Transcript for:
Pangunahing Konsepto ng Ekonomiks

Araw-araw, gumagawa tayo ng mga desisyon. Nagpapasya tayo kung ano at alin ang higit na mahalaga sa marami nating pangangailangan at kagustuhan. Bata man o matanda hanggat may pangangailangan na kailangang mapunan, ay masasabi nating may uugnay ang kanilang sarili sa economics. Isang halimbawa kung saan nasusubok ang pagdidesisyon natin ay ang nakakanasan natin ngayong panahon ng pandemia sa bansa at sa buong mundo kung saan na itasaalang-alang natin kung ano ang mas mahalagang kailangan nating mapunan muna na pangangailangan man o kagustuhan. Isa sa pangunahing pangangailangan natin ngayon ay ang pagkain, katulad ng kanin na ating kinakain sa araw-araw, ay nagmula sa palay na itananim ng mga magsasaka, ibibanta sa pamilihan at bibilhin naman natin. Katulad din ang mga isda na nagmula sa mga manging isda, binebanta rin nila sa pamilihan at bibilhin din natin. Sa kabila ng lahat, mapapansin na mayroong kayosang naguugnay sa bawat isa ang mga produkto o servisyo na nagmula sa bahay kalakal hanggang sa sambahayan. Ikaw, bilang isang mag-aaral at kasapi ng pamilya at dipunan, naisip mo ba kung ano ang economics at ano ang kaugnayan nito sa pang-araw-araw nating pamumuhay? Halika at tuklasin natin ang konsepto ng economics at kahalagahan nito. Bago ang lahat, ang economics ay nagmula sa salitang griyegong oikonomos kung saan ang oikos ay nanganguhulugang bahay o tahanan at ang nomos naman ay pamamahala. Laging tatandaan, upang lubos na maunawaan ang makabuluhang kahulugan ng economics, maaaring atiin ito sa tatlong mahalagang bahagi. Una, ito ay sangay ng aghampanlipunan. Ikalawa, walang katapusang pangangailangan at kabustuhan ng tao. Ikatlo naman, ay ang limitadong pinagkukunang yaman. Nakuha ba? Ngayon, kayo naman. Tama! Ang ekonomics ay isang sangay ng aghamban lipunan na nag-aaral kung paano tutugunan ang tila walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao gamit ang limitadong pinagkukunang yaman. Dahil may limitasyon ang mga pinagpupunang yaman at walang katapusan, ang pangangailangan at kabustuhan ng mga tao ay nagkakaroon tayo ng suliranin sa kakapusan. Ang kakapusan ay kaakipat na ng buhay dahil may limitasyon ang kakayahan ng tao at may limitasyon din ang iba pang pinagpupunang yaman tulad ng yamang likas at kapital. Sa gayon, kailangan magdesisyon ang pamayanan batay sa apat na pamunahing katanungan ng ekonomics upang maging kapakipakinabang lahat ng produkto man o servisyo. Una, ano ang produkto o servisyo ang dapat gawin? Pangalawa, paano gagawin ang produkto o servisyo? Pangatlo, para kanino ang produkto o servisyo? At pangapat, gaano karami ang produkto o servisyo? Ang kakapusa na pinagtutuunan ng pag-aaral ng economics ay pang-araw-araw na suliran ng kinakaharap, hindi lamang ng pamayonan at sambahayan, kundi ng bawat individual, pati ng mga mag-aaral, katulad mo. Mahalaga ang pag-aaral ng economics sapagkat makatutulong ito sa mabuting pamamahala at pagbuo ng matalinong disisyon. Bilang bahagi ng lipunan, magagamit mo ang kaalaman sa economics upang maunawaan ang mga napapanahong issue na may kaugnayan sa mahalagang usaping ekonomiko ng bansa. Maaari mo ding maunawaan ang mga batas at programang na pinatutupad ng pamahalaan na may kaugnayan sa pagkapaunlad ng ekonomiya. Maaari mo ding magamit ang kaalaman sa economics sa pagunawa sa mga desisyon mula sa mga pamilya na mayroon ang pamilyang iyong kinabibilangan. Bilang isang mag-aaral naman, ikaw ay maaaring maging mahigit na matalino, mapanuri at mapagtanong sa mga nangyayari sa iyong kapaligiran. Halimbawa na lamang nito ay ang maaaring makatulong ito sa iyong pagbabadget ng allowance o baon. Mababatid mo na ang paggastos ay dapat nakalimita lamang sa kung ano ang mahalaga. Ang economics ay huhubog sa iyong pag-unawa, ugali at gawi sa pamamaraang makatutulong sa iyong pagdidesisyon para sa kinabukasan at paghahanap buhay sa hinaharap. Ang economics ay nakatoon sa pagtugon sa hamon dulot ng kakapusan sa pinagkukunang yaman at walang katapusan pangangailangan at kagustuhan ng tao. Mahalaga ang paggawa ng matalinong desisyon sa pamimilian o choices. Ngayon ay batid mo na ang kahalagahan ng pag-aaral ng economics bilang sandigan na matalinong pagbapasya bilang mag-aaral at kasapi ng pamilya at lipunan sa pang-aaraw-araw na buhay. Sa susunod na aralin ay nabos mo namang mauunawaan ang konsepto ng kakapusan o scarcity. Hanggang sa muling makabuluhang pagtatalakayan mga bata, tandaan, lamang may kaalaman sa economics upang ang buhay ay guminhawa.