Transcript for:
Kwento ng Guro at Estudyante

Ang kwento ni Mabuti ni Genoveva Edroza Matute Hindi ko siya nakikita ngayon, ngunit sinasabi nilang naroon pa siya sa dating pinagtuturuan. Sa walang pintang paaralang, unakong kinakitaan sa kanya. Sa isa sa mga lumang silid sa ikalawang palapag, sa itaas ng lumang hagdang umiingit sa bawat hakbang. Doon sa kung manunungaw ay matatanaw ang maitim na tubig ng isang estero.

Naroon pa siya at nagtuturo ng mga kaalamang pang-aklat at bumubuhay ng isang uri ng karunungang sa kanya ko lamang natutuhan. Lagi ko siyang inuugnay sa karikta ng buhay, saan man sa kagandahan, sa tanawin, sa isang isipan o sa isang tunog kaya, makikita ko siya at ako'y lumiligaya. Ngunit walang anumang maganda sa kanyang anyo at sa kanyang buhay.

Siya ay isa sa mga pangkaraniwang guro noon. Walang sino mang nagukol sa kanya ng pansin. Mula sa kanyang pananamit hanggang sa paraan ng pagdadala niya ng mga pananagutan sa paaralan.

Walang masasabing anumang pangkaraniwan sa kanya. Siya ay tinatawag naming lahat na si Mabuti. kung siya'y nakatalikod. Ang salitang iyon ang simula ng halos lahat ng kanyang pagsasalita.

Iyon ang pumalit sa mga salitang hindi niya maalala kung minsan at nagiging pamuno sa mga sandaling pag-aalanganin. Sa isang paraang malirip, iyon ay naging salamin ng uri ng paniniwala sa buhay. Mabuti ang sasabihin niya. Ngayon ay magsisimula tayo sa araling ito.

Mabuti na mat, umabo tayo sa bahaging ito. Mabuti, mabuti. Hindi ako kailanman magtatapat sa kanya ng anuman, kung hindi lamang nahuli niya akong minsang lumuluha.

Nang hapong iyo'y iniluha ng bata kong puso ang pambata ring suliraming. Nooy magtatakip silim na at maliban sa pabugsubugsong hiyawan ng mga nagsipanood sa pagsasanay ng mga manlalaro ng paaralan. Ang buong paligid ay tahimik na.

Sa isang tagong sulok ng silid-aklatan, pinilit kong lutasin ang aking suliranin sa pagluha. Doon niya ako natagpuan. Mabuti't may tao pala rito. Wika niyang ikinukubli ang pag-aagam-agam sa narinig. Tila may suliranin.

Mabuti sana kung makatulong ako. Ibig kong tumakas sa kanya at huwag nang bumalik. pa kailanman.

Sa bata kong isipan ay ibinilang kong kahihiyan at kababaan ang pagkikita pa namin muli sa hinaharap. Pagkikitang magbabalik sa gunita ng hapong iyon. Ngunit hindi ako makakilo sa sinabi niya pagkatapos. Napatla ako na napaupong bigla sa katapat na luklukan. Hindi ko alam na may tao rito.

Naparito ako upang umiyak din. Hindi ako nakapangusap sa katapatang naulinig ko sa kanyang tinig. Nakababa ang kanyang paningin sa aking kandungan. Maya-maya pa'y nakita ko ang bahagyang ngiti sa kanyang labi.

Tinanganan niya ang aking mga kamay at narinig ko na lamang ang tinig sa pagtatapat sa suliraning sa palagay ko nooy siya ng pinakamabigat. Nakinig siya sa akin. At ngayon, sa paglingon ko sa pangyayaring iyo'y nagtataka ako kung ano'y nangyayari.

kung paanong napigil niya ang paghalakhak sa gayong kamusmos na bagay. Ngunit siya ay nakinig ng buong pagkaunawa at alam ko na ang pagmamalasakit niya ay tunay na matapat. Lumabas kaming magkasabay sa paaralan.

Ang panukalang naghihiwalay sa amin ay natatanaw na nang bigla akong makaalala. Siya nga pala, ma'am. Kayo.

Kayo nga pala. Ano ho yung... Pinunta niyo sa sulok na iyon na iniiyakan ko. Tumawa siya ng marahan at inulit ang mga salitang iyon.

Ang sulok na iyon na iniiyakan natin, nating dalawa. Nawala ang marahang halakhak sa kanyang tingin. Sana'y masabi ko sa'yo, ngunit ang suliranin, kailanman. Ang ibig kong sabihin ay, Maging higit na mabuti sana sa iyo ang buhay.

Si Mabuti naging isang bagong nilikha sa akin mula ng araw na iyon. Sa pagsasalita niya mula sa hapag, pagtatanong, sumagot, sa pagngiti niyang mabagal at mahihain niyang mangangiti sa amin. Sa paglalim ng kunot sa noon niya sa kanyang pagkayamot, naririnig kong muli ang mga yabag na palapit sa sulok na iyo ng silit aklatan.

Ang sulok na iyon, iniiyakan natin. Ang sinabi niya ng hapong iyon. At habang tumataginting sa silid namin ang kanyang tinig sa pagtuturoy, hinuhulaan ko ang dahilan o mga dahilan ng pagtungo niya sa sulok na iyon ng silid aklatan.

Hinuhulaan ko kung nagtungo pa siya roon sa aming sulok na iyong aming dalawa. At sapagkat natuklasan ko ang katotoha ng iyong tungkol sa kanya, Nagsimula akong magmasid, maghintay ng mga bakas ng kapaitan sa kanyang sinasabi. Ngunit sa tuwi na kasayahan, pananalig, pag-asa ang taglay niya sa aming silid-aralan.

Pinuno niya ng maririkit na guni-guni ang aming isipan at ng mga tunog ang aming pandemig. At natutuhan naming unti-unti ang kagandahan ng buhay. Bawat arali namin sa panitikan ay naging isang pagdighaus sa kauhawa namin sa kagandahan at ako'y humanga.

Wala iyon doon kanina. Ang masasabi ko sa aking sarili pagkatapos na maipadaman niya sa amin ang kagandahan ng buhay sa aming aralin at hindi naging akin ang pagtuklas na ito sa kariktan kundi pagkatapos na lamang ng pangyayaring iyon sa silid aklatan. Ang pananalig niya sa kalooban ng may kapal, sa sangkatauhan, Sa lahat na, isa sa mga pinakamatibay na aking nakilala, nakasasaling ng damdamin. Marahil ang pananalig niyang iyon ang nagpakita sa kanya ng kagandahan sa mga bagay na karaniwan na lamang sa amin ay walang kabuluhan. Hindi siya bumabanggit ng anuman tungkol sa kanyang sarili sa buong panahon ng pag-aaral namin sa kanya, ngunit bumabanggit siya tungkol sa kanyang anak na babae, sa tangi niyang anak.

ng paulit-ulit. Hindi rin siya bumabanggit sa amin kailanman tungkol sa ama ng batang iyon, ngunit dalawa sa mga kamag-aral namin ang nakababatid na siya'y hindi balo. Walang pag-aalinlangan ang lahat ng bagay at pangarap niyang maririkit ay nakapaligid sa batang iyon.

Isinalaysay niya sa amin ang katabilan niyon, ang paglaki ng mga pangarap niyon, ang nabubuong layunin niyon sa buhay. Minsan, Tila hindi namamalayang nakapagpapahayag ang aming guro ng isang pangamba. Ang pagkatakot niyang baka siya hindi umabot sa matatayog na pangarap ng kanyang anak.

Maliban sa iilan sa aming pangkat, paulit-ulit niyang pagbanggit sa kanyang anak ay iisa lamang ang mga bagay na pinagtitiisang pakinggan sapagkat walang paraang maiwasan iyon. Sa akin, ang bawat pagbanggit na iyon ay nagkakaroon ng kahulugan sapagkat Noon pa may nabubuo na sa aking isipan ang isang hinala. Sa kanyang magandang salaysay, ay nalalaman ang tungkol sa karawan ng kanyang anak.

Ang bagong kasuotan niyong may malaking lasong pula sa baywang, ang mga kaibigan niyong mga bata rin, ang kanilang mga handog. Ang anak niya'y anim na taong gulang na. Sa susunod na taon niya'y magsisimula na iyong mag-aral.

at ibig ng guro naming maging manggagamot ang kanyang anak at isang mabuting manggagamot. Nasa bahaging iyon ang pagsasalita ng aming guro ng isang bata sa aking likuran ang bumulong, Gaya ng kanyang ama. Narinig ng aming guro ang sinabing iyon ng batang lalaki at siya'y nagsalita, Oo, gaya ng kanyang ama, ang wika niya.

ngunit tumakas ang dugo sa kanyang mukha habang sumisilay ang isang pilit ng ngiti sa kanyang labi. Iyon ang una at huling pagbanggit sa aming klase ang tungkol sa ama ng batang may kaarawan. Matitiya ko noong may isang bagay ngang mali siya sa buhay niya. Mali siya ng ganun na lamang. At habang nakaupo ako sa aking luklukan, may dalawang dipa lamang ang layo sa kanya.

Kumirot ang puso ko sa pagnanasang lumapit sa kanya, tanganan ang kanyang mga kamay gaya ng ginawa niya ng hapong iyon sa sulok ng silid aklatan at hilinging magbukas ng dibdib sa aking. Marahil makagagaan sa kanyang damdamin kung may mapagtatapatan siyang isang tao man lamang. Ngunit ito ang sumupil sa pagnanasa kong yaon. Ang mga kamag-aral kong nakikinig ng walang anumang malasakit sa kanyang sinasabing oo gaya ng kanyang ama habang tumatakas ang dugo sa kanyang muka. Pagkatapos, may sinabi siyang hindi ko makakalimutan kailanman.

Tinignan niya ako ng buong tapang na pinipigil ang panginginig ng mga labi at sinabi ang ganito, Mabuti, mabuti gaya ng sasabihin itong iyon lamang nakararanas ng mga lihim na kalungkutan ang maaaring makakilala ng mga lihim na kaligayahan. Mabuti. At ngayon, magsimula sa ating araling.

Natiyak. ko noon gaya ng pagkakatiak ko ngayon na hindi akin ang mga pangungusap na iyon, ni sa aking mga pagsasalita, ni sa aking mga pagsusulat. Ngunit samantalang nakatitig siya sa akin ng umagang iyon, habang sinasabi niya ang pangungusap na iyon, nadam akong siya at ako ay isa.

At kami ay bahagi ng mga nilalang na sapagkat nakaranas ng mga likhim na kalungkutan. ay nakakikilala ng mga lihim na kaligayahan. At minsan pa, ng umagang iyon, habang unti-unting bumabalik ang dating kulay ng kanyang muka, muli niyang pinamalas ang mga natatagong kagandahan sa arali namin sa panitikan. Ang kariktan ng katapangan, ang kariktan ng pagpapatuloy anuman ang kulay ng buhay.

At ngayon, Ilang araw lamang ang nakararaan buhat ng mabalitaan ko ang tungkol sa pagpanaw ng manggagamot na iyon. Ang ama ng batang iyong marahil ay magiging isang manggagamot din balang araw, ay namatay at naburol ng dalawang gabi at dalawang araw sa isang bahay na hindi siyang tirahan ni Mabuti at ng kanyang anak. At naunawaan ko ang lahat sa hubad na katotohanan niyon at sa buong kalupitan niyon. ay naunawaan ko ang lahat.