Transcript for:
Kabanata 3 - Mga Alamat

Dako na tayo sa kabanata tatlo na pinamagatang ang mga alamat. Ang ating mga tauhan dito ay una ang mga pari katulad ni Padre Sibayla, Padre Florentino, Padre Irene, Padre Camora, Simon at ang Kapitan. Matapos ipatawag si Padre Florentino sa ibaba ng kubyerta, agad siyang umakyat sa ibabaw upang makipagkwentuhan sa mga kasamahang.

Padre, pagdating ni Padre Florentino doon sa itaas, mapapansin ang bawat mukha ng mga pari ay mahinahon na. Nahinto na ang kanina'y nagsisipag talo. Ngayon, pagdating doon ni Padre Florentino, ito namang si Padre Sibayla ay nahihampas niya ang kanyang kamay sa mesa. Bakit? Kasi mga anak, itong pari ito ay galit na galit.

Dahil daw, Ang kanyang mga paupahan o mga negosyo pinapatayong mga gusali ay unti-unti daw nalulugi. Na kung saan, nung narinig naman ni Padre Irene ang sinabi ni Padre Sibayla, ay agad na kinontra niya kasi sa pag-aakalang, O, bakit ka nagagalit? Diba nga umuunlad ang mga negosyo mo sa ibang bansa? Kaya ang sabi ni Padre Sibayla, dyan ka nagkakamali, Padre Irene.

Kasi hindi daw alam ni Padre Irene kung paano gumagastos ang mga paring dominiko. Isa pa sa mga ikinaiinis ng mga pari o ng mga kasamahan ni Padre Ceballa, ang mga hayagang pakikipagtalo ng mga nangungupahan dahil daw sa labis na taas ng upa nito. Yun ang dahilan kung bakit ang paring ito ay nagagalit. Samantalang, ito naman si Padre Camora ay sinabi niya na huwag na daw magreklamo kung ano man ang kanilang problema.

Bakit kaya? Sabi ni Padre Camora, isipin niyo na lang na hindi lang kayo ang may problema. Ibig sabihin, ang tanging maipagmamalaki lang ng paring ito ay ang pagbabayad daw sa kanya sa kanyang mga nasasakupan.

Na ang ibig sabihin mga anak, bilang pari sa bayan na yun. May karapatan daw siyang magtaas o magbaba ng singil, katulad ng pagkasal, binyag, at marami pang iba. Ngunit, ang higit na nakakapansin daw, ang mga katutubo o ang mga mamamayan ay labis ng umaangal ukol sa kanilang mga karapatan.

Ibig sabihin mga anak, marunong na silang mga tuwiran. Kasi mga anak, ang mga mamamayan ay pinagdidiinan. kung ano lang daw ang sinabi na halaga ng arsobispo ang siyang dapat bibigyan o babayaran lang nila.

Inatigil lamang ang usapan ng mga priling ito nang dumating si Simon. Kaya sa pagdating ni Simon, agad siyang binati kung saan daw galing si Simon. At sinabi na mas maganda sigurong magkwentuhan lalo na kung si Simon ay kasama nila.

Ngunit ang gusto ni Simon, Ang pagkikwentuhan nila ay tungkol sa mga alamat. Kaya tinanong niya sa mga praile kung may alam ba itong mga alamat. Ngunit ang iba ay nagkibit balikat.

Hanggang sa tinanong nila ang kapitan ng barko kung may nalalaman ba itong alamat. At tamang tama, ang kapitan ay meron. Sa kabanatang ito, Namula sa pamagat na ang mga alamat, mga anak nahati ito sa tatlo.

Una, ang alamat daw ng malapad na bato. Pangalawa, ang alamat ni Doña Jeronima. Pangatlo, ay ang alamat ng Sabi Nicolas.

Nung sinabi ng kapitan na may alam siyang alamat at ito nga ang alamat ng malapad na bato, agad na gustong malaman ni Simon kung tungkol saan ang alamat na ito. May isang sagradong bato daw na pinananahanan ng mga kaluluwa na namatay. Maliban dito, dito rin daw nagtatago ang mga bandido.

Ano ibig sabihin ng mga bandido mga anak? Ito yung mga tulisan na nagtatago na kapag napadaan ka daw dito sa malapad na bato, ang ginagawa daw ng mga bandido ay humaharang at yung bangka mo tinataog nila sa lahat ng mga dumadaan. Kaya nung narinig ni Simon ang kwento ng kapitan, agad na napakurap si Simon sa luha ang mga mata.

Marahil ang alamat na ito ay may naaalala siya kasi hindi naman siya luluha o maluluha. sa kwento ng kapitan kung wala siyang naalala. Ngunit hindi niya pinapahalata.

Matapos magsalaysay ng kapitan tungkol sa alamat na malapad na bato, agad naman nilang binigyan ng atensyon ang alamat ni Doña Geronima. Kaya ang sabi ng mga kasamahan nila na ikwento na daw ng kapitan. Ngunit mas alam daw to ni Padre Florentino. Alam mo mga anak, ang alamat na ito ay sadyang nakakalungkot. Bakit kaya?

Kasi sa alamat ni Doña Jeronima, may dalawang magkasintahan daw. Okay? Yung magkasintahan na yun, ang lalaki doon ay nangako na pagdating ng araw, pakakasalan niya ang kanyang kasintahan na noon ay neneng-nene pa. Ibig sabihin, batang-bata pa. Ang kaso mga anak, Yung lalaki na libang sa pag-aaral, nagiging masaya, nakalimot sa kanyang pangako hanggang sa siya ay nakapagtapos at hindi nagtagal, ang dalaga, yung kagandahan ng dalaga na ang pangalan ay Doña Jeronima ay naglaho.

Sa madaling salita, lumipas ang panahon, siya ay naging matanda na lamang, ngunit ang lalaki ay hindi bumalik upang siya ay pakasalan. Nalaman na lang ng Doña na ang kanyang kasintahan pala ay pumasok na sa seminaryo at nagpari. Naging arsobispo pa. Ngayon, ano ang ginawa ni Doña Jeronima? Alam mo mga anak, pinuntahan niya ang kanyang kasintahan sa kumbento.

At nagmakaawa na siya daw ay ihatid sa Dambana. Dapat daw pakasalan siya nito kasi yun yung pangako. Ngayon, ano ang ginawa?

ng lalaki o ng isang pari na. Alam mo, nagpagawa ang lalaki dito ha. Kunwari, ito yung lalaki.

Nagpagawa siya ng kuweba. Para saan kaya? Kasi dito niya ititira ang kanyang kasintahan.

Para iwas daw skandalo. Oo nga naman. Ang pangangatawan ng doon niya, dahil sa katandaan nga, ay may kalaparan ang kanyang pangangatawan.

Kaya kapag pumasok siya sa kanyang tahanan sa kuweba, patagilid ito kung pumasok. Dahil nga namuhay ng mag-isa dahil tinira siya dito sa kuweba, ang ginawa ng doña ay iniimbitahan niya ang mga mangingisda at kung sino-sino pa ang dumadaan doon para magsaya. Pero itong doña ito napabalitaan na siya ay maluho. Kasi mga anak, sa tuwing nagkakaroon daw, ng mga pagtitipon sa loob ng kuweba, lahat ng mga kasangkapan na ginagamit doon ay itinatapon sa ilog o lawa. Kaya ang ginagawa ng mga mangingisda o ng mga tao doon ay naglalatag sila ng lambat kasi daw ang mga kasangkapan ay magaganda.

Ngunit isang araw, ang tubig ay umapaw at ang kuweba na tinitirhan ng doon niya ay pinasok ng tubig. Mula nung nangyaring yun, hindi na nakita si Doña Geronima. Dalawang taon na ang nakaraan mula nang pinasok ang kuweba ng tubig.

Alam mo mga anak, napakaganda ng alamat ng Doña Geronima. Kaya naman si Simon, nang marinig ito, aba, tila siya ay nag-iisip at malalim na malalim ang kanyang iniisip. Yun naman ang dahilan kung bakit napansin siya ni Benzaib.

Pagkatapos, sinabi niya kay Padre Salve na mukhang malungkot yata kayo, Padre. Ang sabi naman ni Padre Salve, mga anak, na, O bakit mo naman nasabi yan? Sabi naman ni Simon, kasi sa halip na kuweba, bakit hindi pinasok ang dalaga bilang mongha? At least sa kilalang monasteryo, maari pa daw madalaw ng arsobispo ang kanyang minamahal.

Ang sabi naman dito, saan bang monasteryo? Ang sumagot naman si Simon, saan pa? E di sa Sabita Clara, ito yung pinakamagandang monasteryo.

Ito namang si Padre Salve, dumepensa sa sinasabi ni Simon. Ang sabi niya, ang ating pinag-usapan ay tungkol sa alamat. Pero bakit yata ang tanong niyo, ay tungkol na sa kumunyon at kumpisalan. Hanggang sa ang bawat isa ay naispa ng isang alamat. At ito yung ikatlo nating alamat.

Ang alamat ng Sabi Nicolas. Ang alamat na ito ay tungkol sa isang incheck. Ang incheck na daw na yun ay nakasakay mga anak sa bangka.

Habang siya'y namamangka at napadaan sa isang simbahan, bigla daw na may lumabas na demonyo na nag-aan yung buwaya. Ang ginawa ng demonyong yun, hinampas daw ang bangka ng incheck. Kaya tumaob ito.

Ngayon, sa sobrang takot ng in-check na ito, mga anak, alam mo, nasambit niya ang pangalan ni Sabi Nicolas. Pagkatapos, yung buwaya na lumabas na naging demonyo o ang demonyo na nag-anyong buwaya, siya ay naging bato. Ayon sa obserbasyon ng mga nakakaraming, nakausli daw sa ilog ang nasabing bato. Ayon sa mga O isa sa mga prayle doon na nagsalita na wala daw makapagsabi kung saan ang buntot ang ulo, kung saan doon.

Maliban lang daw sa prayle na makapagsabi kung saan ang ulo pati mata ng higanting demonyo. Nung narinig ni Simon ang pahayag ng pari, alam mo mga anak, pinagpapawisan. si Simon. Kasi ang pahayag ng pari ay makahulugan.

Maliba na lamang kung alam mismo ng mga Pryle ang katauhan ni Simon. Ngayon, bakit pinagpapawisan si Simon? Kasi nga, masasabi rin natin na siya ay may itinatago doon sa mga Pryle. Ano yung itinatago niya?

Yung mismong kanyang pagkatao. Matapos ang pagkikwentuhan tungkol sa mga alamat mga anak, nung mga oras na yun ang Bapor Tabo ay papasok sa lawa. Ngayon yung lawa mga anak diba, may mga di makakalimutang karanasan dito o pangyayari.

Kaya ang kapitan ng Bapor ay kinulit ni Benzaib. Sabi ni Benzaib, saan ba dyan parte? na tumalon ang isang lalaki. Sino yung tumalon sa lawa?

Like for example, ito yung lawa. Sino yung tumalon dito sa lawa? Ito yung si Elias na ang alam ng lahat ay si Ibarra. Ang sabi ni Benzaib, saan daw banda doon tumalon?

Tinuro naman ang kapitana, o dyan tumalon. Tapos sabi nila, sino ba yun? Ano bang pangalan nun? Guevara, Navera, o Ibarra? Ngayon, nung narinig ni Simon, Ang tanong o pinag-uusapan ng kapitan at ni Benzaib, nagkunwari na lang siyang wala siyang naririnig.

Tumitingin na lang siya sa paligid na kay ganda, mala asul, at ang kapaligiran naman ay mala verde, at kung ano-ano pa. Nilalanghap niya ang magandang simoy ng hangin. Kunwari, wala siyang narinig.

Kasi ang pinag-uusapan nila, ito yun, si Simon. na nagbabalat kayo. Muling binalikan o napag-usapan ni Benzaib, ng kapitan at ng iba pang mga kasamahan o sa umpuka na yun, yung pangyayari sa binata na lumangoy sumisid na tinugis ng mga gwarja-sibil. Hindi tinigilan hanggat hindi nila nakitang may dugo sa tubig.

Habang nag-uusap nga ang kanilang mga kasamahan tungkol doon sa binatang tumalon sa lawa, itong si Padre Salve naman ay Sumabat na ang tumalon ay isang pilibustero. At ito pa ang pinakatwist. Habang binanggit ni Padre Salve na ang tumalon ay isang pilibustero, siya ay nakatingin kay Simon.

Kaya si Simon, aba, pawis na pawis si Simon. At yan lamang ang ating mga pangyayari sa kabanata.