Transcript for:
Kababaihan sa Revolusyong Pilipino

Kamusta mga bata? Handa na ba kayo para sa pag-ibagong kaalaman? Ngayon ay pag-aaralan natin ang partisipasyon ng mga kababaiyan sa Revolusyong Pilipino. Sa simula, pawang mga kalalakihan lamang ang mga kasapi sa katipunan. Dahil sa paghihinala ng kanilang mga asawa sa kanilang pag-alis-alis ng kanilang tahanan tuwing gabi, pagkakaroon ng bawas mula sa kanilang sahod, dito na bunyagang samahan ng mga katipunero. Kung kaya't nahimok silang itatagang isang samahan eksklusibo lamang para sa mga asawa, kapatid at anak ng mga katitiponero. Sa araling ito ay tatalakayin at bibigyang diin ang naging partisipasyon ng mga kababaihan sa Revolusyong Pilipino sa panahon ng pananakop ng mga Kastila sa bansa. Sa pagtatapos ng paksa sa araling ito, ikaw ay inaasahang makilala ang mga babaeng naging kasapi ng samahan, Matalaki ang partisipasyon ng mga kababaihan sa Revolusyong Pilipino at maisa-isa ang naging papel ng mga kababaihan sa paggamit ng misyon ng katipunan. Sino-sino ang mga babaeng kasapi ng katipunan? Nakatulong ba sila sa revolusyon? Ano ang partisipasyon ng mga kababaihan sa paggamit ng kalayaan? Sa bahaging ito ay sasanay ng iyong kasanayan bilang isang mag-aaral na magsuri ng mga bagong kaisipan at impormasyon Gamit ang kritikal o malikhaing pag-iisip, ipaliwanag ang mga sumusunod na katanungan. Una, sa iyong pagsusuri, paano nakatulong ang mga kababaihan sa Revolusyong Pilipino? Pangalawa, ano ang niyambog ng mga kababaihan sa Revolusyong Pilipino? Para sa gawain sa pagkatuto bilang to, ipaliwanag ang mga sumusunod. Anong aral ang dapat mong matutunan mula sa ginawa ng mga makabayang kababaihang Pilipino sa paggamit ng kalayaan noon? Pangalawa, paano may sasabuhay ng ibang Pilipino ang aral na ito? At ikatlo, sa mga kababaihan ng revolusyon, sino ang iyong hinahangaan o gusto mong tularan? Bakit? Ngayon naman ay kilalani natin ang mga babae sa katipunan. At ano ang mga naging ambag nila noong panahon ng revolusyon? Taong 1893 nang buksan ng katipunan ang kanilang sekretong samahan para sa mga babaeng kasapi. Limitado lamang noon ang pagkuhan ng babaeng membro sa kaanak ng mga lalaking kasapi ng kilusan. Itinuring sila bilang kaagapay sa anumang aktibidad ng samahan. Si Gregorio de Jesus o Oriang ang kabiyak ni Andres Bonifacio na tinaguriang lakambini ng katipunan. Siya din ang kauna-unahang babaeng miyembro ng samahan. Si Gregoria de Jesus ang naging tagapagtago ng mga lihim na dokumentong panrevolusyon. Sa bakuran ni Tandang Sora ang naging kandungan, taguan, at sa kalaunay punong himpilan ng mga revolusyonaryo. Tinanggap ni Tandang Sora sa kanyang pamamahay ang mga revolusyonaryong humingi sa kanya ng tulong, pagkain, salapi, at paggamot. dahilan para siya ay bansagang ina ng Katipunan. Ang mga Katipunera ay ang humikayat ng mga bagong miyembro ng samahan, taga-sulat ng mga katitikan, taga-ingat ng mga halagang dokumento, taga-linlang, taga-aliw sa mga otoridad ng mga Espanyol na nagdududa sa mga pagpupulong na isinasagawa ng mga Pilipino at tagagawa ng mga bandila. Si Teresa Magbanwa naman ang unang babaeng mandirigma sa panay at kilala bilang Jowan of Art ng Visayas, paalinsunod sa bayaning Pranses na namuno sa pakikibaka laban sa mga Inglesa or Lins France noong 1492. Si Agueda Cajabagan ay nagsilbing tagapuslit ng mga gamit pandigman noong 1896. Si Agueda Iniquinto Cajabagan ay kilala bilang si Henerala Agueda. Siya ang nag-iisang naitalang henerala sa listahan ng mga heneral ng Republika ng Pilipinas. Natamu niya ang ranggo noong Enero 4, 1896. Si Josephine Bracke naman ay asawa ni Dr. Jose Rizal, nag-alaga ng mga sugatan sa Cavite noong 1897. Noong umaga ng Desyembre 30, 1896, araw ng kanyang pagbitay sa pamamagitan ng pagbaril, ang magkasintahan ay nagpakasal sa Fort Santiago, ang lugar ng kanyang piitan. kasunod ng kanyang pakikipagkasundo sa simbahang katoliko. Ang kasal ay pinagtatalunan ng ilang mga sektor dahil walang natagpuan ng mga pagtatala at tungkol sa pag-iisang dibdib sa kadahilanan ng mga hindi pangkaraniwang mga kaganapan sa araw na iyon, kahit na pinatunayan ito mismo ni Josephine at ng namumunong pari. Si Gregoria Montoya ay namuno sa isang unit ng mga katipunero sa labanan sa tulay ng Kaleo sa Cavite noong 1896. Si Montoya ang nag-iisang babae na namuno ng tatdumpung kawal na magdalo laban sa mga Espanyol sa digmaan sa Dalajican noong Nobyembre 1896. Nakidigma siya upang ipaghiganti ang kanyang asawa na namatay din sa Himagsikan. Nakita noon si Montoya sa labanan na may hawak na watawat ng katipunan sa isang kamay at isang bolo sa kabilang banda. Si Montoya ay namatay sa labanan kasama ang labinlimang mga tauhan, ngunit kalaunan ay nagwagi ang mga katipunero sa labanan. Si Trinidad Texon ay itinuturing na ina ng Philippine National Red Cross para sa kanyang paglilingkod sa mga kasamahang katipunero. Tinawag siyang ina ng biyak na bato dahil na magtayo ng isang bahay para sa mga may sakit at sugatan sa biyak na bato ay siya ang nangasiwa nito. Si Josefa Rizal naman ay kapatid ni Dr. Jose Rizal. at naglingkod bilang Pangulo ng Lupo ng mga Kababaihan. Ang kanyang palayaw ay Pangoy, siya isang epileptic at namatay siyang dalaga. Nang maging Supremo ng Konseho ng Katipunan si Andres Bonifacio noong 1895, itinalaga niya si Marina Dizon bilang Pinuno ng Divisyon para sa mga Kababaihan sa Kilusan at namahala sa paggalap at inisasyon ng mga bagong kasapi. Nakilala niyo na ang mga babaeng kasapi ng samahan. Ngayon naman, ay gawin natin ang gawain sa pagkatuto bilang tatlo. May mga taong nakagawa ng kabayanihan para sa ating bansa. Sila ay nagdaan sa hirap at nagsakripisyo dahil sa kanilang pagmamahal sa ating kalayaan. Ang ilan sa kanila ay nagbuwis pa ng sariling buhay. Kilala mo ba sila? Isulat ang kanilang mga pangalan at mga nagawa para sa Revolusyong Pilipino. Kung ikaw naman ay nagawi sa Tandang Sora National Shrine at napansin mo marahil ang bantayog ni Melchor Aquino o mas kilala sa tawag na Tandang Sora bilang paggalang at pag-alala sa kanya, ano ay pagugunita nito sa mag-aaral na gaya mo? Ipaliwanag. Ngayon naman ay subukan mo ito. Maikukumpara mo kaya ang dalawang kababaihan sa revolusyon? Isulat ang kanilang pangalan, ginawa, ibig sabihin, epekto at kung sangayon ka ba rito at bakit. Para sa gawain sa pagkatuto bilang 4, suriin ang mga pangyayaring kaugnay ng partisipasyon ng mga kababaihan sa Revolusyong Pilipino. Lagyan ang salitang tama kung ito'y tumatalakay sa mga nayambag ng mga kababaihan sa panahon ng Revolusyong Pilipino at mali naman kung hindi. Ibibigay ng inyong guro ang karampatang sagot. Para naman sa gawain sa pagkatoto bilang lima, sagutin ang mga sumusunod na tanong. Ano na ang mga paraang ginawa ng mga makabayang kababaihan para ipaglaban ng kalayaan ng bansa? Ano ang iyong naramdaman sa pangyayaring ito? At para sa gawain sa pagkatoto bilang anim, tapusin ang pahiyag sa ibaba. Ngayon, alam ko na ang kahalagahan ng magaling mga bata hanggang sa susunod na araling.