Mga mahal po namin taga-subaybay, welcome pong muli sa programang ito ng Iglesia Ni Cristo, ang programang Pasugo. Patuloy po namin kayong inaanyayahan na subaybayan po ang gagawin naming pagtalakay na tiyak pong pakikinabangan nating lahat. Kaibigan, napakahalaga po na ang bawat sambahayan ay maging payapa at matatag.
Pero sino po kaya ang may pangunahing sagutin upang maging matatag at matibay ang sambahayan? Yan nga po ang tatalakay namin ng kapatid na Ron sa pamamagitan po ng pagtuturo ng Biblia. Pero bago po tayo magpatuloy ay panoorin po muna natin ito.
Nung binata po ako, basta sa akin po, pag mahababok, maganda eh. Kasi po nag-OJT ako sa munisipyo. Yun, naniligaw po siya, nagpupunta po siya sa bahay. Lagay ko po siyang pag-break time po namin, binibilog siyang merienda. Tapos minsan po, kakain kami dito sa labas.
Ang nagustuhan ko po kay Ka Alex, mabait siya ka responsable. Kinasal po kami March 11 po, 2000. Ang bilang ng mga reistradong kasal noong 2020 ay umabot lamang sa 240,775. Mas mababa ito ng 44.3% kumpara noong 2019. Ito rin ang pinakamababang bilang ng kasal mula noong 1970. Tumaas naman ang bilang ng mga pinipiling mag-live-in na lamang.
Subalit nananatili na may mga mag-asawa na ginagawa ang lahat para manatiling matatagang pagsasama. Ang totoo pa kasi, bago pa lang po nung kasal at nung hanggang nakasal na po kami, patuloy pa rin po yung pagsuyo ko. Kahit po sabihin simple lang ang buhay, mahirap, kahit sabihin wala pa eh, hindi po dapat alisin niyo eh.
Kasi marami pong kaparaanan eh. Hindi naman po lahat ng bagay eh, magpapakita natin dito sa pagbibigay ng mga material na bagay sa ating mga mahal sa buhay o lalo na sa ating kabiyak. Yung pong simpleng salita na maalala mo yun, sabihin mo sa kanya, pagpasalamat ka sa kanya, sabihin mo sa kanya mahal na mahal mo siya, yun po para sa akin, sapat na po yun. Sa takpo po ng mundo ngayon, ang talaga pong mahirap pakibagayan dahil nga po maraming mga, maraming kahirapan, suliranin, kalamidad. Isa po yan sa mga...
nagpapabigat sa pagdadala ng buhay ng mga mag-asawa. Ang masasabi ko lang po sa kanila ay huwag nila pong aalisin yung pagtitiwala sa magagawa ng ating Panginoon Diyos para sa ating sambahayan. Kasi po pag may mga solaranin o pamilya, lagi po namin Dinadaan sa panalangin po, pagingin ng tulong sa ating Panginoon Diyos.
Kasi po yan po yung talagang natutuhan ko sa pagiging Iglesia ni Kristo ko. Na ang pinakamabisang sandata sa mga soleran nila yung panalangin po. Panalangin, pagingin ng tulong sa ating Panginoon Diyos. Nabuklig ko kayo ng Ama, na lagi mong kasama sa hirap at ginawa. Kung may pagsubok ka na dumating.
Sa tunong po ng ama, siya po yung makakasolve lahat. Basta yung pananampalataya namin hindi po magpabago. Isa po yun sa sinumpaan po, nung ikasal po kami.
Na sa hirapan minamang magkasama kami. Kahit ano man sumapit sa buhay, kahit ano pang kahirapan, pagsubok. Dapat manatili tayo sa paglilingkot sa Diyos kasi doon lang tayo kukuha ng lakas.
Mananatili ang katatagan ng pagsasama ng mag-asawa kung ang kalooban ng Panginoong Diyos ang mangyayari sa kanila. Mga kaibigan, pinakahangad po ng lahat ang maging maligaya sa buhay. Kaya nga sinisikap po ng maraming tao na gawin ang lahat ng kaparaanan, kahit pa ang magsakripisyo, para maging maligaya sa buhay. At marami po ang maaaring kapatid na ro'n na makapagbigay ng kaligayahan sa tao. Subalit isang katotohanan po na sa kabila ng kagustuhan ng tao na hanapin ang...
tunay na makapagpapaligaya sa kanya, sa madalas po na pagkakataon ay nahuhulog siya sa kabiguan at kalungkutan. Totoo po yan kapatid na Aaron. At kung hinahangad nga ng sino man na kamtin ang tunay na kaligayahan, huwag sanang makalimutan na kailangang umugnay sa pangunahing pinagmumulan ng kasiyahan. Walang iba kundi ang ating Panginoon Diyos.
Kasi kapag ganito ang ginawa ng tao, makatitiyak ang tao na matatamu niya. Yung kaligayahan kanyang inaasam dahil nga ang Diyos ang nakaalam kung paano ito makakamta ng tao. Mga kaibigan po namin, kaya nga napakahalaga na masunurin ang lahat sa mga kalooban o kautusan po ng ating Panginoon Diyos. At ang isa nga po sa mga ginawa ng Panginoon Diyos para ang taong nilalang niya ay maging maligaya, itinatag niya ang pag-aasawa. Ang pag-aasawa po ay kagandahang loob na bigay ng ating Panginoon Diyos sa tao.
para maging maligaya. Subalit dahil po sa iba't ibang kadahilanan, tulad ng problema sa salapi, pagpapalaki sa mga anak, bisyo, infidelity o ang tinatawag na pagtataksil, problema sa in-laws, magkaibang paniniwala at iba pa, eh sa halip po na maging maligaya, eh nagiging malungkot ang pagsasama ng iba. bilang mag-asawa. At ang nakalulungkot pa rito, kapatid na Aaron, kasamang naapektuhan at nahihirapan ng mga anak. Kaya naging dahilan ito upang mawala ang katatagan, yung kapayapaan sa sambahayan.
Kaya ang ibang mga kabataan tuloy, inamumulat sa tinatawag na broken family, wasak yung kanilang pamilya. Totoo po yan, kapatid na Aaron. Ayon pa nga sa isang artikulo sa internet, ay isa po sa tatlong kabataan ang lumalaki na ang... kasama lamang nila ay ang kanilang single parent o kaya naman ay ang kanyang stepmom o kaya yung kanyang stepdad. Dahil iniwan na sila ng isa sa kanilang biological parent.
Kapatid na Ron, tulad nga po ng naitanong natin kanina, sino po ang may pangunahing pananagutan na gawing matatag at matibay ang kanyang sambahayan? Mabuti po ay pakinggan natin ang pagtuturo dito po sa Efeso 522. Hanggang 24, ganito po ang ating mababasa mga kaibigan. Pakinggan po ninyo. Mga babae, pasakop kayo sa inyo-inyong sariling asawa, na gaya ng sa Panginoon. Sapagkat ang lalaki ay pangulo ng kanyang asawa, gaya naman ni Kristo, na pangulo ng Iglesia, na siya rin ang tagapagligtas ng katawan.
Datapot kung paanong ang Iglesia ay nasasakop ni Kristo, ay gayon din naman ang mga babae ay pasakop. sa kani-kanyang asawa sa lahat ng mga bagay. Mga kaibigan po namin, ayon po sa ating binasa, ilang Pangulo po ng Sambahayan, ang mga ama ang may pangunahing saguti na gawing matatag at maligaya po ang kanilang Sambahayan. Magkakaroon po ng kapangyarihan ang ama sa kanyang Sambahayan kung maayos po niyang ginagampanan ang kanyang mga pananagutan.
Kaya mabuti po siguro, kapatid na Ron, ay sariwain po natin sa pamamagitan po ng Biblia. Ano po ang isa sa pananagutan ng mga ama ng tahanan, yung tatay, para ang kanyang sambahayan ay maging matatag at maligaya? Magandang tanong yan, kapatid na Ron.
Pero bago natin basahin ang sagot mula sa Biblia, ipaalala lamang natin sa ating mga taga-subaybay na hindi mabuti na ang isang lalaki ay naging isang ama. nang wala naman siyang asawa o kaya hindi dumaan sa itinatag ng ating Panginoon Diyos na pag-aasawa. Ngayon, mga kaibigan po namin, ang tanong po natin kanina, ang tanong ng kapatid na Aaron, ano po ang isa sa mga pananagutan ng ama o asawang lalaki?
Ganito po ang ating mababasa dito naman po sa Efeso 5, 25, 28 hanggang 29. Pakinggan po ninyo. Mga lalaki, ibigin ninyo ang inyo-inyong asawa. Gaya ng pag-ibig ni Kristo sa iglesia, inihandog niya ang kanyang buhay para rito.
Dapat mahalin ang lalaki ang kanika nilang asawa, tulad ng sarili nilang katawan. Ang lalaking nagmamahal sa kanyang asawa ay nagmamahal sa kanyang sarili. Walang taong namumuhi sa sarili niyang katawan, bagkos ito'y pinaka...
nakain at inaalagaan gaya ng ginagawa ni Kristo sa Iglesia. Mga kaibigan po namin, lalo na po sa mga lalaking may asawa na tulad namin ang kapatid na Aaron. Mga kaibigan, pakatandaan po sana natin ang aral na ito ng ating Panginoon Diyos para po sa mga lalaking may asawa.
Ang sabi po sa talata na ating binasa, mga lalaki, ibigin ninyo ang inyo-inyong asawa gaya ng pag-ibig ni Kristo sa Iglesia. Kapatid na Aaron, kapag ka ganito ang damdamin ng lalaki sa kanyang asawang babae, eh hindi niya tatratuhin ng masama ang kanyang asawa sa anumang kadahilanan. At sana po mga kaibigan ay napansin din po natin doon sa talatang binasa ng kapatid na Aaron na ang pag-ibig na dapat ipadama ng lalaki sa kanyang asawa ay tulad po ng pag-ibig ng Panginoong Yeso Cristo sa Iglesia na na gawa niyang ihandog ang kanyang buhay para rito. Mga kaibigan, kung magagawa rin ang lalaki na kung kinakailangan ay maibigay niya ang kanyang sariling buhay para sa kanyang asawa, eh lalo pong maibigay niya at makapaglalaan siya ng panahon para sa kanyang asawa at sa kanyang pamilya kahit pa po sabihin busy siya sa kanyang trabaho. Kaya kapatid na ron, lalo na po sa kalagayan ng mundo ngayon, talagang...
Damang-daman ng lahat ang pagdindi ng kahirapan ng buhay. Ngayon po, lalong kailangang-kailangan ng isang sambahayan ang matatag na pangunguna ng isang ama sa paraang hindi lamang naibibigay niya yung pangangailangang material ng kanyang pamilya, kundi naibibigay din po ng isang ama ang kanyang mahalagang panahon para sa kanila. Ano po kapatid na roon ang...
Dapat na matandaan ng lahat, lalo na po ng mga lalaking may asawa. Yung sinabi po sa talatang binasa natin kanina, yung pahayag ni Apostol Pablo na dapat mahalin ng lalaki ang kanyang asawa tulad ng sarili niyang katawan. Paano po ba yun? Binanggit din po sa talata kanina, walang taong namumuhi sa sarili niyang katawan bagkos ito'y pinakakain niya at kanyang inaalagaan. Mga kaibigan po namin, kaya kung paanong hindi po mapayag ang lalaki na siya ay masaktan?
Magkutom, magkasakit at mahirapan, ganun din po na hindi niya dapat payagang mangyari sa kanyang asawang babae. Hindi niya dapat taktan, gutumin at hayaang mahirapan at anumang katulad po nito. Kundi dapat niyang pinakakain, inaalagaan ang kanya pong asawa. Kapatid na eron, kaya nga napakahalaga sa isang lalaki na bago siya mag-asawa.
Nakahanda siya, hindi lang financially, mahalaga rin yung pagiging mature. Sapagkat siya po ang pinapananagot ng ating Panginoon Diyos, na magbigay ng pagkain at ng mga pangunahing pangangailangan, ang kanyang sambahayan, at magbigay ng proteksyon sa kanila. Ang lalaki po o ang ama, ang siyang main provider ng kanila pong sambahayan. Mga kaibigan, kapag ganito po ang lalaking may asawa, eh igagal lang po siya.
Hindi lamang ng kanyang asawa, kundi maging ng kanyang mga anak. Kaya kapatid na ron, ayon po sa Biblia, paano dapat pakitunguhan ng lalaki ang kanyang asawang babae? Mabuti po ay pakinggan natin ang pagtuturo.
Dito po sa 1 Pedro 3, ang talatay 7, pakinggan po ninyo. Kayo namang mga lalaki, pakitunguhan ninyong mabuti ang inyo-inyong asawa, sapagkat sila'y mahina at tulad ninyo'y... may karapatan din sa buhay na walang hanggang kaloob sa inyo ng Diyos.
Sa gayon, walang magiging sagabal sa inyong panalangin. Mga kaibigan po namin, ayon po sa talata na ating binasa, dapat pong pakitunguhang mabuti ng mga lalaki ang kanikanilang asawa. Bakit po? Sapagkat sila niya ay mahina. Totoo po ito, di ho ba?
Kaya dapat andun lagi ang pagsasaalang-alang ng lalaki. sa kanya pong asawa. Di ba kapatid na Eron? Sana maalala po ng lahat ng lalaking may asawa na ang babae na kanyang pinakasalan ay pinalaki, di ba? Pinaruga, minahal, at pinahalagahan ng kanyang mga magulang.
Kaya wala siyang karapatan eh. Di ba? Natratuhin niya ito ng masama. Dapat ay inuunawa, inaalalayan niya ito lagi, lalo na sa pagharap sa mga hamon ng buhay.
Kaya nga mga kaibigan, kapag maganda ang trato ng lalaki, Sa kanyang asawang babae, e napatutunayan po ng babae na mahal na mahal nga siya ng kanyang asawa. Kaya naman, mahal na mahal din niya ang kanyang mister. Kaya nga kapatid na ron kung tama man po na ang lalaki.
ang leader o pangulo ng kanyang sambahayan. Pero hindi po pala dapat na parang diktador o mapangalipin. Kaya kapatid na iroon, tama yung ginagawa ng maraming mga kalalakihan, na kung sila man bilang pangulo ng sambahayan, ang may pinal na desisyon sa pamilya, pero kinukonsulta at kinukonsider din nila lagi yung opinion ng kanilang asawa. Kasama ito sa mabuting pakikitungo sa asawa. Maring makaluma rin po yung...
magbukas ng pinto para sa kanyang asawa o kaya ay umalalay sa pagupo sa silya ng kanyang asawa. Ngunit, nagpapakaitapo ito ng pagpipitagan at paggalang sa kanyang asawa. At ito, kapatid na ron, ay hindi sa umpisa lang ng pagsasama gagawin, kundi panghabang buhay.
Kasi yung iba, baka sa umpisa lang yung ginagawa, pero nung magtagal yung kanilang pagsasama, hindi na ginagawa. Ano po? Tama yun.
Dapat din na ina-appreciate ng lalaki yung ginagawa ng kanyang asawang babae para sa kanya. Ang totoo, kapatid na Aaron, nakikinig ang mga misis sa atin sa ginagawa po nating pagsuwaybay. Hindi madali yung kanilang gampanin sa loob ng tahanan sa araw-araw. Yun nga lang lagi nilang pag-gising ng maaga, sa umaga para ipaghanda ng pagkain, ng damit, ng isusuot sa pagpasok sa trabaho at sa eskwela yung kanilang mag-aama. Eh, hindi madali yun, di ba?
Ang totoo nga, maraming ulirang asawang babae, sila yung unang gumigising para maghanda ng mga pangangailangan ng asawa at ng mga anak. Sila pa yung huling matutulog dahil marami pa silang aasikasuhi. Totoo po yan, kapatid na Ron. At maindagdag ko lang, kapatid na Ron, di po ba yung mga employee, kapag ka sila ay nagtrabaho ng mabuti, binibigyan sila ng incentives, ng bonus ng kanilang kumpanyang pinagtatrabahuhan. E nakikita naman po ng mga mister kung gaano kasipag ang kanilang mga misis.
Hindi po ba maganda rin na meron silang matanggap na incentives? Tama yun, diba? Halimbawa, uwian natin sila ng paborito nila.
Karaniwan na yung gustong-gusto nilang chocolates, diba? Bulaklak, di ba sama yun? Gaya ng lagi mong ipinapasalubong sa inyong asawa, diba kapatid na Aaron?
At ano pa ba yung magandang ibigay sa kanila, kapatid na Ero? Eh, pwede rin natin silang ipag-shopping, kapatid na Ron. Halimbawa, damit o yung mga bagay na gustong-gusto nila.
May mga ibang gusto rin, yung ating mga misis, maka kailangan nila. At gusto nilang pag-ipunan, mahalaga rin na bibigyan natin sila ng extra allowance. At bukod po sa material na bagay, ay tama rin po na laging...
kinariringgan ang mga lalaki ng kanilang asawa ng mga matatamis na salita o words of appreciation. Purihin po natin sila sa kanilang kasipagan at pagsisikap. Tama yun kasi kahit yung mga maliliit na bagay, hindi naman ibig sabihin ay laging merong kandala, di ba? Pero yung mga simple, yung mga mumunti na alaala na pwede natin ipagkalaup sa ating mga asawa, di ba?
Ay napakalaking bagay at napakasarap. para sa pakiramdam nila. Mga kaibigan po namin, alam po ninyo, marami pa tayong masasabing mga pamamaraan upang maipakita at maipadama natin sa ating asawa ang ating maayos na pakikitungo sa kanila. Tanda ng ating pagmamahal sa kanila.
Deserve po nila ang mga ito, mga kaibigan. Ipagkaloob natin sa kanila ang mga bagay na makapagpapasaya po sa kanila. Ika nga, di ba? Happy wife, happy life.
Kapag ka ganito po, katamis. Ang pagsasama ng mag-asawa, tiyak ang isang maligayang pamilya sapagkat maging ang mga anak magiging maligaya dahil sa nakikita nilang maligaya, matagumpay ang pagsasama ng kanilang mga magula. Pero kapatid na Ron, hindi lang ang mga lalaki ang may pananagutan sa kanilang asawa.
Meron din pong pananagutan ang mga babae. Ano naman po ang pananagutan ng mga babae sa kanilang asawa? Pakinggan po natin ang nakasulat. Ito naman sa Tito 2, ang talata po ay 4. Subaybayan po ninyo ito, mga kaibigan po namin.
Upang kanilang maturuan ang mga babaeng may kabataan na magsiibig sa kanikanyang asawa, magsiibig sa kanilang mga anak, manggagpakahinahon. Mga kaibigan, kung paano pong dapat na ipadama ng lalaki ang kanyang pag-ibig sa kanyang asawa? Pananagutan din po ito ng babae sa kanyang asawa. Ito po ang masamang mawala sa pagsasama ng mag-asawa, yung pag-iibigan.
Masama na habang tumatagal ang kanilang pagsasama, ay lumalamig ang pagtitinginan po nila sa isa't isa. Kaya mahalaga rin po na naipadaraman ang asawang babae ang kanyang pagmamahal sa kanyang asawang lalaki. Sa salitaman, kagaya ng binanggit kanina, yung tinatawag na words of grace.
attitude and appreciation. Simpleng, mahal kita, ingat ka lagi, salamat sa pagmamahal, at iba pa. Bukod po dyan, kapatid na Ron, ano po ang isang katunayan ng pag-ibig ng babae sa kanyang asawa?
Basahin naman po natin ang nakasulat dito po sa Efeso 522, ganito po ang ating mababasa. Mga babae, pasakop kayo sa inyo-inyong sariling asawa na gaya ng sa Panginoon. Mga kaibigan po namin, lalo na po sa mga kababaihang may asawa na viewers po namin ngayon, ito po tanong namin sa inyo. Kinikilala po ba ninyo ang pagkapangulo ng inyong asawa sa tahanan at sinusunod po ang pagpapasya nito? Dinanggit po sa atin kanina, may mga bagay na dapat pagdesisyonan sa tahanan.
Mahalaga pong pinag-uusapan ito ng mag-asawa. Nagsishare sila ng kanika nilang opinion tungkol po dito. Subalit, namamalagi po, tandaan ninyo na ang may pinal na disisyon ay ang... ama ng sambahayan.
At dapat po ito na iginagalang ng ina ng tahanan. Masama po pala, kapatid na Ron, yung laging kinokontra yung pasya ng asawang lalaki. Kaya ano po ang isa sa dapat gawin ng asawang babae para manatiling maalab ang kanilang pagmamahalan at pag-iibigan. Ganito naman po ang pagtuturo sa atin. Ito po sa unang Pedro 3, 3 hanggang 4. Ganito po ang ating mababasa.
Ang inyong ganday huwag maging sa kagayakang panlabas lamang, paris ng pag-aayos ng buhok at pagsusot ng mga gintong hiyas at mamahaling damit. Sa halip, pagyamanin ninyo ang gandang natatago sa kaibutura ng puso, ang gandang walang kupas, nalikha ng mayumi at mahinhing diwa at lubhang mahalaga sa mata ng Diyos. Mga kaibigan po namin, lalo na po sa mga kababaihang may asawa na, Na viewers po namin ngayon, nanonood sa amin ngayon, may tanong po kami uli sa inyo, pinangangalagaan at iniingatan po ba ninyo ang inyong pisikal na kaanyuan upang laging maging kaakit-akit sa inyong asawa? Ang kapabayaan po kasi at kawalang kaayusan sa sarili ay nakapagpapalamig po sa pagtingin ng asawa.
Kung paanong masipag po sa tahanan, tama yun. Sa gawaing bahay, tama po yun. E dapat masipag din naman po. sa pag-aayos ng sarili.
Ubalit, hindi po ang panlabas na kaanyuan lang ang dapat paunla rin ng babae. Higit po sa lahat ay ang kagandahang loob, ang mabuti at magandang pag-uugali. Sabi nga po sa Biblia, ang gandang natatago sa kaibuturan ng puso.
Ano po kapatid na ron ang isa sa mga katangian na dapat taglayin ng babaeng may asawa? para maging maayos ang pamumuhay ng kanilang sambahayan. Ganito po ang ating mababasa dito po sa Kawikaan 31-27. Ganito po ang ating maririnig.
Sinusubaybayan niyang mabuti ang kanyang sambahayan at hindi tumitigil sa paggawa araw-araw. Kaya ang ina po ng tahanan, dapat na may malaking panahon para subaybayan po ang lahat ng kanyang mga anak. Maaring ang iba po sa inyo ay naghahanap buhay para makatulong sa inyong asawa. Upang matugunan ang pangangailangan ng inyong sambahayan. Subalit, tandaan po natin, hindi lamang po ang kailangan ng ating mga anak ay pagkain, damit, tahanan at edukasyon.
Kailangan din po silang gabayan upang matuto ng kanilang wastong pag-uugali. Napakahalaga po sa ikatatag ng pagsasama ng mag-asawa at ng kanilang sambahayan na masunod ng lalaki at ng babae ang kanilang mga pananagutan. Gaya po ng... Narinig nating pagtuturo ng Biblia.
Pinakahangad po namin na kahit sa panahon nating ito, na tayo ay dumaraan sa matinding pagsubok sa buhay, bunga po ng pandemyang ito, makaaasa naman tayo na ang ating sambahayan ay nakapamumuhay ng payapa at maligaya sa ilalim ng mga biyaya at pagpapala ng makapangyarihan at mapagmahal na Diyos. Muli po! Maraming maraming salamat po sa inyong ginawang pagsubaybay sa palatuntunang ito ng Iglesia Ni Cristo.
Pero bago po tayo tuluyang matapos, inaanyayahan po namin kayo sa isang panalangin. Panginoon po namin Diyos. Magalang po kaming lumalapit sa iyo. Salamat po ng maraming marami sa iyo, Ama. Muli mo pong kinasangkapan ang programang ito para maituro namin ang kahalagahan ng iyong mga dakilang katotohanan.
Ito'y kagandahang loob mo po sa amin para maging karapat dapat kami sa iyo at magtamo kami ng iyong mga pagpapala. Ngayon, muli mo pong ipinaunawa sa bawat isa sa amin ang kahalagahan ng pananagutan ng bawat isa, ang kahalagahan ng pagsunod at magawa ng lalaki at babae na kanilang pananagutan sa kanilang asawa. upang ang kanilang sambahayan ay maging payapa, matatag, at punong-puno ng iyong mga pagpapala, upang maging karapat dapat kami, lalo na sa paglilingkod po sa iyo. Pakibasbasan mo po ang bawat isa sa amin, lalo na po ang aming mga manonood, ang aming mga mahal na tagasubaybay.
Tulungan mo po kami, Ama, magawa namin ang aming pananagutan sa kanikanyang asawa. Upang maging matatagang pagsasama ng bawat isa. Sa panahon po ng pagsubok at kahirapan, takbuhan namin ang aming pamilya. Pero higit po sa lahat, Ama, sa iyo po kami lalapit. Upang humingi ng tulong at saklolo, maanong ipagkaloob mo po ang pangangailangan ng aming sambahayan.
Higit sa lahat, ipagkaloob mo sa amin ang lubos na pagkaunawa sa iyong mga dakilang katotohanan. sapagkat ito po ang ikapagtatamo namin ng kaligtasan. Igit po sa aming pakibasbasan mo, ang kapatid na Eduardo Manalo, ang aming tagapamahalang pangkalahatan, alang-alang po sa aming ginagawang paglilingkod.
Maghalang po namin hinihiling ang lahat sa pangalan po ng aming Panginoong Heso Kristo. Amen.