Transcript for:
Kasaysayan ng Pilipinas at Soberanya

Intro Music Intro Music Magandang araw! Ako si Ginoong Mark. Narito ako para gabayan ka sa ating aralin. Ang Pilipinas ay may mayamang kasaysayan.

Ibat-ibang puok ang nakasaksi sa mga emosyon at damdamin ng mga bayaning Pilipino. Tayo ngayon ay nasa simbahan ng Barasuin kung saan isinilang ang unang republika ng Pilipinas, ang kauna-unahan sa Asia. Natunghayan natin kung ano ang hirap na pinagdaanan ng ating mga ninunod.

sa panahon ng kolonyalismo ng mga Espanyol. Sa loob ng 333 taon, hawak sa leeg ang mga Pilipino ng walang kalayang ipahayag ang kanilang saluobin at walang pagkakapantay-pantay sa mata ng batas sa pagitan ng mga Pilipino at Espanyol. Sa pangunguna ni Heneral Emilio Aguinaldo ay nakamtan natin ang ating kasarinlan noong 12 ng Hunyo 1898. Muna!

Ngunit ang naranasang paglaya ay pansamantala lamang. Tayo ngayon ay papasok sa susunod na yugto ng mga mananakop. Alam kong handa ka ng matutuhan ang susunod nating aralin. Kaya kunin mo na ang iyong lapis o bolpen, papel o koderno at self-learning module.

Tara, ating pasukin ang maaksyong mundo ng araling panlipunan. Music Tayo muna ay magbabalik aral. Bibigan kita ng tatlong segundo para isipin ang tamang sagot. Unang bilang, sino ang pinuno ng plot ang Amerikano sa Silangan na nakausap ni Emilio Aguinaldo at tumulong para makasalita. Makabalik siya sa Pilipinas.

Siya ba ay si George Dewey o Spencer Pratt? Kung ang napili mong sagot ay si George Dewey, tama ka. Sinabi nito kay Emilio Aguinaldo na ang kanilang layunin ay mapalaya ang Pilipinas sa kamay ng mga Espanyol. Pangalawang bilang, sa ang labanan nagtagumpay si Emilio Aguinaldo at pinabagsak ang hukbo ng mga Espanyol.

mula sa kanyang pagbabalik galing Hong Kong. Ito ba ay labanan sa Tejeros o labanan sa Alapan? Kung ang napili mong sagot ay labanan sa Alapan, tama ka, ang labanan ito ang nagpatibay at nagpakita ng nalalapit na pagsilang ng kasarinlan ng Pilipinas. Pangatlong bilang, sino ang naging punong tagapayo ni Emilio Aguinaldo?

at nakilala bilang ang dakilang lumpo? Siya ba ay si Julian Felipe o Apolinario Mabini? Kung ang napili mong sagot ay si Apolinario Mabini, tama ka.

Pinalibutan ni Emilio Aguinaldo ang kanyang sarili ng mga mahuhusay at matatalinong tagapayo upang siya ay magabayan sa pamumuno at makagawa ng mga desisyong makakabuti sa nakararamis. Pang-apat na bilang, sino ang naghanda, nagsulat at nagbasa ng akto ng pagpapahayag ng kasarinlan ayon sa utos ni Heneral Emilio Aguinaldo? Siya ba ay si Ambrosio Rianzares Bautista o Felipe Bueng Camino? Kung ang napili mong sagot ay si Ambrosio Rianzares Bautista, tama ka.

Alam mo bang ito ay ipinahayag sa wikang Kastila? Tuwang-tuwa ang mga Pilipinong nakasaksi sa harap ng tahanan ni General Emilio... aginaldo nang makita nila ang pagwagayway sa watawat ng Pilipinas. Panlimang bilang, anong lahi ang sumunod na nagkaroon ng interes sa Pilipinas pagkatapos ng kolonyalismo ng mga Espanyol? Sila ba ay mga Amerikano o mga Japones?

Kung ang napili mong sagot ay mga Amerikano, tama. Baka, naniwala si General Emilio Aguinaldo sa pangako ng mga Amerikano, ngunit ito pala ay may ibang plano. Matapos ang mahabang panahon ng pagkaalipin sa Espanya, patuloy pa din ang paglaban sa kalayaan, ngunit ngayon ay sa kamay na ng mga Amerikano. Sana'y nakuha mo ang lahat ng mga tamang sagot. Kung hindi naman, huwag kang mag-alala.

Maaari mong mapanood muli ang episode na ito sa YouTube at DepEd Commons upang mabalikan ang aralin. Ang pag-aaral ng araling panlipunan ay hindi kailangang imemorya. Kailangan mo lamang maunawaan ang mga mahalagang pangyayari at kung paano natin magagamit sa kasalukuyan ang aral ng nakaraan. Tara at magbalitaan tayo!

Isa sa kapansin-pansing problema ng kahit na anumang bansa sa mundo ay ang suliranin sa paggamit ng iligal na droga o mga ipinagbabawal na gamot. Alam ba ninyong halos karamihan sa nangyayaring krimen sa ating bansa ay dahil sa mga taong lulong sa droga. Kung nais natin ang katahimikan at katiwasayan sa ating komunidad, kailangang iiwasan at huwag gumamit ng iligal na droga. Masama ito sa ating isip at katawan.

Kung may kakilala kayong lulong na dito, mas makatutulong sa kanila kung i-report ang ating nalalaman sa barangay o kapulisan para sila ay matulungan at mabigyan ng counseling. May programa ang ating pamahalaan na tinatawag na OPLAN sa GIP dahil biktima din sila ng mga sitwasyon. Huwag nating husgahan ang isang taong nalulong sa droga dahil maaaring may malalim na dahilan kung bakit sila naging adik.

Tungkulin natin lahat na tulungan ang isa't isa para magkaroon ng payapang komunidad. Labanan natin ang droga, tulungan ang mga taong nalulung dito na magbago. Kailangan nila tayo pag-unawa, respeto at pagmamalasakit ang maibibigay natin sa kanila para matanggap nila sa kanilang mga sarili na sila ay nagkamali.

Tandaan natin na ang bawat pagkakamali ay maitatama. Kung dipiliin natin... Ang daan ng pagbabago. Gayahin mo ako. Kumuha ka ng papel at isulat ang bilang isa hanggang lima.

Tukuyin ang tamang gawain para makaiwas ang kabataan sa paggamit ng iligal na droga. Lagyan mo ng check ang bilang ng tamang sagot. Unang bilang, maglaro ng iba't ibang sports. Pangalawang bilang. Gawing abala ang sarili sa pagtulong sa barangay.

Pangatlong bilang, subukan ang paninigarilyo at alak. Pangapat na bilang, maglaro at matuto ng sugal. Panglimang bilang, linangin at pag-usayin ang mga talento.

Ang tamang sagot natin ay bilang isa, dalawa at lima. Sana ay nakuha mo ang mga tamang sagot. Tandaan, ang mga ginagawa natin sa kasalukuyan ay may malaking epekto sa ating ugalit kalusugan. Kung tayo ay nagiging adik sa isang gawain gaya ng pagkababad sa online games o computer games, paninigarilyo sa murang edad, pag-inom ng alak at iba pa na maaaring makasama sa atin ay isang hudyat ng adiksyon.

Matuto tayong pahalagahan at isipin ang mga taong nakapaligid sa atin, lalo na ang ating pamilya, sapagkat ayaw nila tayong mapasama o mapariwara. Tayo ay may mga batas na kailangang sundin at pro-protecta sa ating mga karapatan. Ngunit, pakaisipin natin na kung tayo ay gagawa ng maling kilos, gaya ng pagkalulong sa droga, ay maaari tayong hulihin ng mga alagad ng batas at maparusahan.

Ang batas ay nagbibigay direksyon sa... sa isang bansa upang maging proteksyon ng mga mamamayan. Ito rin ang naging sandigan at naisip noon ni Heneral Emilio Aguinaldo kung kaya't nabuo ang konstitusyon ng Malolos. Ang naging dahilan kung bakit tayo ay naging isang republikang bansa. Alamin ang kaganapan sa bayang pinakamamahal.

Ito ang balitaang mag-uugnay sa nakaraan at kasalukuyan. Nagbalik sa Pilipinas Heneral Emilio Aguinaldo mula sa pagkakatapo nito sa Hong Kong bilang bahagi ng kasunduan sa biyak na bato. Siya ay nakumbinsi ni Commodore George D.B. at sinabing tutulungan ng mga Amerikano ang mga Pilipino para lumaya sa mga Espanyol.

Maluwag itong pinanggap ni Emilio Aguinaldo at pinagkatiwalaan ang mga Amerikano. Ngunit, sa likod ng pagtulong na ito ay mayroon palang ibang nais at balak ang mga Amerikano. Utak ang labanan, pagtitiwala ang usapan, ang mapagpaniwala ay tiyak na madadaya.

Uso na noon ang mga tuso kaya masasabi nating nadaya o naloko si General Emilio Aguinaldo. Tara at balikan natin ang ating kasaysayan upang malaman kung ano ang panlulokong ito. Nag-usap sa Singapore si General Emilio Aguinaldo at Consul Spencer Pratt at nangakong tutulungan nila na lumaya ang Pilipinas mula sa mga Espanyol. Nagkasundurin sina Commodore George Dewey at Emilio Aguinaldo na tutulungan ng plotang Amerikano na pabagsakin ang hukbo ng mga Espanyol. Mga pangakong ubod ng ganda dahil malalasap na ng Pilipinas ang kalayaan.

Ito ay pinaniwalaan ni Heneral Emilio Aguinaldo. Sa naganap na labanan sa luok ng Maynila, pinasabog at pinalubog ng mga makabagong sasakyang pandigma ng Amerika ang plotang Espanyol sa... Sa pamumuno ni Patricio Montojo, natalo ang mga Espanyol sa labanan. Sumuko sila at hindi na nanlaban.

Tuwang-tuwa ang mga Pilipino. Lubos ang kanilang pasasalamat sa mga Amerikano dahil nakita nila ang kabutihan nito sa pagtulong para makamit ang pagiging malaya. Dahil sa pangyayaring ito, inihayag ni Emilio Aguinaldo ang kaserinlan ng Pilipinas noong 12 ng Hunyo, 1898. Nangyari na ba sa inyo ang maloko ng inyong kapwa? Yung akala mo ay mabuti siya pero may sungay palang itinatago.

Ganyan po iugnay ang nangyaring labanan sa look ng Maynila o Battle of Manila Bay. Sapagkat ito ay isang kuwad o peking labanan. Alam ba ninyong nagkaroon na ng usapan ang Estados Unidos at Espanya at ibinibenta na ang Pilipinas sa kamay? ng bagong mananako.

Nakakalungkot diba? Kung minsan, nakakapahamak din ang pagiging sobrang bait at mapagkatiwala. Ganyan ang nangyari kay General Emilio Aguinaldo. Ganyan ang nangyari sa mga Pilipino. Tuso ang bagong mananako.

Tara at balikan natin ang kwento ko. Nabalitaan ni General Emilio Aguinaldo na magkakaroon ng pulong ang Estados Unidos at Espanya sa Paris, France. Isa sa magiging usapan dito ay kung ano ang mangyayari sa mga kolonya ng Espanya gaya ng Cuba, Puerto Rico, Guam at Pilipinas. Agad niyang inutusan si Felipe Agoncillo na maging kinatawa ng Pilipinas at pumunta ng Paris para mapakinggan ng mga Amerikano at Espanyol. Samantala, binoo ka agad ni Emilio Aguinaldo ang kanyang miyembro ng gabinete.

Ayon na rin sa mungkahi ng kanyang punong tagapayo, na si Apolinario Mabini. Ipinaalala nito kay Emilio Aguinaldo na kailangang magkaroon ng isang konstitusyon, ang Pilipinas, nakikilalani ng ibang bansa ang kanyang soberanya o ganap na kalayaan. Teka, ano nga ba ang konstitusyon? Bakit mahalagang mayroon nito ang isang bansa?

Tandaan natin na ang konstitusyon ay ang pinakamataas na batas kung saan ipinapakita nito ang kakayahang pamumuno ng isang malayang bansa. Dito nakikilala ang kanyang ganap na soberanya. Sa panahon noon ng kolonyalismo ng Espanya, hindi natin masasabi na isa tayong bansa sapagkat wala pa tayong konstitusyon at soberanya dahil nasa pagkakaalipin pa rin tayo ng mga mananakop na Espanyol. Yun ang dahilan kung bakit itinulak ni Heneral Emilio Aguinaldo ang pagkakaroon natin.

ng konstitusyon dahil nakamit na natin ang ating kasarinlan. Tara't bumalik tayo sa huling bahagi ng aking kwento. Buo ang loob ni Henerel Emilio Aguinaldo sa pagtatatag ng Pamahalang Republika sa tulong ng kanyang punong tagapayo na si Apolinario Mabini. Noong 15 September 1898 ay nagtungo sila sa Simba ng Baraswain, Bulacan at itinatag ang Kongreso ng Malolos. Ang kongresong ito ang naatasang gumawa ng saligang batas o konstitusyon na magiging gabay ng taong bayan, gabay ng mga pinuno o lider, at gabay ng Pilipinas bilang isang malayang bansa.

Si Heneral Emilio Aguinaldo ang hinahilang... ...nirang ng Kongreso bilang Pangulo ng Unang Republika ng Pilipinas. Dahil sa pangyayaring ito, dito ipinagtibay ang nilalaman ng Konstitusyon ng Malolos.

Una, ang pagkilala sa Republika ng Pilipinas. Ikalawa, ang probisyon tungkol sa kapangyarihan ng Ejekutibo, Lehislatura at Hukuman. Ikatlo, ang paghihiwalay ng Simbahan at Estado.

At ikkaapat... ang pagkilala sa karapatan ng bawat tao at karapatang pambansa. Sa kabilang banda, nilagdaan na ang kasunduan sa Paris at ibinenta ng Espanya ang Pilipinas sa halagang 20 milyong dolyar sa kamay ng bagong mananako.

Grabe ang pinagdaanan ni Pangulong Emilio Aguinaldo, di ba? Siya ay nagtiwala, naniwala at umasa. Ngunit sa bandang huli, ay tinuklaw ng inaakalan niyang mga kaibigan.

Ganon ka din ba? Paasa? Basta, ito ang inyong tatandaan.

Ang pakikipagkaibigan ay kinakailangang totoo. Ang pakikipagkaibigan ay bukas sa puso at walang hinihintay nakapalit. Ang aral na itinuro sa atin sa pangyayaring ito ng ating kasaysayan ay kailangan nating matuto tayong maging mapagmatsyag kung totoo ba o hindi ang isang tao sa atin.

Mas mainam ang pagkakaroon ng kaunting kaibigan Ngunit tapat at totoo. Kaysa naman sa napakarami nga, ngunit sila ay nandyan lamang kung mayroon silang kailangan. Kaya, huwag maging plastic.

Maging tapat at totoo. Pahalagahan ng samahan at pagkakaibigan dahil walay ang katumbas na presyo. Dumako tayo sa isang pagsasanay. Bibigyan lamang kita ng tatlong segundo para tukuyin ang tamang sagot.

Buuwin ang salitang hinahanap sa bawat bilang. Gamiting gabay ang mga titik. Unang bilang, siya ang pinuno ng plotang Espanyol sa labanan sa look ng Maynila.

Ikalawang bilang, siya ang pinuno ng plotang Amerikano na tumalo sa mga Espanyol sa labanan sa look ng Maynila. Ikatlong bilang, Sa ang simbahan ginanap ang Kongreso ng Malolos? Ikaapat na bilang, ito ang tawag sa ganap na kalayaan ng isang bansa.

Ikalimang bilang, siya ang naging kinatawan ng Pilipinas na ipinadala sa Paris para kausapin ang mga Amerikano at Espanyol. Ngunit... Hindi nabigang pagkakataon na mapakinggan.

Ang tamang sagot natin sa ating pagsasanay ay ang sumusunod. Unang bilang, Patricio Montojo. Ikalawang bilang, George Dewey. Ikatlong bilang, Baraswain.

Ikaapat na bilang, Soberania. Ikalimang bilang, Felipe Agoncillo. Sana ay nakuha mo ang mga tamang sagot.

Kung hindi naman, ay maaari mong balikan ang pagsasanay na ito sa official YouTube channel ng DepEdTV at madadownload ang video sa DepEd Commons. Bilang pagbubuod sa ating aralin, tandaan ang sumusunod na talasalitaan. Salitaan.

Konstitusyon. Mas kilala ito sa tawag na saligang batas kung saan nagiging gabay ito ng mga tao sa kanilang mga karapatan at dapat sundin ng mga batas. Soberanya. Ito ang ganap na kalayaan ng isang bansa na kinikilala ng ibang malayang bansa na may sariling pamahalaan at batas na sinusunod.

Plota. Ito ay kabuuan ng isang malaking hukbo ng handang makipaglaban. Huwag.

Peke o hindi totoo? Kongreso. Ito ay ang pagtitipon-tipon ng mga kinatawan o representative para bumuo ng isang panukala o batas na may iisang layunin.

Nakita natin ang kahalagahan kung bakit binuo ang konstitusyon ng malolos. Ito ay upang maipakita sa mundo na tayo ay isang bansang malaya at may sariling soberanya. Kaya, mainam sa kasulukuyan na sundin natin ang mga pinai- iiran na batas dahil ang layunin nito ay pangalagaan ang taong bayan.

Huwag maging pasaway. Matuto tayong irespeto at galangin ang mga ipinatutupad na batas gaya ng sakripisyong ginawa ng ating mga bayani mabuo lamang ang unang konstitusyon sa bansa. Dito nagtatapos ang ating aralin. Sana ay marami kang napulot na aral ng buhay mula sa ating kasaysayan. Binang takda ay nais kong i-download mo ang module ika-anim para sa Araling Panlipunan 6 sa DepEd Commons at basahin ang taksa tungkol sa digmaang Pilipino at Amerikano.

Muli, ako si Ginoong Mark na inyong kaagapay at kasama para matutuhan ang lalim at ganda ng ating kasaysayan. Tandaan sa Araling Panlipunan 6. Bida ang kabataan dahil kayo ang pag-asa ng bayan. Music