Music Hashnu, ang manlililok ng bato. Sa isang malayong lalawigan sa Jiangsu sa bayan na Nanjing sa China, ay naninirahan si Hashnu, isang manlililok ng bato. Ginagawa niya ang pag-uukit ng bato sa matagal na panahon.
Ang trabahong ito ay halos araw-araw niyang ginagawa sa ilalim ng matinding sikat ng araw. Mapapansin buong tiyaga niya ang ginagampanan ang kanyang gawain. Ngunit isang araw ay nasambit niya sa kanyang sarili.
Naku, pagal na pagal na nga akong katawan sa kakahuhugis ng matigas na bato. Sana'y mabuhay na lamang ang tao na hindi nahihirapang magtrabaho para hindi na magdala ng pait at maso nito araw-araw. Uupo na lamang ako at magpapahinga. Hindi ko na kailangan magdala ng maso't parot-parito araw-araw sa kalsada.
Tila nagdilang anghel naman si Hashnu sa kanyang sinabi. Parang isang panaginip ang naganap sa kanyang buhay. Nung nagkakagulo ang mga tao sa daang malapit sa kanyang inuukit ay nakita niyang naroon palang hari. Napansin niya kaagad sa dakong kanan ang mga sundalong ayos na ayos ang pananamit at may sandata na handang sumunod sa ipag-uutos ng hari.
Sa kaliwa naman ay nakita niya ang mga tagasunod nitong gumagawa ng paraan para lamang mautusan ng hari. Habang nakatingin si Hashnu, naisip niya ang maganda palang maging isang hari at magkaroon ng mga alalay na sundalo at mga tagasunod na naguunahan para mautusan. Agad may narinig siyang tinig, magiging hari ka. Isang himala, naging ganap na hari si Hashnu. Maligayang maligaya si Hashnu.
Hindi na ako tagaukit ng mga bato na nakaupo sa gilid ng daan na may hawak na paet at mabigat na paso. Isa na akong hari na nakasuot ng baluti, helmet at nakasakay sa pagitan ng mga sundalo at may tagasunod na pawang mapitagan sa akin. Mayabang siya sa paglakad, kaya't ang kanyang tauhan ay talagang gumagalang sa kanya. Mabigat ang baluti at ang kanyang helmet na lubhang dikit sa kanyang ulo ay umaabot sa may kilay kaya nararamdaman niya ang pitik ng ulo. Nahirapan siya, namumutla at napagod siya dahil sa matinding sikat ng araw.
Naisip niyang kaya palang panghinain ng taluni ng araw ang makapangyarihan at iginagalang na hari. Muli niyang naisip, mas makapangyarihan ang araw, na panghina niyang aking katawan. Naisip naman niyang maging araw at pagkasapan nito ay isang milagrong muli na siyang nakarinig ng tinig na narinig noon at dagli siyang naging araw.
Isang araw na siya ngayong nagliliyab sa kaitasan at sumisikat ng matindi sa kalupaan. Hindi siya sanay magbigay ng sinag ng liwanag kaya ang nakahihilakbot na sinag nito ang bumagsak sa mundo. Kaya ang mga nabubuhay sa mundo ay nangatuyo.
Ang mga tao ay lupang nanangis sa pangyaring ito. Nagpatuloy pa rin sa kapangyarihan ng araw hanggang sa mapansin niyang ang ulap pala ay maaaring kumulob sa pagitan ng araw at ang mundo. Napatunayan niya na higit na makapangyarihan ang ulap sapagkat kaya nitong takpan ang kanyang sinag.
Dahil sa kaisipang ito ay ninaayos naman niyang maging ulap. Nilukuban niya ang araw. Hindi naglaon ay bumigat ito at bumagsak sa paraang ulan sa mundo.
Umapaw ang tubig sa mga lawa at sapa dahil hindi niya napigilan ang pagbagsak ng dami ng ulan. Ang matinding ulan ang naging sanhin naman ng pagkamatay ng mga halaman at iba pang nabubuhay sa daigdig. Magiging malakas na hangin ay naging sanhin ng pagkabawal at pagkabunot ng mga puno.
Nawala ang mga tahanan at ang mga naninirahan rito. Pinagbasta niya ang lupa at napakuang kanyang paningin sa mga bato na hindi man lang natinig sa kanyang kinalalagyan pagkatapos ng mga sakonang nagdaan tulad ng malakas na ulan at hangin at maging matinding sikat ng araw. Muli siyang napaisit.
Ninais naman niyang maging isang bato at hindi siya nabigo. Tulad ng dati, may tinig siyang narinig upang sabihin siya ay maging isang bato. Nang siya ay bato na, narinig niyang muli ang tunog ng pait habang ito ipinupukpok sa kanya. Pati na rin ang maso na ramdam niyang malakas na tumatama sa kanyang katawan at ulo. Nalaman niya ngayon na hindi nga siya natipag sa malakas na ulan at hangin, subalit siya ay nakayang hugisan ng anumang anyo ng isang manlililok.
Nagmuni-muni siya. Natanto niyang walang ibang pinakamalakas kundi siya. Mulat sa katotohanan, muling humiling si Hashnu na ibalik siya sa pagiging manlililok. Kagyat siyang nanumbalik sa dating kawain at natagpuan niya ang sarili sa gilid ng kalye na nakaupo at nagsisimula na namang humugis ng iba't ibang anyo sa mga bato.
Magmula noon, masaya nang nagtrabaho ng buong husay si Hashnu. Panatag ang kanyang kalooban araw-araw sa pagiging manlililok. Ano mang gawain at kakayahan sa iyong itinalaga, paunarin at pahalagahan lang talaga.
Gambitin sa iyong buhay upang tagumpay manalasa. Outro