Transcript for:
Child Marriage at Edukasyon sa Pilipinas

Sa ilang pamayanan sa Pilipinas, buhay pa rin ang kaugalian ng child marriage. Mga kabataang edad 12, 13 o 14 ang maagang ikinakasal, alinsunod sa tradisyon. Pero kamakailan ipinagbawal na ito? Ano na ang mangyayari ngayon? Tungo kami sa mga kabundukan ng Zamboanga upang malaman kung paano tinatanggap ang bagong batas ng isang grupo ng mga katutubo. Darating ba ang pagbabago? John Michael Bondo Dalawang taon matapos tumama sa bansa ang COVID-19 pandemic, nakapagdaos din ng face-to-face graduation ceremony ang Saparalong Elementary School sa Bayan ng Katipunan sa Buanga del Norte. Sa isang gilid ng eskwelahan, nanonood ang 14-anyos na si Rowelyn. Hindi siya kasama sa mga estudyanting nagmarcha ngayon. Nag-aaral ka pa ba, Roweline? Hindi. Noon pa man, hirap nang pumasok sa school si Roweline, isang katutubong subanin na nakatira sa kabundukan. Layo tayo ang mag-umalay. Pagkakay ko, utungas. Anong nararamdaman mo nung nakita mo yung mga kaklase mong graduate kanina? Nakumahay ko kahit wala kang iskula. Pero may mas mabigat na dahilan kung bakit siya tumigil sa pag-aaral. Nakatakda na kasing ikasal ang bata. Tinuloko ka ba nila kapag nalaman nila na ikakasal ka na? Hindi naman sila katawag. Ngunit ninyo na daw. Magdadalawang taong gulang na ang anak ni Elvinia. Ang mga responsibilidad ng isang ina, maaga niyang natutuhan. Labing-anim na taong gulang lamang siya nang ipagbuntis ang panganay. At ngayon, lalo pang lalaki ang kanilang pamilya. Elvinia, pang ilang buwan mo na ba? Seven. Pangalawang pagbubuntis mo na? Oo. Alam mo na ba kung babae o lala? Opo. Sabi nila babae daw. Babae? Opo. Gusto mo bang babae o wala na? Babae po kasi yung panganay ko lalaki naman. Katutubong subanen si Elvinia. Sa kanilang komunidad, pangkaraniwan daw ang maagang pag-aasawa. Pagdadaga ang tawag nila rito. Anong edad ka ikinasan? Sixteen po, Sir. Sixteen. Anong dumadaan sa isip mo ngayong ano ka na? Pagkakindalawa na ang baby mo? Medyo... Medyo maragdagang problema. Madagang problema. Dahil ko lang, dahil ko lang misa sa among panginabuhayan. Pero hindi pa rin daw isinusuko ni Elvinia ang kanyang mga pangarap. Sa kabila ng responsibilidad bilang asawa at ina. At kahit nagdadagal, Sa dalang tao, patuloy pa rin siyang pumapasok sa eskwelahan. Ang ibang tulad ni Elvinia, tila pinanghihinaan na ng loob. Bakas man ang galak sa kanyang muka sa panonood. Hindi na raw sumasali sa mga larong bata tulad ng si Palata, ang 16 anyos na si Sarah, hindi niya tunay na pangalan. May baby na ang teenager. Ikinasal siya sa edad na labin lima. Mahirap ang mag-alaga ng bata. Mahirap. Kasi paggabi umiiyak siya, tapos pagkaumaga umiiyak naman. Kung dili magbuot siya, iya ka na gusto siya mulaag. Pag dili siya dalon mulaag, muhilak siya. Mula ng maging nanay, Tumigin na rin sa pag-aaral si Sarah. Hindi na ako sumasali. Kasi nahihiya ako eh. Dahil may anak ako tapos may marinig ako na may nag-stress sa palibot. Nga kala, siya na ay anak. Maulaw din ko, di ko. Wala lang ko na-appel. Ano ito? Saan mo ito, libro? Sa ESP? Anong grade? Grade... Grade 8 to? Kahit hindi na ginagamit, pinaka-iingatan pa rin ni Sarah ang kanyang mga notebook at libro galing sa school. Ay nagsisisi ako. Sana hindi na lang ako nag-asawa. Nang bata? Mm-mm. Pero hindi naman lahat ng maagang ikinakasal nakukulong sa buhay ng panghihinayang. Madalas kasi, isa raw itong praktikal na desisyon. Gusto ko nga naapay makatabang mga gusto sa akong mama. Hindi ka naman nagsisisi na maaga kang nagka-asawa? Hindi, hindi pa siya. Todo suporta raw ang asawa ni Elvinia sa pag-aaral ng kanyang misis. Kahit matinding mga sakripisyo, ang katapat nito. At dahil apat na oras ang kailangan na Karin, papunta at pauwi ng eskwelahan, nangutang ang mag-asawa para makabili ng motorsiklo kamakailan. Pagsasaka ang hanap buhay ng kanyang 25 anos na mister, kaya naman hindi madali para sa kanila na kumita ng pera. Magkano ang utang ninyo para sa motor? P25,000 Malapit na ba kayong mabayaran nyo? Malayo pa, sir. Malayo pa? Gano'ng katagal pa bago nyo mabayaran yung motor? Maanil taon na po, sir. Bakit nyo naisipan mang utang para magkaroon ng motor? Para nilirapat kayo kukulang magbakla, inikmatok ko sa eskwalahan. Kahanga-hanga ang naging pagpupursigin ni Elvinia. Lalo pat nakararanas din siya ng panguhusga. mula sa ibang mga kaklase. Ano yung sinasabi ng mga kaklase mo pag nalaman nila na meron ka ng anak at meron ka na rin, nagbubuntis ka rin ngayon, nagdadalang tao? Ang urban, sir, kay Giselle, Ang uban po, nag-aaral sila nga nung eskwela pa mando po, kung nga boros man ko. So, ipasag na na po po po, sir, kaya gusto man ko po po nga makabot akong pangando, sir. Ang masasakit na salita, tinitiis ni Elvinia alang-alang sa pamilya. At ang kanyang determinasyon magbubunga na rin. Sa loob ng ilang araw, magtatapos na siya ng grade 10. Isang espesyal na okasyon na nangangailangan ng espesyal na paghahanda. Dumayo pa si Elvinia sa kabilang purok upang kunin ang bagong laba at bagong plansyang uniform. Pero habang naghahanda sa moving up at graduation ang ibang bata, Si Sarah, gusot sa pamilya ang kailangang plansyahin. Mula ng ikasal si Sarah at ang asawang si Lito, napapadalas daw ang kanilang pagtatalo. Tuwing may away mag-asawa sa komunidad na ito, isang tribal hearing ang ipinatatawag sa pangunguna ng Geseg o leader ng tribu. Nagiging agresibo raw si Lito sa tuwing nakakainom at minsan pa nga raw pinagbuhat niya ng kamay ang kanyang asawa. Nagkabaha ni iwan ni bibig sa gawrig. Yan kasi kapag naglalasing, magalit sa akin. Gamera akong istorya, masukoy siya. Tinampas niya ako ng kabaha ng bata dito sa mukha. Tapos umiiyak ako, tapos nagalit si mama. Nagpipipada ko rin si Malabi, hindi mo na lo, pero manila si Hindi mo na lo, kung gano'n mo malo, diyan na, pagano'n mo diyan, pabagal dunin. Pagano mo lang, pagal dunin, pagano'n mo pa dunin. Pinatawa ng parusa si Lito para sa kanyang pagkakasala. Isang buong baboy ang kanyang multa. Pabigat na parusa para sa kumikita lamang sa pagsasaka. Kasabay nito ang pangakong hindi na mauulit ang pananakit. Ano ba, ayusin niyo pa ba yung pagsasama niyo? Kailangan kasi magbago rin yung mga ibang ginagawa mo. Deli lamang. Mag-inom. Kaya mo yan? Ah, kaya. Kaya? Kakayanin? Kaya. E paano kung hindi magbabago si Lito? Ay iwanan. Handa kang gawin yan? Oo. Pag hindi siya nagbabago. Di tulad sa ibang bahagi ng Pilipinas, pinapayagan sa batas ng mga katutubong subanin ang opisyal na paghihiwalay ng ikinasal na mag-asawa. Sa madaling sabi, may divorce sa kanilang kultura. Kami sa kulturo sa tribo, kutob sa aming mahimo, hindi namin gusto na mag-tayon. Gusto namin silang gabayan. Pag hindi namin magkasinabot, tulak ang alan. Tulak. Absolute divorce. Pwede na mag-asawa. Uli. Bakit po sa tingin ninyo, mas okay na magkaroon ng divorce kesa hindi sila payagan na maghiwalay? Naman, kung ikaw, aming tanaw, kung ilang pamilya sigig-away, na may mga... Mga bungi na wala na kalinaw, hukumang yun ang tribal leader, ang chieftain, ang mga kasagay, ayaw pa'y magbulag na mo guys. Ang mga tribal healing, pagbibigay payo ng village elders, at kahit ang diborsyo sa ilang pagkakataon, bahagi ng tradisyon ng mga katutubo upang mapanatiling malusog ang buhay-pamilya sa kanilang mga pamayanan. Ngunit isang bagay ang pinupunah sa kanilang mga kaugalian, ang pagpapakasal sa mga bata. Giit ng isang Subanen tribal leader, matagal ng kaugalian. ang pagpapakasal ng mga bata sa kanilang komunidad. Bakit po ganun kabata? Palagi ako, kultura talaga, nakasanayan. Sa kadahilan na rin na malayo tayo, malayo kami sa... Bandang ibaba, kamikamera rito, mga bata noon pa magminyo na. Kumbaga wala masyadong oportunidad na gumawa ng ibang bagay. Wala masyadong oportunidad. Pero ngayon, meron ng batas na nagbabawal sa child marriage. Ang Republic Act 11596. Parurusahan ng multa at pagkakakulong ang sino mang magsasagawa nito. Gayon din ang mga edad 18 pataas na sinasabing nagkoko-habitate o nakikipag-live-in sa mga wala pa sa wastong gulang. December 2021 ito ipinasah, ngunit may palugit na isang taon bago tuluyang ipatukos. Sa mga Muslim at indigenous communities. Hindi daw sangayon si Giseg Abraham sa batas dahil lilikha raw ito ng gulo at kalituhan. sa mga katutubo. Binanggit niya ang Indigenous Peoples Rights Act o IPRA na nagsasabing dapat respetuhin ang kanilang mga kultura at kaugalian. Pero wala kami magawa, batas niya. Pero maninindigan kayo sa inyong... Oo talaga, maninindigan kami ang tribunal. Ngayon po na may batasan, ano po mangyayari sa tingin ninyo? Ako ato nalang paabotan sa umahit sa umabotan. Kaya kinisigurado ko Kung daghan nyo ng mga magminyo, ng mga lumad, dili wala ikuan, wala papil. Ang National Commission for Indigenous Peoples o NCIP ang ahensyang naatasan na makipag-dialogo sa mga katutubo habang nasa transitory period pa lang ang batas. Aminado silang mahirap itong ipatupad sa simula pero umaasa silang madadaan ito sa masinsinang pakikipag-usap sa mga apektadong komunidad. Para sa akin, kung bibigyan natin ng panahon, ang talagang atensyon na maipiliwanag ang batas sa kanila. At lalo na po yung ano yung kahalagahan, ano yung mga advantages. ito po ipapatupad sa mga ating IP communities. Sa palagay ko po ay maintindihan po nila lahat po. Okay. Oo. Ano po mangyayari pag merong lumabag sa batas? Kasama na po yun sa ipapaliwanag natin sa kanila na kung sino man yung lumabag sa batas ay mananagot. Yun po yun. Ang marahil nakagukulat, tutulman sa bagong batas, ang ibang tribal leader gaya ni Gesag Abraham hindi ni naman daw sangayon sa maagang pag-aasawa. Nakikita raw kasi niya ang di magandang mga epekto nito sa mga kabataan. Mapugus manggod ang mga bata sa murang edad niya na maningkamot na mabuhi niyang pamilya. Kung sa may mga tabo sa bata noon nga mo, buhion ang pamilya niya. Wala gawin dili makakuha at karabitawang trabaho na husto para makasuporta sa basic needs. Kaya ito lagi dito magbunglay kayo ang edukasyon. Music Kahit si Elvinia, na tila nasa isang maayos na pagsasama, Hindi rin daw inirekomenda ang maagang pagpapakasal kahit na kanino. Meron kang nakakabatang kapatid? Meron. Ilang taon na siya? Sixteen. Babae rin? Oo. Ano yung pinapaya mo sa kanya tungkol sa pagrelasyon, sa pag-aasawa? Pero ang batang nanay at asawa, walang panahon at walang dahilan para mahiya. Magtatapos na siya sa junior high school ngayong araw. Ano ba gagawin mo? Hindi ka pa tapos. Ano ka pa tapos? Paganda ka na! Hiya, hindi ka pa tapos? Ang mga teacher ni Elvinia, tuwang-tuwa sa nakamit na tagumpay ng kanilang estudyante. Kahit hindi raw alam ni Elvinia, nagsisilbi siyang inspirasyon sa iba pang bata na nasa parehong kalagayan. Studyante namin dito kahit na grade 7 pa lang, biglang nabalitaan na lang namin na nag-aasawa, na nakita namin sa Facebook, nagpo-post na lang, na nakagaw na, ano ba yan, parang nakakapanghina pag nalaman mo na yung mga studyante mo na maagang nag-aasawa. And therefore, you are entitled to receive certificate of completion. Congratulations. Nakaka-proud, nakaka-proud kasi yung mga kasama niya, sinasabihan ko yung mga classmates niya na giyahin niyo sa Elvinia kasi sa Elvinia gustong-gusto niya mag-aral kahit nag-asawa siya ng maaga. Kung bin Elvinia Ambay, Pimagas Katipunan, Sambuanga del Norte. Okay sir. Music Mas masaya pa sa inasahan ko, Sir. Talaga? Ano'y gagawin mo dito sa certificate mo? Lagyan ko ito nung picture ko. O, tapos anong ilalagay? Sa puwerto namin. Ayan. Anong klaseng sakripisyo ang kailangan para matapos mo yung pag-aaral mo hanggang college? Tingin mo ba magiging mahirap? Medyo sir, maraming lisod yun na sir. Kaya in-college na, dahil mayroon na, kulang may pambayad sir. Pero kakayanin mo ba? Disidido ka bang makaabot? Kutob sa akong mahimo sir, akong kayaan. Balag lisod. Hindi pa huli para abutin ni na Elvinia, Sarah at Rowelyn ang kanilang mga pangarap. Pero higit sa individual na determinasyon, kailangan nila ng tulong sa kanilang komunidad para magkaroon ng pangmatagalang pagbabago. Pagbabagong sila mismo ang magsusulong. Magandang gabi. Ako si Atom Maraulio at ito ang Eyewitness.