Noong Renaissance period, muling nabasa ng mga Europeo ang mga akda ng mga sinaunang Griego at Romano ukol sa Agham, Astronomia at Matematika. Dahil dito, muling nabuhay ang interes at sigla sa pag-aaral ng Agham, Astronomia at Matematika sa 16th century Europe. Ang mga pangyayaring ito ay magbubunsod sa pagsisimula ng Scientific Revolution. Ang episode na ito ay bahagi ng ating series ukol sa panahon na transformasyon kaya make sure to subscribe to our YouTube channel to watch all of our videos.
Ano-ano nga ba ang mga pagbabagong hatid ng Scientific Revolution? Upang masagot ito, kinakailangan nating umakyat ng 10,000 kilometers patungo sa outer space. Si Ptolemy ng Roman period ang itinuturing na pinakadakilang astronomer ng sinaunang panahon. Sia ay naniniwala na ang daigdig ay ang sentro ng universe. Ang kanyang paniniwala ay isinama sa paniniwala ng Aristotel na ang mundo ay unique at may espesyal na kinalalagyan sa universe.
Ang pinagsamang pananaw ni Aristotel at Ptolemy kung saan ang mundo ay espesyal at nasa gitna ng universe ay tinatawag na geocentric model. Ang geocentric model ang naging batayan ng astronomy noong medieval age hanggang sa unang bahagi ng 16th century. Sa kasalukuyan, alam natin na mali ang geocentric model. Ngunit, paano nga ba nawala ang geocentric model?
Noong 1543, inilathala ni Niccolo Copernicus ang kanyang aklat na On the Revolution of the Heavenly Spheres. Sa aklat niyang ito, kanyang ipinakilala ang heliocentric model kung saan ang araw ang sentro ng universe. Ang heliocentric model ay lalong pinagtibay ng isang German na matematisyan, si Johannes Kepler.
Ginamit niya ang kanyang mga kalkulasyon upang patunayan na ang mundo ay wala sa sentro ng universe bagkus ang araw. Dahil sa kanyang pagpupunyagi, kanyang nailatag ang Law of Planetary Motion na magiging kundasyon ng mga karagdagang pag-aaral sa atin. sa astronomya sa mga susunod pang siglo. Bukod sa paniniwala na ang daigdig ang sentro ng universe, naniniwala din ang mga medieval scholars na ang mga heavenly bodies kagaya ng bituin, araw, at buwan ay mga bola ng ilaw at walang material substance kagaya ng sa ating daigdig. Gayunpaman, ito ay muling winasak ng pagunlad ng kaalaman noong scientific revolution.
Si Galileo Galilei ay isang matematisyan at nakilala sa kanyang inovasyon sa paggawa ng teleskope. Gamit ang teleskope, kanyang minatsyagan ang kalangitan at nadeskubre ang mga sumusunod. Marami sa mga heavenly bodies ay binubuo ng mga material substance at hindi lamang bola ng ilaw.
Kanya ring nakita ang mga bundok ng buwan, ang mga buwan ng Jupiter at mga sunspots ng araw. ng naglalakbay ang daigdig sa kanyang axis. Kanyang inilathala ang mga natuklasang ito sa aklat na The Starry Messenger. Gayunpaman, ito ay umani ng negatibong reaksyon sa simbahan. Dahil sa mga natuklasan ni Galileo at ang iba pang mga scientist, ang Ang tao ay wala na sa sentro ng universe, ang kalangitan ay hindi na isang banal na lugar kundi isang lugar ng material substance, at hindi na tayo kasing special kagaya ng ating inaakala.
Pinilit ng simbahan si Galileo na bawiin ang kanyang pahayag at siya ay isinailalim sa house arrest. Gayunpaman, si Galileo ay maituturing na mas mapalad. kung ikukumpara kay Giordano Bruno. Si Bruno ay isang katolikong pari na nagsabi na ang daigdig ay wala sa sentro ng universe. Karagdagan dito, sinabi din niya na ang daigdig ay bahagi lamang ng maliit na sistem, kung saan ang sistem na ito ay bahagi ng mas malaking sistem.
Dahil sa kanyang pahayag, siya ay sinunog ng buhay bilang isang erehe o heretic. Makalipas ng ilang siglo, napatunan si Giordano Bruno. na totoo ang mga sinasabi ng Giordano Bruno. Ang mundo ay bahagi ng solar system at ang solar system ay bahagi ng Milky Way, and so on and so forth.
Bagamat naging mariin ang simbahan sa paglaban sa mga kaisipan na labag sa kanyang turo, hindi ito naging sapat upang labanan ang paglaganap ng kaisipan noong Scientific Revolution. Noong 1642, ipinanganak ang isa sa pinakamahalagang scientific revolution. Sa kanyang aklat na isinulat na pinamagatang Principles of Natural Philosophy o mas kilala bilang prinsipya, kanyang ipinakilala sa mundo ang Three Laws of Motion at ang Law of Motion. gravitation. Ito ang pinakamahalagang ebidensya na kinakailangan upang maipaliwanag ang heliocentric model.
Bagamat nailarawan ni Copernicus, Kepler at Galileo ang paraan ng paggalaw ng mga heavenly bodies, ang universal law of gravitation at laws of motion ang nagpaliwanag kung bakit ganito ang paggalaw ng mga heavenly bodies. Sa susunod na video, ating pag-usapan ang mga pagbabagong dala ng scientific revolution sa medisina, chemistry, at pag-iisip ng tao. Kaya make sure to click the subscribe button and I'll see you on the next one.