Transcript for:
Kwento ng Bayaning Pusang si Mingming

Meron kaming alaga noong pusa, si Mingming. Ito yung tipikal ng mga pusang gala, yung kulay orange na may pagkaputi. Ganoon na ganoon, kuting palang yan si Mingming, nasa bahay na pong namin. Hindi nga namin alam kung papaano napunta yun doon. Tinanggap naman siya ng nani at tatay ko, dahil noon paman. Nakapag-alaga na kami ng pusa. Noong mga panahon nga lang na iyon, eh wala. Kaya siya na po ang pumalit. Sa totoo lang po, noong una ay ayoko talaga sa pusa na iyon. Napakaklingi kasi noon. Yung tipong magugulat ka na lamang, biglang may tatabi sayo sa paa mo. Tapos ipapahid din katawan niya sayo. May pagkakataon din na kapag tulog ka, tatabi sayo si Mingming. Pag uuwi ka ng gabi. Aabangan ka nito sa gate, yung parabang aso, pero hindi ka niya dadambahan, titignan ka lang niya, magmamyao ng magmamyao. May pagkakataon din na sasamahan ka niya maglakad, kunwari lalabas ka lang tapos bibili, susunod yan sayo, parang aso. Dahil sa mga katangian niyang yun, unti-unti, nagustuhan ko ang pusang yun. Nakakatawa kasi, napakatalino. Parang naiintindihan niya ang mga sinasabi namin. Kapag sinabi namin umalis dyan, huminto dyan, huwag gawin niyong ganito, sinusunod niya. Hindi po nagtagal, napalapit na talaga ako kay Mingming. Ako na ang katabing matulog nito. Kapag nasa bahay ako, lagi siyang nakabuntot sa akin. At kapag wala naman ako sa bahay, ang sabi po nila nanay, palagi nag-aabang ng ito sa migit. Hinihintay ako. At kapag lumalabas ng ako ng bahay namin, hindi pong malapit lang ang pinupuntahan. Sunod-sunod ko si Mingming. Sakto na yan nga po. Natutuwa rin yung ibang mga kapitbahay namin sa kanya. Kasi napakatalino ng pusa namin na iyon. Kakaibaro talaga. Hanggang isang araw po, nagkaroon kami ng bagong kapitbahay. Isang mag-asawa. Bata pa ang mga ito. Meron silang alagang askal. Katapatan lang po ng bahay namin ang nilipatan nila at sa unang pagdating nga nila, si Mingming talagang nakipaggirean na po doon sa askal na iyon. Ganon din yung askal sa kanya, hindi naman sila naglalaban. Yung tipong nagaangalin lang, nagaambahan. Pero, pinipigilan naman namin silang dalawa. Yung mag-asawa po, hindi ko na po papangalanan. Basta, tawagin na lang po natin silang lalaki at babae. Sa unang pagdatingan nila, masasabi kong mabait naman po ang dalawa. Hindi po sila po yung bagong lipat, pero sila pa yung nagpamigay ng pagkain sa aming mga kapitbahay. Tuwang-tuwa nga kami. Ang talaga nakakainis lang sa kanila, yung aso po nilang tahulang tahul. Nakakabulaho yun. At kapag nagkakasalubong po sila ni Mingming, palagi talaga silang nagigirian. At kapag hindi namin sila naawat, ay talaga magpapatayan sila. Lumipas po ang mga araw, wala naman kami naging problema doon sa mga kapitbahay namin. Mababait po silang lahat, matitino kausap, marunong din naman po silang makisama. Sa katunayan nga po, ang pinakanagustuhan po namin sa mga bagong lipat ay palagi po silang nagbibigay ng mga pagkain, hindi man araw-araw, pero sabihin na lang po natin na sa isang linggo, siguro mga... Tatlo o apat na beses po silang kumagbigay at kadalasan po, tanghalian o di naman kaya hapunan. Magaling pong magluto yung mag-asawa. Mapasabaw, mapasarsa, kahit anong klase. Kakaiba nga rin yung karneng ginagamit nila. Hindi kumawari kung baboy ba, baka o kaya naman manok. Basta, masarap. Lumipas pa po ang mga panahon. Araw, linggo, buwan, nanatiling payapa po ang lugar namin. Ngunit isang araw, nagulat na lang kami ng umagang-umaga, eh biglang nagwawala ang isang kapitbahay namin. Base po sa narinig ko, etong kapitbahay namin na ito, namatayin daw ng alagang hayop. Aso, grabe daw ang nangyari sa aso. Pinatay, para daw may nakalaban na isang mabangis na hayop. Kinagat, kinalmot, tapos yung ilang parte daw ng katawan, natanggal, parang kinuha. Nakita ko nga mismo yun ng harap-harapan, at masasabi kong nakakatakot nga. Nakakadiri, nakakakilabot, napakabrutal ang pagkamatay ng hayop na iyon. Awang-awa kami sa kapitbahay namin na iyon, yun na lang ang nagawa namin. Para sa kanya, lumipas pa po ang mga araw, sunod-sunod po ang mga balita na pagpatay ng mga hayop sa aming barangay. Nabahala na nga po ang nakakarami, lalo na ako kasi hindi lang po aso ang pinapatay. Nandyan ang manok, kambing, baboy, baka, ibon, ultimo pusa. Natakot ang lahat kasi... Grabe yung mga pagkamatay ng hayop, hindi basta-basta. Nabahalan naman ako noon kasi may alaga din kaming hayop noon, si Mingming nga diba? Dahil doon, hindi namin talaga pinapakawala si Mingming. Kinukulong lang namin ito sa loob ng bahay at kapag lalabas para umihi at dumumi, sinasamahan namin siya. Talagang bantay sarado namin yung alaga namin dahil ayaw namin siyang matulad sa iba. Isang gabi po, pauwi ako galing eskwela. Nalita ko noon. May project kasi akong ginawa. Tapos, nagpractice din kami ng seo noon. Kung tama ang pagkakaalala ko, alas 11 na ata ng gabi noon. Hindi naman magagalit yung mga magulang ko kasi alam naman nilang nag-aaral ako ng mabuti. Pagod na pagod ako noon. Ang problema, ang layo pa ng lalakbayin ko, yung barrio kasi namin. Nasa liblib po niya lugar at yung pinapasukan ko nasa may sentro po ng aming lugar. Kumbaga maglalakad ka po po ata ng maygi 30 minutos. Sanay naman ako. Ang kaso, pagod na pagodan talaga ako noon. Sa kalagitnaan ng aking paglalakad sa gitna ng kakauyan, meron akong narinig sa gilid ko na parang gumagalaw at umuungol. Nasa may kawayanan kasi ako noon, bukod. Pagkakasimutan sa mga hampasan ng kawayan sa itaas, ay nangibaabaw talaga yung kakaibang tunog na iyon. Bali, yung tunog pala ay para pong ungol, yung parang kumakain, yung parang pagngasaba. Tapos, may napupunit na laman. Ganoon po yung tunog. Agad akong kinutuban sa mga sandaling yun. Agad ko namang naalala yung mga nangyayari sa aming lugar. Yung patayan po ng mga hayop. Kaya, kung yun na ang pumapatay, hindi ako kasing tanga ng mga nagpapadala sa inyo ng kwento, na kapag nakarinig ng ganoon, eh pupuntahan pa. Ako kasi, mabilis na ako naglakad pa paliw doon, naging maingat ako at hanggat maaari, hindi ako madinig. Ngunit kung sino pa nga talaga yung imiiwas, eh siya pang pinaglalaroan ng tadhana, yung daladala ko kasing project noon. Aksidente pong nanaglag. Gawa po sa yero yun. Kaya talagang tumunog. At napakabilis po yung mga nangyari. Dahil sa likod ko, may nadinig akong piglang nagpunta. Narinig ko ang malalim niyang paghinga kasabay ng mga pagungol. Dahan-dahan akong napalingon at laking gulat ko na lang nang makita ang isang pamilyar na nilalang. Iyon ay walang iba kundi ang asong askal ng katapat naming kapitbahay. Hindi po siya nagbago ng anyo pero masasabi kong bumangis lang siya at parang agresibo. Nagagalit siyang inanghilan ako. Napansin ko nga ang tumutulong laway sa kanya na may kasamang dugo. Grabe rin yung naggalat na dugo sa kanyang katawan. Sa muka. Yung parang may kinain o di naman kaya nila pa, dahan-dahan akong napaatras kasi dahan-dahan din siyang umaabante hanggang sa tumalo na nga siya papunta sa akin. Napigla ko nun, napapikit na lang ako kasi sigurado wala akong takas sa kanya pero laking gulat ko na lamang nang meron akong madinig na pamilyar ng yaw dilat ng aking mga mata. Nakita ko na lang po si Mingming, nandoon nakikipaglaban sa asgal. Hindi ako makapaniwala sa mga nasaksihan ko. Napakagaling po kasi ni Mingming, hindi man siya ganun kalakas, pero napakabilis niya. Lahat ng atake ng aso, hindi natatamaan si Mingming. Bagos, si Mingming pa yung nakakaganti ng kalmot sa aso, na naging dahilan para mapaatras ito at tumak... Huwag mo papalayo. Tinig din ko si Mingming. Wala itong kagalos-galos. Marami lang siyang dugo sa katawan na hindi po nang galing sa kanya. Nang lumayo na yung aso, tinawag ko si Mingming at binukat. Tapos, tumakbo na kami papalayo sa lugar na iyon. Pagdating po namin ng bahay, laking gulat na lang po namin na napakarami pong tao. May mga pulis, may mga barangay tanod. Lahat ng yun, nakatoon ang atensyon sa bahay na nasa harapan namin. Nay, ano pong nangyari? Diyos ko anak, mabutit nandito ka. Mabuti't kasama mo si Mingming, yung kapitbahay natin. Grabe, sila pala ang may sala sa pagkamatay ng mga hayop dito sa ating lugar. Natagpuan yung ibang mga bangkay ng hayop doon sa loob nila. At eto pa ang nakakabigla anak, yung mga binibigay nilang pagkain. Mula yun sa karne ng mga hayop na pinapatay nila. Diyos ko po. Eh, nay? Na nasa na po sila? Sinubukan silang hulihin ang mga pulis pero nakataka sila. Napakabibilis silang tumakbo. Sa ngayon kasalukuyan silang pinaghanap sa kagubatan. Doon sila tumakbo eh. Diyos ko nay, yung asungari nila. Nakita ko, may kinakain, duguan, nandun din sa kagubatan. Muntik na nga akong sakmalin pero mabuti na lang. Tumating po si Mingming para iligtas ako. Diyos ko. Salamat kay Mingming! Sa kasamaang palad po, hindi na po natagpuan yung mag-asawa. Gayun din yung alaga nilang askal. Samantala, yung bahay naman po na yun, pinagiba na lang po ng may-ari. Nangungupahan lang kasi yung mag-asawa doon. At para mawalan po ng malas, pinablessing din po ito mula nang mawala ang mag-asawa. Naging tahimik na pumuli ang aming barangay. Nakakatakot kasi ang kumalat po na balita ay yung mag-asawa pati yung alaga nilang aso ay mga aswang. Kung nakakadiri pa, nakakain kami ng luto nila. Mabuti nga wala naman nangyari sa amin. Hindi naman kami naging aswang. Buti na lang talaga.