Ang Kahon ni Pandora Noong unang panahon, ang magkapatid na sina Prometheus at Epimetheus ay namuhay kasama ng mga Diyos at Diyosang Griego. Sila ay mga Titan, subalit sumanib sila sa mga Olimpian na pinamumunuan ng Diyos na si Zeus. Dahil ang panganay na si Prometheus ay may kakayahang makakita ng hinaharap at nabatid niyang sa huli ay tatalunin ng mga Olimpian ang mga Titan.
Dahil sa katapangang ipinakita ng magkapatid sa mga olimpian noong una, binigyan sila ni Zeus ng kapangyarihang lumikha ng mga nilalang para manirahan sa daigdig. Binigyan din sila ng kapangyarihang mabigyan ng kakayahang maproteksyonan ng mga nilalang. nilikha nila ang kanika nilang sarili subalit limitado lang ito sa mga maoon ng malikha. Si Epimetheus ang lumikha ng mga hayop.
Binigyan niya ng natatanging kakayahan ng bawat isa sa mga ito kabilang na ang kakayahang maprotektuhin ng kanika nilang sarili tulad ng pagbibigay ng pakpak, balahibo, tuka at iba pa. Si Prometheus naman ay lumikha ng mga tao, subalit dahil naging mas matagal siya ay naubos at wala nang naiwang pamprotekta sa kanila dahil na ipamigay ng lahat ni Epimetheus sa mga nilikha niya. Dito naisip ni Prometheus na humiling ng isang bagay na tanging mga diyos at diyosa lamang ang nakagagamit noong una.
Haring Sus, maaari po ba nating ipagamit ang apoy sa mga tao? Kakailanganin po nila ito sa kanilang proteksyon, sa paghahanda ng pagkain at upang mapanatili ang init sa panahon ng taglamig. Hindi maaari, ang dumadagundong na sagot ni Haring Zeus sa kanya.
Ang apoy ay para lamang sa mga Diyos at Diyosa. Huwag kang magkakamaling ipaggamit ito sa mga tao dahil makakamit mo ang isang matinding kaparusahan. Ang pagbabanta niya kay Prometheus.
Subalit umiral pa rin kay Prometheus ang pagmamalasakit sa mga tao dahil alam niyang labis nila itong kakailanganin. Kaya naman tinungo niya ang tirahan ni Hephaestus, ang Diyos ng Apoy at Apoy. at bulkan. Dito'y kumuha siya ng apoy ng walang paalam at ibinigay sa mga tao.
Itinuroy din niya sa kanila ang tamang paggamit nito. Dahil sa pagsuway na ito ay labis na nagalit si Zeus, kaya't isang matinding kaparusahan ang iginawad niya kay Prometheus. Ikinadena niya si Prometheus sa malayong kabundukan ng Kaukasus sa loob ng napakaraming taon.
Araw-araw Araw niyang pinapupunta ang kanyang Agila upang tukain ang atay ni Prometheus na muli rin namang bumabalik sa dati pagkatapos. Natigil lamang ang labis na pagpapahirap na ito nang mapatay ni Heracles ang Agila sa pamamagitan ng kanyang palaso kaya nakalaya si Prometheus. Subalit hindi dito natapos ang galit ni Zeus dahil naniniwala siyang dapat maparusahan ng sangkatauhan dahil sa pagtanggap nila ng handog napoy mula kay Prometheus.
Naisip niyang gamitin ang kapatid ni Prometheus na si Epimetheus para sa kanyang plano. Hiniling niya ang tulong ng Diyos na si Hephaestus sa paglikha ng isang babae mula sa luwad. Pagkalikha sa babae ay nagtulong-tulong ang mga diyos at diyosa sa pagbibigay ng mga hindi pangkaraniwang katangian sa dalaga. Ang diyosang si Athena ay nagbigay ng maningning niyang kasootang hinabi pa mula sa pinakamahuhusay na sutla at gintong sinulid.
Ipinutong din niya sa ulo ng babae ang tinuhog na pinakasariwang bulaklak, gayon din ang koronang purong ginto na sadyang ginawa ni Hephaestus para sa kanya. Ginawara naman siya ng hindi pangkaraniwang kagandahan ng Diyosang si Aphrodite. Ipinagkaloob naman ni Hermes sa kanya ang mapanghali ng katauhan subalit may mausisang kaisipan. Pinangalanan siyang Pandora ni Haring Zeus na ang kahulugan sa wikang Griego ay lahat ay handog, bago niya tinawag si Hermes para ihatid ang dalaga kay Epimetheus. Binalaan na dati pa ni Prometheus ang kapatid na huwag tatanggap ng anumang handog mula sa mga diyos at diyosa dahil tiyak nakapahamakan lamang ang dala nito.
Batid din ni Epimetheus na ang anumang manggagaling kay Zeus ay isang patibong, suba, Sabalit nang makita niya ang napakaganda at kahalihali ng si Pandora ay agad siyang umibig sa dalaga. Galak ang dulot sa kanya ng pagdating ng babae at hindi niya lubos maisip na ang isang nilalang nakasingganda ni Pandora ay maaaring magdulot ng anumang bagay na makasasama sa iba. Agad inihanda ang kasal ni na Epimetheus at Pandora na ikinatuwa ni Zeus dahil nangyayari ang lahat ayon sa kanyang mga plano. Bilang handog sa kanilang kasal, isang gininto ang kahon ang ipinadala ni Zeus.
May kalakip iyong susi at babalang nagsasabing, huwag itong bubuksan. Pinakiusapan ni Epimetheus si Pandora tungkol sa kahon. Pinakamamahal ko.
Maaari mong tingnan ang kahon, subalit nakikiusap ako sa iyong sundinang babala na huwag itong bubuksan. Sumang-ayo naman dito si Pandora. Itinago rin ni Epimetheus ang susi para hindi ito magamit sa pagbubukas ng kahon. Pinilit ni Pandora ang sundin ang lahat ng tagubili ni Epimetheus, subalit dahil likas siyang mausisa ay hindi siya mapakali hanggat hindi niya nababatid kung ano ang laman ng kahon. Sa tuwing makikita niya ito ay napapaisip siya ng magagamit.
magagandang bagay na maaaring laman ng kahon, kung may mga gintong alahas ba o naggagandahang sutla sa loob nito at kung bakit ito pinadala sa kanya pero hindi naman pwedeng buksan. Isang araw, maagang nagtungo si Epimetro. Epimetheus sa bukid at naiwang mag-isa si Pandora. Nakatitig siya sa kahon at tulad ng dati ay natutokso na namang buksan ito. Naalala niya ang bili ni Epimetheus kaya't ginawa niya ang makakaya para mapaglabanan ng toksong tila tumatawag sa kanya.
Hanggang sa pagtingala ay nakita niya ang susing isinabit pala ng asawa sa itaas na bahagi ng dingding ng kanilang tahanan. Dali-dali niyang kinuha ang susi. Susubukan ko lang kung ito nga ba ang susi. Susi, hindi ko bubuksa ng kahon.
Ipinasok niya ang susi sa susian at agad itong kumasya. Nakarinig siya ng click na ibig sabihin ay pwede niyang iangat ang takip nito. Sisilipin ko lang. Nanginginig ang kamay, mabilis ang tibok ng puso at abot-abot ang paghinga.
Dahan-dahan niyang iniangat ang takip ng kahon at sumilip ang laman nito. Huli na ang lahat. Pag angat pa lamang niya ng takip ay agad nagliparan palabas ang langit langkay-langkay ng mga itim na insektong kumakatawan sa iba't ibang uri ng kasamaan sa mundo. Tulad ng galit, ingit, kasamaan, digmaan, panibugho, gutom, kahirapan, kamatayan, at iba pa.
Lahat ng bagay na makasasama sa mundo ay napaalpas niya. Agad isinara ng nanlalambot na si Pandora ang kahon. Humahagulgul siya ng datna ng asawa.
Isang tingin lang ni Epimetheus ay nahulaan na niya ang nangyari. Umiiyak na ipinakita ni Pandora ang loob ng wala ng lamang kahon Subalit mula sa nakabukas na kahon ay lumipad ang isang maganda at maningning na munting insekto Ito ang espirito ng pag-asa Napakawalan ma ni Pandora ang lahat ng masasamang bagay sa mundo Ay nagawa rin niyang palabasin ng pag-asa na siyang humihilom sa anumang sakit na dulot ng mga naunang umalpas na masasamang bagay Subalit dahil mas huli niya itong napalabas, karaniwang huwang laging sa huli rin dumarating ang pag-asa. Kaya naman magpasa hanggang ngayon, kapag ang tao ay nakararanas ng sunod-sunod na problema o paghihirap, hindi nagtatagal at dumarating ang pag-asa upang magbigay lakas sa kanila na huwag magpatalo sa mga pagsubok at ituloy lang ang laban ng buhay.