Ano nga ba ang kasaysayan? Ano ang kahulugan nito sa ating lahat? Alamin natin yan mula kay Shau Chua sa kanyang Shau Time, Ako ay Pilipino.
Makasaysayang araw po! It's Shau Time! Noong isang linggo, tinalakay natin na walang talab sa puso ng marami at boring ang pag-aaral ng history sapagkat kung ito ay nakasulat na dokumento ng nakaraan I'm Ang nagsusulat lamang nito ay ang mga edukado at mayayaman. Sa Pilipinas, mga dayuhan ang sumulat tungkol sa ating nakaraan.
Kaya naman na mahalaga na magkaroon tayo ng pakahulugan sa pag-aaral ng nakaraan na soswak sa ating sitwasyon. ang katumba sa salita ng history sa pambansang wika natin ay kasaysayan. Ayon kay Dr. Sius A. Salazar, ang salitang ugat nito na saysay ay dalawa ang kahulugan.
Ang saysay ay isang salaysay o kwento at saysay rin ang katuturan, kabuluhan at kahalagahan. Kaya naman, ang kasaysayan ay mga salaysay na may saysay. Ngunit, kailangan tanungin, kung ito ay may saysay, may saysay para kanino? Siyempre, para sa sa sinasalay sa iyong grupo o sa linlahi.
In short, para sa tao. Sa ganitong pakahulugan, mga kwentong may kwenta para sa isang bayan hindi na nalilimita sa mga opisyal na dokumento na makapangyarihan ang kasaysayan. Ang mga pasalitang tradisyon na tulad ng mga epiko, alamat, mito, kwentong bayan, maging ang mga kanta at jokes. Pagamat katang isip, ay maaaring maging batis ng kaisipan at paniniwala ng mga tao na hindi nagsisulat ng mga dokumento, lalo na ang mga loob. lolo at lolang ninuno natin.
Halimbawa, sa mito ng mga bisayan na si Kalak at si Kabay, ang lalaki at babae ay sabay na lumabas sa halaman o sa ibang versyon ay sa kawayan. Kumalat ito at pinagpasapasahan dahil nakarelate ang mga ninuno natin dito tulad ng pag-resend natin sa emo text na natatanggap natin kapag emo din tayo. Dalawang maaaring pinapakita ng kwento ukong sa aktual na mga ninuno natin.
Sabay lumabas ang lalaki at babae kaya pantay ang pagtingin sa kasarihan ang mga ninuno natin noon. at tinuturing din natin ang kalikasan bilang ating pinagmulan at kasamang may buhay. Kaya ginagalang natin ito.
Mga te, ang kasaysayan ay mahalaga sapagkat ito ang sumasalamin sa mga kwento at kaisipan natin. Sa pamamagitan nito, makikilala natin ang ating sarili at ang ating bayan. Panging kung kilala lamang natin ang bayan, doon lamang natin pwedeng sabihin na tunay nating minamahal ito. Paano mo mamahalin ang isang irog kung hindi mo siya kilala?
ako posisya uchua para sa Telebisyon ng Bayan. And that was Shau Time.