Ang konsepto ng supply Ano nga ba ang supply? Ang supply ay tumutukoy sa dami ng produkto o servisyo na handa at kayang ipagbili ng mga producer sa iba't ibang presyo sa isang takdang panahon. Isinasaad ng batas ng supply na mayroong direkta o positibong ugnayan ang presyo sa quantity supplied ng isang produkto.
Kapag tumaas ang presyo, tumataas din ang dami ng produkto o servisyo na handa at kayang ipagbili. Kapag bumaba naman ang presyo, bumaba ba din ang dami ng produkto o serbisyo na handa at kayang ipagbili. Mahalagang isaisip na ang batas ng supply ay totoo at tama lamang kung walang ibang salik na nagbabago maliban sa presyo.
Ceteris paribus, all else remains the same. May tatlong paraan upang mailahad ang relasyon ng supply sa presyo. Ito ang supply schedule, supply function, at supply curve. Ang supply schedule ay isang talaan na nagpapakita ng dami ng produkto o servisyo na kaya at handang ipagbili ng producer sa iba't ibang presyo sa isang takdang panahon. Ito ay isang halimbawa ng supply schedule.
Nagpapakita ng dami ng produkto na kayang ipagbili ng producer sa iba't ibang presyo sa isang takdang panahon. Ngunit paano kung kulang ang mga datos ng supply schedule? Dito papasok ang supply function. Ang supply function ay isang matematikong paraan ng pagpapakita ng ugnayan ng presyo at quantity supplied.
Ito ay maaaring ipakita sa ganitong ekwesyon. QS is equals to C plus D times P, kung saan ang QS o quantity supplied ang tatayong dependent variable, at ang P o presyo ay ang independent variable. Ibig sabihin ito na ang pagbabago sa QS ay depende sa pagbabago ng P. C o intercept, bilang ng QS kung ang P ay zero. At D o slope, ay magpapakita naman ng pagbabago ng QS sa bawat pisong pagbabago ng presyo.
Ating kumpletuhin ang kulang na datos sa ating supply schedule gamit ang supply function na QS is equals to negative 80 plus 4 times P. Unahin natin ang puntong A kung saan ang value ng P ay 23 at nawawala ang value ng QS o quantity supplied. Upang makuha ang value ng QS sa puntong A, ipalit ang value ng P na 23. Negative 80 plus 4 times 23. Negative 80 plus 92, 12. Ang value ng QS sa puntong A ay 12. Ibig sabihin nito na ang mga producer ay handang magbenta ng labing dalawang piraso sa presyong 23 pesos. Ganun din ang gagawin para sa puntong B. Upang makuha ang value ng QS, ay gamitin ang supply function na QS is equals to negative 80 plus 4P.
Ipalit ang value ng P na 26, negative 80 plus 4 times 26, negative 80 plus 104, 24. Kaya mo na bang hanapin ang value ng QS sa puntong C? Gamitin pa rin ang supply function na QS is equals to negative 80 plus 4 times P. Parehas ba tayo ng naging kasagutan?
Kaiba sa naunang tatlong punto kung saan ang value ng QS ang nawawala. Sa puntong D, ang value ng P o presyo ang hinahanap. Upang maging akma, Ang ating supply function na Qs is equals to negative 80 plus 4 times P ay kailangan nating mag-transpose. Ang intercept na may value na negative 80 ay ating ililipat.
Matapos nito ay magsasagawa tayo ng cancellation. Ngayon ay mas madali na nating makukuha ang value ng P. Ipalit ang value ng QS na 56. 80 plus 56 divided by 4. 136 divided by 4 ay 34. Ibig sabihin nito na sa presyong 34 pesos ay handang magbenta ang mga producer ng 56 na piraso.
Ngayon ay ikaw naman ang sumubok na kumuha ng value ng P sa puntong E, kung saan ang value ng QS ay 72. Gamitin pa rin ang binagong supply function na P is equals to 80 plus QS over 4. Parehas ba tayo ng naging kasagutan? Ngayon ay talakayan naman natin ang supply curve. Ang supply curve ay isang grapikong pagsasalarawan ng ugnayan ng presyo at quantity supplied.
Paano nga ba ito maisasagawa? Ang mga datos mula sa supply schedule ay ipa-plot sa kwadrant 1 ng x at y axis. Ang presyo ay sa y axis o vertical line at ang quantity supplied ay sa x axis o horizontal line.
Unang i-plot ang puntong A, kunsaan ang value ng P o presyo ay 23. At QS o quantity supplied ay 12. Tingnan kung saan nagtagpo ang mga linya at lagyan ng marka. Isunod naman ang puntong B kung saan ang presyo ay 26 at quantity supplied ay 24. Tingnan kung saan nagtagpo ang mga linya at lagyan ng marka. Isunod ang puntong C, kunsaan ang presyo ay 31 at ang QS ay 44. Tingnan kunsaan nagtagpo ang mga linya at markahan.
Sunod ang puntong D, kunsaan ang P o presyo ay 34 at ang QS ay 56. Tingnan kunsaan nagtagpo ang mga linya at muling markahan. At panghuli ay ang puntong E kung saan ang value ng P o presyo ay 38 at QS o quantity supplied ay 72. Tingnan kung saan nagtagpo ang mga linya at lagyan ng marka. Pagdugtungin ang mga punto. Ito ang tinatawag nating supply curve o kurba ng supply. Ito ang tatlong paraan upang maipakita ang ugnayan ng presyo at quantity supplied.
Upang lalong mapagyaman ang inyong natutunan ay subukang kumpletuhin ang mga kulang na datos sa ating supply schedule gamit ang supply function na QS is equals to negative 280 plus 7 times P. at i-flat sa isang graph upang maipakita naman ang ating kurba ng supply. Ang konsepto ng supply.