Kamusta, ako si Humi. Sa video na ito, pag-uusapan natin
kung ano ba ang Rizal Law, bakit ito naisabatas, ang kahalagahan nito,
bakit maraming hindi sumang-ayon dito, at kung relevant pa rin ba ito sa
pangaraw-araw nating buhay ngayon. Ang Rizal Law, o ang RA 1425, ay isang
batas kung saan mina-mandato ng gobyerno na kailangan lahat ng college o
universities sa Pilipinas ay ituro ang buhay at ang mga ginawa ni Rizal, lalo na ang Noli Me Tangere
at El Filibusterismo. Ibig sabihin, kahit
private pa yan or public, o kung ano man yung napili at
kinukuha mong kurso ngayon, dahil sa RA 1425 o Rizal Law, as long
na nasa university ka sa Pilipinas, kailangang ituro sa'yo si Rizal. Ngayon, baka tinatanong mo yung
sarili mo kung bakit? Bakit kailangan ko matutunan,
at bakit wala akong choice? Para sagutin 'yan, pakinggan natin yung
mismong mga tao sa likod ng batas. Kung bakit sa palagay nila ay
kailangan na ituro si Rizal. So 1956, presidente
pa si Ramon Magsaysay. Isang dekada at isang taon na
ang lumipas matapos ang WWII. Nung mga time na ito, maraming nationalist
policy-makers ang nakakakita na parang
nawawala na ang ating Filipino identity. Ibig sabihin, hindi na
nagiging interesado, o nagkakaroon ng disconnection o detachment
ang mga Filipino sa bansang Pilipinas. Kaya ayon sa mga mambabatas, ang dapat
nating gawin ay magfocus sa pagre-rebuild ng identity na yun at magmove forward. Isa sa mga naisip nila para palakasin ang
national hope at pride ng mga Filipino ay sa pamamagitan ng education. Para sa mga nationalist na mambabatas,
kung mapapangalagaan natin ang edukasyon ng mga kabataan, at matuturuan natin sila
tungkol sa kanilang kasaysayan, magiging matatalino at malalakas
silang mga Filipino. Magkakaroon sila ng strong
sense of national identity, na magdadala sa isang malakas
at nagkakaisa na Pilipinas. Kaya noong April 3, 1956,
Ang senador na si Claro M. Recto, ay nagsubmit ng isang bill sa
Senate Commitee of Education. Ito ang Senate Bill No. 438 o "An Act to Make Noli Me Tangere and
El Filibusterismo Compulsary Reading Matter in All Public and Private Colleges and
Universities and For other Purposes." Dahil mahaba ang pangalan niya, tawagin
na lang natin itong Noli-Fili Bill. Sa Noli-Fili Bill, ang dalawang pinakasikat na
nobela ni Rizal ay kinakailangang basahin ng bawat Filipino pagdating nila sa kolehiyo. Noong April 17, 1956,
Ang senador na si Jose P. Laurel, na head ng Senate Commitee na sinubmitan
ni Recto, ay inisponsoran ang Noli-Fili bill at pinresent ito sa mga miyembro ng Upper House. Ayon kay Laurel, ang layunin ng bill ay
upang maipalaganap o mai-disseminate ang mga ideas at ideals ni Jose Rizal. Sinabi niya na mahalaga para sa
lahat ng mga Filipino na basahin ang "Noli Me Tangere"
at "El Filibusterismo." They must be taken to heart, for in their
pages we see ourselves as a mirror, our defects as well as our strength,
our virtues as well as our vices. Only then would we become conscious as
a people, and so learn to prepare ourselves for painful sacrifices that ultimately
lead to self-reliance, self-respect and freedom. Ok, maganda pakinggan yung layunin ng bill. Kaso may problema, ayaw ng simbahan. Kagaya ng RH Bill, ang Noli-Fili bill ay
napuno ng kontrobersiya at argumento mula sa Catholic Church at mga conservatives. Ayaw nila itong maipasa. Bakit daw? Kung babasahin natin ang Noli Me Tangere
at El Filibusterismo, makikita natin ang pagci-criticize ni
Rizal sa mga ginagawa ng Simbahang Katoliko. Ayon sa simbahan, kung mapapasa daw ito,
madi-discredit ng bill ang relihiyon. Ayon pa kay Fr. Jesus Cavanna, ang mga
nobela ay matagal daw na panahon ng naisulat, at ang pagtuturo nito sa kasalukuyan
ay mapanganib, dahil maaaring magbigay ito ng hindi tamang mga ideya sa
nangyayari ngayon sa Pilipinas. Ito pa ang ilang kritisismo
ng Simbahan kung bakit ayaw nilang maisabatas
ang Noli-Fili Bill. Una, paano daw mapo-promote ang nationalism
kung mas madami pang anti-catholic passages sa Noli Me Tangere
kesa nationalistic passages. Pangalawa, offensive sa katuruan ng
simbahan ang dalawang libro. Pangatlo, pwede itong
mag-cause ng gulo. Pang-apat, bakit compulsion? Paano na ang freedom of speech
at religious freedom? Bakit kailangan pilitin ang isang tao na
basahin ang isang bagay na magci-criticize sa kanilang paniniwala? At pang-lima, oo, masama ang mga prayle noon. Pero hindi lang mga prayle
ang tinitira ni Rizal, kung hindi ang buong institusyon
ng Catholic faith. Sobrang kontrobersyal ng bill na ito. Grabe ang debate. May mga Catholic groups na
nag-organize para i-oppose ang bill. Sinabihan si Recto na
isa daw siyang komunista. It even comes to the point na isasara
daw nang mga Catholic Schools ang kanilang mga eskwelahan kung maipapasa
ang Noli-Fili Bill. Noong April 19, 1956, May isa
pang bill na fi-nile. Ang House Bill No. 5561 sa
House of Representatives. Pinamunuaan ito ng dating Congressman
na si Jacobo Z. Gonzales. Halos similar lang siya ng Noli-Fili Bill
at ganun din yung kinalabasan, cinritize dahil hindi daw constitutional
at ino-oppose ang simbahan. So, anong nangyari? If ayaw ng simbahan,
bakit tinuturo ngayon si Rizal? Well, nagkaroon ng kasunduan. Nagpro-pose si Sen. Laurel
ng substitute bill. Una, hindi na lang Noli Me Tangere at
El Filibusterismo ang focus ng bill, kung hindi kasama na rin ang
ibang mga ginawa ni Rizal. Pangalawa, if ayaw ng estudyante pwede
siyang humingi ng exemption na hindi basahin ang dalawang nobela. Pangatlo, ang unexpurgated version ng
Noli Me Tangere at El Filibusterismo ay pwede lamang aralin sa kolehiyo. Kapag sinabi nating unexpurgated version,
ito yung original version ng teksto na hindi inedit, hindi cinensored, hindi tinanggalan, hindi binago yung original meaning. Siguro nagtataka ka kung bakit kontrobersyal
itong pagbabasa ng Noli at El Fili. Pwede mong sabihin na binasa ko naman
ito nung junior high school ako, at hindi naman siya ganun kalala. Kaya siguro ganun yung pagtingin mo
ay dahil ang binasa mong Noli at El Fili ay expurgated versions. Censored na. Nawala na ang totoong intensyon,
na-loss na sa translation. Ayon nga kay Sen. Laurel, kung hindi
babasahin ang original at unedited at uncensored na Noli at El Fili,
mawawala ang purpose ng batas. Kaya nung May 12, 1956
at May 14, 1956, kahit grabe pa rin ang oposisyon ng
simbahan at mga tumutuligsa ng batas, ang Senate Bill No. 438 at
House Bill No. 5561 ay parehas na-napprove sa
second reading at sa Lower House. At noong June 12, 1956 nga,
saktong Flag Day, pinirmahan ni President Ramon Magsaysay
ang batas, na tinatawag na natin ngayong
Republic Art 1425 o ang Rizal Law. O sa mahaba nitong pangalan, An Act to Include in the Curricula of All
Public and Private Schools, Colleges and Universities courses on the
Life Works and Writings of Jose Rizal, particularly his novels Noli Me Tangere
and El Filibusterismo, Authorizing the Printing and Distribution Thereof,
and for Other Purposes. Check natin yung content nung Rizal Law. Sa unang page, mababasa natin na,
yung sinabi ko kanina, nawawala na ang Filipino identity natin
at kailangan itong pagtibayin. Ayon nga kay Jose P. Laurel,
kailangan matutunan ng mga kabataan ang sakripisyong ginawa ni Rizal. By reading and studying Rizal's life,
teachings, and writings, the youth will gain confidence,
direction, courage, and determination to contribute to the progress of our nation. Ito pa yung ibang sections ng Rizal Law na sa tingin ko ay hindi na
kailangan ng narration. Actually, masakit lang talaga
yung lalamunan ko. OK. Yung goal ng Rizal Law can be
summarized in three points or sentences. Una. To rededicate the lives of youth to the
ideals of freedom and nationalism, for which our heroes lived and died. Pangalawa. To pay tribute to our national hero
for devoting his life and works in shaping the Filipino character. At pangatlo. To gain an inspiring
source of patriotism through the study of Rizal’s
life, works, and writings. OK. Maganda pakinggan yung gustong
gawin ng Rizal Law, pero I'll be a devil's advocate here. This is all on paper, check natin yung reality. Naisabatas ang Rizal Law noong 1956. Ang taon ngayon ay 2023. Ang tanong, may nakita ka bang pagbabago? 67 years na ang lumipas, pero nasunod
ba yung mga gustong i-accomplish ng batas? Balikan natin yung tanong kanina. Knowing na ganito ang kinalabasan ng Rizal Law,
worth it pa rin bang aralin si Rizal? And I'll be honest with you,
nahihirapan akong sagutin ang tanong na'to. For me, wala akong makitang correct answer. And I think the best way to end this video
is to ask you to reflect to this question. Why study Rizal? O ang mas appropriate yata na tanong ay: should we still study Rizal? And as of this moment, ang pinakatama lamang na sagot dito ay
kailangang aralin si Rizal dahil isa siyang batas.