Isang magpapalang araw sa ating lahat. Sa araw na to, ating tatalakayin ang kahulugan, anyo at uri ng diskurso. Tara na at simulan ang ating talakayan.
Ang una nating pag-aaralan ay ang kahulugan ng diskurso. Ang diskurso ay mula sa salitang Latin na discursus, na ang ibig sabihin ay paraan ng pagpapahayag, pasulatman o pasalita. Nangangulugan din itong pakikipagtalastasan.
Ayon kay Milrod, noong 2002, ang diskurso ay tumutukoy sa kinagistang paraan ng pakikipagtalastasan, gayon din naman sa malalim na pagtingin sa mga ideyang nilalahan. Ayon naman sa Webster's New World Dictionary noong 1995, ang diskurso ay isang formal na pagtatalakay sa isang paksa, pasulatman o pasalita Sa madaling sabi, ang diskurso ay pakikipagtalastasan, pakikipag-usap o anumang paraan ng pagpapahayag ng ideya tungkol sa isang paksa. Ang diskurso ay may dalawang anyo.
Ito ay ang pasalitang diskurso at pasulat na diskurso. Ang pasalitang diskurso ay karaniwang magkaharap ang mga partisipant. Kung kaya't bukod sa kalagahan ng mga salitang sinasambit, pinagtutuunan din ng bawat kasapi ang ibang sangkap ng komunikasyon.
Tulad ng paraan ng pagbikas, tono, diin, kilos. Kumpas ng kamay, tinig, tindig at iba pang salik ng pakikipagtalastasan na maaaring makapagpabago sa kahulugan ng mensahe. Halimbawa nito ay tuwing tayo ay nakikipagkwentuhan. Sa tono pa lang at kilos na nagsasalita, mapapansin natin kung ang nagkukwento ay masaya o malungkot.
Habang ang pasulat na diskurso, ay higit na pag-iingat ang sinasagawa ng isang manunulat. Sandaling ang mensaheng nakapaloob sa isang sinulat na diskurso ay nakarating sa tatanggap at ito'y kanyang nabasa, hindi na maaaring baguhin ng manunulat ang kanyang sinulat. Halimbawa nito ay tuwing magsusulat tayo ng isang balita.
Nararapat lamang nawasto ang mga impormasyong ating... Dahil sa bawat maling impormasyon na ating maisusulat ay isa ring maling impormasyon ang naiatid sa mga mambabasa. Ngayon atin namang tatalakayin ang apat na uri ng diskurso.
Una ay ang descriptive o paglalarawan. Ang descriptive o paglalarawan ay pagbibigay ng malinaw na imahe. ng isang tao, bagay, pook, damdamin o teorya upang makalikha ng isang impresyon o kakintalan.
Layunin nito na makalikha ng imahe sa isipan ng kanyang mambabasa o tagapakinig upang maging sila ay maranasan din ang nararanasan ng manunulat at na o ang tagapagsalita. Halimbawa, ay ang paglalarawan ng puok pasyalan upang makahikayat ng mga artista. Pangalawa ay ang naratif o pagsasalaysay.
Dito, sinasambit natin ang mga detaleng kalakip ng isang partikular na pangyayari upang maibahagi sa iba ang mga bagay na nagaganap sa atin o sa mga bagay na ating nalangin. nasaksihan. Layunin nito na may lahat ang mga detalye kalakip ng isang pangyayari sa isang maayos at masistematikong kaayusan.
Halimbawa nito ay ang mga aling nagkukwentuhan sa kanto, mga reporter na nagbabalita, at kapag mayroong aksidente at nagkukwento ang isang saksi sa mga pangyayari. Pangatlo ay ang expository of Ito ay uri ng diskurso kung saan nagpapayag ang isang tao ng mga ideya, kaisipan at mga impormasyon na sakop ng kanyang kaalaman na na inihayay sa isang maayos at malinaw na pamamaraan upang magkaroon ng bago at dagdag na kaalaman ang ibang tao. Layunin nito na makapagbigay ng impormasyon.
Halimbawa nito ay ang talumpati. Ang panghuli ay ang argumentative o pangangatwiran. Ito ay uri ng diskurso na nakatuon sa pagbibigay ng isang sapat at matibay na pagpapaliwanag ng isang issue o isang panig upang makahikayat o makainganyo ng mambabasa o tagapakinig.
Thank you. Layunin nitong makahikayat ng tao sa isang issue o panic. Isaling halimbawa nito ay talumpati at pagdedebate. Tinatalakay din sa diskurso ang apat na dimensyon o ang 4K.
Ang unang K ay ang konteksto. Sa konteksto ay tinalakay ang speaking ni Del Himes. Isa-isahin natin. Una ay ang setting or scenes o ang lugar ng komunikasyon. Susunod ay ang participants o mga kasangkots sa komunikasyon.
Ang ends o ang layunin ng komunikasyon. Ang actions o mga kasangkots sa komunikasyon. Act sequence o pagkasunod-sunod ng mga pangyayari.
Ang kiss o ang tono o pangkalahatang tono at pamamaraan ng pagsasalita. Ang instrumentalities o mga pangkalahatang tono at pamamaraan ng pagkasunod ng pagkasalita. mga kagamitan sa paghahatid ng mensahe o estilo na ginagamit sa pag-uusap, ang norms o mga pamantayang kultural, kaangkupan at kaakmaan ng usapan sa isang sitwasyon at ang genera o uri ng pananalitang nakalahad sa sitwasyon.
Ang susunod ay ang kognisyon. Ang kognisyon ay tumutukoy sa wasto. at angkop na pagunawa sa mensahe ng mga naguusap.
Bahagi nito ang oryentasyong kultural na mga taong naguusap. Kailangan ang mataas na level ng pagunawa tungo sa higit na karunungan. Pangatlo ay ang komunikasyon. Ang komunikasyon ay tumutukoy sa verbal at di-verbal na komunikasyon. Ilan sa mga limbawa ng di-verbal na komunikasyon ay ang kumpas ng kamay, tindig at facial expression.
At ang panghuli ay ang kakayahan. Lahat ng tao ay may kakayahan sa apat na makrong kasanayan at dapat ninangin para sa higit na masaklaw na interaksyon. Ang unang makrong kasanayan ay ang panghuli. Ang pakikinig ay aktibong proseso ng pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng sensoring pandinig at pag-iisip.
Susunod ay ang pagsasalita. Ang pagsasalita ay pag-uusap ng dalawa o higit pang tao. Ang nagsasalita at ang kinakausap. Pangatlo ay ang pagbasa.
Ang pagbasa ay interpretasyon. ng mga nakalimbag na simbolo ng kaisipan. Ang panguli ay ang pagsulat. Ang pagsulat ay isang paraan upang ang kaisipan ng isang tao ay kanyang maipahayag sa pamagitan ng simbolo.
Dito na po nagtatapos ang ating talakayan. Maraming salamat sa pakikinig.