Ang nilalamang aralin sa video na ito ay ang buod ng dula na walang sugat na isinulat ni Severino Reyes. Magkaharap noon si Nahulya at Tenyong habang nagbuburda ang dalaga. Biglang dumating ang kaibigan nitong si Lucas na nagbalita na nadakip ang kanyang ama.
Dahil napagkamalan daw itong isang tulisan, napatay ang ama niya na si Kapitan Ingo. Nais maghiganti ni Tenyong kahit labag sa kalooban ang kanyang kasintahan na si Hulya at inang si Kapitan Puten ay wala silang nagawa. Nagkalayo si na Julia at Tenyong. Habang malayo sa isa't isa, ay may dumating na manliligaw si Julia, isang mayaman na si Miguel.
Sa paglaon ay itinakda ang kanilang kasal, kaya nagpadala ng liham si Julia kay Tenyong para ipaalam na siya ay ikakasal na. Ngunit hindi ito nasagot ni Tenyong sapagkat biglang nagkaroon ng digmaan. E binili na lamang ni Tenyong na darating siya sa araw ng kasal ni Julia. Inakala ni Julia na patay na si Tenyong, kaya labagman sa kanyang kalooban ay kailangan niyang magpakasal kay Miguel.
Nang araw ng kasal, dumating si Tenyong sa simbahan na duguan at anyong mamamatay na. Pinatawag ang kura upang makapangumpisal si Tenyong. Ang huling kahilingan ni Tenyong ay ikasal siya kay Julia.
Pumayag naman si Tadeo ang ama ni Miguel at Juana na ina ni Julia, sapagat... Nasa isip nila, mamamatay din naman si Tenyong at makakasal din ang kanyang anak. Ngunit biglang bumahon si Tenyong at nagsigawan ang lahat ng walang sugat.
Walang sugat! Nilinlang lang pala ni Tenyong ang lahat upang siya ay makasal kay Julia. Iyong napakinggan ang buod ng walang sugat na isinulat ni Severino Reyes. Dumako naman tayo sa pagsusuri ng akda.
Alamin natin ang sagot sa mga tanong na Thank you. Ano ang mahalagang aral na nakapaloob sa akda at anong mensahe ng akda sa mga kabataan? Ang paninindigan ng isang tao ukol sa isang bagay ay mahalaga.
Ito'y magsisilbing gabay sa buhay upang maging matuwid at makatuwiran sa lahat ng ating magiging pasya at pakikitungo sa kapwa. Matuto tayong lumaban at pangalagaan ang karapatan, katulad din ito ng pag-iingat natin sa ating buhay. Sinasabing kapag dumapo ang tunay na pag-ibig sa puso ni Numan, gagawin ang lahat masunod lamang.
Sa ginawa ni Tenyong, makasalamang siya kay Julia, handa siyang magkunwari. Sa positibong bahagi, pinapakita lamang nito kung gaano niya kamahal si Julia. Mahalaga na sa bawat pagkakataon, igalang natin ang karapatan ng ating kapwa.
Magmahal ng tapat at pag-isipang mabuti ang lahat na magiging desisyon sa buhay. Isang aralin na naman ang natapos natin. Maraming salamat muli sa iyong panunood sa channel na Aralin sa Filipino. Huwag kalimutang i-like at mag-subscribe.
I-share na rin!