Transcript for:
Araling Panlipunan: Isyung Panlipunan at Covid-19

Intro Music Music Isang mapanuring araw mga mag-aaral na grade 10. Maligayang pagdating sa araling panlipunan para sa makabagong silid-aralan. Ako si Teacher Che, ang Teacher Analyst na inyong magiging gabay sa pag-unawa ng mga isyo at pangyayari sa lipunang ating... ginagalawan. Dito sa Araling Panlipunan 10, kayo ay magiging mulat, mapanuri, at may paninindigang kabataang Pilipino. Kaya naman, ihandana ninyo ang inyong self-care. learning modules, ang inyong papel o kwaderno, at ang inyong ballpen sapagkat sisimula na natin ang ating talakayan. Hindi mawawala ang balitaan sa anumang baitang sa araling panlipunan. Kaya naman bilang mag-aaral ng asignaturang ito, natitiyak kong nahasa na ang kakayahan sa iyo sa pagsusuri ng mga balita. Magpapakita ako ng ilang mga larawan. na naging bahagi ng mga pahayagan noong 2016. Sa iyong pagsusuri, sasagutin mo ang tatlong mga katanungan. Una, patungkol saan ang headline ng balitang iyong pinili. Pangalawa, maituturing mo ba na isyo ito? Pangatlo, paano mo bibigyang kahulugan ang salitang isyo? Ang mga pangyayaring ito, ay nakakaapekto pa rin sa atin hanggang sa kasalukuyan. Kung ano ang tawag dito, ito ang tatalakayin natin maya-maya. Handa ka na ba? Pumili ng isang narawan, suriin ito at isulat ang inyong mga sagot sa inyong kwaderno. Tunay ngang maraming mga pangyayari noong nagdaang panahon katulad noong 2016 na nagdulot at patuloy na nagdudulot ng epekto sa ating lipunang ginagalawan. Alam mo bang may... Ibahagi kang dapat gampanan upang tugunan ang mga hamong ito? Sa ating aralin, ihahanda ka upang makatugun ka ng tama. at magpapakita naman kung tunay ngang mulat kayo sa mga nangyayari sa ating dipunan. Magpapakita ko ng ilang mga konsepto na inyong aayusin sa loob ng limang segundo. Basahin at suriing mabuti at hulaan ninyo ang mga salitang ito. Unang pahayag. Paniniwala na ang ilang tao ay mas mahusay kaysa sa ibang tao dahil sila ay nabibilang sa isang partikular na... Kung ang sagot mo ay rasismo, tama ka. Ikalawang pahayag. Ito ay sinadyang kaguluhan o pananakot na ginagamitan ng karahasan ng isang pangkat o ng isang estado upang matamo ang isang adhikaing politikal o kriminal. Terorist mo ba ang sagot mo? Kung pareho tayo, tama ka na naman. Ikatlong pahayag. Isang kondisyon ng katawan na kulang sa bitamina o maling pagpili ng pagkain. Ang sagot ay malnutrisyon. Ikaapat na pahayag. Proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay, informasyon at produkto sa iba't ibang direksyon na nararanasan sa iba't ibang panig ng daigdig. Kung ang sagot mo ay globalisasyon, tama ka ulit. Ikalimang pahayag, pagbabago ng klima o panahon dahil sa pagtaas ng greenhouse gases na nagpapainit sa mundo. Kung ang sagot mo ay climate change, mahusay! Rasismo, terorismo, malnutrisyon, globalisasyon, climate change. Tungkol saan ang mga ito? Nararanasad ba natin ang mga ito? Bakit ito nangyayari? May mga epekto ba ito sa iba't ibang aspekto ng pamumuhay ng tao o lipunan? Bawat araw ay may kaganapan sa ating kapaligiran. Sa iyong pagmamasid, maaaring nakakakita ka ng mga pangyayari o sitwasyon na nagdudulot ng positibo at negatibong epekto sa tao at sa lipunang ating ginagalawan. Maaaring pambansa ang saklaw nito o di naman ay pandaigdigan. Paano ito tinutugunan ng ating komunidad? Paano ka nagsasabihin? nakakatulong sa pagtugon sa iba't ibang isyo at hamong panlipunan. Ang mga paksa sa Module 1 ay napapaloob sa kasanayang nasusuri ang kahalagahan ng mga pag-aaral ng kontemporaryong isyo. Para sa episode na ito, bibigyan natin ng focus ang mga sumusunod na kasanayan na may kinalaman sa Milk One. Una, bibigyan natin ng kahulugan kung ano nga ba ang kontemporaryong isyo. Ikalawa, matutukoy natin ang mga uri ng kontemporaryong isyo. Mula sa ating... Balik-aral hanggang tuklasin, nakita natin ang iba't ibang hamon at issue na ating kinakaharap. Ang mga ito ba ay maituturing na kontemporaryong issue? bilang kabataan ay hindi lamang dapat umiikot sa TikTok, K-pop, mobile games at social media. Dapat kayo ay mulat sa mga pangyayari sa ating lipunan upang makatugon kayo ng tama at makapagmungkahi ng mga solusyon para dito. Ngunit huwag kang mag-alala sapagkat sasamahan kita para malinang ang iyong kaalaman at kasanayan patungkol sa kontemporaryong issue. Thank you. Tutulungan kitang maging mapanuri at mapagtugon sa mga isyong ating kinakaharap. Ang AP10, ang iyong magiging kaagapay. Ano nga ba ang kontemporaryong isyo? Ang kontemporaryong isyo ay binubuo ng dalawang salita, kontemporaryo at isyo. Ayon sa Merriam-Webster Dictionary, Contemporary means modern, current, simultaneous. At ang issue naman means unsettled matter, concern, problem. Ayon sa diksyonaryo, ang contemporary means contemporary. ay nangangahulugang kasalukuyan o makabagong panahon, samantalang ang isyo naman ay nangangahulugang usapin, suliranin o paksang pinagtatalunan ng magkaibang panig na kinakailangan ng linaw o desisyon. Kapag pinagsama natin ang dalawang salitang ito, ang kontemporaryong isyo ay tumutukoy sa anumang pangyayari, paksa, tema, Opinyon o ideya na may kaugnayan sa kasalukuyang panahon. Sinasaklaw nito ang lipunan at kultura at may tuwirang ugnayan sa interes at gawi ng mga mamamayan. Maaring ito'y naganap o umiral sa nakalipas na panahon ngunit nananatiling litaw o hayag ang epekto nito sa kasalukuyan. Ito ay pinag-uusapan at nagdudulot ng malawakang epekto na maaaring positibo o negatibo sa buhay ng mga tao. sa lipunan. Ang saklaw ng panahon ng kontemporaryong issue ay mula ikadalawampung dantaon hanggang sa kasalukuyang panahon. Magbigay tayo ng halimbawa. Kapag pinag-usapan natin ang imperialismo, At sa pangalatismo ng mga kanluranin na inyong tinalakay sa AP8, ito ba ay maituturing ninyong kontemporaryong isu? Kung ang sagot ninyo ay hindi, tama kayo. Ito ay naganap noong ikalabing pito hanggang ikalabing walong siglo. E ang bubonic plague na isang isyong pangkalusugan, ito ba ay maituturing na kontemporaryong isyo? Hindi, sapagkat ito ay naganap noong ikalabing apat na dantaon. Samantalang ang gender issue ay isang halimbawa ng kontemporaryong isyo. Dahil, dahil ito ay pinag-uusapan at may matinding impluensya sa kasalukuyang panahon. Ang isyo na ito ay hindi hayag o litaw bago ang ikadalawampung siglo. Sa makatuwid, paano maituturing na ang isang pangyayari o tema ay kontemporaryong isyo? Dapat ito ay una, mahalaga at makabuluhan. Ikalawa, may temang na pag-uusapan at may positibong impluensya sa lipunan. Pangatlo, may malinaw na epekto sa lipunan o mamamayan. Pangapat, may matinding impluensya sa takbo ng kasalukuyang panahon. Suriin natin ang sitwasyon sa kasalukuyan. May nabago ba sa iyong nakagawiang buhay? Sa mga ganitong buwan ay dapat na nasa loob ka ng iyong silid-aralan kasama ang inyong mga kamag-aral. Ngunit bakit ngayon nananatili kayo sa inyong tahanan habang tayo ay may talakayan? Bakit tayo nakakaranas ng tinatawag nating new normal? Kung ang ibinubulong ng inyong isipan ay dahil sa COVID-19, tama ang inyong sagot. Ang COVID-19 ay isang kontemporaryong issue. Bakit? Ito ay nangyayari sa kasalukuyan at may malaking epekto sa buhay ng mga tao at sa ating bansa. Mula sa nakalap na datos noong September 2020 sa tala ng World Health Organization, Ang mundo ay may humigit kumulang 30 milyong kompirmadong kaso ng COVID-19 at halos 1 milyon ang naitalang namatay dahil sa pandemia. Binago ng COVID-19 ang normal nating pamumuhay at dinila tayo nito sa tinatawag nating new normal, kung saan apektado ang lahat ng larangan sa buhay. Kapansin-pansin ang ginagawa ng mga bansa sa buong mundo sa paglaban dito. Masasabi nating napakalawak na kontemporaryong isyo ang pandemic na ito. Ito ay maituturing na isyong maraming muka sa dahilang pasok ito sa iba't ibang uri ng kontemporaryong isyo. Ang kontemporaryong isyo Ang kontemporaryong isyong panlipunan ay mga isyong o mahalagang pangyayari. na may malaking epekto sa iba't ibang sektor ng lipunan, tulad ng pamilya, simbahan, paaralan, pamahalaan at ekonomiya. Ang mga halimbawa nito ay gender equality, terorismo, rasismo, halalan at kahirapan. Ikalawa, Contemporaryong isyong pangkalusugan. Ito ay tumutukoy sa mga isyo na may kaugnayan sa kalusugan na maaaring nakabubuti o nakasasama sa mga tao sa lipunan. Ang mga halimbawa nito ay ang COVID-19, Sobrang katabaan, Malnutrisyon, Drug addiction, HIV-AIDS, at mental health. Ang ikatlong uri ay ang kontemporaryong isyong pangkapaligiran. Ito ay ang mga isyong may kinalaman sa kapaligiran at mga usapin sa pagpapaunlad at tamang paggamit ng ating kalikasan. Halimbawa nito ay ang global warming, climate change, problema sa basura at polusyon. At Ang ikaapat na uri ay ang kontemporaryong isyong pangkalakalan na tumutukoy sa mga suliraning may kinalaman sa globalisasyon at negosyo. Kasama dito ang mga usapin o isyong pang-ekonomiya. Mga halimbawa nito ay ang usapin sa import at export, Online Shopping, Free Trade at Samahang Pandaigdigan Hawakan ang inyong Self-Learning Module at sabay-sabay nating suriin at gawin ang gawain for Tapat-Tapat-Dapat. Hindi sapat na ikaw ay mulat at mapanuri. Dapat alam mo kung paano manindigan at maging mapagtugon sa mga isyong ating kinakaharap. Sa panahon natin ngayon, marami ng... mapagkukunan ng mga impormasyon patungkol sa kontemporaryong issue. Kabilang dito ang telebisyon, radyo, internet, social media, at mga nalathalang material katulad ng dyaryo, journals at magazine. Kaya hindi mainam sabihin na wala kayong alam at wala kayong masasabi patungkol sa isang issue. Ngunit nais kong ipaalala sa inyo na kayo ay maging maingat at mapanuri dahil sa panahon natin ngayon, madami na ang fake news. Narito ang iba't ibang uri ng media na maaari ninyong maging sanggunian. Print Media Halimbawa nito ay ang magazine, journals at dyaryo. Visual media Halimbawa ay balita, pelikula at dokumentaryo. Online media Halimbawa nito ay ang Facebook, online blogs at website. Sa pagsusuri ng kontemporaryong issue, kinakailangan ninyo ng K-squared. Ito ay ang kaalaman at kakayahan. Ang unang K ay kaalaman. Kaalaman sa mga bahagi ng issue na makakatulong sa inyong pag-unawa. Dapat alam mo kung saan at paano nagsimula ang issue. Ano ang uri at kahalagahan nito at ano ang lawak at level nito sa iyong komunidad o bansa. Ang ikalawang K ay kakayahan. Ito ay ay ang kakayahang magsuri ng mga sanggunian, katotohanan sa opinion, pagkiling o bayan. at magiging pagtugon. Magbigay tayo ng halimbawa. Matindi ang epekto ng COVID-19 hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo. Sangay-sangay ang naging epekto nito katulad na lang ng kahirapan, kawalan ng trabaho, at diumanoy korupsyon sa ilang ahensya ng ating pamahalaan sa gitna ng pandemia. Bilang mulat at mapanuring mag-aaral, kinakailangan mong bigyang pansin ang mga bahagi nito na makakasalaga. sa iyong pagunawa at pagtugon. Dapat alam mo kung saan at paano nagsimula ang isyo. Napakahalagan na gumamit ka ng mga mapagkakatiwalaang mga sanggunian. Hindi lahat ng nababasa mo ay totoo at mapagkakatiwalaan. Ugaliing tignan kung ang pinagmulan ba nito ay mapagkakatiwalaan at walang kinikilingan. Hindi mo rin maaaring sabihin. na laganap nga ang korupsyon sa isang ahensya ng pamahalaan kung wala kang aktual na datos na magpapatibay sa iyong opinion na ipinaglalaban. Tignan mo ang pagkakaugnay-ugnay ng mga datos at impormasyon. Tandaan na ang katotohanan ay mga pahayag na pinatutunayan ng mga aktual na datos. Dapat mo ding suriin ang mga diwang iyong napapakinggan at datang. dapat mapakinggan, maging ang pangkalahatang pananaw patungkol sa pangyayari. Pagkatapos ng iyong pagsusuri, huwag matakot na magbigay ng sariling damdamin tungkol sa isyo kasama na ang paraang maaaring gawin upang maiwasan ito. Para mas mahasa ang inyong kaalaman at kakayahan sa pagsuri ng kontemporaryong isyo, basahin ang ikalawang paksa, kahalagahan ng pagsuri ng kontemporaryong isyo. ng pag-aaral sa mga kontemporaryong issue na makikita sa inyong self-learning module. Tandaan, mulat at papanuring kabataan na sa tungkulin ay tumutugon, dulot ay transformasyon sa bawat individual at nasyon. Hanggang sa muli nating pagkikita, dahil dito sa DepEdTV, pakikinggan namin ang boses ng kabataang Pilipino sa pag-aaral. aral ng mga kontemporaryong issue. Hanggang sa muli!