Transcript for:
Mga Kaganapan at Isyu sa Pilipinas

Muling pinasok ng pulis siyang compound ng Kingdom of Jesus Christ para arestuhin si Pastor Apollo Quiboloy at apat pang co-accused niya sa ilang kaso. Umalma sa operasyon ng mga miyembro ng KOJC ang isa sa kanilang mga miyembro na sawi dahil daw sa atake sa puso sa gitana ng operasyon. Mula sa Davao City, nakatutok live si Argil Relato ng GMA Regional TV. Argil. Pia Ivan Tiwala, ang Police Regional Office 11 na nasa loob lang ng KOJC compound, si Pastor Cubuloy at apat pang co-accused nito. Isang miyembro naman ng KOJC ang nasawi matapos umanong atakihin sa puso sa gitna ng operasyon ng pulisya sa loob ng compound. Mag-aala 5 ng madaling araw na pasok ng pulisya ang Kingdom of Jesus Christ compound sa Davao City Matapos ang negosasyon ng mga opisyal ng KOJC at mga pulis Bit-beat na mga polis ang alias warrant of arrest laban kina Pastor Apollo Quiboloy at apat pang co-accused sa mga kasong child abuse at anti-trafficking in persons act. Ini-issue ng korte ang alias warrant of arrest kapag ibinalik na ng mga otoridad sa korte ang naunang in-issue ng warrant. Ayon sa Police Regional Office o PRO 11, 2,000 polis ang dineploy, kabilang amamula sa Region 10, 12, at 13. Sabang magnadagil po ang tayawang! Sa inyong negosasyon sa labas ng compound, umalma ang mga niyembro ng KOJC nang bakbakihan nila ng mga pulis ang pader sa likuran ng compound. Isa-isang inaloghog ng mga pulis ang mga gusali sa loob ng compound. Pinagbawalan ni Piero 11 Regional Director, Police Brigadier General Nicolás Torre III na may pumasok sa compound nang walang pahintulot galing sa kanya. Pero pwedeng lumabas ang mga nasa loob ng compound. Tiwala raw ang pulisya na nasa compound. compound si Kibuloy at mga co-accused nito. Sa ngayon, wala pa raw sa 30% sa buong compound ang kanilang nasuyod. Nandyan yan. Tinatago lang nilang whole day, whole night. Whole day bukas, whole night bukas. Hanggang sa makita namin siya. Hindi kami papayag. Walang magpupulaw dito. Inalmaan niya ng abogado ng KOJC dahil hindi anya ito sakop ng warant. Napasok na rin daw ng mga pulis ang lahat ng 22 istruktura sa compound. Sabi pa ng abogado ng KOJC, gumamit ang mga pulis ng tear gas, kaya may mga miyembrong hinimatay. Sa gitna ng operasyon, may isang nasawi matapos daw atakihin sa puso. Isang namatay talaga, lima po ang nagka-cardiac arrest. Yung apat ay buti na. naman hindi namatay pero serious condition sila. Lahat po ng injured po, 16 po lahat. Hinihingan pa namin ang PNP ng pahayag kaugnay nito. Iva, nasa 13 oras nang naghahalughog sa loob ng KOJC compound si Pastor Kibuloy ngunit hindi pa rin nila makita o ang naghahalughog ang Piero 11 ngunit hindi pa rin nila makita si Pastor Kibuloy. Samantala, dumating din dito ngayong hapon si Sen. Batu Del... Rosa upang kausapin ang mga opisyal ng Piero 11 at KOJC. Ang Piero 11, nagpaabot naman ang kanilang pagkikiramay sa pagkamatay ng isang miyembro ng KOJC. Pero giit ng pulisya, walang kinalaman ang pagkamatay nito sa kanilang pagsisilbi. ng warrant of arrest. Itinanggin naman ni Police Brigadier General Torre na gumamit sila ng tear gas. Yan ang latest. Balik sa inyo. Maraming salamat, Argyl Relator ng GMA Regional TV. na nag-backdoor exit si Alice Guo, paalis ng Pilipinas, at may makapangyarihang taong tumulong sa kanya. Hinala rin ang paong hindi China ang final destination ni Guo. Nakatuto si JP Seriano. Nandito na sa Pilipinas si Nashila Guo at Cassandra Leong matapos mahuli sa Indonesia. Pero si Alice Guo nasa Batam, Indonesia pa rin, ayon sa Presidential Anti-Organized Crime Commission o PAOC. At sa nakuhan nilang impormasyon, hindi China ang posibleng final destination ng nadismissed na mayora, kundi sa Golden Triangle region sa Southeast Asia, partikula sa Cambodia. We're confident that she's trying to get into the Golden Triangle because the family, the Guo family has business interests, gambling interests in Cambodia. So that would be the safest bet that we have as of this moment. Sangkot nga raw sa offshore gaming operations sa Cambodia ang dalawang lalaking kapatid ni Guo na sina Wesley at Siemen. Si Wesley Guo, tinangka raw umalis ng Indonesia? As to whether the attempt was successful, we have yet to receive reports from our Hong Kong counterparts. Lumalabas na backdoor exit talaga ang ginamit na ruta ni Guo para makalabas ng Pilipinas at imposible raw na walang tumulong na makapangyarihang tao kay Guo. An operation of that magnitude has so many moving parts and to control an information such as that would require a technical expertise that is not available to just a simple private individual. May mga tinutukoy silang tumulong kay Guo para makalusot sa batam Indonesia. There may be a clue given that yung dalawang business partners netong mga Guo at si Cassie Leong, yung Singaporean na si Xiang Ji at yung Chinese National na may hawak din sa kitsa ni passport na si Duarin Hu. ay meron din mga business interest dyan sa area na yan. In fact, napag-alaman namin na yung nagbayad ng hotel, nagkasikaso ng hotel, pagbabayad doon sa Harris Hotel Batam Center dyan sa Batam for the Guwo siblings at saka para kay Kasi Leong, ay yung person of interest natin for Lucky South 99, yung Singaporean National, na si Jiang Ji. Para sa GMA Integrated News, JP Soriano, nakatutok 24 oras. Kinundinan ang National Task Force for the West Philippine Sea ang magkasunod na insidente ng pagpapakawala ng flare ng China sa gitna ng Air Patrol ng aeroplano ng BIFAR sa Bajo de Masinloc at Zamora Reef. Ang isa sa mga yan nasaksihan ng GMA Integrated News. At nakatutok si Joseph Morong. Pasado alas 10 ng umaga noong August 19 habang nagsasagawa ng Maritime Domain Awareness Patrol, ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources sa BFAR at Philippine Coast Guard sa Bajo de Macinloc sa Zambales, pitong beses na nagpaputok ng flare ang aeroplano ng People's Liberation Army Air Force ng China. Nasa 15 meters na lamang ang distansya nito mula sa aeroplano ng BFAR. Ayon sa National Task Force for the West Philippine Sea, hindi raw kinakanti o pinoprovoke ang Chinese jet fighter Pero inilagay nito sa panganib ang mga nakasakay sa aeroplano ng B-4. Ang pagpaputok na yan ng flare ilang oras lamang matapos banggain ang China Coast Guard, ang BRP Bagacay at BRP Camp Enganyo sa may Escoda o sa Binesol naman, malapit sa Palawan madaling araw noong August 19. Bukod sa pagpaputok ng flare sa Zambales, nagpakawala din ang flare ang China sa Subi Reef o tinatawag nating Samora Reef habang nagsasagawa rin ng Air Patrol ang B-4. Saksi ang GMA Integrated News na kasama sa patrolya sa pagpapatok ng flare. Halos tatlong beses itong ginawa mula sa isang gusali habang umiikot ang eroplano ng BFAR. Ayon kay Philippine Coast Guard spokesperson for the West Philippine Sea, Commodore J. Tariella, kasama ng Philippine Coast Guard ng BFAR na nagmumonitor ng poachers sa Exclusive Economic Zone o EEZ ng Pilipinas. Muling inulit ng Pilipinas ang panawagan nito sa China na itigil. Ang mga mapanghamon at delikadong aksyon nito laban sa aeroplano at sasakyan ng Pilipinas na nagsasagawa ng mga legal at regular na aktividad sa EEZ ng Pilipinas. Ang mga aksyon daw na ito ng China ay naglalagay sa halanganin sa kapayapaan at siguridad sa lugar at dumudungi sa imahe ng China sa international community. Ayon sa China, nagsagawa daw sila noong August 22 sa Spratly Islands kasama ang Subi Reef ng countermeasure na naaayon umuno sa batas para protektahan. ang kanilang soberanya at siguridad. Hindi naman tinukoy ng China kung anong klaseng countermeasure ang kanilang ginawa. Ayon pa kay Chinese Foreign Ministry Spokesperson Mao Ning, hindi niya batid ang nangyaring papaputok ng flare sa Subi Reef. Para sa GMA Integrated News, Joseph Morong, nakatutok 24 oras. Kinukwestyon ng autoridad kung alin ang totoo sa dalawang pasaporte ni Sheila Leal-Guo na kapatidumano ni Alice Guo. Pero kung pagbabasahan daw ang comparative fingerprint analysis ng NBI, iisang tao lang ang nasa dalawang pasaporte. Nakatutok si John Consulta. Dalawang magkaibang pasaporte. Dalawang magkaibang... araw ng kapanganakan pero iisa ang muka. Ito ang misteryong bumabalot sa pagkataon ni Sheila Leal-Guo na tinukoy ng National Bureau of Investigation o NBI na siya rin si Jiang Mir na sinasabing kapatid ni Alice Guo. Mismong NBI ang nagsabi na base sa kanilang comparative fingerprint analysis, iisang tao lang ang nasa dalawang pasaporte. Sa Chinese passport, makikita ang October 27, 2021 ito in-issue at ang expiry o October 2031 pa, Chinese Embassy sa Manila ang nag-release ng Chinese passport ni Sheila Guo sa pangalang Jiang Mir. Halos isang taon lang ang pagitan. Inisyo naman noong June 2022 sa DFA Manila ang pasaporte ni Sheila Guo ng expiry June 2032. Kapansin-pansin na nakalagay na birthday sa Philippine passport ni Sheila Guo ay January 12, 1984 habang sa kanyang Chinese passport ay March 3, 1985. Ang tanong na lang ngayon, alin kaya sa dalawang ito ang totoo? Hanggang ngayon, wala pa rin nakikita ang Bureau of Immigration na record na nagamit ang passport na Jiang Mir sa pagpasok sa Pilipinas. Ang maliwanag, 2006 pa lang meron ang passport si Jiang Mir na in-issue sa Fujian, China, base sa dokumento na akin nakuha mula sa isang source. Sa kinuwang fingerprints kay Sheila Guo, nakumpirma ng NBI ang kanyang lihim na pagkatao. Sabi nga po kahapon ni SOJ Boyeng Rimulya na it appears that yung kanilang passport ay fraudulently secured. Yung fraudulent acquisition ni Sheila ng Philippine passport is also the immigration violation charge against her. Ayon sa aming source, tikom daw si na Cassandra Ong at Sheila Guo kapag tinatanong kung paano sila umalis kasama si Alice. Pero tiniyak na mga otoridad. na gumugulong ang kanilang investigasyon. Kasama yan sa ginagawa namin ngayon. We are backtracking yung pinagdaanan nila going outside of the country. As for the immigration records, hindi talaga siya dumaan sa tamang proseso. So whether there was conspiracy with certain officials, whether they were private individuals, that is yet to be absolutely determined. Para sa GMA Integrated News. John Consulta, Nakatutok, 24 Horas. Kung hanap nyo'y quick escape, lalo't long weekend pa, tayo na sa Antipolo. At meron ding pasyalan sa San Mateo na may mga breathtaking view. Mula sa Antipolo, Riza. Nakatutok live, si Jamie Santos. Jamie? Pia, marami ang pinakaabangan ang long weekend tulad ngayong araw para mag-relax at distress. Ilan sa sinamantala ang weekend, dumayo rito sa Antipolo. Simpleng garahe ang bubungan sa inyo, papasok sa cafe and restaurant na ito sa Pagray Hills, Barangay Mayamot, Antipolo. Pero hindi ka raw mayayamot dahil pagpasok mo, gagaan agad ang inyong pakiramdam sa ganda ng view at dami ng puno. Overlooking view ng buong city of Metro Manila. Talagang halos 360 degrees siya. And yung ambience, pag nakita nyo maraming puno. Tapos yung space, mismo ng mga table, yung relaxing siya. Okay naman po yung food. Marami naman po yung serving nila. Oo po, maganda po. Sulit naman papagpunta nila. Okay naman po, maganda naman po siya. Nakaka-relax. Oo po. Isama na rin sa side trip ang International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage na kilala rin bilang Antipolo Cathedral. Bukod sa Antipolo, dinarayon rin ang IJ Worthy na view deck sa San Mateo Rizal. Tanaw ang Sierra Madre at kung matyatsyempuhan ang Sea of Clouds. Kung adventurous, subukan ang rope obstacle. Oo po. May kids playground din. Pwede rin mag-overnight sa kanilang villas o sa tent sa kabilang campsite. Pia, bagaman weekend at walang pasok sa lunes, kapansin-pansin na magaan ang daloy ng trapiko papunta rito sa Antipolo. Sa mga darayo naman patungo dito sa International Shrine, may mga umaalalay na traffic enforcers sa mga motorista. At iyan ang latest mula rito sa Antipolo. Balik sa iyo, Pia. Maraming salamat, Jamie Santos. Mga kapuso, patuloy na tumutok sa mga balita, mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube. Sa mga kapuso abroad, samahan niyo kami sa GMA Pinoy TV at www.gmanews.tv