Hi guys! Welcome to my channel. Ako nga pala si Eric, isa po akong professional driver at nag-training din po ako ng defensive driving technique.
Ngayon po, ako po ay magtuturo sa inyo kung paano po magmaneho ng automatic transmission. So bagong lahat, ituturo ko rin muna sa inyo kung ano po ang tamang gawin bago po kayo magmaneho o patakboy ng inyong sasakyan. Okay? Bago kayo sumukay ng sasakyan guys. Iikutan nyo muna yung kotse nyo or ano pa mang sasakyan na inyong gagamitin.
I-check nyo muna yung paligid baka mamaya mayroong ako na nakakalso doon sa mga gulong or flat yung gulong ninyo or may mga nakadikit na ibang bagay sa sasakyan nyo. Para, bago po kayo umalis or umatras man kayo o umabante, wala pong nakakalso sa ilalim, wala pong nakasandal sa likod ng kotse nyo or sa gilid man or sa Pagkabilang gilid. Malinis po dapat ang paligid, pati yung ilalim.
Bago po kayo, pumasok na inyong kotse. Sa loob ng sasakyan, check nyo muna unang-una ang inyong upuan. Dapat po, sakto lang siya.
Kailangan yung dalawang paa nyo, relax lang po siya. Hindi po dapat nakaganito yung sandalan at dikit na dikit po. kayo magmaneho dahil yung ganito po na nagdadrive delikado po yan oras na may nangyari po sa inyong harapan hindi makakagalaw po ang inyong bras hindi rin po maganda ang sobrang layo nyo naman po sa manibela yung ganyan ang pinakatamang pwesto po medyo bahagya po na relax po yung likod ninyo then lapit nyo po yung upuan yan Mababa ng konti.
Ayan. Medyo nakabend po yung tuhod ninyo. Tapos, ang kamay sa manibela, yung kaliwa nasa 10 o'clock and then yung kanan ay nasa 2 o'clock.
Hindi po pwedeng magbubulbul yung kamay ninyo, ikot po ng ganyan. Mali po yun. Ganyan po ang tamang paghawak ng manibela. Kailangan medyo nakabend po siya ng konti yung mga siko nyo. Para pagka mayroong abirya sa harapan po ninyo, mabilis nyo may ilipat o may ikot ang manibela.
Lagi nyo po dapat titignan yung tatlong salamin sa loob ng sasakyan nyo. Side mirror sa kaliwa, side mirror sa kanan, and then yung rear view mirror po natin dito sa harapan. Okay? Then, ito naman po ang visor.
Kapag kayo po ay nasisilaw dito sa harapan, ibabahan nyo lang po ito para ang level ng tingin nyo po na sa gitna lang po hindi po kayo tinatamaan ng araw. Ngayon kapag kayo po ay nagmamaneho at nandito naman sa bandang kaliwa yung araw, pwede nyo po itong hawiin papunta sa kaliwa para hindi po tumatama sa mata ninyo yung sikat ng araw at hindi po kayo masilaw. Ito naman po ang makikita nyo sa dashboard po ninyo.
Yung... RPM o revolution per minute, kilometer per hour, gasoline level, and then indicator po ng inyong cambio. Yung indicator po ng seatbelt, indicator po ng handbrake, at tsaka yung airbag.
Yung airbag ko kasi lagi nakailaw eh. Pag nag-adjust po kayo ng side mirror, kailangan po kahit konti na lang po yung makikita nyo na Pinding po ng pintuan. Dapat po mas malawak yung bandang kaliwa para buo po ninyong makikita.
Ganon po din sa kanang side mirror. Ito po ang automatic transmission natin. Ito po yung park, reverse, neutral, drive, D3, 2, and 1. Sa drive po, sa D, makakarating na po kayo yan kahit saan po kayo pumunta, kahit malayo pang lugar. Itong tatlong to, 1, 2, 3, ginagamit po yan sa matatarik na lugar. Itong reverse po, lagi nyo pong tatandaan, importante po ito sa lahat.
Huwag na huwag po kayong maglilipat ng reverse nang hindi po naka-stop ang sasakyan nyo. Siguraduhin po ninyo na nakatapak po kayo sa preno. Habang kayo po ay maglilipat ng cambio papunta ng reverse. Kung galing po kayo sa drive, make sure na dumaan mo na kayo sa neutral, nakapreno, then bago po kayo mag-reverse. Dahil pag diniretso nyo po yan, at hindi pa po kayo nakakapag-stop at kinyambi nyo papunta ng reverse, masisira po ang transmission ninyo.
So, kung kayo po ay maka-drive, make sure na nakistop muna yung sasakyan nyo. Bago po kayo lumipat ng reverse Ano po? Ito po, nasa bandang kanan, ito po yung wiper switch po natin Ito po, sa yung nakikita nyo na to Ito po ang signal switch kung tawagin Ito naman po ang hazard light natin, hazard button Nawala na po kasi yung logo nabura na, so pag kayo po ay nasiraan or nakahinto, pwede nyo pong Pindutin yan at iilaw na po siya ng ganyan.
Ito naman po ang handbrake. Kapag po tatakbo na po kayo, ibababaan nyo lang po ito, then cambio. Ngayon kapag kayo nakahinto na, nakapark na, iaangat nyo lang po ito. Ito naman po yung, ito po yung preno at ito po yung silinyador. Gas pedal po yan, ito yung brake.
Lagi nyo pong tatandaan na ang preno po ay nasa gitna. Ito naman po ang switch ng side mirror po natin. Left and right, ito po pag gagalawin nyo kung saan kayo i-adjust yung side mirror nyo. Ito po yung lock ng bintana. Ito naman po ang switch ng mga bintana po natin.
So, syempre, una sa lahat, bago umalis, seatbelt. And then, lock po natin yung mga pintuan. Then, start na po tayo sa pag-drive.
Sa automatic, tapakan nyo muna yung preno. Then, ilipat nyo na po yung cambio sa drive. Then, release the handbrake.
Tapos, dahan-dahan bitawan yung preno. Then, yung kamay, yung kaliwa, nasa 10 o'clock. And then, yung kanan, nasa 2 o'clock.
Okay, tara na. Kapag po kayo ililipat ng lane, sa kanan, switch natin yung right signal. Then, check po natin sa right side mirror kung meron pong papalapit sa nasa sakyan papunta sa inyo. Pag wala naman, pwede nyo nang ipasok agad.
Ayan. Pag kayo nasa tamang linya na, pwede nyo na po tanggalin ulit yung signal. Then, 30 meters, bago kayo sa kakananan nyo, switch na kayo ng signal light.
Para mag-turn right. Pupuesto na kagad kayo sa kanan. Pag nag-go na, press ng preno. Cambio, handbrake. Then, kailangan pag lumiliko kayo, dapat hindi nagbubuhol-buhol yung kamay nyo.
Ganito po ang tamang pagliko. Paghawak ng manibela. Yan.
So, next stoplight, signal light, turn... Turn left. Then, kapag nag-go, dahan-dahan po tayong mag-abante. Kapag liliko, dahan-dahan lang din po.
Check nyo po lagi yung side mirror magkabila. Yan. Kailangan lagi po kayo nag-o-observe magkabilang salamin, left and right, and then sa rear view.
Make sure nyo po na kayo lagi ay nasa tamang linya. Huwag po kayong bumabaybay sa guhit na yan dahil makakaabala po tayo sa ibang motorista. Ngayon po, tayo ay kakanan dun sa stoplight, papuntang EDSA.
Basta 30 meters, mag-signal na po kayo para alam po ng mga nasa likuran nyo na kayo po ay kakanan. Basta huwag ninyong kakalimutan na tuwing kayo po ay kakanan o kakaliwa, lagi po kayong magsisignalize para alam po nung mga nasa likod na kayo po ay liliko sa kanan o sa kaliwa. Kapag lumilikop po kayo sa ganyang intersection, maging mapagmatiyag po kayo.
Titignan nyo po rati yung nasa left side nyo na mga papunta naman sa right side. Dahan-dahan po kayo papasok, check nyo po yung magkabilaan, side mirror, then abanti-pulley tayo. Tangawag po kayo parating nakabuntot sa mga sasakyan. Siguro magbigay na lang po kayo dahil...
matraffic naman at hindi ganun kabilis ang takbo dito. Kahit yung distansya po ng mga dalawang sasakyan, pwede na po yan. Basta huwag po kayo parating nakatikit sa mga bus or ano pa mang uri ng sasakyan.
Dito po tayo ngayon sa EDSA. Kapag nasa EDSA po kayo, kailangan po mapagmatsyag po lagi kayo sa side mirror. Kasi dito, iba-iba po ang sasakyan na dumaraan dito. Marami ditong kalimitan.
mga bus siyempre malaki ang bus hindi nila kayo agad-agad makikita so kailangan lagi po kayong visible sa paningin nila huwag po kayong pupunta sa mga parte ng kalsada na magiging blind spot para sa kanila para hindi po kayong masagi o mabanga kapag nandito rin po kayo sa EDSA tandaan nyo mabuti huwag na huwag po kayong pupunta sa Yellow Lane dahil kayo po ay mahuhuli bawal po ang private yan kung kayo naman po ay be-preno dapat smooth lang huwag nyo pong tatapakan bigla yung preno at baka lahat po ng sakay nyo pati kayo po ay masusugso pag mga city driving lang po kasi hindi na po natin kailangan magmatuli pwede na po sa 60 kmph kapag nakikita nyo na po na nakapula ang ng taillight ng isang sasakay na sinusundan nyo alisin nyo na po yung paa nyo sa gas or sa silinyador para nakakapag-minor na kayo habang nagmi-minor po siya para meron ka pang time para tumapak ng brake huwag nyo pong ugaliin ang nasa kaliwa kayo tapos saka nyo kukunin ang tatlong linya maka-aksidente po kayo noon Malayo pa lang, dapat alam nyo na kung saan kayo kakanan, saan kayo kakaliwa. Para maiwasan nyo po ang aksidente. Bibigyan ko po kayo ng isang tip na ito. Itong malaking bagay ito para sa inyo.
Kapag kayo po ay naka-stop at nakatutok sa mga sasakyan, huwag na huwag po kayong didikit. Ang pinaka-safety po na distance, kailangan po ganyan. Nakikita nyo po yung gulong ng sinusundan yung sasakyan. Para just in case, na masiraan po siya ng sasakyan meron pa po kayong space para lumipat po ng pwesto. Kasi pag sobrang ganyan po, nakadikit po tayong ganyan pag nasiraan po siya mahirapan po tayo dahil yung nasa likod nakabuntot na rin yun hindi na rin siya makakatras pag pedestrian lane po huwag na huwag nyo pong haharangan kahit po ganito lang yung takbo nyo Bisitahin nyo po ng tingin ang magkabilang side mirror nyo dahil po marami pong motor ang dumadaan magkabila.
Para makikita nyo kung masasagi na po ba kayo ng motor o hindi pa. Kapag ganitong matraffic po, kahit hindi nyo na po tapakan yung silinyador o yung gas pedal po natin, kumaabanti na po yan. Mag-iingat lang po kayo dahil marami pong motor ang biglang sumisingit.
Baka pagkatapak nyo po ng gas silinyador ay bigla po silang matamaan. Kapag nagmamanayo po kayo sa ganitong lugar, kailangan po alerto po kayo parate. Dahil sa ganitong lugar po, marami talagang mga motor ang biglang sumisingit. Kapag may dumadaan, malamin po mo natin sila.
Saka tayo umabanti ulit. Kapag kayo po ay napadaan sa ganitong klase ng kalsada, may tubig, dahan-dahan lang po. Kahit huwag nyo nang tapakan yung selinyador.
Aabante po yan para hindi po tayo makabasa ng ibang tao Tsaka hindi po rin pagtalsikan po sa ilalim ng makina yung tubig Ito pa po isang tip na huwag na huwag nyong kakalimutan Kapag kayo lang po mag-isa sa loob ng sasakyan Pagbaba po ninyo, make sure po na nakasarado po lahat ng bintana ninyo Okay? Kasi minsan yung iba nakakaliktaan bukas At ito pa po Huwag na huwag po kayo mag-iiwan ng gamit sa loob ng inyong mga sasakyan. Dahil uso po ngayon ang binabasag ang mga salamin at kinukuha yung gamit sa loob. So kung meron mong kayong gamit sa loob ng sasakyan, ilipat nyo na lang po doon sa compartment. Para hindi po mainit sa mata ng mga mapagsamantalang tao.
So yun guys, hanggang dito na lang muna yung video ko. Next video po natin, gagawa ko ng video paano naman magmaneo ng manual transmission. Pati na po, pati na po yung safety, driving technique, defensive driving technique, ituturo ko po sa inyo lahat yun.
Abangan nyo lang po sa mga susunod ko pong video na gagawin, doon ko po ipapaituturo yung iba ko pong nalalaman. So, don't forget to subscribe my video and then click the notification bell para sa mga susunod ko pong video.