Ito ang Team Agpalaya! Ako si Carlo. Gumagamit ako ng bato.
At ako ang adik ako. Addict sa'yo. Alam mo, palagi kong ginu-google maps yung bahay niyo. Number 31B, Palyokan West, Batangas City. At palagi, sa aking biyahe pa uwi, hindi maaaring hindi ako pipilit na dumungaw sa bintana ng jeep para masilip.
ang loob ng compound nyo. Tinatanong ko ang bintana ng iyong kwarto. Pinapangarap kung kailan mo kaya ako iimbitahan pumasok sa loob ng bahay nyo? Kailan mo kaya ako iimbitahan maging bahagi ng buhay mo?
Kailan mo kaya ako ipapakilala sa nanay at tatay mo? Eto po si Carlo, adik sa akin to. Pag di pa to tumikil pa, papakasalang ko to. Ako yung bodyguard na hindi bayad. Yung Angel de la Guardia hindi nakakalipad.
Ako ang pinakamasidhimong fan. Malahaw speaker Pantaleon Alvarez kay Duterte. Kahit mali na, susundan.
Ako ang anino mo sa school, sa gym, sa public library, sa church, sa mall, ultimo, sa pag-grocery. Sarap siguro ikwento sa mga magiging apo natin to, no? Kung paano nagsimula tayo sa pagsasalisihan sa mga pasilyo ng surf, breeze at... Tied.
Hanggang nauwi tayo sa'yo, may now kiss the bride. Pero sa tuwing mapapalapit ang pag-orbit ko sa'yo ng kahit ilang metro, may malakas kang gravity na humihila ng milyong-milyong asteroids at bumabagsak sila sa utak ko. Winawasa ka nga ang pagiging kalmado. Napapraning ako pa ng pag-ganito.
Para pag sinabi mo to, para pag tinanong mo kung ako nga yung naglalagay ng Graham Balls sa bag mo. Ganun lang talaga kasi sinasamba kita kaya kailangan may alay. Para pag tinawagan mo yung cellphone number na palagi nagte-text sa'yo ng kung ano-ano. Halimbawa, I think I shall never see a line as lovely as the line where the sky meets the sea.
Until I saw your kilay. Paano pag tinawagan mo yung cellphone number na palagi nagte-text sa'yo ng kung ano-ano at nag-ring yung cellphone ko sa harap mo? Paano kapag iyong nabisto na punong-puno ng mga saved images mula sa Facebook profile mo ang memory card ko? Paano pag ganito?
sinabi mo ito, para pag... Pasensya. Hindi ko naman motibo matakot ka sa mga text, sulat, saraha, at what-a-tops na natatanggap mo mula sa akin.
Hindi naman para maging sakit ako ng ulo mo o maging sanhinang di pagtulog mo. Kaya ako lang naman ginagawa lahat ng to para maramdam mo mong palagi may nagbibigay halaga sa'yo. Na sa malupit na mundong ito ay may isang ako, isang anino na bumabagtas sa bawat landas na nilalakaran mo at hindi ka papayagan masaktan. Kahit ikaw, sinasaktan mo ko. Oo, sinasaktan mo ko.
Sa mga pagwawalang kibo, sa mga pagsasawalang bahala, hindi porkesanay ka na hindi sa akin mag-reply, ay sanay na rin ako na hindi maghintay. At akala mo, hindi ko nakikita niyo mga love letter kong pinaghihirapan, dinidiretso mo lang sa basurahan? Sayang naman yung lettering.
Alam mo, minsan, minsan nilagay ko na lang doon, alamat ng saging, total, alam ko naman hindi mo rin babasahin. At akala mo, hindi ko natanaw na yung pinakiipunan kong isang tupperware ng Graham Balls ibinigay mo lang sa Badyaw. Ocho peso per peraso.
Sana stick-on na lang yung binigay ko sa'yo. Tinatawa. naku na nga lang madalas.
Pero oo. Pero oo, nasasaktan ako. February 4, Sabado, sinundan kita sa loob ng cinema 2, Guardians of the Galaxy.
Napaibig na rin akong bumili para, alam mo yun, masabi ko naman sa akin sarili na kahit minsan nakasama na kitang man. sa manuod ng sine. Kahit di tayo magkatabi, pumwesto ko sa silila exacto sa likuran mo. At nang naamoy ko ang malapiyang words back sa patalistas ng downy na halimuyak na mga bulaklak na bababalot sa'yo.
May kung anong baliw na ideya. Yung anit ko ay bumuka at parang cartoons may loobas na bumbilya. Ting!
Bakit ba hindi ko nalang sabihin sa'yo? Simulan na natin ang forever na to. Magkaalaman na. Alam mo hindi galito yung tipo mo sa lalaki na pagmamuka pero pagsiningkit mo ang iyong mga mata at tumihint ka ng konti pakaliwa.
Hindi ba? Hindi ba medyo Daniel Padilla? Pero bago ba ako nakapagsalita, may tumabi na sa'yo.
Ang bawat hakbang niya ay sigurado, para bang napag-usapan niyo na talaga na dito magtatagpo. Pamilyar sa akin ng lalaki ito. Parang kasama siya sa top 20 names ng mga lalaking itutumpa ko.
Ito yung mga pakboy na palaging pinupusuan yung DP mo Habang ang mga video sa pelikula ay tinatangkang ang kalawakan nila'y isalba Ay tinatangka kung magkaroon ng tapang Habang ang aing kalawakan ay sinasakot ng iba Hindi ba ito sakot ng anti-piracy law? Kapag ninakaw sa sinehan yung babaeng mahal mo? Hindi ko na natapos yung pelikula.
Hindi ko na natapos yung pelikula na malayang ko na lang dinila ko ng aking mga paa sa isang lugar na palagi ko naikita pero hindi pa nakakapunta. Number 31B, Palyokan West, Batanga City. Nag-over the bank ako sa compound nyo at ang lakas ng loob ko, kung meron man sa aking sisita, ay matigas yung alibi ko. Pokemon Go!
Sa impact na nga yung pagbagsak ay may kung anong humigpit na turnilyo. Hindi mo naman kailangan mauntog para matauhan. Minsan sapat nang mahulog sa taas na apat na metro.
Sa puntong yun, kung napagtanto na ang tanga-tanga ko. Dami-dami isda sa karagatan. Ba't nagpapaka-spicy sardines ako sa'yo?
Bakit ako naging isang ash na na-stack sa isang Pikachu? Na ang dami-dami kong pagpipilian pero palaging I choose you. Ang sayang lang ang effort, ang oras, ang limang piso, araw-araw na pag-agats, biwaks ko.
Ilang legendary poker mo na nakalampas sa akin, gagakasunod-sunod ko sa'yo. Kailangan ko maghabol. I gotta catch them all.
At dito nagsisimula ang kwento ng pagka-adi ko sa bato at ng pagre-rehab ng sarili ko mula sa pagkahibang sa'yo. So nagpaikot-ikot ako sa paligid-ligid ng bahay niyo. Selfie, ganyan.
Che-check kayo mga pinto. At natuklasan ko na bukas yung pintana ng banyo niya. at may nakapatong na bato, yung panghilod.
Kinuha ko to. Remembrance, souvenir, memento, contento. Nakuha ko dito.
Hindi ko man nakukuha yung kuso mo, nakukuha ko naman yung panghilod mo. Parang... Parang same thing lang din naman kasi parehas lang silang bato.
Kinakabahan lang talaga ako, kinakabahan lang talaga ako kapag gumagamit ako. Kasi bukod sa posibilidad na sa tatay mo pala to. Ang talagang punto nitong tula ay kung gaano kadali ang mapagkamalan sa mga panahon ito.
Ako si Carlo, gumagamit ako. gamit ako ng bato. Ang tanging hiling ko, pag isang araw lumabas sa balitan na tagpuan ang duguan kong katawang nakabulagta, hindi ka manahimik magkibit balikat o mag-iwas ng mata.
Dahil kung masakit na nga ang magmahal ng isang tao na hindi ka gusto, baby, mas masakit. ang mamatay sa isang bayang walang pakailangan sa'yo.