Taong 1922, matibay na ang pananakop ng Estados Unidos sa Pilipinas. Ilang palatandaan ay makikita sa sistemang Amerikano ng pampublikong paaralan at pamahalaang ayon sa burokrasyang kanluranin. Sa mga lungsod, gaya ng Maynila, mga makabagong gusali at malalapad na lansangang daanan ng mga demotor na sasakyan.
Mga department store na puno ng mga inangkat na paninda mula sa Estados Unidos. Popular na ang panunood ng sine, pati na ang pagbabasa ng dyaryo at magazine. Ang mga opisina at mga taong may kaya ay may mga telepono at ponograpo na.
Maaari ng makinig sa mga isinaplakang musika. Sa taong ito, ipinanganak ang radyo sa bansa. Ito ang wika, awit, radyo at pananakop.
Nang magsimula ang broadcasting sa Pilipinas, dalawang taon pa lamang ang nakalilipas mula nang binuo ang kauna-unahang commercial radio station sa Estados Unidos noong 1920. ang KDKA. Sa Amerika, mabilis na kumalat ang pakikinig ng balita at musika sa pamamagitan ng bagong teknolohiya. Sa Maynila, nagtayo ang Ito ang Amerikanong si Henry Herman ng tatlong eksperimental na istasyon ng radyo.
Makaraan ng dalawang taon ay pinag-isa ito at tinawag na KZ-KZ. Bago natapos ang dekada ay tatlo na ang istasyon ng radyo sa bansa, dalawa sa Maynila at isa sa Cebu. Pagpatak ng dekada 30, lumago ang bagong industriya.
at tatlo pang istasyon ang nadagdag at sumahing papawid mula sa Maynila. Ikinatuwa ito ng mga Amerikanong administrador at negosyante, gayon din ng mga politikong Pilipino. Inasahang mararating ng radyo ang lahat ng sulok ng bansa na hindi kayang gawin ng dyaryo. at iba pang babasahin, lalo na ng tustusan ng pamahalaan ang paglalagay ng radyo sa mga plaza sa kapuluan.
Naging malaking tulong ito sa kolonyal na pangangasiwa sa bansa. Inisip din ng mga namuhunan na ang bagong industriya ng radyo ay posibleng mapagkakitaan ng malaki. Inasahan ang mga negosyante na malaki ang maitutulong nito sa kalakalan, lalo na't mabisang nagamit ang radyo sa advertising.
Malinaw ang layunin ng mananakop. Mabilis na papalaganap ng radyo ang wikang Ingles at kulturang Amerikano. Sa dyangang nakatulong ang radyo sa pagtanggap ng mga Pilipino sa wikang Ingles. Marahil higit pa itong naging mabisa kaysa pampublikong paaralan.
Tampok sa halos 70% ng mga panatuntunan ang iba't ibang uri ng musika, kabilang ang musikang pangsayaw at mga paligsahan sa pag-awi. May mga pagbasa ng mga tula at iba pang panitikan, mga dulang pang entablado at mga maiikling dulang katatawanan. May mga panayam at kahit na hindi nakikita ng mga tagapakilala, May mga programang naglalarawan ng mga paligsahan sa palakasan o sports.
May ilang minutong iniukol sa balita at paminsan-minsan ay may mga live coverage ng ilang okasyon, gaya ng pagbubukas ng sesyon ng National Assembly. Tinatayang isandaang oras ng programa bawat linggo ang kinailangang iproduce ng bawat isang istasyon. Nagpatugtog ng mga plaka ng musika at maging plaka ng mga buong programa mula sa Estados Unidos.
Noong dekada 30, ilang programa sa Estados Unidos ang direktang na i-broadcast sa Pilipinas nang magkaroon ng teknolohiyang shortwave. na kayang magbato ng signal ng radyo mula sa malalayong lugar. Kabilang sa mga koleksyon ng plaka na pinatugtog ng mga estasyon ng radyo, ang mga isinaplakang awiti ng mga Pilipinong mang-aawit.
Mula noong dekada 10, ang dalawang kumpanyang Victor Records at Columbia Records ay nagsaplaka ng ilang awiting bayan ng Pilipinas upang ibenta sa dumaraming mga Pilipino na nagtatrabaho sa malalaking asyenda sa California. Dinala ng Victor at Columbia ang ilan nating mang-aawit sa Estados Unidos upang mag-record o magsaplaka. Habang naroon ay umawit din ng live sa ilang estasyon ng radyo at doon sila ay nakagiliwan. Upang mabawi ang puhunan at higit pang kumita, ipinadala ng Victor at Columbia sa Pilipinas ang mga plakang nabanggit upang ibenta sa Erlanger and Gallinger Department Store na may-ari ng estasyong.
KZEG at gayon din sa Ibex Department Store na may-ari naman ng estasyong KZIB. Isa sa mga plakang ito ang awiting Ang Maya na inirecord ni Maria Carpena bandang panimula ng dekada 10 ang kauna-unahang plaka ng isang Pilipino. Ilan sa mga isinaplakang awitin ay may titik na pinaghalong Tagalog at Ingles.
Gaya ng masiglang awiting bayang Magtanim ay Dibiro, na may pamagat sa Ingles na Planting Rice. Ito ang unang plaka ng itinuring na reyna ng bodabil sa Pilipinas, si Katie de la Cruz. Subalit kulang ang mga isinaplakang awitin upang punan ang maraming oras sa himpapawid. Kaya namuhuna ng mga istasyon sa pagsasanay ng mga Pilipinong mang-aawit na magtanghal ng live sa radyo. Maliban sa mga mang-aawit at pianista, mga bandang Pilipino at minsan ay buong orkestra ang nagtanghal ng live sa himpapawid.
Di nagtagal ay sinanay rin sa wikang Ingles ang ilang Pilipino upang maging announcer. Mabilis na natutuhan ng mga Pilipino ang pag-awit ng mga popular na awitin mula sa Amerika, lalo na ang jazz. Pinakasikat sa pag-awit ng jazz sa radyo si Priscilla noong dekada 30, na tumanggap bawat linggo ng isandaang sulat mula sa mga tagahanga niya sa iba't ibang panig ng daigdig.
Dahil sa shortwave, rinig na ang ating mga programa sa labas ng bansa. Dahil naisahin papawid na ang mga plakang Pilipino galing sa Amerika, sumunod na ang pag-awit ng live ng Kundiman at iba pang awitin sa ibang wikang Pilipino sa radyo. Kisla mo ay ligay Ilan sa mga halimbawa ang kamuning ni Atang Delarama, bituinang sarswela, pakiusap ni Jose Moses Gild Santiago.
at Ay Kalisud ni Jovita Fuentes, na tanyag na opera singer sa Europa. Paglipas ng maraming taon, kapwa itinanghal si na Delarama at Fuentes na pambansang alagad ng sinig. Masiklang tinanggap ng mga tagapakinig ang mga Pilipinong mga awit at musikero at ang kundiman at mga awiting bayan.
Napansin ng direktor ng pambansang aklatan na si Teodoro M. Calao na mas maraming nabentang pyesa o music sheets ang Kundiman, Balitaw, Harana at iba pang awiting Pilipino kaysa pyesa ng jazz. Kaya kahit itinuring ng mga Amerikano ang radyo, bilang mabisang kasangkapan upang ipatanggap sa mga Pilipino ang kanilang pag-iisip, pananalita at gawin. na naig ang motibong kumita.
Mainit ang pagtanggap ng mga tagapakinig sa mga palatuntunang tampok ang musika at wikang Pilipino. Kalaunan, hindi nila napigilan ang pagdami ng mga himig Pilipino at mga mang-aawit, musikero, MC at iba pang broadcaster na gamit ang wikang Pilipino sa himpapawid. Noong kalagitnaan ng dekada 30, matibay na ang tindig ng mga programa sa wikang Tagalog sa radyo, bagamat Ingles pa rin ang wika ng maraming programa. Sa KZIB, 5 sa 6 na programang may advertiser ang nasa Tagalog.
Noong 1934, sumahimpa pa with sa KZRM ang programang Baladbasan on the Air. Tambok ang mga manunulat sa panitikang Tagalog. Sangayon sa Literary Song Movie Magazine, napakaraming nakinig sa balagtasan sa himpapawid, lalo na sa mga lalawigan. Sinimulang iproduce ang programa matapos itanghal si Jose Corazon de Jesus bilang hari ng balagtasan.
Isinaplaka rin ni de Jesus na tinawag ting Huseng Batute. ang kanyang mga tula at isinahimpapawid sa sarili niyang tinig, gaya ng ang pamana, ang pagbabalik, at ang manok kong bulik. Ang pamana.
Isang araw, ang ina ko nakita kong namamanglaw. Naglilinis ng marunis mga lumang katangkapan. Sa pilak ng kanyang buhok na higla ng katandaan, nakita kong ang maraming saonong kahirapan. Sa bandang dulo ng dekada 30, sumahimpa pawid sa KZRM ang programang Si Aling Juanang Mapag-impok, na iniukol para sa mga tagapakinig na kababaihan.
Tinalakay sa palatuntunan ang mga praktikal na paraan ng pagpapalakad ng isang sambahayang Pilipino, tulad ng pagbabadyet at pagpapalaki ng mga anak. Malaki ang papel ng mga tinatawag na block timers sa pagsasahimpapawid ng himig at wikang Pilipino. Mula pa noong mga unang taon ng radyo.
Karamihan ang advertising ay para sa mga bilihing inangkat mula sa Estados Unidos. Karaniwan ay binibili ng bawat advertiser ang buong programang tumatagal ng labindimang minuto. Sila rin ang nagpoproduce ng programa, na pabor sa istasyon upang hindi nagastusan ng istasyon ang pagproduce. Halos lahat ng programa ay nakabatay sa ganitong kasunduan na tinatakot.
Tawag natin ngayong block timing. Mga ahensya ng advertising ang mga naging unang block timer. Bumili sila ng oras sa himpapawid at nagproduce ng sariling programa. Taglay ang advertising ng mga produktong karaniwan ay gawang Pilipino.
Hindi naglaon ay natutuhan ng ilang pangkat Pilipino. na karamihan ay galing sa Baudabil, Comedia, Moromoro at Sarsuela na gamitin ang sistema ng block timing bilang bagong paraan ng paghahanap buhay. Maliliit na advertiser ang mga kliyente nila na hindi nag-sponsor ng buong programa kundi bumibili lamang ng ilang sandali. Halimbawa, 10 o 15 segundo sa halip na isang minuto.
Bawat patalastas. Malaya ang mga block timers sa pagbuo ng mga palatuntuna nila. Karaniwan ay sinunod ang kormula ng bodabil, na anila'y gustong-gusto ng mga tagapakingig. Isang karaniwang gawi ng mga mga awit sa mga palatuntunang ito ang ibahin ang mga minanang titik ng mga awiting bayan.
Isang halimbawa ang Chit-Chirit-Chit na isinaplaka ng komedyanting si Vicente Ocampo para sa Columbia at ibinatay sa awiting bayang Sit-Sirit-Sit. May taglay na paglaban sa dominanteng kultura ang mga awit na kung tawagin ay novelty songs. Pinaliktad ng mga awiting ito ang pino at mahimhing asal na ipinapayo ng mga lektyor sa radyo.
Naginusto ng mga Amerikano na iparinig sa mga Pilipino, gaya ng lektyor ni Susan Magalona tungkol sa wastong asal ng mga society girls. Isang halimbawa ang piliang awit ni Katie De La Cruz ang Saging Nipasin. Gamit ang himig ng I Don't Know Why I Just Do na pinasikat ni Annette Hanshaw at iba pang mga awit sa Amerika. Siguro ikaw, nagdang kay pasing, kaya't naiwan mo ang sabi. I don't know why, I love you like I do.
Gamit ang himig at maging wika ng popular na awiting Amerikano na Singing in the Rain, ngunit hinaluan ang Tagalog. Ano ba ang kakantahin mo? Ang kakantahin ko? Ito, pagkikin mo ha. Iginiit ni San Jose na mas gusto ng kabataan ang jazz at modernong musika.
Ngunit ayon kay Reyes hinahanap ng mga tagapakimig ang sarili nilang wika at himig. Yan ang kakantahin ko. Hindi ka na ba nagsawa sa kantar-ingli?
Kumanta ka naman minsan ng Tagalog. Pakinggan mo ang kakantahin ko at makihindiin ka sa... Hali nga.
Sa bandang huli ay nagdueto ang dalawa, gamit ang himig ng Singing in the Rain, ngunit habang umaawit si San Jose sa Ingles, lumalaban ang sabayan si Reyes sa Tagalog. Tila ikinubli ng biruan ng mag-asawang Andoy Balun-Balunan at Deli Atay-Atayan, ang taglay na matalas na protesta ng awit na pinamagatang Alila, na ipinahihiwatig ang kalagayang kolonya ng mga Pilipino. Itinulad ng alila sa awit ang kanyang kaapihan sa katayuan ng bayan. Ngunit nagbigay ng pag-asang giginhawa ang kanyang kalagayan na nagpapahiwatig ng pagbabago. Ang pagbabago tungo sa kalayaan ay nabigo nang sumiklab ang ikalawang tigmaang pandaigdig at nadamay ang Pilipinas sa pakikihamok.
Sa Europa, sinakop ng Alemania ang mga karatig na teritoryo. Samantalang sa Asia, sinakop ng Japon, nakaalyado ng Alemanya ang Timog-Silangang Asia, kabilang ang Pilipinas. Taong labinsyam at apatnaput-isa, bago sumalakay ang mga Japones sa bansa, isa pang istasyon ng radyo ang sumahing papawid sa Maynila, ang KZND, ang unang istasyon sa Pilipinas na itinayo ng pamahalaan.
Nag-broadcast ang KZND sa iba't ibang wika ng bansa, kabilang ang Tagalog, Ilocano, Pangasinan at Cebuano, at gayon din sa Ingles at Espanyol. Ilang buwan lang nagsahim papawil ang KZND bago nakarating sa Maynila ang mga lumulusob na mga Haponese. Ipinagiba ni General MacArthur ang lahat ng studio at kagamitan ng radyo upang hindi magamit ng kaaway. Tumakas si MacArthur at mga sundalong Pilipino at Amerikano sa bataan at korehidor, tangay si Pangulong Quezon.
Sa korehidor ay bigla ang itinayo ang Voice of Freedom. Bawat anunsyo sa Ingles ay may katumbas na salin sa Tagalog, na magkasunod na isinahimpapawid sa istasyong tinawag ding Tinig ng Kalayaan. Magiting na naging tinig ng mga hukbong Pilipino at Amerikano ang istasyon, hanggang maggapi sila ng hukbong Japones makaraan ang ilang buwan. Sa loob ng unang dalawang linggo ng taong labinsyam 42, naitayong muli ng mga hapones ang KZRH mula sa mga naiwang kagamitan ng istasyon. Mahalagang bahagi ang radios.
Sa pagtatangka ng mga Japones na hubugin ang kamalaya ng mga Pilipino, palayo sa kulturang Amerikano at pabalik sa kulturang Silanganin na nakabatay sa kulturang Japones. Sinikap nila ito. Ito sa pamamagitan ng mahigpit na pagbabantay sa mga produksyon ng radyo, teatro, pelikula, musika, sining biswal, panitikan, dyaryo at magazine, at maging sa mga itinuro sa mga paaralan.
Kabilang sa mga bagong patakarang kultural na pinairal ng mga Japones, ang pagtuturo ng wikang nihongo. Hinangad ng mga Japones na maging karanihan. Pag-amiwang wika o lingwa franca ang nihongo sa Pilipinas at pawiin ang wikang Ingles.
Inatasan ang Surianang Wikang Pampansa na pag-aralan ang mga wika sa Pilipinas at linangin at pagtibayin ang pambansang wika batay sa Tagalog. Hindi bago ang kautusan dahil nagawa na ito ni Quezon. Ngunit ang pagpapatupad nito sa panahon ng digmaan ay di hamak na mas mahigpit.
Subalit hindi agad matanggal ang Ingles dahil bihirang bihira sa mga Japones ang marunong magtagalog at lalong bihira ang Pilipinong marunong magnihonggo. Kaya ang wikang naispuksain, ang Ingles, ang naging kasangkapan upang magkaintindihan ang mga Japones at Pilipino. Itinuro ang wikang ni Hongo hindi lamang sa mga paaralan kundi maging sa radyo. Inilimbag din ang mga leksyon sa mga pahayagang Tribune, Taliba, at Lavanguardia.
Pinatunayan ang broadcaster na si Deli Magpayo, lalong kilala sa tawag na Tia Deli, ang papel na ginampanan ni Santos sa pagtuturo ng Tagalog sa radyo. Kabilang sa mga programa sa unang taon pa lamang ng radyo sa ilalim ng mga Japones ang mga balita sa Tagalog. May balita rin sa ibang wika gaya ng Cebuano at Hiligaynon, bukod sa Nihongo at Ingles. May mga pagsasadula ng kasaysayan.
mga dokumentaryo at mga programang musikal. Bukod sa musika ng mga Pilipino at Japon, pinatugtog din ang musikang klasiko mula sa Europa. Sa hanay ng mga musikang Tagalog, itinampok ang mga kundiman gaya ng mga komposisyon ni Nicanor Abelardo na inawit ni Tinay Arellano.
Sa isang artikulo sa diaryong La Vanguardia, inilarawan ang kundiman bilang pagpapakilala ng maramdamin at malumanay na ugali ng lahing Pilipino, nakabaligtaran ng jazz, na tinawag na maharot na ritmo para sa mga magagaslaw na sayaw. Kapansin-pansin ang kaibahan ng radyo noong panahon ng tigmaan sa panahon ng mga Amerikano. Naging seryoso, formal at nakayayamot ang mga programa. Isa sa mga hindi malilimutang palatuntunan ang radyo taiso, na itinampok ang tinig ng isang nagtuturo ng kalistenics o ehersisyo. Hindi man nilayo ng mga Japones na palakasin ang Tagalog at musikang Pilipino.
Ito ang hindi sinasadyang bunga ng kanilang patakaran. President Sergio Osmeña, in his speech, stresses the many problems of reconstruction facing the nation and holds forth the possibility of the Philippines soon attaining complete independence. Taong labinsyam, apatnaputpito.
Dalawang taon lamang matapos ang digmaan at wala pang isang taon makaraan ang deklarasyon. ng kalayaan mula sa Amerika. Isang bagong istasyon ng radyo, ang KZOK, ang nagsimulang mag-broadcast sa parehong Tagalog at Ingles. Sumunod ang mga istasyong KZFM, KZRH at KZPI sa Maynila at KZRC at KZBU sa Cebu na gumamit ng Cebuano sa mga programa.
Malinaw na naramdaman ang mga istasyon na hinahanap ng mga Pilipino na marinig ang sarili nilang wika sa radyo. Samantala, nakahanda na ang malalaking kumpanyang Amerikano na muling dagsain ng produkto nila ang Pilipinas. Malaking bahagi ng kanilang advertising ay inilagay sa radyo. Sila rin ang namuhunan at nagproduce ng bagong format sa radyo, ang soap opera o dramang panradyo na araw-araw napapakinggan at tuloy-tuloy ang kwento o kasaysayan.
Ang drama at mga palatuntunang magkahalong katatawanan at musika ang naging pinakamabisang advertiser ng mga pang-araw-araw na pangangailangan, gaya ng sabon at mantika. Upang akitin ang mamimiling mula sa lahat ng antas ekonomiko, ginamit sa mga palatuntunan ang wikang Tagalog higit sa Ingles. Tagalog din ang wikang ginamit ng iba pang palatuntunan pagkatapos ng digmaan. Kabilang ang mga paligsahan sa pag-awit, dramang katatawanan o sitkom, paligsahan sa talino, paligsahang palaro, kwentuhan at halo-halong format na tinawag na variety show.
Bumalik ang kwentong kutsero at ang balagtasan sa himpapawid. Gaya ng mga nakaraang dekada, na natiling mahalagang bahagi ng broadcasting ang musika. May mga koleksyon na ng plaka ang mga istasyon mula pa noong panahon ng Amerikano.
Ngunit mataas ang halaga ng mga plaka dahil kinailangang angkatin mula sa Estados Unidos ang karamihan dito. Kaya halos lahat ng musikang narinig sa himpapawid makaraan ng digmaan ay itinanghal ng live. Ngunit makaraan ang ilang taon, bumaba ang presyo ng mga plaka nang magbukas ang mga lokal na pagawaan nito na pag-aari ng mga Pilipino. Gumawa sila hindi lamang ng plaka ng mga Pilipinong musikero, kundi maging kopya ng mga plakang galing sa ibang bansa.
In the packaging area, you discover unlimited variety, the finest in sound and performance. Sa tulong ng radyo, sumikat ang maraming Pilipinong mga awit na karaniwang umawit sa Tagalog. Ang ilan naman ay umawit sa Ingles, Espanyol at Bisaya.
To our precious few Humaba ang oras na iniukol sa balita at komentaryo. Bunga ng karanasan sa pananakop ng mga Japones. Nasabik sa kapanipaniwalang balita at malayang talakayan ang mga tagapakinig.
Naramdaman ang mga tagapakinig na kailangan nilang matyagan ang mga pangyayari sa politika sa loob man o labas ng bansa. Dumami rin ang mga komentarista na bumatikos sa mga politiko, negosyante, mga organisasyong sibiko, mga reliyon, at maging sa presidente ng bansa. Tagalog ang gamit ng mga pinakatanyag na komentarista. Kinalugda ng mga tagapakinig ang mga komentaryo dahil ipinahiwatig nito na may kalayaan ng bumatikos sa radyo, di tulad noong mga nagdaang panahon. Sa labas ng kamainiraan, nang dumami ang estasyon ng radyo sa mga lalawigan, narinig sa himpapawid ang iba't ibang wika sa bansa.
Maging ang mga patalastas ay ginawan din ang versyon sa iba't ibang wikang Pilipino. Bukod dito, nagproduce ang mga estasyon sa labas ng Maynila ng orihinal na drama sa kanika nilang wika. Nakatulong ang imbensyon ng transistor sa paglago ng radyo sa pag-abot ng milyon-milyong tagapakinig matapos ang digmaan.
Narinig ang radyo sa kasuluk-sulukang bahagi ng bansa dahil bumagsak ang presyo nito. Lumiit at gumaan ang aparato. Baterya na lamang ang kinailangan upang paandarin ito at hindi na kailangang ikabit sa kuryente. Marahil ito rin ang dahilan kaya ang mahikit na dalawang dekada pagkaraan ng digmaan, hanggang bago ang Deklarasyon ng Batas Militar noong 1972, ang itinuturing na mga ginintoang taon ng radyo sa Pilipinas. Nagpapatuloy hanggang sa kasalukuyan ang pagsulong ng mga wikang sarili at musikang Pilipino sa broadcasting.
Hindi lamang sa radyo kundi sa telebisyon, at maging sa mga bagong media. Sa kabila ng pananatili at malaganap na paggamit ng Ingles bilang wika ng broadcasting. At hindi rin lamang Tagalog, ngayoy Filipino, kundi iba't ibang wika at hinig sa bansa. Higit ang pagkakintal ng wikang Ingles sa ating kamalayan kaysa Espanyol, at ang radyo ang maituturing na isa sa dahilan. Di lubos na nagtagumpay ang layuning gamitin ang radyo upang ipalit ang Ingles sa ating mga wika, at lalong bigo ang layuning ito sa panahon ng tigmaan.
Sa diyayatang mahirap kitilin ang wika at mga himig na kinagisnan, nahikit na lapat at tapat sa pagpapahayag ng damdamin at kaisipan ng kulturang kinamulatan.