Transcript for:
Themes and Characters in Noli Me Tangere

Ikinalulugod ko kayong lahat na makilala. Aba! Padre Damaso! Ang kura ng San Diego. Hinde! Hindi ko kaya! Hinde! MGA ANAK KO! Itong paring ito..! ang pinakainiiwas-iwasan ko! Isang paring walang galang at walang utang na loob! Wala ng halaga.. ..ANG AKING BUHAY! [Pagsisimula ng intro music] [Pagtapos ng intro music] Mga pangarap.. Mga liwanag at dilim. Sa kapanauhan ng kadiliman, Marahil ay… marami ang nagdurusa. Maraming tahimik ngunit napapahamak. Oo, nabubuhay ang takot at paghihinagpis. Hihintayin ko ang araw na itong lahat ay lilipas. Malayo sa kabiguan at pang-aapi. Kaya kayong mga kalaban ko, mga dayuhan, h’wag niyo ‘kong salingin. Noli Me… Tangere! [Kumukulog ang langit] ..Aking ina! Ano't ako'y iyong isinilang na may kakambal na sumpa? Ipinakikiusap ko sayo na ako ay kunin.. at ibalik sa iyong pinaroroonan! Kasama ng Panginoong Diyos! Kung saan ‘di na ako masasaktan pa! Pagod na ‘kong mabuhay! Oh, aking ina! Sunduin niyo na ang iyong bugtong na anak.. Kasama ng mga anghel..! At mga Santo.. Wala ng halaga… ..ANG AKING BUHAY! [Patuloy ang pagbuhos ng ulan kasabay ng pagkulog ng kulog sa kalangitan] [Narrator] Isang gabi sa kanyang tahanan… [tunog ng pagkabasag ng mga plato] Hesusmaryosep! Maghintay nga kayo mga bulagsak! Nakayayamot ang bansang ito! Halatang ibang-iba ang pamamahala dito kumpara sa pamamahala sa Madrid! At ang ayoko pa, punong puno ng mga Indio. Ayoko talaga sa mga Indio! Dalawang taon akong nagtiis sa pagdidildil ng kanin at saging sa bayan ng San Diego bilang Kura Paroko. Ngunit nung ako’y ihatid, iilang matanda at hermanos terceros lamang ang naghatid sa akin! Mga walang utang na loob. Magdahan-dahan kayo Padre Damaso, ‘pagkat nasa ilalim kayo ng bubong ng isang Indio! Tama siya, Reverencia. Baka magdamdam si Kapitan Tiago. Matagal nang hindi itinuturing ni Tiago ang sarili niya bilang Indio. Malayong-malayo sa mga walang galang na tao na ‘yon. Sigurado naman ay hindi kasing-saklap ang nangyari sa kanila ang sa akin. Naku! Nagsayang ka lang ng panahon sa pagpunta rito. Wala kang ibang makikita kundi ang tinola sa handaan .. at matutulog ka man lang ng hindi nasisiyahan. Mga Ginoo! ikinalulugod kong ipakilala ang anak ng aking nasirang kaibigang si Don Rafael. Sino kaya ang bisitang kasama ni Don Santiago? Siya ay si Juan Crisostomo Ibarra! Ikinalulugod ko kayong lahat na makilala! Aba! Padre Damaso! Ang kura ng San Diego. Ikinagagalak kong makita muli ang isang matalik na kaibigan ng aking ama. Uhh, mukhang nagkakamali ata ako. Patawad ho, Reverencia. Hindi ka nagkakamali. Ngunit kailanman hindi ko naging matalik na kaibigan ang iyong ama. Kung gayon ay ikaw pala ang anak ng nasirang si Don Rafael? Nawra’y ang kasiyahang niyang napagkait sa kaniya ay mapasayo. Gracias, Señor. Isang mabait na tao ang iyong ama. Nakilala ko at malimit kong makasama ang inyong ama at masasabi na isa siya sa mga kagalang-galangan at matapat na mamamayan ng Pilipinas. Maraming salamat! Pinawi ng mga papuri ko sakanya, ang aking ama ang mga duda ko tungkol sa nangyari sa kanya, gayong ako na kanyang anak ay walang kaalam-alam. Handa na ang hapunan, Señor at Señora. Hijo, halika. Nagpaluto talaga ako ng tinola para sa iyo, batid kong matagal mo na itong hinde natitikman. Servidor, ipasok mo na ang sopas. Hoy ikaw! Dalhin mo nga yan dito. Pronto. (Dali na.) Alam niyo bang sa lahat ng pagkain sa Las Filipinas ay ang tinola ang aking paboritas Es muy delicioso! (Ito ay napakasarap!) Puwede niyo ba patigilin ang musika?! Nakakarindi sa tenga! Ipahinga niyo muna ang mga instrumento ninyo. Señor Ibarra, pitong taon ka pala nag-aral sa Europa. Mabuti at hinde mo nalimot ang Las Filipinas. Hinde po, kahit tila ay nalimot ako ng ating bayan. Qué quieres decir? (Anong ibig mong sabihin?) Halos isang taon akong nawala kaya't wala akong nakuhang balita dito, maging ang San Diego. Kaya hanggang ngayon ay hindi ko alam ang totoong dahilan ng pagkawala ng aking ama Don Ibarra, nasan ba kayo sa Europa? Tila hindi yata kayo nakakatanggap ng mga telegrama? Ah, perdenames (patawad sa inyo), Señor at Señora Pero, para hindi maging malungkot ang ating usapin, lalo't na nasa gitna tayo ng kasiyahan Ito na lamang ang iyong sagutin, Señor. Ano ang mga nakita ninyo na katangi-tangi sa mga bansang ninyong narating? 'Yan na ba ang edukasyon ng Europa? Nauumid ang tao na para bang isang... Mudo. (Pipi.) Napansin ko lamang na... ang kaunlaran o ang kahirapan ng mamamayan sa isang bayan, ay katumbas ng kaunlaran nito. Oh, di kaya'y ang kawalan nito. Yun lang ba natutunan mo? Ang tagal mo ginugol ang oras mo sa Europa. Wala ka man lang ibang natandaan don. Noon pa man ay ganiyan na siya mag-lambing mula pa noong kami ay musmos pa lamang. Hay naku! Nawa'y tanggapin ninyo ang aking senserong paumanhin. Ah! Estancia. (Stay.) Pagpatuloy po natin ang hapunan. Maupo ka muna po, hijo. Hindi na po, Tiyo. Ipagpaumanhin po ninyo ang lahat. Ipagpaumanhin nyo, Tiyo, ngunit... kailangan ko nang magpaalam pa. Inom na lamang po tayo sa ngalan ng Las Pilipinas at Espanya. Salude! (Mabuhay) [Lahat] Salude! (Mabuhay) H'wag ka muna pong umalis! Darating na po si Maria Clara. Mukhang galit na po sa 'kin ang prayle. Bukas na lamang. Kita niyo ang ugali ng batang 'yan? Nakapunta lamang ng Europa nagpalalo na! Qué tonto! (Napakatanga!) [Natatawa si Donya Victorina] [Napatawa ang ibang mga bisita] Muchas gracias.. Kapitan Tiyago! Nasaan nga pala ang sinasabi ninyong napakagandang nag-iisang dalaga? [Pagtugtog ng Clair de Lune ni Claude Debussy] [KABANATA 4] Diyos ko, sa umaga ito’y parang pangarap lamang ang pitong taon ko sa Espanya. [Narrator] Naramdaman niya ang dantay ng isang magaang kamay sa kanyang balikat. Binata, mag-iingat kayo sa mga lihim ninyong kaaway. Ang nangyari sa inyong ama ay dapat maging isang aral sa inyo. Ipagpatawad ninyo sa wari ko’y... naging mahal sa inyo ang aking ama. Ngunit sa aking pagkakabatid ay wala ako o kahit ang aking ama na mga lihim na kaaway. Madalas ang masyadong kapanatagan ay maaring magdulot sa atin sa ilang kapahamakan. Hanggang sa huling hininga ng inyong ama na na si Don Rafael Ibarra, hindi ko parin siya makapaniwala na mayroon pala siyang nagtatagong mga kaaway. Ngayon ay alam ko na ang dahilan kung bakit nag-aalinlangan si Kapitan Tiago na magsabi sa akin ng mga kaalaman sa aking ama. Ngunit bakit siya nakulong sa piitan? Ano ba ang naging kasalanan niya? Ang tanging kasalanan niya lamang ay siya ang pinakamayamang tao sa buong San Diego. Ngunit huwag kayong mag-alala. Dahil ang mabulok sa bilangguan ng bansang ito ay maituturing na kabayanihan. Ngayon ko lamang... ang tunay ngang napakalupit ng sinapit. Patawad po. Ngunit kailangan ko ng umalis, ipauubaya ko na lamang kay Kapitan Tiago ang iba pang nangyari upang kanyang ikuwento. Muchas gracias (Maraming salamat) Tinyente, sa pagmamahagi mo ng kaalaman sa aking ama. De nada (Walang anuman),Señor Ibarra. [Narrator] Nagpaalam na ang dalawa sa isa’t-isa. [KABANATA 6] Nabusog kaya ang mga bisita sa handaan? Palagay ko’y oo, Santiago. Paniguradong nabusog sila sa dami ng handa. Oh Clarita, Narito ka pala. Tiya isabel. Osya, maiwan ko na muna kayo at mag-aayos pa ako sa kusina. Tila yata may bumabagabag sa inyong kalooban, ama. Mayroon nga po ba? Walang anuman, hija. Nagpapasalamat lamang ako sa Panginoon at biniyayaan niya tayo ng maayos na buhay. Ngunit sa wari ko’y mas masaya sana tayo kung ang iyong ina ay hindi nawala sa atin ng maaga. Papa, huwag niyo nang balikan pa ang nakaraan. Mabuti pa ay matulog na kayo. Panigurado ay pagod na pagod na kayo mula sa pagtanggap ng mga bisita kanina. Nagpapasalamat talaga ako sa Diyos at biniyayaan niya ako ng napakabait at napakapitagang anak katulad mo. [Narrator] Habang nahihiga si Kapitan Tiyago sa kanyang kama ay naiisip niya ang mga panahong lumipas. Kung buhay lamang talaga si Pia, ang kaligayahan ko ay paniguradong buong-buo. [Narrator speaking] Oh Pia, aking mahal na esposa, nawa’y makapiling ng Lumikha ang iyong kaluluwa. Sumalangit ka nawa. [KABANATA 7] [Narrator] abala sa pagbuburda. Bakas sa kanyang kilos na may hinihintay siyang bisita. Mahabaging Panginoon, ano kaya ang dahilan ng kanyang pagkahuli? [Narrator] Ang kanyang pagkainip ay napawi nang may kalesang pumara sa tapat ng kanilang tahanan. Magandang araw po, Tiya Isabel. Nais ko po sanang makausap si Maria Clara. Ay, nandyan siya sa loob. Halika, tuloy ka. Como estas (Kamusta ka), Ibarra? Salamat naman at dumalaw kang muli sa aming tahanan. Magandang tanghali, Don Tiago. Nais ko lang po sanang makausap ang inyong anak. Aba’y sige. Clarita! Nais kang makausap ni Ibarra! Isabel, sunduin mo siya sa kwarto. [Narrator] Maya-maya pa ay makikita na ang dalawang nag-uusap sa asotea (rooftop). Maswuerte ako at naipagkasundo tayo ng ating mga magulang upang ikasal. Dahil kung hindi ay hindi na ako makakahanap pa ng isang babaeng katulad mo. Napakatamis ng iyong dila, Crisostomo. Siguro’y dahil diyan ay nabihag mo ang maraming kababaihan sa mga bansang iyong napuntahan. Isa nang magandang obra ng Diyos ang aking sinisinta. Bakit pa ba ako hahanap ng iba?
Sinungaling. Hindi ako makapaniniwalang sinasara mo ang iyong mga mata pagdating sa ganda ng ibang dilag sa Europa. Ang kagandahan ay nasa panlasa ng tao. Ito ay naroroon sa taong sumusuri ng kagandahan. At mula sa aking puso, sinsasabi ko sayong ikaw ang aking pinaka-iniibig. Patawad aking sinta, ngunit kailangan ko nang lisanin. Naiintindihan ko, Ibarra. Nawa’y makapaglakbay ka ng ligtas at matiwasay. Paalam, aking minamahal. Patnubayan ka nawa ng Maykapal. Tingnan mo ang nagagawa ng pag-ibig, Isabel. Oo nga, Tiago. Sadyang napakatamis at napakapait ng pag-ibig. Paano mo nalaman iyon? Hindi ka pa naman nakaranas na umibig hindi ba? Hay naku, Tiago. Ako’y tigil-tigilan mo. Hindi ako manhid sa mga dating manliligaw. Clarita, kung ikaw ay nababagabag, magtulos ka ng kandila para kay San Roque at San Rafael. Paniguradong gagabayan nila si Ibarra para sa kanyang paglalakbay. [Narrator] Kinaumagahan, aalis sina Tiya Isabel at Maria Clara, nang makasalubong nila si Padre Damaso na papunta ng kanilang bahay. Magandang umaga po, Reverencia. Magandang umaga rin Isabel, Maria Clara. Mukhang may pupuntahan kayo, ah. Saan ang inyong tungo? Pupunta kami ng Beateryo, padre. Kukunin ko lamang ang aking mga natirang gamit doon. O bueno, pupuntahan ko lamang ang iyong ama. Nawa’y ligtas kayong makapaglakbay. Muchas Gracias, Padre. [Narrator] Nang umalis na ang dalawa, pumanhik na ng hagdan ang pari habang mukahang may iniisip Santiago? Santiago! Padre, ano ang sadya ninyo? Mayroon lamang akong sasabihin sayong importante. Ngunit, doon tayo sa lugar na hindi tayo maririnig. [Narrator] At nang matapos ang pag-uusap nila... Tandaan mo nang mabuti ang mga binanggit ko sa iyo, Santiago. Iniisip ko lamang ang inyong kapakanan. Naiintindihan ko ho, Padre. Masusunod ang inyong kahilingan. Bueno, aalis na ako. Sinabi na nga ba at ang kahilingan ko rin ang masusunod. [Narrator] Samantala, sa San Diego, ay abala ang mga sepulturero, sapagkat bukas ay Todos Los Santos. Nag-uusap ang dalawa sa kanila, habang may hinuhukay na bangkay.