mula umaga hanggang gabi, pangangalakal na ang trabaho niya. Maliit siya, ngunit malakas ang katawan. Palakaibigan si Emong. Masiyahin. Mahilig magpatawa. Natawa ko sa sinabi niya nung makita niya yung painting. Si Jesus nasa kalsada at nasa loob tayo. Pinag-ano? Pinagpahingay niyo muna siya? Opo, pinakain to namin. Tapos pinatulog po. Ang storya daw, habang nangangariton sila, nakita nila si Cristo na pagod at gutom. Kaya minasahin nila at niyaya nila na kumain. Napakasimple mag-isip ng mga batang ito. Pero ako kaya? Kailan ko pa ba inisip ang iba? Panaypakabig at paghahangad lang naman ang alam ko, di ba? Kailan pa ba ako nagkusa at nagtanong sa iba kung ano ang magagawa ko para sa kanila? O ano ang pangailangan nila? Kailan pa ba? Binalikan ko si Onse. Siya ay isang anak ng dancer. Minsan, binubugaw pa ng sarili niyang ama ang kanyang ina. Naihiyaman siya, wala siyang magawa. Binabatok-batukan siya ng mga kalaro niya. Inaasal, binibiro, makirot na biro. Namumuli, Sumulot siya ng scrap at ibinibenta ng mura. Wala siyang kiyak na kakainin. Di pa yata siya nakatikim ng tunay na hamburger sa buong buhay niya. Ang lagi lang niyang kinakain, yung mga hamburger na galing sa basura. Pero ang laman ng nanay niya, pinagsawaan at pinagpiestahan na ng ibang tao. Ang layo naman ang tingin ni Buknoy. Tila takot na takot. Di na naman yata siya nakapag-uwi ng dalawang latang sardinas na toka niya. Tiyak na tubo na naman ang tatama sa kanyang katawan. Minsan niya binuhusan ang ulo niya ng mainit na tubig. Pitong taon pa lamang si Buknoy, mukhang 40 anyos na. Palibasa, walang sustansya ang kanyang kinakain. Kanin at asin lamang. Minsan may tagpipisong sitsirya. Puro bulate na marahil ang nasa tiyan niya. Ako maaaring busog ang aking tiyan, pero busog naman kaya ang aking kalooban? Di kaya sinisikmura ang aking kaluluwa? Paano kaya ito bibigyan ng sustansya? Tumambad sa aking mata ang karit at kalaykay ni Michael. Siya ang Indiana Jones ng tambakan. Kasama niya ang mga barkada niyang jumper sa matataas na truck ng basura. Madami na rin sa kanilang nasawiang buhay sa ganitong gawain. Habang nagsuswimming ang aking mga anak sa resort, si Michael naman ay lumalangoy sa napakabahong basura. Nakakasuka, nakakarimarim, halo-halo na pati patay na pusa at daga, kasama ng hinahalukay ng mananambahan. Iniipon para pakuluan at iprito. Pagpag ang tawag nila dito. Sus, nandiri pa ako. Pero sa totoo lang, kasama rin naman ako sa baho ng basura. Kasahog din naman ako sa bulok ng lipunan. May nagawa na ba ako para pabanguhin ito? O panay lang ang reklamo ko? Si Dodoy, umaaling-aungaw na naman ang boses. Galing siya sa malalim na lugar. Nakatira siya sa ilalim ng tulay. Ibang mundo doon. Madilim. Malinsangan. Gutom ang naglalarawan ng lugar na iyon. Ultimo gatas ng dibdib ng ina ay kulang para mapawi ang gutom ng sanggol. Daloy lang na ilog ang maririnig mo. Pag bumagyo, nagtatago siya sa kanilang koob-koob. Walang masandalan, lalo na pag umapaw ang tubig. Isa na lang ang maaari mong gawin. Bumuntong hininga. Minsan talagang wala akong makapitan, wala akong lakas. Tumitingala na lang ako sa ulap, pumipikit, bumubuntong hininga. Mabuti na lang nakagawi ako kina June at Roselle. Magkapatid. Tricycle driver at tatay, may tindahan naman ang nanay nila. Mahirap lamang sila ngunit masaya ang kanilang pamilya. Pinatuloy nila ako sa kanilang dampa. Si Mang Emil, nagpahiyag ng pangarap nila. Nangyari ako ng may driver na matagal na kong trimester si Ken. Huwag ka lang sa atin yung kahit na umuran, umagyo. Unalangin ko lang po na sana eh... Nagpaparalan niyo yung pangarap po sa mga anak na magandang magiging kinabukasan nila. Nagkwento nga si Aling Rose sa akin. Pero hindi ko ba kayo natatakot na mag-iba itong sari-sari store nyo at yung inyong, panimbawa, mademolish kayo? Natatakot rin po, pero nananalig ako sa Panginoon na nandyan naman siya eh. Anytime daw, madedemolish ang pamilya nila June at Rosel. Mapapali sila sa lupang kanilang tinitirikan. Di sila natatakot na nanaligraw sila sa awa ng puon. Napahiya nga ako. Masyado kasi akong sigurista. Lahat ng planuhin ko nagaganap. Di ko na naisip nasa itaas ang nagpapagalaw ng lahat. Nabubuhay ba ako sa sarili kong lakas o sa awa ng Diyos? Si Sudan, ito ang inspirasyon ko sa iginuhit kong bata sa ilalim ng mesa. Paggapang-gapang, gahibla na lang ang natitirang hininga. Konti na lang ay bibigay na. Pero bago sumagad, gusto muna sana niyang makatikim ng kahit konting pagkain. Abot kamay na naman, ilandi pa na lawang. Ngunit sa likod niya ay may buit ring naghihintay. Nakaredy na para lapain siya. Masakit sa mata pagmasdan ang eksenang ito. Nakakahilam. Ito ang nangyari sa Afrika noong tagutom. Yung kumuha ng picture na ito ay si Kevin Carter. Nagka-award sa Amerika ng Pulitzer Prize. Pero ayun, pagkatapos ng tatlong buwan, nag-suicide. Na-depress. Sana hindi ako humantong sa ganun. Isang dosenang figura na ikinuhit ng aking kamay. Si Nene, si Itok, si Emong, si Dodoy, si Joyce, si Sudan, si Onse, si Michael, si Buknoy, si Tinay, ang magkapatid na si June at si Rosel. Ilan lamang sila sa milyon-milyon bata na nabubuhay sa walang kulay na mundo. Statistika lang naman sila palagi, di ba? Walang may kilala, walang may pakialam. Sakariton sila na buhay, sakariton na rin sila maaaring mamatay. Mahirap silang titigan, mahabdi sa mata. Maging si Kristo nga mismo napayoko at napailing. Parang sabi ni Jesus, Kayo naman, palagi na lamang ba ako nagbibigay? Milagro na naman ba? Parang napagod na rin yan. At siya. Tuwing tatapos ako ng isang obra, sinisino pat hinuhugasan ko ang aking brush. Kasama na rin marahil dito ang paghuhugas kamay ko sa mga nasaksihan ko. Kasama na rin marahil dito ang paghuhugasan kamay ko sa mga nasaksihan ko. Tama na din dito ang pagmamalinis ko. Sa bawat kaplak at hagod ng aking brush, naitanong ko lang sa sarili ko, anong kulay ang maaari kong ilapat sa mga mukha ng batang ito? Kaya ba ng brush kong langgasin ang galis ng lipun ang aking ginagalawan? Kaya ba ng lapis ko may guhit ang landas nila? Kaya ba ng malapot na pintura baguhin ang anyo ng kanilang mga tahanan? Nakakapagod din ang maging pintor. Walang direksyon. Pawarde-warde lang. Ngunit dahil sa kanila, para akong naglakbay, para akong nakitang sarili ko sa kambas ng lipunan.