Magandang araw mga mag-aaral mula sa ikasyam na baitang. Ang paksa nakin sa araw na ito ay tungkol sa unang module na pinamagatang Layunin ng Lipunan, Kabutihang Panlahat. Noong ikaw ay nasa ikawalong baitang, ay tinalakay natin ang kahalagahan ng kapwa, kaibigan at pamilya.
Ngayon naman, bilang simula ng ating aralin sa ikasyam na baitang, ay pag-aaralan natin ang mga mahalagang papel na ginagampana ng tao sa lipunan. Ano nga ba ang kahulugan ng lipunan? At ano nga ba ang halaga ng tao sa kanyang lipunang ginagalawan?
Tayo bilang tao ay tinatawag na panlipunang nilala. Ano nga ba ang kahulugan ng panlipunang nilala? Ipinapakita dito na walang sino mang tao ang may kakayahang mabuhay para sa kanyang sarili lamang. Sabi nga sa isang kasabihan, no man is an island.
Kinakailangan ng taong makipag- at mamuhay sa lipunan. Isa ito sa itinalagang likas na katangian ng nilikha ayon sa likas na batas moral. Ayon kay Dr. Manuel D. Jr., Isang profesor ng Pilosopiya sa Ateneo de Manila University, ang buhay ng tao ay panlipunan. Ang kilos ng bawat isa sa atin sa lipunan ay magkakaugnay.
Ano nga ba ang kahulugan ng lipunan? Ang lipunan ay nagmula sa salitang ugat na lipon na nangangahulugang pangkat. Ang mga tao na kabilang sa lipunan ay mayroong iisang...
sa tumuhin o layunin. The family is the basic unit of society. Sa Tagalog, ang pamilya ang pinakamaliit na unit ng lipunan. Ipinapakita lamang nito na ang pamilya ang pundasyon ng kasiglahan at kaayusan ng lipunan. Kung ang bawat pamilya sa lipunan ay nagkakaisa tungo sa isang layunin, magiging mabuti ang epekto nito sa lahat ng mga tao.
Kaya ang komunidad. Ang komunidad ay galing sa salitang Latin na comunis, na nangangagulugang common o nagkakapareho. Ang isang komunidad ay binubuo ng mga individual.
na nagkakapareho ng mga interes, ugali o pagpapahalagang bahagi ng isang partikular na lugar. Bakit nga kaya natin kinakailangang makibahagi sa isang komunidad? Na nito ang mahalagang dahilan kung bakit hinahanap ng tao ang mamuhay sa komunidad.
Una sa mga dahilang ito ay ang katotohanang hindi tayo nilikhang perfecto o ganap. Ang pangalawa ay dahil likas para sa kanya o para sa ating mga tao ang magbahagi ng ating kaalaman at pagmamahal. At ang pinakahuli sa lahat o ang pangatlo ay dahil sa kanyang pangangailangan o kakulangan mula sa material na kalikasan. Ayon kay Santo Tomas de Aquino na may akda ng aklat na Summa Theologica, sa pamamagitan lamang ng lipunan, nakakamit ng tao ang layuni ng kanyang pagkakalikha.
Binubuo ang tao ng lipunan at binubuo ang tao ng kanyang pagkakalikha. Nakuunaman ng lipunan ang tao. Kanina pa natin nababanggit ang salitang kabutihang panlahat. Ano nga kanya ang kaulugan ng tinatawag natin na kabutihang panlahat o common good? Ito ay kabutihan para sa bawat individual na nasa lipunan.
Ito ay ang pagdedesisyon na hindi lamang nakakabuti sa sarili, ngunit sa mas nakararami. Isinasang tabi dito ang sariling kapakanan upang pantay na makinabang ang lahat ng tao sa lipunan. Ayon naman kay John Rawls, isang mamimilosopiyang Amerikano na ang kabutihang panlahat ay ang pangkalahatang kondisyon na kung saan pantay na ibinabahagi para sa kapakinabangan ng lahat ng kasapi ng isang lipunan. mga elemento ng kabutihang panlahat.
Paano nga ba natin makikita ang mga palatandaang ito na nakakamit ng ating lipunan o ng bawat individual sa ating komunidad? Ayon sa Compendium of the Social Doctrine of the Church, may tatlong elemento ang kabutihang panlahat. Ang una ay ang paggalang sa individual na tao na nagpapakita ng respeto at paggalang sa kanyang mga karapatang pantao. Ang pangalawa ay ang tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan ng isang pangka Ito ay ang pagbibigay ng pamunahing pangangailangan Katulad ng mabuting trabaho, sapat na pagkain at edukasyon sa bawat taong miyembro ng lipunan At ang pinakahuling lahat ay ang kapayapaan o peace. Ito ay ang pagkakaroon ng katahimikan, kapanatagan o kawalan ng kaguluhan sa lahat.
Kung kay John F. Kennedy, huwag mong itanong kung ano ang magagawa ng iyong bansa para sa iyo. Kung hindi, tanungin mo kung ano ang magagawa mo para sa iyong bansa. Ikaw, bilang kabataan, Natanong mo na ba ang iyong sarili? Kung ano nga ba ang nagawa mo para sa iyong bansa?
O kahit para sa iyong barangay? Kanina ay nabanggit natin ang iba't ibang elemento. Ngayon naman, ay tukuyin natin ang... ng iba't ibang hadlang sa pagkamit ng kabutihang panlahat. Karaniwan, ang hadlang ay nagmumula sa kasakiman ng tao na maaaring magpahamak sa iba.
Ito ay maaaring maging dulot ng iba't ibang anomalya na may kinalaman sa panlalamang sa kanyang kapwa. Ang una ay nakikinabang lamang sa benepisyong hatid ng kabutihang panlahat. Subalit tinatanggihan ang bahaging dapat gampanan upang magambag sa pagkamit nito.
Ayaw kumilos o kaya ayaw man lamang tumulong. Ang pangalawa ay ang individualismo na ang ibig sabihin ay ang paggawa ng tao ayon sa kanyang personal na naisin. Ang tao ay nakatoon lamang sa kanyang personal na interes o hangarin.
Maaaring ito ay papuri o kanya naman ay material. At ang huli ay ang pakiramdam na siya ay nalalamangan o mas malaki ang naiaambag sa lahat ng mga gawain kumpara sa ibang tao. Palaging sinusukat o tinutuos ang mga bagay na ibinibigay at ginagawa niya.
Hindi siya nakatuon sa resulta bagkos ay sa mga bagay na naiaambag lamang niya. Ano-ano nga ba ang mga solusyon o kondisyon sa pagkamit ng kabutihang panlahat? Ang pinakauna sa mga kondisyon pagdating sa pagkamit ng kabutihang panlahat ay dapat lahat ng tao ay mabigyan ng pagkakataon na makakilos ng malaya, gabay ang diyalogo, pagmamahal at katarungan.
Ang pagkilos mo bilang tao ng malaya, ngunit walang natatapakang iba. Ang pangalawa ay ang pangunahing karapatang pantao ay nararapat na mapangalagaan. Ikaw bilang tao, dapat alam natin ang ating karapatan upang hindi tayo maabuso. Ang pangatlo ay dapat na ang bawat indibidwal ay nagkakaroon ng pagkakataong mapaunlad ang kanyang sarili patungo sa kanyang kaganapan.
Ang lipunan ang nararapat na maging isa sa mga instrumento upang makamit ng tao ang kanyang kaganapan bilang isang tao. Ang pangatlo ay dapat na ang bawat individual ay nagkakaroon ng pagkakataong mapaunlad ang kanyang sarili patungo sa kanyang kaganapan. Ang lipunan ang nararapat na maging isa sa mga instrumento upang makamit ng tao ang kanyang kaganapan bilang isang tao.
At ito ang mga paksang tinalakay natin para sa araw na ito. Sana ay marami kayong natutuhan. Hanggang sa susunod nating aralin, paalam!