Intro Music Magandang araw mag-aaral! Welcome dito sa TV Skwela! Kumusta? Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan at ligtas sa lahat ng pagkakataon.
Ako po pala si Ginang Geneveve Cibuala Castillo, ang inyong guru sa Edukasyon sa Pagpapakatao, SIAM. Mula sa mataas na paaralan ng Nabunturan National Comprehensive High School, Nabunturan West District, Division of Davao de Oro. Handa na ba kayo?
Halina at matuto sa ating leksyon sa araw na ito. Bago ang lahat, ihandaan niyo muna ang inyong mga mudyol, sagotang papel at ballpen para sa isang gawain. Ano-ano ang mga itinuturing ninyong karapatan? Sinasabing, ang tao ay tulad ng isang binhi.
Mula sa pagiging isang butil, ito ay magkakaroon ng ugat at may sisibol na mga munting dahon. Sa bawat pagsibol ng mga dahong ito, ipinahihiwatig na may buhay at karapatan ito sa mundong ginagalawan. Narito ang inyong gagawin para sa panimulang gawain.
Panuto. Sumulat ng tatlong itinuturi mong karapatan sa mga dahon sa loob ng dalawampung segundo at sagutin ang mga ilang katanungan sa inyong gawain. Maaaring isulat sa inyong kwaderno o sa isang malinis na papel ang inyong mga sagot. Una, alin sa inyong mga naisulat ang pinakamalapit na kahulugan ng karapatang pantao?
Pangalawa, ano pa ang hindi mo alam at gusto mo pang matutuhan tungkol sa karapatang pantao? Pangatlo, para sa iyo, ano ang kahulugan ng karapatang pantao? Para lubusang maintindihan at malaman ang mga kasagutan sa mga sumusunod na tanong, subaybayan ninyo ang leksyon na aking itatalakay sa araw na ito.
Ang pag-aaralan natin sa araw na ito ay tungkol sa karapatan at tungkulin ng mga tao. Narito ang mga layunin natin sa araw na ito. Una, nalalaman ang kahulugan ng karapatan at tungkulin ng tao. Pangalawa, natutukoy ang mga karapatan at tungkulin ng tao. At pangatlo, napapatunayan na ang bawat karapatan ay may kaakibat na tungkulin na dapat gampanan ng tao.
Pamilyar ba kayo? Sa linyang ito, with great power comes great responsibility. Tama! Ito ay tanyag na linya mula sa pelikulang Spider-Man na pinagbidahan ni Tobey Maguire bilang Peter Parker. Ano nga ba ang minsaheng na isipabatid ng linyang ito?
Simple lang. Ang ibig sabihin nito ay kapag ika'y may kapangyarihan, mayroon din itong mabigat na responsibilidad. Bagay lamang na dapat mong isipin ng mabuti bago tanggapin o gampanan ang kapangyarihan na ito.
Gayun din kapag ikaw ay napagkalooban ng mga karapatan, Ito ay may kaakibat na responsibilidad o tungkulin. Sa module na ito, pag-aalala natin at pag-iisipan mo ang kalikasan ng karapatan at kaakibat nitong mga tungkulin. Mahalagang maunawaan ang mga ito upang magamit mo ng may kaakibat. Sa husayan, ang iyong mga karapatan at mga obligasyong iyong kailangan namang gampanan.
Kumpara sa iba pang nilikha, ang tao lamang ay mayroong higit na halaga kaysa ibang bunga ng pagkakalikha. Sapagkat siya ay nilikha ayon sa larawan at wangis ng Diyos at siyang paraan na rin ng paghahayag ng kanyang sarili. Ang halagang ito o value ay tinatawag na dignidad na siyang pinakamatibay na dahilan kung bakit ang bawat tao ay mayroong karapatan. Umuusbong ang karapatan mula sa dignidad sapagkat ang bawat karapatan ay nagpapakita ng pagkamahalaga ng tao. Ano nga ba ang kahulugan ng karapatan?
Ang karapatan ay tumutukoy sa mga prinsipyo na nagsisilbing gabay sa mga pananaw ng tao na may kinalaman sa kung papaano niya itrato ang kanyang kapwa at sa kanyang dignidad bilang tao. Ito ay itinuturing na kapangyarihang moral. Sapagkat, Ang paggamit ng mga karapatan ay may kakayahang magdulot ng kaligayahan, kapayapaan at pagkakaisa.
Ang pagkilala sa mga patas at hindi maaalis na karapatan ng bawat tao sa buong mundo na pinakikilos ng may kalayaan, katarungan at kapayapaan ay nangangailangan ng patas na pagbibigay halaga sa karapatan at tungkulin. upang makabuo ng batayang moral, kung saan lahat ng lalaki at babae ay mamumuhay ng mapayapa at makakamit ang kanilang kaganapan bilang tao. Ito rin ang dahilan kung bakit binuo ng United Nations ang pangkalahatang pagpapahayag ng tungkulin ng tao o Universal Declaration of Human Rights.
noong 1997. Halimbawa, ang mga kababaihan noong unang panahon ay walang lugar sa politika. Ngunit, hindi naglaon ay nabigyan na ang mga kababaihan ng karapatan upang mamuno sa lipunan. Ngunit, inaasahan din sa kanya ang maayos na pamamalakad at paglilingkod.
Kagaya na lamang, Ninaginang Corazon Aquino at ginang Gloria Macapagal-Arroyo na mga babaing naging Pangulo ng Pilipinas. At marami pang mga kababaihan ang nasa politika. Ang tungkulin ay mga bagay na inaasahang magagawa o maisasakatuparan ng isang tao.
Kung maisasagawa mo ng maayos, ang mga tungkuling pagawa ng mabuti sa kapwa, Maaaring magbigay ng kaligayahan at kaganapan kung sino at ano ka bilang tao dito sa mundo. Narito ang mga ilan lamang sa mga karapatan na may kaakibat na tungkulin ng tao na dapat gampanan. Karapatang mabuhay, tungkulin ang pangalagaan ang sarili o pangalagaan ng mga magulang ang mga anak. Halimbawa, sa babaeng nagdadalang tao, tungkulin ng ina na pangalagaan ang kanyang sarili upang masiguro ang kaligtasan ng sanggol. Karapatang magkaroon ng pribadong ari-arian.
Tungkulin na gawing legal ang pag-aari, mapayabong ang mga ito at gamitin upang tulungan ang kapwa. at paonla rin ang pamayanan. Halimbawa, pagtulong sa mga nasalanta ng baha sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkain, damit o pera. Mga bagay na tunay nilang kailangan. Karapatang magpakasal o magkaroon ng pamilya.
Tungkulin na pangalagaan ang pamilya. Halimbawa, Pagiging isang mabuting halimbawa sa mga anak pag-iwas sa iskandalo na magiging sanhi sa pagsira ng pangalan ng pamilya. at pagsasabuhay ng mga bertod bilang isang pamilya.
Karapatan sa pananampalataya. Tungkulin na igalang ang ibang nilihiyon o paraan ng pagsamba ng iba. Karapatang maghanap buhay.
Tungkulin maghanap buhay ng marangal. Tungkulin ng bawat isa na magpunyagi sa trabaho. o hanap buhay at magpakita ng kahusayan sa anumang gawain.
Karapatang pumunta sa ibang lugar. Tungkulin na igalang ang mga pribadong boundary o kakibat ng karapatang ito na kilalanin ang limitasyon ng sariling kalayaan at pribadong espasyo ng kapwa. Tungkulin na sumunod sa mga batas. na pinapairal ng ibang lugar o bansa. Ang tao ay may kalayaan na gumawa ng mga bagay na gusto niyang gawin at ito ay ang ating karapatan.
Subalit, minsan naaabuso ang ating karapatan. Kaya naman, meron tayong tinatawag na tungkulin. Upang maging responsable tayo sa lahat ng ating ginagawa. Ang karapatan at tungkulin ay sumusulong tungo sa kabutihang panlahat. Kaya nararapat lamang na maging responsable sa lahat ng pagkakataon.
May katungkulan man o wala ay dapat magtulungan tungo sa pagunlad ng lahat. May natutunan ba kayo sa aralin natin sa araw na ito? Mahusay!
Inasahan ko na kayo ay handa na sa pagsusulit para sa aralin natin ngayon. Paalala na huwag sulatan ang mga module. Lahat ng mga kasagutan ay isulat sa sagotang papel o notebook.
Kung kayo ay handa na, sisimula na natin ang pagsusulit. Good luck and God bless! Piliin ang pinakaangkop na mga sagot at at isulat ang titik nito sa sagutang papel.
Una, kung ang karapatan ay kapangyarihang moral, ang tungkulin naman ay, uulitin ko, kung ang karapatan ay kapangyarihang moral, ang tungkulin naman ay, A. Obligasyong moral, B. Likas na batas moral, C.
Karapatang moral or D. Moralidad? Ang tamang sagot ay letrang A, obligasyong moral.
Pangalawang tanong, aling karapatan ang isinasaad sa bawat tungkulin na nasa kahon? Suportahan ang pamilya sa sapat at masustansyang pagkain. Gabayan ang mga anak. Para makaiwas sa panganib, maging mabuting halimbawa ng pagsasabuhay ng mga bertud. A.
Karapatan sa buhay. B. Karapatang magpakasal. C. Karapatang pumunta sa ibang lugar.
At D. Karapatang maghanap buhay. Ang tamang sagot... ay letrang B, karapatang magpakasal. Pangatlo, alin sa mga sumusunod ang tungkulin ng isang mag-aaral?
Uulitin ko, alin sa mga sumusunod ang tungkulin ng isang mag-aaral? A, pagsuot ng uniforme. B, pagsuot ng identification card o ID.
C. Pagpasok sa paaralan sa takdang oras. At D. Lahat ng mga nabanggit. Ang tamang sagot ay letrang D.
Lahat ng nabanggit. Pangapat, aling karapatan ang kaakibat ng tungkulin ng patuloy na pag-aaral upang umangat ang karera? at maitaas ang antas ng pamumuhay.
Muli, aling karapatan ang kaakibat ng tungkulin ng patuloy na pag-aaral upang umangat ang karera at maitaas ang antas ng pamumuhay? A. Karapatan sa buhay B.
Karapatan sa pribadong ari-arian C. Karapatang maghanap buhay D. Karapatang pumunta sa ibang lugar Ang tamang sagot ang letrang C, karapatang maghanap buhay. Panglima, ang sumusunod ay mga paglabag sa karapatang pantao maliban sa isa. Uulitin ko, ang sumusunod ay mga paglabag sa karapatang pantao maliban sa isa.
A, terorismo. B. Iligal na pagmimina C.
Pagnanakaw ng mga ari-arian D. Diskriminasyong pangkasarian Ang tamang sagot, ang letrang B. Iligal na pagmimina Kayo ba ay nakakuha ng perfect score?
Mahusay! Para sa karagdagang kaalaman, Maaari ninyong sagutan ang mga sumusunod na gawain o pagtataya na makikita sa inyong module. Isang leksyon na naman ang ating natapos. Naway, marami kayong natutunan sa araw na ito.
Muli, ako po ay si Ginang Geneveve Sibuala Castillo, ang inyong guro mula sa mataas na paaralan ng Nabunturan National Comprehensive High School, Nabunturan West District, na mag-iiwan ang mga katagang edukasyon ay pahalagahan sapagkat ito'y daan tungo sa magandang kinabukasan. Laging tandaan, dito sa TV Skwela, sa pag-aaral, sama-sama. Bye-bye!