Intro Music Music Ang araw mga mag-aaral, ako si Teacher Janjan, ang inyong magiging guro sa edukasyon sa pagpapakatao. Samahan niyo ako sa isa na namang masayang pag-aaral tungo sa pagkakaroon ng matalinong pag-iisip, mabuti... at makataong pagkilos.
Handa ka na bang matuto sa araw na ito? Mabuti kung ganun. Ihanda mo na ang iyong ballpen, papel, at self-learning module at sabay-sabay tayong makinig, sumagot, at matuto ng bagong kaalaman dito sa Edukasyon sa Pagpapakatao, ikasampung baita.
Magandang araw sa inyong lahat! Ako ang si Kuya Jan Jararan at narito tayo sa pinakabagong game show ng bayan ang Kaliwa o Kanan. Sa puntong ito, kayong mga nasa bahay ang mga kontestant. Simple lang ang...
panuto ng ating laro. May sasabihin akong mga panguhusap. Kung sa palagay mo na ang mga sasabihin ko ay pumapatungkol sa isip, itaas mo lamang ang iyong kanang kamay.
At kung sa palagay mo naman na ang mga sasabihin ko ay pumapatungkol sasabihin ko ay pumapatungkol sa kilos loob, itaas mo naman ang iyong kaliwang kamay. Tandaan, kung anong kamay ang una mong itinaas, yun na ang sagot na ating tatanggapin. Kaya't bago kang magdesisyon, pag-isipang munang mabuti. Hintayin muna na sabihin ko ang katagang kaliwa o kanan bago mo itaas ang iyong kamay. O, handa ka na ba?
Tala na at simulan na natin ang pinakabagong game show ng bayan at... Ang kaliwa o kanan? Para sa ating unang tanong, ito ay may kakayahang alamin ng diwa at buod ng isang bagay.
Kaliwa o kanan? Oops, tapos na ang oras. Ang tamang sagot ay kanan.
Ito ay pumapatungkol sa iyong isip. Tama ba ang sagot? Kung tama, aba, mahusay! Kung mali naman, huwag mag-alala at pwede ka pang bumawi sa ating susunod na katanungan.
Igalawang tanong. Ito ay naaakit sa mabuti at lumalayo sa masama. Kaliwa o kanat?
Tapos ng oras, ang tamang sagot ay... Kaliwa! Ito ay pumapatungkol sa kilos loob. Para naman sa ikatlo at huling katanungan, makinig ng mabuti.
Ito ay may kapangyarihang maghusga, mga tuwiran, at magsuri. Kaliwa o kanan? Tumos na ang iyong oras.
Ano kaya ang tamang sagot? Ang tamang sagot ay... Kanad!
Ito ay nagpapatungkol sa iyong isip. Ngayon ay tingnan na natin ang score ng ating mga contestants. Sino sa inyo ang nakakuha ng perfect score?
Aba, marami-rami! Mahusay! Palakpakan! O! Sino naman ang naakuha ng hindi perfect na score?
Walang problema. Marami pa tayong aralin at may pagkakataon ka pang bumawi. At ang nanalo sa game show na ito ay walang iba kundi... Ikaw!
Dahil sigurado ako na marami kang natutunan sa ating unang aralin. Muli, ako ang inyong host, si Kuya Janjaralan at magbabalik pa ang pinakabagong game show sa telebisyon, ang... Kaliwa o kanan! Aba, nagagalak akong malaman na nanalo ka sa game show na kaliwa o kanan. Ang ibig sabihin nito ay marami kang natutunan sa ating naging aralin.
Hmm, ngayon naman ay dadako tayo sa ating panibagay. halimbawa bibigyan ka ng kapangyarihan. Anong kapangyarihan ang pipiliin mo? Pero balik tayo sa realidad.
Alam mo ba na ikaw ay may taglay na kapangyarihan? Ito ay ang kapangyarihan ng iyong isip at kilos loob. Ngunit bago tayo dumako sa ating pag-aaral, nais ko munang subukin ang iyong isipan tungkol sa iyong dati ng kaalaman, tungkol sa isip at kilos loob, sa pamamagitan ng isang maikling pagsusuli. Magbibigay ako ng dalawang sitwasyon at sa mga sitwasyong ito, may tig dalawang tanong kang sasagutin. Bibigyan lamang kita ng sampung segundo upang sagutin ang bawat tanong.
maaari mong isulat ang iyong sagot sa sagotang papel. Simulan na natin! Para sa una at ikalawang katanungan, narito ang sitwasyon. Si Arvin ay mahilig sa tsokolate. Subalit nang nagkaroon siya ng sakit na diabetes, naging maingat na siya sa pagpili ng kanyang kinakain kahit gustong gusto niya ito.
Unang tanong, Bakit kaya ni Arvin na kontrolin ang sarili at ang udyok ng kanyang damdamin? A. Ang tao ay may kamalayan sa sarili.
B. Malaya ang taong pumili o hindi pumili. C. May kakayahan ang taong mga tuwiran?
O D. May kakayahan ang taong mag-abstraksyon? Pangalawang tanong. Ano ang mensaheng mabubuo tungkol sa kakayahan ng tao sa sitwasyong ito? A. Ang tao ang namamahala sa kanyang sarili at walang ibang makapagdidikta sa kanya ng kanyang mabubuo.
B. Magagawa ng taong kontrolin ang kanyang pandamdam at emosyon at ilagay ang paggamit nito sa tamang direksyon. C.
Kailangang mag- maging maingat ang tao sa pagpili ng kanyang kakainin upang maiwasan ang pagkakasakit. O D, hindi maaaring pantayan ng hayop ang kakayahang taglay ng tao kaya ang tao ay natatangi. At para naman sa ikatlo at ikaapat na tanong, narito naman ang sitwasyon.
Nagkaroon ng pagsusulit si Andri. Noong una, nag-iisip siya kung mangungopia ba siya sa pagsusulit o hindi. Napagpasyahan niyang hindi na mangopia Napagtanto niyang walang kasiyahan sa hindi pinagpagurang tagumpay Aniya, mahalaga ang pagkakaroon ng prinsipyo sa pag-abot ng tagumpay Narito ang ikatlong tanong Ano ang pinatunayan ni Andri sa sitwasyon na ito?
A. Ang tao ay may kakayahang pumili ng nais niyang gawin. B.
Nakagagawa ang tao ng angko sa kanyang pagkatao. C. Ang tao ay may kakayahang alamin ng katotohanan sa bawat sitwasyon. O D. May pag-unawa ang tao sa direksyon ng kanyang kilos. Para sa ikaapat at panghuling tanong, ano ang mensaheng mabubuo tungkol sa mataas na gamit at tunguhin ng kilos loob sa sitwasyong ito?
A. Natutukoy ng tao ang gamit at tunguhin ng kilos loob sa sitwasyong ito. B. May kakayahan ng tao na suriin kung ginamit niya ng tama ang kanyang isip o kilos loob.
C. Ang isip at kilos loob ay ginagamit ng tao sa paghahanap ng katotohanan, pagdilingkod at pagmamahal. O D. May kakayahan ng tao na makagawa ng mga angkok na kilos upang maipakita ang kakayahang mahanap ang katotohanan, maglingkod at magmahal.
Na nagsagutan na natin. Para sa unang tanong, ang tamang sagot ay A. Ang tao ay may kamalayan sa sarili. Kung matatandaan mo sa ating pinag-aralan sa Module 1, tayong mga tao ay may panloob na pandama. At kabilang dito ang kamalayan na kung saan ito ang dahilan kung bakit tayo nakapagbubuod at nakauunawa.
May kamalayan si Arvin na dapat siyang maging maingat sa pagpili ng pagkain upang hindi lumala ang kanyang sakit na diabetes. Para naman sa pangalawang tanong, ang tamang sagot ay B. Magagawa ng taong kontrolin ang kanyang pandamdam at emosyon at ilagay ang paggamit nito sa tamang direksyon. Para sa ikatlong tanong, ang tamang sagot ay C.
Ang tao ay may kakayahang alamin ang katotohanan sa bawat sitwasyon. Matatandaan na sa Module 1, ang ating isip ay may kakayahang alamin ang tama at mali maging ang katotohanan. At ang panghuling tanong, ang tamang sagot ay D.
May kakayahan ng tao na makagawa ng mga angkop na kilos upang maipakita ang kakayahang mahanap ang katotohanan, maglingkod, at magmahal. O, kumusta ang iyong score? Napakahusay mo kung tama ang lahat ng iyong sagot.
Kung hindi naman, ito ay isang hamon sa iyo na mas galingan pa sa ating susunod na aralin. Maraming pagkakataon na nakagagawa ang tao ng mga bagay na masasabing hindi angko sa kanyang pagkatao. Maaaring ang kilos niya ay bunga ng kanyang damdamin o emosyon.
Kaya't may mga pagkakataon na may nagsasabing, nadala lang ako ng aking emosyon. O di naman kaya, pasensya na, hindi ako nag-isip bago kumilos. Ang tao ay may kapangyarihan na pumili ng isa sa kilos ayon sa nabuong hangarin na ang sukdulang layunin ay makapagdulot ng kabutihan.
Ang isip ang nagpoproseso upang umunawa batay sa taglay na talino, karunungan at kaalaman. Ito ang tinatawag nating Intellect. Pagkatapos gumana ng isip, isang pasya ang mabubuo at kaya nitong utusan ang katawan upang isakatuparan ang nabuong pasya. Ito naman ang kilus loob o will.
Ngayong alam mo na ang kapangyarihan ng iyong isip at kilus loob, ikaw ay may tungkuling sanayin, paunla rin at gawing ganap ang dalawang ito. Sa paanong paraan? Kailangang gamitin ang isip sa pagkalap ng kaalaman at karunungan upang ang kilos loob ay makaunawa sa paggawa ng kabutihan tungo sa pagpapaunlad ng pagkatao. Upang mas maunawaan mo ang ating aralin, may iba bahagi ako sa iyo na may ikling kwento tungkol sa tamang paggamit ng isip at kilos loob. Isang mag-asawang kapitbahay ang lumabas upang tumulong nang makita nila ang isang ina na lumilipat sa maliit na tahanan sa kabilang pintuan.
Wala siyang kasama maliban sa kanyang dalawang maliit na anak. Wala rin siyang katulong. Humantong sila sa pag-google ng buong sabado sa pagbubuhat ng mga kahon, paglilinis ng sahig, at pag-aliw sa dalawang anak na babae. Nang matapos ang trabaho, Inanyayahan ng ina ang bago niyang mga kapitbahay sa hapunan ng sumunod na linggo upang ipakita ang kanyang pasasalamat. Noong una, tumanggi sila dahil kitang kita naman na sapat lang ang pera ng babae.
Ngunit iginiit ito ng babae na may luha sa kanyang mga mata. Natanto ng mag-asawa na ang pagtanggap sa kanyang paanyaya ay magbubunga ng higit na pagkakaibigan. at paggalang kaisa sa tanggihan ito dahil sa kanyang sitwasyon.
Gaya ng sa kwento, magagawa ng taong magpakatao at linangin ang mga katangian ng kanyang pagkatao dahil sa kanyang isip at kilus loob. Dyan-dyan-dyan! Tandaan, nagkakaroon ng kabuluhan ang buhay ng tao kung gagamitin natin ang ating isip at kilus loob.
sa pagsasabuhay ng katotohanan, sa pagmamahal, at sa pagdilingkod sa kapwa. Ngayong alam mo na ang kakayahan ng iyong isip at hilos loob upang ikaw ay mas maging makatao, paano kaya kung ikaw ay masasangkot sa isang sitwasyon kailangan mong mag-isip at gumawa ng pasya? Sa gawain natin ito, nais ko na ihanda mo ang iyong sagutang papel. Nais kong isulat mo dito ang iyong mga kasagutan. Bibigyan kita ng isang minuto para sagutin ito.
Handa ka na ba? Narito na ang sitwasyon. Isipin mo na ikaw ang tauhan dito.
Family reunion ninyo. Darating ang iyong lolo, lola at mga pinsang galing sa ibang bansa. Ngunit sa araw din ito gaganapin ang tree planting ng inyong grupo. Layunin ninyong taniman ng mga puno ang nakakalbong kagubatan malapit sa inyo.
Ano ang gagawin mo? Music Tapos na ang oras, kamusta ang iyong asagutan? Nahirapan ka bang gumawa ng desisyon? Nauunawaan kita. Marahil, mayroon sa inyo na sumagot ng Sir, niliban muna ako sa tree planting activity.
At uunahin ko po muna ang magbigay ng oras para sa aking pamilya. Hmm, magaling. Sa aking palagay, meron ding sumagot sa inyo ng, Sir, sasali pa rin po ako sa 3-plans. pero uuwi po ako ng maaga para makasama ko pa rin ang aking pamilya. Aba, magaling rin!
Alam kong marami pang ibang mga sagot ang naisulat ng iba sa inyo. Ngunit, ano ba ang dapat isaalang-alang kapag ikaw ay gagawa ng pasya? Tama!
Laging gamitin ang isip at kilos loob. Pero bakit nararapat gamitin ang isip at kilos loob sa pagpapasya? Mahusay!
Dahil ito ang gagabay sa atin upang makapagpasya ng tama tungo sa kabutihan. Mula sa iyong natutunan ngayong araw tungkol sa gamit ng isip at kilos loob, mag-isip ng isang pasya. ang kailangan mong gawin sa iyong buhay gamit ang iyong isip at kiris loob.
Magsulat ng tatlong paraan kung paano mo ito maisasakatuparan. Halimbawa, ang pasyang iyong... iyong kailangan gawin para sa iyong buhay ay ang makatulong sa iyong mga magulang sa pagkataguyod ng inyong pamilya. Ngayon, iisipan mo naman ito ng mga paraan kung paano mo ito maisasakatuparan.
Kagaya ng ikaw na ang gagawa ng mga gawaing bahay habang nagtatrabaho ang iyong nanay o tatay. Pwede rin namang pagbubutihin mo ang iyong pag-aaral at iba pang mga hakbang na sa palagay mong makatutulong. upang mangyari ang iyong ginawang pagpapasyang tulungan ang iyong mga magulang upang itaguyod ang iyong pamilya. Isulat mo ang iyong mga sagot sa sagot ng papel.
Bibigyan lamang kita ng dalawang minuto upang gawin ang aktibidad na ito. O, handa ka na ba? Ang iyong dalawang minuto ay magsisimula ngayon. Music Sigurado kong marami kang natutunan sa ating aralin ngayong araw.
Pwede mo itong ibahagi sa iba pang mga tao upang mas marami pa ang magkaroon ng matalinong pag-iisip, mabuting puso at makataong pagkilos. Muli, ako si Teacher Janjan. Isang magandang araw sa inyong lahat at magkita-kita tayong muli dito lang kung saan masayang mag-aral ng ESP, ang DepEdTV.
Paalam! Music