Transcript for:
Pangunahing Konsepto sa Ekonomiya

Bakit meron tayong mga bagay na gusto pero hindi natin makuha? Ano ang dapat natin gawin? Yan ang pag-uusapan natin sa video na to. Araw-araw, gumagawa ng desisyon ang tao. Mula sa pagpili ng gusto nating damit na susuotin, Pagka ay nakakainin at pipiliin gawin sa isang buong araw. Pero minsan, may mga pagkakataong hindi sapat ang ating kakayahan upang makuha ang kailangan at gusto natin dahil sa mga limitasyon. Dito papasok ang konsepto ng economics na tutugon sa suliraning ito. Ang economics ay bahagi ng aghampanlipunan na nag-aaral kung paano matutugunan ang tila walang katapusang pangailangan at kagustuhan ng tao gamit ang limitadong pinagkukunang yaman. Dito mapapansin natin ang dalawang sumi. suliranin sa economics, ang walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao at ang limitadong binagkukunang yaman. Ang pangangailangan ng tao ay damit, tirahan at pagkain, samantalang ang kagustuhan naman ay yung mga bagay Ito ay walang katapusan dahil patuloy na nabubuhay ang tao. Ngunit, ang mga pinagkukunang yaman gaya ng likas na yaman at yamang kapital ay limitado lamang. Maaari itong maubos o magkulang. Ang salitang economics ay mula sa salitang griego na oikonomia. Ang oikonomia ay nahahati sa dalawa pa ang oikos at nomos. Ang oikos ay nangangulugang ba? At ang nomos naman ay nangangahulugang pamamahala. Kapag sasamahin ito, ang economics ay nangangahulugang pamamahala ng sambahayan. Ngunit, anong kinalaman ng sambahayan sa economics o ekonomiya? Ang sambahayan at ekonomiya ay mayroong mga pagkakatulad. Ang dalawang ito ay pinamamahalaan ng tao. Sa bahay, ang namamahala ay ang ating magulang. Sa ekonomiya, ang lokal at pambansang pamahalaan. Ang mga tagapamahalang ito ang gumagawa ng mga desisyon upang hatiin ang limitadong resources sa mga pangangailangan ng kanilang mga miyembro. Sa tahanan, ito ay paglalaan para sa pambayad sa kuryente, tubig, pagkain at iba pang pangangailangan. Ang paghahating ito ay tinatawag din nating alokasyon. Kung gayon, ang walang katapusang pangangailangan at kagustuhan at limitadong pinagkukunang yaman ang nagdudulot ng kakapusan. Upang maiwasan, sa nangkakapusan, kinakailangan ng matalinong desisyon sa pamamahala ng pinagkukunang yaman sa pamamagitan ng alokasyon, na siyang punot-dulo ng konsepto ng economics. Ngunit, ang kakapusan ay bahagi na ng pamumuhay ng tao dahil may mga limitasyon ang kakayahan ng tao at iba pang pinagkukunang yaman tulad ng yamang likas at kapital. Ang yamang likas ay maaaring maubos at hindi na mapalitan sa paglipas ng panahon. Samantala, ang yamang kapital tulad ng ng pera, makinarya, gusali at kagamitan ay may limitasyon din ang dami ng maaaring malikha. Kaya upang masiguro ang tamang alokasyon ng resources, kailangang magdesisyon batay sa apat na pangunahing katanungang pang-ekonomiya. Una, ano ang gagawing produkto? Upang masagot ito, kailangang maunawaan ang kalagayan ng taong gagamit nito. Ibabatay sa pangangailangan ng tao ang gagawing produkto. Halimbawa, sa panahon ng pandemya, Sa pandemya, ano ang mga produkto ang dapat gawin na kailangan ng tao? Hindi ba't alkohol, face mask, face shield at sabon? Sa panahon ng tag-init, ano ang mas kinakailangang mga produkto? Kung sakaling nasalantanang bagyo ang isang lugar, anong produkto ang dapat gawin o ipamahagi sa kanila? Pangalawa, paano dapat gawin ang mga produkto? Tayo ba mismo ang gagawa o bibilihin natin ang mga produkto? Halimbawa, sa pagsisimula ng pandemia, ang pangangailangan ng tao sa alkohol, face mask at face shield ay tumaas. Hindi sapat ang lokal nating resources para matugunan ang pangangailangan ito kaya bumili tayo ng mga produktong mula sa ibang bansa bilang pansamantalang solusyon. Kalaunan, mayroon nang gumawa ng mga versyon ito na dito sa Pilipinas ginagawa. Pangatlo at pangapat na tanong, para kanino ang produkto at gaano? Sa panahon ng pandemia, kailangang tukuyin kung para kanino ang ibibigay na produkto at servisyo. Ito ay upang masiguro na walang magkukulang o magsisobra sa gagawing produkto. Halimbawa, sa pagbibigay ng ayuda, tinutukoy ang mga pamilyang pinakanangangailangan nito dahil hindi naman sasapat ang limitadong pondo kung lahat ng tao ay bibigyan nito. Tignan naman natin ang dalawang dibisyon ng economics, ang macroeconomics at microeconomics. Ang macroeconomics Dynamics ay tumutukoy sa pag-aaral sa asal, gawi at desisyong ginagawa ng buong ekonomiya gaya ng pambansang produksyon, kita, antas ng empleyo at iba pa. Mula sa salitang makro o malaki, malawak at malaki. ang sakop ng macroeconomics. Ang microeconomics naman ay tumutukoy sa pag-aaral sa asal, galaw at desisyong ginagawa ng maliit na unit ng ekonomiya tulad ng tao, pamilya at bawat bahay kalakal. Mula sa salitang micro, mayroon itong espesipikong tinitignan na unit ng ekonomiya. Dumako naman tayo sa iba pang mahalagang konsepto sa economics. Una ay ang trade-off. Ito ay pagpili o pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit ng ibang bagay. Dahil palagi tayong nagdidesisyon na lalagay tayo sa punto na kailangan nating mamili. Ang bagay na pipiliin ng tao sa bawat pagkakataon ay ang bagay na sa tingin niya ay mas kapakipakinabang para sa kanya. Mahalagang gawin ang pamimiling ito upang mas... ang dapat na isakritisyo at gumawa ng matalinong pagpapasya. Halimbawa, nagpaload si Jane para sa kanyang online class. Limitado lamang ang data nito at sapat para sa isang linggong klase. Sa kalagitnaan ng linggo, naglabas ng special episodes ang paborito niyang k-drama na natapos na bago pa magsimula ang klase kaya naman na-excite siya rito. Ngayon, kinakailangan niyang mamili kung ang natitira niyang data ay gagamitin niya sa online. sa natitirang araw o panonoo rin niya ang special episode ng paborito niyang k-drama. Sunod naman ay ang opportunity cost. Ito ay tumutukoy sa halaga ng bagay na handang ipagpalit sa paggawa ng bawat desisyon. Diba, kapag pumipili tayo, lahat ng pagpipilian natin ay mayroong kaukulang halaga. Ang halaga ng bagay na isasakripisyo o yung hindi mo pipiliin ang tinatawag na opportunity cost. Thank you for watching! Balik tayo kay Jane. Ang dalawang pagpipilian ni Jane kanina ay manood ng special episode ng K-drama o gamitin sa online class ang internet load niya. Kapag pinili ni Jane na gamitin sa online class ang load, ang opportunity cost niya dito ay ang halaga para sa kanya ng panonood ng K-drama. Ganito yan. Mahalagang mag-online class si Jane dahil kailangan niya ito upang maunawaan at matutunan ang paksa. Mahalaga din ang panunood niya ng Special Episodes. dahil paborito niya ang k-drama na ito at magbibigay ito sa kanya ng kasiyahan. Parehas na may halaga ang dalawang pagpipilian. Ngunit dahil pinili niya ang mas mahalaga, nawalan siya ng oportunidad o pagkakataon na maging masaya sa pananood ng special episode ng paborito niyang k-drama. Isa pang halimbawa, meron kang presentation kinabukasan kaya kailangan mong mag-aral ng paksa buong gabi. Pero kapag ganun, hindi ka makakatulog ng sapat, mapupuyat ka. So ang choice mo ay mag-aral buong gabi o matulog. Kapag pinili mong mag-aral, ang opportunity cost mo ay ang pagtulog ng mahaba. Nawalan ka ng pagkakataong matulog kasi mas pinili mong ilaan ang iyong oras sa pag-aaral. Ngayon, bakit nagkakaroon ng opportunity cost o yung mga pinapakawalang bagay? Bakit kailangan meron tayong pinapakawalan? Dahil ito sa kakapusan, limitado ang pinag-iisip. pinagkukunang yaman kaya kailangan mong mamili at magdesisyon ng mas kapakipakinabang na bagay. Sa unang halimbawa, ang limitadong pinagkukunan ni Jane ay ang load. Sapat lang kasi ito para sa isang linggong online class. Sa pangalawang halimbawa naman, ang limitadong resources ay oras. Kailangan mong mamili kung mag-aaral o matutulog ka kasi hindi mo siya kayang gawin ng sabay. Pwedeng hatiin ang resources pero syempre iba pa rin ang resulta kung ilalaan mo ito sa iisang choice lamang. Pangatlong konsepto ay ang marginal thinking. Ito ay tumutukoy sa pag-aanalisa o pag-iisip o pagsusuri kung ang iyong pipiliin ay magbibigay ng karagdagang benepisyo o marginal benefit kaysa sa gagastusin mo para dito o yung tinatawag nating marginal cost. Sinusuri mo ang margin o hangganan ng benepisyong makukuha mo mula sa iyong desisyon. Halimut Halimbawa, kung si Jane ay ginamit ang load para sa online class na tuto at nakasagot sa exam, mas maraming mag-iisip ang load na si Jane. Maraking binipisyo ba ito kaysa sa halaga para sa kanya ng panonood ng special episode ng K-drama na hindi niya ginawa? Sa pagkakataong ito, parang inilalatag mo lamang ang pros at cons ng magiging desisyon mo. Alin sa pagpipili ang... ang mas magbibigay sa iyo ng benepisyo. Isa pang halimbawa, dahil pasokan na, kailangan ng gadget ni Pia. Kaso, walang maibigay sa kanya ang kanyang magulang. Meron siyang naipon pero inilalaan niya iyon para sa napuspon na concert ng BTS sa susunod na taon. Pero, kailangan niya rin ng smartphone upang makapag-online class ng maayos. Ang iisipin ni Pia, bibili ba siya ng smartphone para mas madaling matuto sa online class pero mawawalan siya ng pambili ng tiket? O ipangbibili niya ang naipon niya ng tiket pero wala siyang gagamitin sa online class? Ito ang proseso ng marginal thinking. Pinag-iisipang mabuti ang desisyong gagawin upang makuha ang bagay na mas magbibigay ng benepisyo. Ang panghuling konsepto ay ang incentives. Ito ang gantimpalang makukuha o mawawala. sa pagpili mo ng desisyon. Kadalasan, hindi ito inaasahan. Halimbawa, balikan natin si Jane. Nag-online class, nakapasa sa exam, nai-apply ang natutunan sa buhay niya. Natuwa ang kanyang mga magulang kaya dinagdagan ang load allowance niya. Sapat na ito para makapag-online class at makapanood pa minsan-minsan. ng paborito niyang K-drama. Hindi niya ito inaasahan sa paggawa niya ng desisyon pero nakuha niya ito dahil tama ang naging desisyon niya. Kapag ginamit ang apat na mahalagang konseptong ito ng economics ay makabubi. buo ang tao ng matalinong desisyon. Mahalagang pag-isipang mabuti ang pipiliin gawin gamit ang mga konseptong ito dahil gaya nga ng sinabi natin, limitado ang ating resources kaya kailangan nating mamili ng bagay na mas kapakipakinabang sa atin. Dito nagtatapos ang ating talakayan tungkol sa kahulugan ng economics. Maraming salamat at hanggang sa muli!