Filipino 5, Quarter 3, Week 1 Milk Base Ang paksa ng ating aralin sa araw na ito ay Gamit ng pangabay at panguri sa paglalarawan Hello kids! It's me, Teacher Frelle! Don't forget to subscribe, like, and share.
And hit the notification bell for the latest video. You can also follow my Facebook page, Teacher Fel TV. Welcome back mga bata!
Sa araw na ito ay pag-aaralan natin sa asignaturang Filipino ang gamit ng pangabay at panguri sa paglalarawan. Ang ating most essential learning competencies ay Nagagamit ang pangabay sa paglalarawan ng kilos. at nagagamit ang pangabay at panguri sa paglalarawan. Inaasahan na pagkatapos ng araling ito ay matutukoy mo ang mga salitang naglalarawan at magagamit ang iba't ibang uri.
ng panguri at pangabay sa paglalarawan. Alam mo bang kulang ang isang pahayag kapag hindi ka nakapaglalarawan? Kailangan mong mailarawan ang mga bagay na iyong nakikita, naririnig, naaamoy, natitikman, at nahahawakan.
Ano nga ba ang panguri? Panguri. Ang panguri ay mga salitang nagbibigay turing o naglalarawan sa pangalan o panghalip.
Maaari nitong ilarawan ng isang tao, bagay, hayop, lugar o pangyayari. Narito ang mga halimbawa. Kulay, pula. Hitsura, maganda. Bilang, lima.
Laki, maliit. Dami, isang kaban. Hugis, Bilog Pansinin ang mga pangungusap na may panguri.
Una, pulang-pula ang nabiling damit ni Leo para sa nanay niya. Ang salitang panguri sa pangungusap na ito ay pulang-pula. Tumutukoy ito sa kulay. Ito ay nagbibigay turing o naglalarawan sa damit ni Leo. Pangalawa, sila ay limang magkakapatid.
Ang salitang panguri sa pangungusap na ito ay lima. Ito ay tumutukoy sa bilang at inilalarawan nito ang magkakapatid. Pangatlo, hugis-bilog ang tinapay na natanggap ng mga bata. Ang panguri sa pangungusap na ito ay hugis-bilog. Ito ay tumutukoy sa hugis at inilalarawan nito ang tinapay.
May tatlo. Tatlong uri ng panguri. Una ay ang panguring panlarawan.
Ito ang panguring naglalarawan sa kulay, hugis, laki, ugali at iba pang katangian ng pangalan o panghalip. Halimbawa, malaki ang dala niyang bag. Ang salitang naglalarawan sa pangusap na ito ay malaki at inilalarawan niya ang bag.
Pangalawa, panguring pantangin. Ito ang panguring nasaan nyo ng pangalang pantangi at naglalarawan ng pangalan. Nagsisimula ito sa malaking letra.
Halimbawa, Ang salitang naglalarawan dito ay At ang salitang Amerika ay salitang pantangi. Ito ay nagsisimula sa malaking letra. Ang pangatlong uri ng panguri naman ay ang panguring pamilang. Ito ang panguring naglalarawan sa bilang o dami ng pangalan o panghalip. Halimbawa, kumain ako ng tatlong pirasong itlog kanina.
Ang salitang naglalarawan dito ay ang tatlo. Inilalarawan nito ang bilang ng itlog. Ngayon naman ay alamin natin kung Ano ang pangabay?
Pangabay. Ang pangabay ay bahagi ng pananalitang naglalarawan kung paano, saan at kailan ginawa, ginagawa o gagawin ng kilos o galaw na isinasaad ng pandiwa. Ito ay mga salitang naglalarawan ng pandiwa, panguri o sa kapwa pangabay.
May iba't ibang uri ng pangabay. Una ay ang pangabay na pamaraan. Ito ay sumasagot sa tanong ng pangabay. na paano isinasagawa, isinagawa o isasagawa ang isang kilos.
Ginagamit itong panuring sa pandiwa, panguri at kapwa pangabay. Narito ang mga halimbawa. Si Gia ay taimtim na nananalangin para sa mga biktima ng COVID-19.
Paano nananalangin si Gia? Taimtim. Ang gamit nito ay panuring sa pandiwa.
Sumunod, sadyang masigla ang pananaw sa buhay ng tatay niya. Paano ang pananaw sa buhay ng tatay niya? Sadya.
Sadyang masigla. Ang gamit nito ay panuring sa panguri. Sumunod, talagang mabilis umunlad ang buhay ng mga taong matyatsaga. Paano umunlad ang buhay ng mga taong matyatsaga?
Talagang, talagang mabilis. Ang gamit nito ay panuring sa kapwa pangabay. Ang sumunod na manauri ng pangabay ay ang pangabay na panlunan. Ito ay sumasagot sa tanong na saan.
Isinasagawa, isinagawa o isasagawa ang isang kilos. Ito ay pinangungunahan ng katagang sa. Halimbawa, Ang malapalasyong bahay ay itinayo sa gilid ng bundok. Saan itinayo ang malapalasyong bahay?
Sa gilid ng bundok. Sumunod, sa paaralan ko natutuhan ang pagiging mapagbigay. Saan ko natutunan ang pagiging mapagbigay?
Sa paaralan. Kinuha ko sa kabinet ang aking mga lumang damit at laruan. Saan ko kinuha ang aking mga lumang damit at laruan? Sa kabinet.
At ang pangatlong uri ng pangabay ay ang pangabay na pamanahon. Ito ay sumasalimutan. sa tanong na kailan isinasagawa, isinagawa o isasagawa ang isang kilos. Halimbawa, darating ang aking bisita sa linggo ng umaga. Kailan darating ang aking mga bisita?
Sa linggo ng umaga. Taon-taon ay pumupunta kami sa Tagaytay upang mamasyal. Kailan kami pumupunta sa Tagaytay upang mamasyal? Taon-taon.
May Malakas ang lindol kagabi. Kailan ang lindol? Kagabi. Ang panguri at pangabay ay parehong mga salitang naglalarawan. Ang panguri ay naglalarawan sa mga pangalan at panghalip, samantalang ang pangabay naman ay naglalarawan sa pandiwa, panguri at isa pang pangabay.
Pansinin ang dalawang pangungusap sa iba ba na ginamitan ng pananampalataya. parehas na salitang naglalarawan. Sa A, mahusay ang bata sa matematika. Sa B naman, mahusay sumagot ang bata.
Ang salitang naglalarawan sa A ay mahusay. Ganon din, ang salitang naglalarawan sa B ay mahusay. Paano ba sila nagkakaiba? Sa A, ang salitang inilalarawan o binibigyang turing ay ang bata Sa B naman, ang salitang binibigyang turing ay ang sumagot Sa A, ang bata ay isang uri ng pangalan. Kaya, ang salitang mahusay dito ay isang uri ng panguri.
Dahil ang salitang panguri ay naglalarawan sa pangalan. Sa B naman, ang salitang sumagot ay isang uri ng pandiwa. Kapag inilalarawan ang pandiwa, ang salitang naglalarawan ay isang pangabay. Ang sumunod naman na halimbawa ay ang salitang... Sa A, malakas ang katawan ng mga manlalaro.
Sa B naman, hinila niya ng malakas ang tali. Sa A, ang salitang naglalarawan ay malakas. At sa B, ang salitang naglalarawan ay malakas.
Ngayon ay paano sila nagkakaiba? Sa A, ang salitang binibigyang turing o inilalarawan ng malakas ay ang katawan. Sa B naman, ang salitang binibigyang turing o inilalarawan ng malakas ay ang katawan. Sa A, ang katawan ay isang uri ng pangalan. Kaya, ang salitang malakas ay isang panguri.
Dahil ang panguri ay naglalarawan sa tao bagay hayop. Ngayon naman sa letter B, Ang hinila ay isang uri ng pandiwa. Kaya, ang salitang malakas ay isang uri ng pangabay.
Ang sumunod na halimbawa naman ay ang salitang mabilis. Sa A, mabilis sa pagsulat ang mga mag-aaral. B, tumakbus siya ng mabilis. Ang salitang naglalarawan sa A ay mabilis. Ganun din sa letter B.
B. Mabilis. Paano sila nagkakaiba? Ang salitang binibigyang turing o inilalarawan ng mabilis ay ang pagsulat. Sa B naman, ang salitang binibigyang turing o inilalarawan ng mabilis ay tumakbo.
Sa A, ang salitang pagsulat ay isang pangalan. Kaya ang salitang mabilis ay isang uri ng panguri dahil inilalarawan niya ang pangalan. Ngayon naman sa letter B, ang binibigyang turing o inilalarawan ng salitang mabilis ay ang tumakbo at ang tumakbo ay isang uri ng pandiwa.
Ang salitang mabilis ay isang uri ng pangabay dahil binibigyan niya ng turing ang pandiwa. Ngayon ay dumako na tayo sa pagsasanay bilang isa. Puna ng angkop na panguri ang puwang sa pangungusap. Piliin sa loob ng kahon ang sagot.
Para sa unang bilang, nagtutulong-tulong ang patlang pamilya sa pagtitipid sa kanilang tahanan. Ano ang angkop na panguri para sa pangungusap na ito? Tama!
Ang angkop na panguri sa pangungusap na ito ay ang angkop na panguri para sa pangungusap na ito. sa pangusap na ito ay buong. Nagtutulong-tulong ang buong pamilya sa pagtitipid sa kanilang tahanan.
Para naman sa pangalawang bilang, pinapatay nila ang ilaw kapag Kapag patlang naman ang silid o kung walang tao rito. Ano ang angkop na panguri para sa pangungusap na ito? Tama!
Ang angkop na panguri sa pangungusap na ito ay maliwanag. Pinapatay nila ang ilaw kapag maliwanag naman ang silid o kung walang tao rito. Para sa pangatlong bilang, Sulit na sulit ang sapatos na gawang patlang dahil abot kaya na. na matibay pa. Ano ang angkop na panguri para sa pangungusap na ito?
Tama! Ang angkop na panguri dito ay marikina. Sulit na sulit ang sapatos na gawang marikina dahil abot kaya na matibay pa.
Para naman sa pang-apat na bilang, upang walang masayang, nagluluto lamang sila ng pagkaing patlang para sa kanila. Ano ang angkop na panguri sa pangusap na ito? Tama!
Ang angkop na panguri sa pangungusap na ito ay sapat. Upang walang masayang, nagluluto lamang sila ng pagkaing sapat para sa kanila. At pang lima, tuwing bakasyon itinatabi ang mga patlang, lapis, pangkulay at ballpen na pwede pang gamitin sa darating na pasukan.
Ano ang angkop na panguri sa pangungusap na ito? Tama! Ang angkop na panguri sa pangusap na ito ay lumang. Ngayon naman ay dumako tayo sa pagsasanay bilang dalawa. Punan ng angkop na pangabay ang puwang sa pangungusap.
Piliin sa loob ng kahon ang sagot. Para sa unang bilang, ng patlang na ay umuwi na ang mga namasyal patlang. Ano ang mga angkop na pangabay sa pangungusap na ito?
Tama! Hating gabi Nang hating gabi na ay umuwi na ang mga namasyal sa parke. Para sa pangalawang bilang, pumunta ang tatay patlang upang mamingwit ng isda. Ano ang angkop na pangabay sa pangusap na ito? Tama!
Ang angkop na pangabay ay sa ilog. Pumunta ang tatay sa ilog upang mamingwit ng isda. Pangatlo, patlang ay namimitas ang nanay ng talong patlang. Ano ang mga angkop na pangabay sa pangusap na ito? Tama!
Ang mga ito ay Araw-araw Sa gulayan Araw-araw ay namimitas ang nanay ng talong sa gulayan. Pangapat, ano ang mga angkop na pangabay para sa pangusap na ito? Tama!
Ang mga angkop na pangabay sa pangusap na ito ay Masiglang sa Plaza, Lunes Masiglang nagpulong ang mga kabataan sa plaza noong Lunes At pang lima, patlang, nagtanim ng mga halamang bulaklakin si Gia Riz Patlang. Ang mga angkop na pangabay sa pangusap na ito ay, Kanina, nagtanim ng mga halamang bulaklakin si Gia Riz sa Bakuran. Para naman sa pagsasanay bilang tatlo, gamitin sa pangungusap ang sumusunod na salita bilang panguri at pangabay.
Ang mga salita ay una, matyaga, pangalawa, malinis, pangatlo, Masipag, Pangapat, Masaya at Panglima, Tahimik. Narito ang mga halimbawang pangungusap. Una, matsaga ang bata sa paggawa ng mga takdang aralin niya.
Ito ay panguri. Matsagang nagsusulat ang bata ng kanyang pangalan sa isang buong papel. Ito ay isang uri ng pangabay.
Para sa pangalawa, malinis. Malinis ang uniforme ng mag-aaral sa tuwing siya ay papasok. Ito ay isang uri ng panguri. Sobrang malinis siyang maglaba. Ito ay isang uri ng pangabay.
Pangatlo, masipag. Ang aking nanay ay masipag. Ito ay isang uri ng panguri.
Masipag maglinis ng katawan ang pusa. Ito naman ay isang uri ng pangabay. Sumunod, masaya. Masaya si Ana sa kanyang kaarawan.
Ito ay isang uri ng panguri. Sobrang masaya kapag buo ang pamilya. Ito naman ay isang uri ng pangabay.
At panglima, tahimik. Tahimik sa aming nayon. Ito ay panguri. Madalas tahimik lang siyang naglalaro.
Ito naman ay pangabay. At para sa pagsasanay bilang apat, pagmasdan ang larawan ng bulkang taal. Umisip ng tatlong panguri at dalawang pangabay na naglalarawan sa bulkang at gamitin ito sa pangungusap. Maari mong iugnay.
sa iyong mga pangungusap ang sariling karanasan mula ng sumabog ito hanggang sa kasalukuyang kalagayan nito. Kayo na lamang mga bata ang gumawa ng sarili ninyong pangungusap. Alam kong alam nyo na ang ating mga napag-aralan.
At narito ang larawan. Tandaan, ang panguri at pangabay ay parehong mga salitang naglalarawan. Ang panguri ay naglalarawan sa mga pangalan at panghalip, samantalang ang pangabay naman ay naglalarawan sa pandiwa, panguri, at isa pang pangabay.
Ayan mga bata, naunawaan nyo ba ang ating aralin sa araw na ito? Kung ganon, magaling! Mga bata, sana'y marami kayo natutunan sa ating aralin.
Hanggang sa susunod na video lesson, paalam!