Ang paglakas ng Europe, ang pag-usbong ng Renaissance Ang Renaissance, sa salitang Pranses, ay nangangahulugang muling pagsilang o rebirth. Hindi isang biglaang revolusyon ang pagpasok ng Renaissance sa Europe. Sa halip ay isang unti-unting transisyon para matamo ang kanilang minimiting pagbabago. Sa panahon ng Renaissance ay muling binalik ang mga sinaunang kulturang klasikal ng Grecia at Roma, na nakapagdulot ng sigla sa kaisipan ng Europa at nagbigay daan sa maraming pagbabago sa larangan ng sining, arkitektura at eskultura. Naging inspirasyon din ang Renaissance sa mga mga ngalakal dahil naging maunlad ang ekonomiya.
At sa larangan ng eksplorasyon ay binigyang sigla ang mga manlalakbay na galugari ng mundo na kung saan na itatag ang mga bagong imperyo ng Europeong mananakop. Ang Renaissance ay isang panahon kung saan nabuhay muli ang interes ng mga mamamayan sa kalikasan ng tao. At mula rito ay naglabasan ang mga taong may taglay na kakayahan.
Ang Renaissance ay nagsimula sa bansang Italia. Ito ang ilan sa mahalagang salik na nagbigay daan upang maging tahanan ng Renaissance ang Italia. Itinuturing na isa sa maraming dahilan kung bakit naging tunay na sinilangan ng Renaissance ang Italy ay ang magandang lokasyon nito.
Dahil dito nagkaroon ng pagkakataon ang mga lungsod na makipagkalakalan sa kanlurang Asia at Europa. Itinuturing na mga Italyano sa dugo at wika na sila ay may kaugnayan sa mga Romano kaysa alinmang bansa sa Europa. At dahil sa pananaw na ito ay muling nabigyang sigla ang kanilang pagnanasang mapanumbalik ang tagumpay ng kabias ng klasikal ng sinaunang Roma.
Mahalagang papel ang ginampanan ng mga universidad sa Italia, na itaguyod at napanatiling buhay ang kulturang klasikal at ang mga teolohiya at filosopiyang kaalaman ng kabias ng Griego at Romano, at ang pagtataguyod ng mga maharlikang angkan sa mga taong mauhusay sa sining at masigasig sa pag-aaral. Ang Paglaganap ng Humanismong Renaissance Ang mga eskolar na nanguna sa pag-aaral ng klasikal na sibilisasyon ng Greece at Rome ay tinawag na humanist o humanista. Ito ay mula sa salitang Italian na nangangahulugang guro ng humanidades, partikular ng wikang Latin.
Pinag-aaralan sa humanities o humanidades ang wikang Latin at Greek, komposisyon, retorika, kasaysayan at filosofiya, at maging ang matematika at musika. Sa pag-aaralan mga ito ay napagtanto ng mga humanista na dapat gawing modelo ang mga klasikal na ideyang matatagpuan sa mga asignaturang ito. Ang kontribusyon at efekto ng Renaissance Hindi matutumbasan ang pamana ng Renaissance sa sangkatauhan.
Ang mga kahangahangang likha sa iba't ibang larangan ng sining at panitikan. Kilalani natin ang mga taong kinilala sa mga pambihirang na gawa nila sa panahon ng Renaissance. Sa larangan ng sining at panitikan Francesco Petrar Ang ama ng humanismo. Pinakamahalagang sinulat niya sa Italyano ang Songbook, isang koleksyon ng mga sonata ng pag-ibig sa pinakamamahal niyang si Laura. Giovanni Boccaccio, matalik na kaibigan ni Petrarch.
Ang kanyang pinakamahusay na panitikang pyesa ay ang Decameron, isang tanyag na koleksyon na nagtataglay ng isang daang nakakatawang salaysay. William Shakespeare Ang Makata ng mga Makata Naging tanyag na manunulat sa ginintoang panahon ng England sa pamumuno ni Reina Elizabeth I. Ilan sa mga sinulat niya ang mga walang kamatayang dula gaya ng Julius Caesar, Romeo at Juliet, Hamlet, Anthony at Cleopatra. Desiderius Erasmus, ang prinsipe ng mga humanista, may akda ng In Praise of Folly, kung saan tiniligsa niya ang hindi mabuting gawa ng mga pari at mga karaniwang tao.
Niccolo Machiavelli, isang diplomatikong manunulat na taga Florence, Italy at may akda ng The Prince, kunsaan nakapaloob ang dalawang prinsipyo na ang layunin ay nagbibigay matuwid sa pamamaraan at wasto ang nilikha ng lakas. Miguel de Cervantes, sa larangan ng panitikan ay isinulat niya ang nobelang Don Quixote de la Mancha. Aklat na kumutiya at ginawang katawatawa sa kasaysayan ang kabayanihan ng mga kabalyero noong medieval period.
Sa larangan naman ng pagpinta ay nakilala si Michelangelo Bonarot, ang pinakasikat na eskultor ng Renaissance. Ang una niyang obra maestra ay ang estatwa ni David. Sa paanyaya ni Pope Julius II ay ipinenta niya sa Sistine Chapel ng Katedral ng Batikano ang kwento sa banal na kasulatan tungkol sa pinagmula ng Sunday Igdigan hanggang sa pagbaha.
Pinakamaganda at pinakabantog niyang detha ay ang La Pieta, isang estatua ni Cristo pagkatapos ng kanyang krusipiksyon. Leonardo da Vinci Isang henyong maraming nalalaman sa iba't ibang larangan. Hindi lamang siya isang kilalang pintor, kundi isa ring arkitekto, skultor, inginyero, inventor, siyentista, musikero at pilosoper.
Ang hindi makalimutang obra maestra niyang Huling Haponan o The Last Supper na nagpakita ng Huling Haponan ni Cristo kasama ang kanyang labing dalawang disipulo. Rafael Santi, pinakamahusay na pintor ng renesans, kilala sa pagkakatugma at balanse o proporsyon ng kanyang mga likha. Ilan sa kanyang tanyag na gawa ang obra maestrang Sistine Madonna, Madonna and the Child, at Alba Madonna.
At sa larangan ng agham ay nakilala si Nicolás Copernicus. Inilahad ni Nicolaus Copernicus ang tsyoryang heliocentric, ang pag-ikot ng daigdig sa axis nito kasabay ng ibang planeta at umiikot din ito sa paligid ng araw. Pinasinungalingan ng tsyoryang ito ang tradisyonal na pag-iisip na ang mundo ang sentro ng sansinukom na matagal ding tinangkilik ng simbahan.
Galileo Galilei Isang astronomo at matematiko. Malaki ang naitulong ng kanyang naimbentong teleskopyo para mapatotohanan ang teoryang Kopernikan. Sir Isaac Newton, ang higante ng siyentipikong renesans. Sangayon sa kanyang batas ng Universal Gravitation, ang bawat planeta ay may kanya-kanyang lakas ng gravitasyon at siyang dahilan kung bakit nasa wastong lugar ang kanilang pag-inog.
Ipinaliwanag niya na ang gravitasyong ito ang dahilan kung bakit bumabalik sa lupa ang isang bagay na inihagis pataas. Ang paglakas ng Europe, ang pag-usbong ng Renaissance.