Renaissance Noong 1453, isang makapangyarihang hukbo ang nagwagi laban sa isang lungsod na itinuturing natulay ng silangan at kanduran. Ang pagbabagong ito ay hindi lamang nagtapos sa isang kaharian, kundi Nagbukas ng pinto sa mas malawak na paglalakbay, pagtuklas at bagong pananaw na humubog sa kasaysayan ng daigdig. Balikan natin ito sa aral ng nakaraan, Sandigan ng Kinabukasan. Haya Sokwisya Kilalanin ang tinutukoy sa bawat bilang. Ang malawak na kahariang tinawag na Eastern Roman Empire na naging sentro ng Kristyanismo at pamana ng Rome sa Silangan.
Byzantine Empire Siya ang dakilang emperador ng Eastern Roman Empire na kilala sa Corpus Juris Civilis at nagpatayo ng Haya Sophia hudyat ng gintong panahon ng Byzantium. Justinian I Thank you for watching! Ang dakilang lungsod na kilala rin bilang Bagong Roma at Istanbul sa kasalukuyan na bumagsak noong 1453, Konstantinopol. Ang grupo ng mga Muslim mula sa Anatolia na pinamunuan ni Sultan Mehmed II na nagtagumpay sa pagsakop sa Konstantinopol noong 1453. Ottoman Turk, ang emperador na huling namuno sa Byzantium at namatay sa pagtatanggol ng Konstantinopol laban sa mga Ottoman.
Constantine XI Palai Logos Ang pagbagsak ng Konstantinopol ay hindi lamang nagtapos sa isang makapangyarihang imperyo, kundi nagbukas din ng panibagong landas Para sa daigdig, ang pagbagsak na nagbukas ng panibagong pahina. Tukuyin kung alin ang totoong nangyari sa pagbagsak ng Konstantinopol. Ang Konstantinopol ay naging bahagi ng Imperyong Romano bago ito humiwalay sa Rome nang bumagsak ito. Pinabagsak ng mga Ottoman Turks ang Konstantinopol sa pangunguna ni Mehmed II. Ang pagbagsak ng Konstantinopol ang naging hudyat sa pagtatapos ng medieval period.
Ang pagbagsak ng Konstantinopol ay nagtulak sa mga Europeo na maghanap ng bagong ruta patungong Asia. Naging daan ang pagbagsak ng Konstantinopol sa pagunlad ng mga bayan at lungsod sa Italia, lalo na sa Florence. Mula sa pagbagsak ng isang dakilang lungsod, umusbong ang panibagong pag-angat ng karunungan. Ang paglikas ng mga eskolar mula sa Silangan, tangan ang kanilang mga aklat at kaisipang klasikal ay naglatag ng daan tungo sa isang panibagong yugto ng kaalaman sa Europa.
Mula sa paglalakbay ng karunungan ay isinilang ang isang makasaysayang yugto ng muling pagkamulat, ang Renaissance. Sa gisag ng bagong simula para sa Europa. Ang Renaissance ay Mu mula sa Italia.
Ang Renaissance ay nagsimula sa Italia kung saan muling nabuhay ang interes sa sining at kaalaman dahil sa mayamang kasaysayan ng Imperyong Romano at pagunlad ng kalakalan. Ang Renaissance ay Ling, muling pagkamulat sa sining at kultura. Ang salitang Renaissance ay hango sa Pranses na nangangahulugang muling pagsilang.
Ito ay panahon ng pagbabalik ng interes sa sining, kultura at kaalaman ng sinaunang Grecia at Roma. Ang Renaissance ay Pag. Pag-usbong ng Humanismo, Individualismo, Sekularismo.
Ang humanismo ay tumutukoy sa kilusang intelektwal na nagbibigay halaga sa potensyal, kakayahan at dignidad ng tao. Ang individualismo ay tumutukoy sa filosofiya na nagbibigay halaga sa dangal ng isang individual. Ang sekularismo ay tumutukoy naman sa pagbibigay halaga sa paglilinang ng karaniwang buhay sa halip na espiritwal na buhay.
Ang Renaissance ay si Sinuportahan ng mga pati. Pinondohan ng mayayamang pamilya tulad ng Medici ang mga alagad ng sining at eskolar na nagbigay daan sa paglikha ng mga obra maestra. Ang renaissance ay lang landas patungo sa makabagong panahon.
Ang renaissance ang nagsilbing tulay mula sa madilim na ng panahon. patungo sa mas mabuhanag na panahon ng kaalaman, pagunlad at pagbabago. Muli ang renesans ay muling pagsilang. Mula sa Italia, muling pagkamulat sa sining at kultura, pag-usbong ng humanismo, individualismo, sekularismo, Sinuportahan ng mga patron at landas patungo sa makabagong panahon. Ang pag-usbong ng renaissance ay isinulong ng mga taga-suporta na naglaan ng yaman at impluensya upang maisulong ang sining at kaalaman.
Mga tagapagtaguyod ng renaissance sa Italy Mukha ng muling pagsilang. Kilalanin ang mga pangunahing personalidad ng Renaissance batay sa kanilang larawan at tanyag na obra. Kilala bilang ama ng humanismong Renaissance.
Isinulong niya ang pag-aaral ng literaturang Greco sa pumagitan ng pagsasalin ng mga manuskrito sa Latin. Francesco Petrar May akda ng Decameron, isang koleksyon ng mga kwento na isinulat upang magbigay aliw sa panahon ng bubonic plague. Giovanni Boccaccio, isang eskultor na nagbalik ng klasikal na anyo at makatotohanang ekspresyon sa kanyang mga obra, kabilang ang estatwa ni David.
Donatello Isang pintor, inventor at siyentista na lumikha ng mga obra tulad ng Mona Lisa at The Last Supper na nagpapakita ng kanyang malawak na interes at obserbasyon. Leonardo da Vinci Pintor at eskultor na tanyag sa kisame ng Sistine Chapel at sa marmol na eskulturang La Pieta. Michelangelo May akda ng The Courtier na naglalarawan ng katangian ng isang perfectong renaissance man at woman.
Baldassare Castiglione Isa sa mga unang babaeng pintor na nakilala sa renaissance. Tanyag sa The Game of Chess, isang obra na nagpapasok sa renaissance. Nagpapakita ng kanyang talento sa pagpipinta ng portrait.
Sofanisba Anguizola. Itugma ang bawat personalidad ng renaissance sa kanilang tanyag na obra o kontribusyon. Si Francesco Petrar, ang nagsalin ng manuskrito. Si Giovanni Boccaccio. Ang may akda ng Decameron Si Donatello ang gumawa ng estatwa ni David Si Leonardo da Vinci ang may gawa kay Mona Lisa Si Michel Angelo ang may gawa sa kisame ng Sistine Chapel.
Si Baldassare Castiglioni ang may akda ng The Courtier. Si Sofonisba Anguizola ang nagpinta ng The Game of Chess. Ang Renaissance ay nagdulot din ng malalaking pagbabago sa politika, lipunan at ekonomiya ng Europe. Mga Pagbabagong Imbinusod ng Renaissance Pagbabagong Politikal Dahil sa humanismo, individualismo at sekularismo, naging mas kritikal ang pananaw ng tao sa pamahalaan at simbahan.
Nagsimula ang paghihiwalay ng pamahalaan at relihiyon at lumakas ang kapangyarihan ng mga monarka na nag- ng sentralisadong pamahalaan at hukbo. Sa halip na digmaan, ginamit ang diplomasya upang mapanatili ang kapayapaan. Pagbabagong Sosyo-Kultural Bumagsak ang feudalismo at lumitaw ang sekular at rasyonal na pananaw. Bagamat nanatiling makapangyarihan ang Kristyanismo, umusbong ang mga ideya sa labas ng relihiyon at pinahalagahan ang talento ng individual na nagpasigla sa sining at agham.
Pagbabagong pang-ekonomiya Lumawak ang kalakalan at umunlad ang mga lungsod estado. Muling binuksan ng China ang Silk Road na nagpasigla sa kalakalan. Ang Florence, Genoa, Milan at Venice ang naging sentro ng kalakalan.
Bagamat malayo sa ruta, umunlad ang Florence bilang sentro ng pagbabangko sa pamumuno ni Cosimo de' Medici. Muling pagsilang sa ating panahon. Alam nyo ba na noong Renaissance, humina ang kapangyarihan ng simbahan, bumagsak ang feudalismo at lumago ang kalakalan?
Dahil dito, nagsimula ang paghihiwalay ng pamahalaan at relihiyon. Nagkaroon ng mas pantay na lipunan at lumawak ang oportunidad para sa edukasyon, negosyo at sining. Kung wala ang mga pagbabagong ito, baka wala tayong modernong gobyerno, paaralan o sistemang pang-ekonomiya na tinatamasa natin ngayon. Ngayon, Isipin ninyo, alin sa mga pagbabagong ito ang pinaka nakaapekto pa rin sa buhay mo ngayon?
Paglaganap ng Renaissance sa labas ng Italy Noong 1450, nagsimulang lumaki ang populasyon sa Europe. Mabilis ding umunlad ang mga lungsod sa pagtatapos ng Hundred Years' War sa pagitan ng France at England Noong 1453, dahil sa suporta ng mayayamang negosyante, naging sentro ng sining ang Flanders sa Hilagang Europa. Si John Van Eyck ang nagpasimula ng paggamit ng oil painting na nagbigay buhay sa mas makatotohanang sining.
Umabot sa rurok ang sining ng Flemish sa obra ni Peter Bruegel. na The Fight Between Carnival and Lent na naglarawan ng tunay na buhay ng tao. Samantala sa France, inanyayahan ni Haring Francis I si Leonardo da Vinci at iba pang Italyano upang pagandahin ang Palace of Fontainebleau na ginawang museyo ng sining ng Renaissance.
Sa Germany, Sumikat si Albrecht Dürer bilang isang henyo ng sining, kilala sa kanyang kahangahangang woodcut at makatotohanang likhang religyoso. Samantala sa England, umusbong ang makulay na Elizabethan Age, isang gintong panahon ng sining at panitikan na pinangunahan ng walang kapantay na manunulat na si William Shakespeare. Art on the go From Italy to the world Iugnay ang mga personalidad sa kanilang mga ambag. Ang dakilang pintor ng plunders na nagpakita Nakita ng balanse ng buhay at damdamin ay si Peter Bruegel, pinakatanyag na manunulat ng Elizabethan Age sa England, si William Shakespeare, alimang pintor na gumawa ng woodcuts at makatotoha ng religyosong obra, si Albrecht Dürer, unang pintor ng plunders na gumamit ng oil-based paints, si John Van Eyck.
Monarchang nag-imbita kay Leonardo da Vinci sa France at nagtayo ng Renaissance Museum sa Fontainebleau. Si Haring Francis I. Kontribusyon ng renesans sa daigdig Pagpapahalaga sa dignidad Naging mahalaga ang ideya ng individualismo at ito'y nagbukas ng landas sa mga ideyang demokratiko. Pamantayan ng sining Ang estilong Greko at Romano ay naging batayan ng modernong sining. Ang makatotohanang paglalarawan ng tao at kalikasan ay nagbigay diin sa kakayahan ng tao.
Pagkakaiba ng sekular at religyoso. Ang mga obra ng pintor, eskultor at arkitekto ay nagpakita ng malinaw na kaibahan ng buhay sekular at religyoso. Panitikan sa sariling wika. Ang mga manunulat, ay malayang na ipahayag ang kanilang damdamin at ideya gamit ang sariling wika.
Printing Press Sa tulong ng Printing Press, lumaganap ang mga aklat, mapa at balita na nagpasigla sa pagkatuto at pagtuklas. Naging malinaw din ang mga batas at karapatan ng tao. Pagbabagong panlipunan sa pamagitan ng kristyanong yumanismo na bago ang pananaw ng lipunan sa tamang pamumuhay.
Muli ang mga kontribusyon ng renesan sa daigdig ay six P's. Pagpapahalaga sa dignidad, pamantayan ng sining, pagkakaiba ng sekular at religyoso, panitikan sa sariling wika, printing press at pagbabagong panlipunan. panlipunan.
Muling pagsilang. Punan ang kulang. Punan ang patlang ng tamang sagot.
Ang renaissance ay mula sa salitang pranses na nangangahulugang muling pagsilang. Nagsimula ito sa Italia at kumalat sa Europa bilang tulay. ng gitnang panahon at makabagong panahon. Muling nabuhay ang interes sa sining at literatura ng mga Greko at Romano. Umangat ang mga kaisipan ng humanismo na nagbibigay halaga sa tao, individualismo na nagbibigay diin sa kakayahan ng bawat isa, at Sekularismo na nakatoon sa karaniwan sa halip na espiritual na buhay.
Bukod dito nakilala rin ang mga tanyag na pintor gaya ni na Leonardo da Vinci at Michelangelo na nagbigay ng malaking ambag sa sining at kultura ng panahong ito. Rena's Signs, mga bakas ng renaissance sa mundo. Piliin ang letra ng tamang sagot.
Kung hindi naimbento ang printing press, alin ang pinaka malamang na mangyari? Mabagal ang pagkalat ng mga mapa at bagong tuklas. Alin sa mga sumusunod ang direktang nakaimpluensya sa pag-usbong ng mga ideyang demokratiko? Paniniwala sa dignidad at kahalagahan ng bawat individual.
Isang modernong pintor ang gustong lumikha ng obra na may implorensya ng renaissance. Ano ang pinakamainam na paraan? Gumuhit ng tao na may tamang proporsyon at natural na panawin.
Nabago ng Kristyanong Humanismo ang pananaw ng lipunan sa kung paano mamuhay, ano ang pinakamahalagang aral na maiugnay dito para sa kasalukuyang panahon. Pagsasabay ng pananampalataya at responsibilidad sa lipunan. Kung ikaw ay isang humanista noong renesans, anong proyekto ang pinakamainam upang mapabuti ang lipunan?
Maglimbag ng aklat tungkol sa karapatang pantao gamit ang printing press. Kung ang Renaissance ang nagbigay liwanag sa daigdig noon, kayo namang kabataan ang magsisilbing ilaw at tulay tungo sa mas maliwanag na kinabukasan.