Mga sinaunang kabihasnan sa pangkontinenteng Timog Silangang Asya. Noong sinaunang panahon, ang mga Asyanong naninirahan sa mga lambak at ilog ay nalinang ang kanilang pamumuhay sa pamamagitan ng pangingisda at pagsasaka dahil sa kanilang kapaligiran. Mga paraan na nagbigay daan sa pagbuo ng konsepto ng kabihasnan na nagmula sa mga natutunan at naging kinagawian.
Ang kabihasnan ay masalimuot na pamumuhay sa lungsod na karaniwang nauugnay sa salitang sibilisasyon. Mula sa nakasanayan sa isang bagay, ay nagpapahayag na ang isang tao ay bihasana o magaling na sa larangang iyon. Sa kabilang banda, ang sibilisasyon ay tumutukoy sa mga pamayanan na umusbong sa mga lambak at ilog, gaya ng sumer, Indus at Siang. Gayunpaman, hindi nangangahulugan na ang lahat ng naninirahan sa mga lungsod ay sibilisado na o ang mga nasa labas na mga lungsod ay hindi sibilisado.
Ang pagkakaroon ng sibilisasyon ay nagmumula sa kakayahan ng isang lipunan na harapin at malampasan ang mga hamon ng kapaligiran. Ipinapakita nito ang apelidad ng tao Nabaguhin ang kanyang pamumuhay sa pamamagitan ng kanyang talino at lakas. Ang prosesong ito ay nagpapalago sa pagkataon ng isang individual.
Mayroon mga pangunahing elemento o batayang salit na naglalayong magkaroon ang isang kabiyasnan. Ito ay kinabibilangan ng pagkakaroon ng organisado at sentralisadong pamahalaan, masalimuot na relihiyon, espesyalisasyon sa mga gawaing pang-ekonomiya. Uring panlipunan, mataas na antas ng kaalaman sa teknolohiya, sining at arkitektura, pati na rin ang sistema ng pagsulat.
Ating kilalanin ang ilan sa mga sinaunang kabiasnan na nabuo sa pangkontinenteng Timog Silangang Asya. Mula sa pagiging isang pamayanan sa dulong bahagi ng Timog Vietnam, ay naging malakas ang kapangyarihan. ng kaharian ng Funan dahil sa tulong at impluensya ng kulturang Indian at China. Ang imperyo ng Angkor, na dating pinakamakapangyarihang lupain sa rehyon, ay kasalukuyang matatagpuan sa Kambodya.
Pinamumunuan ni Jayavaraman II na itinuring na pinakamalakas na pinuno ng mga Kimer. Ang Angkor Wat ang pinakadakilang templong ipinagawa sa panahong ito. Ito rin ang kinikilala na pinakamatanda at pinakamalaking istrakturang pang-arkitektura sa daigdig. Umusbong ang kaharian ng Pagan noong ikalabing isang siglo sa bansang Burma.
Ito ay may pamayanang agrikultural at may iba't ibang uri ng arkitektura. Malawak ang kanilang nasasakop na teritoryo. Marami ang mga naging mahusay na pinuno kagaya ni Anarauta at Kayanzita. Naging sentro ng buhay ng kaharian ang Terra Veda Buddhism.
Sa kalaunan ito ay humina at bumagsak dahil sa pagpasok ng mga thai. Ang Imperyo ng Tongu Ang Imperyo ng Tongu ang namunong dinastiya sa bansang Burma. Mula 1510 hanggang 1752, ang mga naunang hari ng dinastiya ay sinatabinsweti at bayinaong na nagtagumpay na mapag-isa ang imperyo ng pagan sa unang pagkakataon.
Sa rurok ng kanilang kapangyarihan ay naisama sa kanilang nasasakupan ang Manipur, mga estado ng Sian, Siam at Langkang. Bumagsak ang imperyo labing walong taon matapos ang pagkamatay ni bayinaong. Ang Dinastiyang Le ay ang pinakamahabang dinastiya na namuno sa bansang Vietnam.
Ito ay naitatag sa ilalim ng pamamuno ni Le Loi na nag-alsa at lumaban sa mapaniil na pamumuno ng Ming Dynasty. Sa pamamuno ng Dinastiyang Le ay napasa ilalim nila ang kaharian ng Champa. Maraming emperador ng Le ang nagpatupad ng mga patakaran na kakikitaan ng impluensya mula China. tulad ng pagsunod sa Konfusyanismo at pagpapatupad ng mga serbisyong sibil at batas. Ang kaharian ng Ayutthaya sa Thailand.
Itinayo ni Haring Yuthong at nagtatag ng Dharma Sastra, isang kodigon legal batay sa tradisyon ng Hindu at Thai. Naging pamantayan ito ng batas sa Thailand hanggang sa ikalabing walong siglo. Ang kanilang mga monumento at templo ay nagpapatunay ng ambag ng kaharian sa kasalukuyan.
Nagwakas ang kanilang pamamayag. pag sa kapangyarihan matapos ang sunod-sunod na pakikipagdigma sa bansang Burma. Mga sinaunang kabiasnan sa pangkontinenteng Timog Silangang Asya.