Transcript for:
Mga Aral ng Munting Prinsipe

Mabuhay! Isang mapagpalang araw sa inyong lahat. Kung bago pa lamang kayo sa aking channel ay mag-subscribe upang maging updated sa mga kwento, akda at mga aralin na aking ibabahagi rito. Ikasampung baitang Filipino, buod ng nobela, Ang Munting Prinsipe. Nagkakilala ang tagapagsalaysay na isang piloto at ang munting prinsipe nang bumagsak ang eroplano ng piloto sa disyerto ng Sahara.

Habang pinag-iisipan niya kung paano aayusin ang nasirang eroplano, At kung saan kukuha ng dagdag na makakain at maiinom ay dumating ang munting prinsipe. Nagpaguhit ito sa kanya ng isang tupa at pagkatapos ng ilang ulit na pagguhit, nakuha rin niya ang guhit na nagustuhan ng munting prinsipe. Isang kahong may ilang butas at paliwanag na ang tupa ay nasa loob ng kahon. Dito nagsimula.

ang hindi pang karaniwang pagkakaibigan ng dalawa. Ang munting prinsipe ay nagmula sa planetang halos kasinlaki lang ng isang bahay, ang planetang 325 na tinatawag ng mga tagadaigdig na planetang B612. Lapis niyang minamahal at iniingatan ang kanyang munting planeta.

Kaya naman, binabantayan niya ang pagtubo ng puno ng baubab. mula sa buto nitong nagkalat sa kanyang planeta. Kapag kasi napabayaang lumaki ang puno ng baubab, tiyak nawawasakin nito ang munting planeta.

Isang araw, isang rosas ang tumubo sa planeta at ito'y labis na minahal ng munting prinsipe. Gayunpamay, sumama ang loob ng prinsipe sa rosas dahil sa isang pagsisinungaling o pagkukunwa rin kanyang nagawa. At ang prinsipe ay nagbalak lumayo.

Sa araw ng kanyang paglayoy, humingi ng paumanhin ang rosas at sila'y nagkabati. Subalit, itinuloy pa rin ng prinsipe ang kanyang paglisan. Sa kanyang paglalakbay sa iba't ibang planeta ay nakakilala siya ng mga taong sa pananaw ng munting prinsipe ay abala sa mga bagay na wala namang halaga o walang katuturan.

Tulad ng haring wala namang nasasakupan. Ang hambog na gustong-gusto siya ay hinahangaan kahit wala naman siyang nagagawang kahangahanga. Ang lasenggong umiinom dahil sa kahihiyan sa kanyang pagiging lasengo.

Ang mga ngalakal na nag-uubos ng kanyang buong panahon sa pagbibilang ng mga bituin sa paniniwalang ang mabibilang niya ay mapapasakanya. Ang tagasindi ng ilaw na hindi nauunawaan kung bakit kailangan niyang gawin ang pagpatay sindi sa ilaw, subalit Ginagawa niya pa rin dahil ito ang tungkuling na kaatang sa kanya. Napag-isip-isip ng prinsipe na sa mga taong nakilala niya sa kanyang paglalakbay, maaaring napagtatawa na ng iba ang tagasindi ng ilaw. Subalit, para sa kanya, ang taong ito ay natatangi dahil siya lang ang kaisa-isang nag-iisip sa kapakanan ng iba maliban sa kanyang sarili.

Sa ika-anim na planetang kanyang dinalaw, nakilala niya ang isang hiyograpo na walang nalalaman tungkol sa mga anyong lupa at anyong tubig na nasa kanyang planeta. Subalit, ito ang nakapagmungkay sa kanyang magdungo sa planetang daigdig. Bigla tuloy niyang naalala ang kanyang naiwang rosas at nag-alala siya para rito. Sa pagdalaw ng munting prinsipe sa planetang daigdig ay napadpad siya sa disyerto ng Sahara, kaya't ipinagtaka niya kung bakit wala siyang nakikitang tao. Sahalip, nakakita siya ng isang ahas na ang mga sinasabi nakakubli sa mga palaisipan.

Sinabi nitong siya'y makapangyarihan sapagkat ang kanyang kamandag ay makapagpapabalik sa sino man sa lupain kanilang pinagmulan. Nakakita rin siya at nakipag-usap sa isang bulaklak na may tatlong talulot. Umakyat sa pinakamataas na bundok na kanyang nakita sa pag-asang may matatanaw siyang mga tao kapag nasa tuktok na siya nito.

Subalit, wala rin siyang nakita maliban sa mga batong nasa paligid. Dito siya sumigaw at narinig ang alingaw-ngaw. Oeko ng kanyang boses na inaakala niyang sumasagot, kaya't nagdulot ng pagkalito sa kanya.

Nagpatuloy siya sa paglalakbay hanggang sa marating niya ang isang harding punong-puno ng mga rosas. Narungkot siya sapagkat naalala niyang muli ang kanyang rosas at ang kasinungalingang pinaniniwalaan niya na siya ang nag-iisang rosas sa buong mundo. Sa kanyang paglalakbay, nakilala niya ang isang alamid. Sa pamamagitan ng alamid, kanyang napagtanto na bagamat napakaraming rosas sa mundo, ang kanyang rosas ay naiiba.

Ito'y hindi pang karaniwan, kundi natatangi, sapagkat ito ang rosas na inalagaan at minahal niya. Ang rosas na ito ay sa kanya. Mula sa alamid, kanyang nabatid ang napakahalagang aral na ang pinakamahalagang bagay ay hindi nakikita ng mga mata, sapagkat ang tunay na halaga ng bagay ay puso lamang ang nakadarama. Sumapit ang ikawalong araw ng piloto sa disyerto at sa pagtatapos ng pagkukwento ng munting prinsipe sa kanyang mga naging karanasan sa daigdig ay naubos na rin ang kahuli-hulihang patak ng tubig na inunti-unti niyang inumin samantalang hindi pa naaayos ang kanyang eroplano. Pinilit siya ng prinsipeng maglakad upang maghanap ng balong mapagkukunan ng tubig.

Nang makakita sila ng balon, ay masaya silang uminom, subalit makikita sa kilos at pananalita ng prinsipe ang kasabikang makabalik sa kanyang planeta at muling makita ang kanyang rosas. Pagsapit ng ikaisang taong anibirasaryo ng pagdating ng prinsipe sa planetang daigdig, ay siya ring araw na naayos ng piloto ang kanyang eroplano. Masaya sana niya itong ibabalita sa prinsipe. Subalit, nang sumapit siya sa kanilang tagpuan, ay narinig niya itong nakikipag-usap.

Kausap ng prinsipe ang makamandag na dilaw na ahas. Ninais niyang pigilan ang prinsipe at ang ahas sa kanilang balak na pabalikin ang prinsipe sa kanyang planeta sa pamamagitan ng kamandag na taglay ng ahas, subalit huli na. Natuklaw ng ahas ang prinsipe at ito'y patay na bumagsak nang wala man lang ingay sa buhanginan. Labis na ikinalungkot ng piloto ang paggamatay ng prinsipe, subalit nabawasan ang kanyang pagdadalamhati nang hindi na niya nakita ang katawan ng prinsipe kinabukasan. Inisip niyang nakabalik nga ang munting prinsipe sa kanyang planeta at umasa siyang sana'y nagkatagpo silang muli ng kanyang rosas.

Sa pagdaan ng panahon, ang kanyang pangungulila ay napupunan ng pagtingin niya sa mga bituin, kung saan tila naririnig niya ang mataginting nahalakhak ng kanyang munting kaibigan. Kung nais ninyong mapakinggan ang kurugdong ng kwentong ito na pinamagatang Ang Munting Prinsipe, Kabanata 21, mangyaring iklik lamang ang link sa ibaba o kaya naman ay pumunta sa aking YouTube channel at hanapin ang video na ito. Maraming salamat po sa panunood. Sana ay nagustuhan ninyo at nakatulong sa inyo ang video na ito.

Huwag kalimutang mag-subscribe sa aking YouTube channel. Hanggang sa muling pagkikita!