Values Education 7, Quarter 2, Learning Competency 4C na isa sa kilos ang sariling paraan ng pakikibahagi sa samasamang pananalangin ng pamilya. Tuwing ikasyam ng gabi ng biyernes, ang pamilya Esquibido ay nagtitipon-tipon sa kanilang sala upang manalangin. Ilang minuto bago ang oras ng pananalangin, naghahanda na ang bawat kasapi ng pamilya.
Tinitigil nila ang kanilang mga ginagawa at sila'y nagbibihis at nagninilay. Bago magsimula ang panalangin, hinihikayat ng ama ng sambahayan na ang bawat isa ay magbahagi ng kanilang mga naging karanasan sa nagdaang mga araw. Dito ay isasaysay ng bawat isa ang kanilang mga naging problema, biyayang natanggap, mga kahilingan, at nais ipagpasalamat. Pagkatapos makapagbahagi ang bawat isa, isasagawa na ang pananalangin na pangungunahan ng nakatakdang manalangin sa gabing iyon.
Sa kanyang pananalangin, kailangang masabi niya ang mga kahilingan, pagpapasalamat, kapatawaran sa mga kasalanan at pangangako ng bawat kasapi ng pamilya. Batay sa paraan ng samasamang pananalangin ng Pamilya Eskibido, ano-ano ang papel na ginagampanan ng bawat kasapi ng pamilya? Mga gampanin sa samasamang pananalangin ng pamilya.
Sa panalangin pansambahayan, ang bawat isa ay tagapagbahagi sapagkat ang lahat ay hinihikayat na magbahagi ng kanilang mga personal nakaranasan. Ito man ay suliranin, biyayang natanggap, mga bagay na nais ipagpasalamat at mga kahilingan. Sa sama-samang pananalangin, mayroon ding tagapanguna na siyang mananalangin ng mga naibahagi ng bawat kasapi ng pamilya. Sa panalangin pansambahayan, ang lahat ay tagapagbahagi.
Ang tagapanguna sa panalangin ay inaatasan ng mga magulang. Kung ikaw ang maatasan sa pangunguna sa panalangin para sa pamilya, paano mo dapat gagawin ang pananalangin? Tunghayan natin sa susunod na mga slides ang gabay sa pananalangin. Mga dapat isaalang-alang at tandaan sa pananalangin sa relihiyong Islam.
Kalinisan ang katawan. Dapat tiyakin ng isang Muslim na siya ay malinis sa pamamagitan ng paglilinis ng kamay, bibig, ilong, mukha, braso, ulo at mga paa. Dapat ding matiyak na nakaharap sa dako ng meka ang mananalangin.
Ito ay kinakailangan upang maging balido ang pananalangin. Tamang kasuotan. Kinakailangang malinis at wasto ang kasuotan.
May wastong kasuotan para sa lalaki at sa babae. Intensyon o layunin. Dapat na magkaroon ng malinaw na layunin sa puso tungkol sa espesipikong panalangin na isasagawa. At pagsunod sa suna.
Dapat ay manalangin ayon sa paraan ng pananalangin ng kinikilana nilang propeta na si Muhammad. Kabilang dito ang tamang paggalaw ng katawan at pananalita. Narito naman ang mga dapat tandaan sa pananalangin para sa relihiyong Kristyanismo. Tuwing kailan dapat manalangin? Sabi sa Efeso, sa lahat ng pagkakataon.
Maaari nating isagawa ang pananalangin sa pagkagising, bago magtanghalian, bago matulog, o pagkatapos mag-aral. Basta may pagkakataon, maaari itong isagawa. Kailangan ding maging maingat sa pananalangin dahil ang kausap natin dito ay ang Diyos.
Kung kaya, huwag magmadali. isiping mabuti ang ipapangako At pakauntiin lang ang sasabihin. Huwag gawin sa pananalangin ang walang kabuluhang paulit-ulit o ang mga memoryadong dasal. Sa pananalangin, hilingin ang mga pangangailangan at gawin ito ng may pagpapasalamat.
Mas magiging mabisa rin ang pananalangin kung gagawin ito ng may pagpapakumbaba. Aminin natin ang ating mga kasalanan at ipangakong tatalikuran ang mga ito. Hindi lang sa paghingi ng pangangailangan dapat gamitin ang pananalangin.
Kung tayo ay mahihingiin sa Diyos, mas mabuti kung meron din tayong ipapangako sa Kanya. Sa ating pananalangin, dapat din tayong humingi ng tawad sa mga nagawa nating kasalanan dahil nakagagawa tayo nito sa tuitwina. Para dinggin tayo ng ating Diyos, huwag kalimutang hilingin ito sa pangalan ng Panginoong Heso Kristo sapagkat ayon sa Timoteo, Ang taong si Jesus ang nag-iisang tagapamagitan sa Diyos at sa tao.
At anuman ang ating hilingin sa panalangin, paniwalaan nating tinanggap na natin sapagkat hindi ipagkakaloob ng Diyos ang kahilingan ng taong nag-aalinlangan sa kanyang panalangin. Ngayon ay magsasagawa kayo ng dula tungkol sa samasamang pananalangin ng pamilya. Ang kalasi ay hahatiin sa pitong pangkat.
Ang bawat pangkat ay magiging isang pamilya na maaaring binubuo ng tatay, nanay, lolo, lola at mga anak. Ang bawat pangkat ay magsasadula ng panalangin pang sambahayan. kung saan ang bawat kasapi ng pamilya ay magbabahagi ng kanilang mga naging karanasan sa mga nagdaang araw, problema, mga kahilingan, at nais ipagpasalamat. Pagkatapos magbahagi ang bawat kasapi ng pamilya, mananalangin ang nakaatang na tagapanguna sa pananalangin. Sa kanyang panalangin, kailangang masunod niya ang gabay na napag-aralan at masambit ang mga napag-usapan o naibahagi ng kanyang buong pamilya.
Ang dula ay hindi dapat lalagpas ng limang minuto. Ang buong klase ay bibigyan ng 30 minuto upang ito ay pagplanuhan. Bawat mag-aaral ay kinakailangang magkaroon ng bahagi.
Gawing gabay ang rubrik sa susunod na slide. Kung ating susuriin ang aralin natin sa samasamang pananalangin ng pamilya, Ang pagpapahalagang naislinangin sa atin ito ay ang pagpapahalaga sa panalangin o prayer. Ano ang panalangin o prayer? Ito ay paraan ng pakikipag-usap sa Diyos kung saan masasabi natin sa Kanya ang mga nais nating hilingin, ipangako at ipagpasalamat.
Ito ay maaaring gawin ng tahimik, may pananalita, nang nag-iisa o may kasama. Ano man ang paraan, ang mahalaga ay may sagawa ito ng taos sa puso. Bakit mahalaga na malinang sa atin ang pagpapahalaga sa panalangin?
Ito ay nakapagpapatatag ng pananampalataya. Ang panalangin ay nakatutulong sa atin upang lubusang manalig o magtiwala sa mga plano ng Diyos. Ang panalangin ay nagbibigay ng kapayapaan at tinutulungan tayo nito na manatiling mahinahon lalo na sa panahon ng mga suliranin.
Para sa pamilya, ang magkasamang pananalangin ay nagdudulot ng pagkakaisa. pag-unawaan at paglingap para sa isa't isa. At dahil sa pananalangin, napaaalalahanan tayo na maging mapagpasalamat sa mga biyaya na ating natatanggap, ito man ay material na bagay o mga bagay na hindi material tulad ng kapayapaan, katalinuhan, malusog na pangangatawan o masayang sambahayan. At dyan po nagtatapos ang ating aralin para sa araw na ito.
Sana po ay may natutuwang kayo. Maraming salamat po sa panonood at pakikinig. paalam