Transcript for:
Wika at Kultura ng mga Pilipino

Noon ang una, ang wikang Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa ay wikang sumasalamin sa mahabang kasaysayan ng mga Pilipino. Ito ay isang wikang nagpapakilala. Kung ano ang mga Pilipino at kung ikaw ay isang manunulat at gusto mong maging bahagi ng paglalarawan tungkol sa iyong bayan, eh dito ka maging, itong wika nito ang iyong gagamitin. Ang pinakaunang maging tagpuan namin ng iba pang mga nagsasalita sa ibang wika, bakit? sa aking karanasan, lagit-laging wikang Filipino ang unang tagpuan. At pagdating sa tagpuan iyan, dun magsasangasanga. Either, sasanga ako sa Ingles, depende sa konteksto, o sasanga ako sa Bisaya, depende sa konteksto. O sasana ako sa iba pang mga wika. At pagkatapos nun, muling bumabalik sila sa tagpuan iyon. Kailangan yung isang malawak na kilusang pangbasa. Gaya ng nangyari noong 1970s, na nagsusulong ng paggamit ng sarili nilang wika at pagkokonsepto sa sarili nilang kultura. Hindi lang problema ng wika yan. Problema ito kung paano tayo mag-isip. Nag-iisip ba tayo? ng alinsunod dun sa kultura ng mga wika at kultura ng mga iba't ibang grupong etniko dito sa Pilipinas. O ang pinaninindigan pa rin natin ay yung balangkas na kolonyal. Hindi naman ang sariling... Kailangan may pagkilala ang mga Pilipino. na marami sa mga dato sa kasaysayan ay nakasulat sa ibang wika. Kasi pagpupunta ka sa National Archives, marami sa ating mga dokumento doon nasa wikang Espanyol. At marami rin ang nasa wikang Ingles na makikita mo mga dokumento na nasa National Library. Ngayon, ang lente, lenteng kultural na ginamit ay mula sa mga Amerikano at Espanyol. So sa pagbasa ng mga dokumento... na yan, kailangan ang lenteng kultural na ginagamit ay mula sa kulturang Pilipino. So, babalikan ko yung pagpapakahulugan. Ang pagpapakahulugan ng mga Pilipino ay iba sa pagpapakahulugan ng mga Kastila at Amerikano. So para sa mga makabagong istoryador na Pilipino, dapat mula sa lenteng kultural ng mga Pilipino, tinitignan mo ang mga dokumentong kolonyal. At maiintindihan mo lang yan kung ginagamit mo ang wika bilang impukan kuhunan ng pagunawa ng kasaysayan at kultura. Sa library ng UOP, actually, ang pinakamayaman o pinakakomprensibo kung pag-uusapan natin yung koleksyon ng resort. sa Filipino. Kasi ang library ng UP may policy na i-acquire ang lahat ng mga nailimbag sa Pilipinas. Kasama dyan yung mga nasusulat sa wikang Filipino. So lahat-lahat kung ano man yung napublish na tinatawag namin Filipinyana o yung mga... Materiales na tungkol sa Filipino, Pilipinas, naisulat ng mga Pilipino, yun yung mga komposisyon ng mga Filipiniana materials. So maabot tayo sa ngayon mga 111,000 na total na mga titles ng Filipiniana. Ganon karami. Bahagi ako noong... ...generasyon na lumaki talaga sa Ingles. Wala kaming Filipino subjects, niwala kaming Philippine history sa Ateneo nun. So, nung pa man sa Ateneo, medyo nagre-react na ako na bakit ganun. So, nung pagka-graduate ko, ako mismo naghanap ng paraan para nagpunta ako sa hulo, nagturo ako doon kasi gusto akong malaman yung... Kung bagay, parang tunay na kondisyon ng lipunan. At nag-enroll na ako sa UP. Doon nagsimula yung pagkamulat ko sa mga nangyayari. At alam mo na naman, yung panahon na yun, yun yung panahon ng aktibismo na kinu-question ng lahat ng mga pamantayan sa lipunan. Hindi lamang sa kultura, kundi sa ekonomiya, sa politika, lahat. Talagang hinahanap natin doon yung sarili nating identidad. And sa kultura, napakalakas noon sa UP, lalo na. Nung nililinang natin yung wikang Filipino with the University, meron mga objection mula sa mga leader ng ating bansa na ano ba yan? Bakit backward na tayo? English is the medium of instruction. It's the lingua franca of the world. Bakit ganun-ganun-ganun? So, si Dr. Connie Paz, Dr. Teth Maceda, With the support of some officials ng UP System, pumunta sa Kongreso para magkaroon ng linaw ang ating mga kongresista, mga senador, at ang iba't iba mga opisyal na ating pamahalaan para makita nila kung ano ba yung policy sa wika ng UP at kung paano ito makakatulong sa pag-unlad na ating bayan. Isang usapin ng orientasyon nito ng ating sistema. Pang-edukasyon kasama ng Universidad ng Pilipinas. Itong mga nakaraang taon ng mga neoliberal na mga reforma, ibig sabihin yung pagsasapamilihan, yung pagsasakalakal ng edukasyon, ay... naglalayo sa ating universidad. Mula lang sa dapat niyang talagang orientasyon at tungkulin sa ating lipunan. Anong nangyayari ay nahuhumaling yung ating mga administrador na pagsikap. dapat na lamang na mapataas yung ating competitiveness sa pandaigdigang pamilihan, kundi man sa pamilihan sa Asia na pang-edukasyon. Ito na lamang, ibig sabihin, paano may bebenta ng mabisa ang edukasyon sa Pilipinas sa ibang mga bansa? Kaya yung orientasyon ng edukasyon ay hindi na paano natin pagsisilbihan ang mga nakaraming kabataan. At tandaan natin na kailan lang naman naging hindi na issue yung... usapin ng wika. Pero, pwede yung nating sabihin na hindi. Marami pa rin sa mga politiko natin, hindi nila alam. At naniniwala pa rin na dapat Ingles ang wika natin. Pero, ang datos ay talagang hindi lalapat doon. Karamihan ng mga Pilipino ay hindi man mag-Ingles. Pero, karamihan ng mga Pilipino, kung di man lahat, ay marunong mag-Pilipino. Kung pag-uusapan natin yung malawak na masa ng sambayanan at gusto natin na magkaroon ng pagkakaisa, isang importante yung sangkap kung gusto natin ang tinatawag nating pambansang pagkakakilanlan. At pagkakaisa, isang makapangyarihang instrumento yung meron kang iisang wika. O yun yung ano, yun yung medyo palagian ang sinasabi. Sa totohanan, palagi ang ding nilalabag. Dahil nga instrument ang wika, pwede mo i-manipulate. So pwede mo rin namang magamit ang wika para hindi ka makapag-communicate. Mag-i-English ka sa mga tao hindi marunong mag-English. Ang purpose mo nun hindi para mag-communicate. Ang gusto mong pakita dun... Siguro, pakita na mas mataas ako sa inyo. Mas prestigious yung aking wika at mas nakapag-aral ako, kaya ganon. May sariling katangian yung wika na kung minsan nga sabi nga nila, language is an ideology, siya mismo kumukontrol na sa tao, sa pag-iisip ng tao. Membro ako noon ng Kaakbay na pinamunuan ni Jose Diokno. Ang sabi sa akin ni Jose Diokno, sayang, hindi ako marunong magsalita ng Tagalog masyado. Samantalang batanggenyo siya. Makikita mo, pinapadala niya kami sa mga tinatawag naming pulong bahay o pulong bayan. sapagkat sa panahon na yun, kaming nasa akademya ay pinapupunta ni Pepe Joc, Jose W. Joc, sa mga komunidad, mahihirap na komunidad at sa bayan para ipalagay. ang halimbawa utang ng Pilipinas sa IMF World Bank. Paano ka mag-i-Ingles? So nakakatawa nung isang beses, pinapuntan niya ako at si Don Pag-usara, si Buanor katulad ko, na nagsusulat siya yun sa Tagalog. Kasi ang akala naming Tagalog, minimemorya namin yung panganibang tesauro. At syempre, nag-research kami kung paano namin sasabihin itong napakakomplikadong ekonomikong issue. At pupuno yung aming mga salita ng mga tatapuha at samakatawid. At sinabihan kami pagkatapos ng mga tao na naintindihan naman namin kayo. Pero hindi na namin ginagamit ang tatapuha at samakatawid. Ayunling Yung naiintindihan ng karamayhan dahil iba't ibang grupo tayo buhat sa Norte hanggang Mindanao. Magkakaibang tribo ay hindi ko gusto ng tribo dahil may namaliit. ang galing sa tribo. Tayo-tayo mismo, nag-away-away tayo kung ano ba talaga ang magiging Filipino language. Ang aking example actually dyan, yung bahasa Malay at saka yung bahasa Indonesia. Sana nag-ganun tayo. Kaso, nandito na tayo sa panahon ngayon na global na ang ating mga workers, tapos nag-Asian integration pa tayo, napakahirap nang ibalik yung nakaraan. Ang maganda na lang na nakikita ko ngayon, mas magaling mag-explain. yung mga estudyante namin in Filipino. So, sa palagay ko, yung kahit na hindi iisa lang ang ating policy talaga sa wika, palagay ko, somehow, umandar eh. Dahil ang galing talaga mag-explain ng mga bata ngayon in the Filipino language. Kumpara sa... namin ang generation. Hindi naman po namin in-expect na makakapag-adjust po lahat ng gagamit. Pero syempre, maasa po kami na, syempre, magamit din po. Kasi syempre, pagka nagkaroon na po tayo ng sarili nating keyboard layout, parang may isip na po natin lagi na, syempre, parang mas convenient na rin gamitin yung Filipino language. Kasi may design na po tayo eh for it. Isa rin po siyang way para hindi rin po tayo mapag-iwanan ng mga ibang bansa. Sana yung project na rin namin, Mag-inspire sa ibang studyante to apply their respective disciplines sa Filipino for the benefit of the language itself. And syempre, pag nag-benefit naman yung language, lahat naman tayo mag-benefit kasi yun yung culture natin eh, sariling natin yun. Mag-develop namin yung keyboard layout ito gamit ng 10.7 million Filipino words mula sa Bantay Wika project ng Triple E ni Sir Randly Cajote. Tinignan namin kung ano yung most frequently used Filipino letters. So, ang nagtin namin na A, N, G, S, T at yung iba pa na letters. Tapos, doon namin nilagay sa gitna yung pinamadara sa gamitin para mas madali siya abutin. Para sa akin kasi, ang wika ay mahalaga kasi ito yung paraan mo talaga, paano ka makakapagturo sa studyante. May mga bagay na higit na naiintindihan at na ibabahagi ng mas mainam kapag ka-Filipino ang ginagamit. Kadalasan nga Tagalog eh, kasi kapag Tagalog, biglang parang nagpa-pay attention ng malalang. ...alim yung studyante. Yun ang pinakadahilan kung bakit magamit ako ng Filipino. Hindi para sa kung ano pa ba, kung hindi talaga, para lang maging mas mabisa yung pagtuturo ko. Yung aking karanasan dyan, na sa tingin ko ay importante rin yung role ng wika. Sa paglilek, sa lecture, kapag meron akong binabahagi sa mga studyante na... mga konsepto in Pilipino, then makikita mo sa mga mata nila na lumalaki. Sabihin, nagre-resonate sa kanila, naiintindihan nila. Yung aking unang MA thesis ay isang etnografiya ng pag-aaral sa buhid mangyan. Ang nagtulak sa akin, nag-implemente sa islasan sa Pilipino, yung aking advisor noon, si Dr. Padilla. Siya rin yung unang, isang mga una mga antropologo. nagsulat ng kanyang disertasyon sa Pilipino. Pero ano ang pinag-aralan kasi ng buhidmang niyan? Yung aking pinag-aralan ay buhidmang niyan. So yung aking ginamit ay Pilipino. Medyo matagal nga naging pagbalik. Noong 1995, kaginawa yung aking pag-aaral. Noong sa taon, nagpunta ko sa mga buhidmang niyan. Nagdala ko ng kopya ng aking thesis. Balikyan ko si Lakia Om, si Maylia Om ng buhid. At ilang mga buhid leaders doon. At tuwag-tuwa si Yaong. At nagmamalaki niya sa lahat ng leader. Itinan niya, binubukin niya yung thesis, pinapakita niya. Sabi niya, ito yung unang-unang libro na kaya nang basahin at maintindihan. Hindi na lamang ito nakagapos sa layuning paunlarin. Ang wikang Pilipino nakabase sa Tagalog. Ang ating layuning ay ibase ito sa lahat ng wika. Kaya ngayon, sa yabin na siya. gustuhin natin ay umaalagwa tayo. Halimbawa, pag nag-uusap tayo ng Pilipino, pwede naman Pilipinong bihaya. Pwede naman Pilipinong bikul. Ano? Di ba yung ganyan? Tipo, bakit? Ano? Hindi kailangan maging purista tayo. Tulad ng lagi lang sa akin sinabi. ni Roger Sikat kung anong sinasabi ng kalulawa mo, yun ang wikang lalabas. Nagkataon siguro na nasa pool ng wika natin dito, yung pagpapalabas ng aking mga pananaw sa buhay. At habang ginagamit ito, lalo ko napapansin, habang ginagamit ang wikang ito, ay lalo ko na ipapaliwanag ang kompleksidad ng ating mga buhay. Na hindi madali para sa aking gawin kung ibang wika ang aking ginagamit.