Para umayos ang ngipin, lalo na yung mga sungki-sungki, kailangan ng braces. Kaso, mahal! Kaya naman may nakaisip ng DIY o do-it-yourself braces o retainers.
Ang tanong, ligtas ba? Abot hanggang tenga ang ngiti ng mga may ngiping sungki-sungki. Nung nagpakabit sila sa wakas ng braces, magpapantay-pantay na ang kanilang ngipin.
Fashion statement. Yun nga lang, may kamahala ng pagpapagawa nito sa mga dentista. Kalimitang naglalaro mula 15 hanggang 50 mil.
Abay, saan mo bubunutin yan? Kaya nung nakakita si Renz ng murang braces sa palengke, kahit hindi naman sungke ang kanyang ngipin, bumili siya. Lalo pat hindi na kailangan ng dentista para ikabit ito dahil DIY o do-it-yourself braces. Nakikita ko po sila.
Nagdidikit. Nakikita ko rin po, nakabraise sila. Para pong naingganyo rin ako, bumili din po ako. Tinry ko po.
Sa totoong dentist, mga 21,000. Mga braces. Sa palengket, 500 lang. May kasama na rin itong metal brace at rubber wire at ang ipinangkabit niya sa bracket na siya niyang ididikit sa ngipin. Chani!
Ano bang kila yan? At nail cutter. Pinamit mo kayo kanina sa ingko. At ang kanyang ipinandikit. Super glue.
Hindi, patuyuin mo muna kasi yung ipin mo. Yun nga lang. Ang ngipin ni Renz, sumakit!
Sakit po eh. Ganun-ganunin mo lang. Umuuga lahat ng ngipin ko, baka matanggal. Nagigising kasi nagagalaw yung ngipin ko.
Hanggang sa di na ako makatulog. Sumakit yung ngipin, kasama yung ulo. Kaya matapos ang isang linggo, tinanggal na niya ang kanyang DIY braces. Hindi tayo pwedeng gumamit na mga kung anong gamit. And the adhesive they're doing, the bonding agent, is yung mga glues na nabibili nga lang sa hardware which is very toxic.
There are so many harmful effects that can do to our... Si Jessa, hindi niya tunay na pangalan. Mag-iisang taon nang nagtitinda ng DIY braces. Hindi sa banketa, kundi online.
Kasi gusto ko magpalagay sa akin, pang paarteg. Sa loob po ng one year na naka-DIY braces ako, umuokay naman po yung ngitin ko. Gumanda lalo.
Nahikayat po ko nung nagkabit sa akin mismo na, ikaw baka gusto mo ng racket, tulungan kita. Malamang... laking tulong daw ito, pampili ng gatas ng kanyang anak.
Pumibili po ako sa supplier ko ng DIY braces sa halagang 1,700. Binibenta ko po siya ng 2,500 para po may tubo rin akong 800. Normally po, pag isang linggo yung kita ko, umaabot ng 5,000 to 7,000. Sa DIY braces po yun. Si Sarah, hindi niya tunay na pangalan. Inalok namang kabita ng braces ng nagpakilalang Isabel sa halagang 5,000 piso.
Yung dati po kasi yung ngipin ko hiwa-hiwalay. Ang gusto ko lang po mangyari, magkadikit-dikit po yung ngipin ko. Up and down daw.
Mas mura daw po yung promo niya kaysa sa iba. Kaya naingganyo naman po ako. Pero, nagka-problema rin. Sobrang sakit po nang nararamdaman ko.
Hindi na po ako makakain. Kahit na po sa tubig, iba na po ang panlasa ko. Lasang kalawang po.
Sabi na po ng asawa ko nung after one week na yun, bakit iba na yung amoy ng bunga? Ngamoy hindi naman ganyan. Ang ginamit na bakal para rito, chicken wire. Kaya mabilis na nangalawang. Anything na may kalawang na ilalagay mo sa bibig mo is a source of infection.
Kung hindi ito kumusulta sa licensed dentist, malamang mauubos lahat ng ngipin niya. So that's the worst. Kung saan nakakabit ang ngipin, wala na halos kinain na.
Ang ginawa namin, binunot na namin. Ang natanggal ng ngipin is tatlo. Dito lang ako sa bahay. Ayaw ko nang lumabas.
Nakakahiya po eh. Magtitinda ako, tas ganun yung ngipin ko. Kulang.
Kahit sino naman pong tao, diba? Agad nagsumbong sa pulis si Sarah. Bakit yung sakin hindi? Ang bumawa ng kanyang braces na si Isabel, inaresto.
Okay lang yan, meron kayong karapatan. Okay? Ang ano ko lang po sa kanila na bago po sila tumingin sa online, siguraduhin muna po nila na maayos po yung servisyo ng magkakabit po ng braces. Pero mas maganda na lang po na sa dentist na lang po talaga kayo magpakabit.
Ang Department of Trade and Industry o DTI nagbabala na sa pagbili ng mga DIY braces at retainers na illegal daw na ibinibenta. Pag ang nag-offer ng servisyo, nakakabitan ka ng braces, tapos hindi naman pala ligtas, hindi naman pala siya yung professional na dapat magkabit ng braces, eh pwede natin siyang habulin under the provisions of the Consumer Act. Kung nag-supplier ka, yung minimum na administrative fine is 500 pesos, the maximum is 300,000 pesos. Huwag natin isugal yung ating... safety dun sa mga DIY na braces.
Kailangan pumunta kayo sa professional, ipakabit nyo yun sa professional at sila ang mag-aalaga sa'yo. Once na nandyan na ang fake braces sa iyong ngipin, ang mga sirang ngipin mo ay lalo pang lalala. Karamihan dito ay nag-contain ng lead na nakakasama sa ating kalusugan.
Marami po sa aking pasyente na nanggaling sa mga fake braces, ay nag-uugaan ang kanilang mga ngipin at eventually nabubunot. Dahil Dahil ang mga nagkakabit nito ay hindi naman nila alam ang kanilang ginagawa. Meron po tayo dito sa Pilipinas, tinatawag na RA 9484. It is the regulation of the practice of dentistry. Maaali silang makulong ng dalawa hanggang limang taon at pwede silang magkaroon ng fine from 200,000 to 500,000.
Kung gusto nyo malaman kung ang dentista nyo ay isang lisensyado o registradong dentista, pumunta lamang kayo sa website ng PRC. Mahalaga ang ating... ating mga ngipin.
Kaya huwag lang kung kani-kanino ipagawa. Ang braces at retainers, may dahilan kung bakit ikinakabit. Hindi lang pamporma o dahil nauuso. At hindi porket mura, patol ng patol, dahil baka mamiligro kung ikay makakangiti pa.
Nangilo ka ba sa istoryang ito? Tweet na gamit ang hashtag KMJS.