Ang konsepto ng nasyonalismo, kasarinlan at pagkabansa. Ang nasyonalismo ay karaniwang inilalarawan bilang isang masidhing damdamin ng pagmamahal sa bayan na sumisibol sa puso ng isang individual. Ito rin ay tumutukoy sa pagpapahalaga at katapatan sa lahi o pangkat na kinabibilangan. Ang pagpapamalas ng maalab na damdaming nagnanais na isulong ang kalayaan ng bansa o nasyong kinabibilangan sa kamay ng mga naniniil.
Ang pamamayanin ng diwang nasyonalismo sa isang bansa o regyon ay mahalagang sangkap para makamit ang kaunlaran dahil ito ang nagsusulong ng diwa ng pagkakaisa at pagtutulungan. Itinutulak nito ang mga tao na kumilos at mag-isip, hindi lamang para sa kanilang sarili, kundi para sa kapakanan ng mas nakakaraming tao sa bansang kanyang kinabibilangan. Mayroong iba't ibang uri ng nasyonalismo.
Ang sibikong nasyonalismo ay tumutukoy sa pagpapamalas ng pagmamahal at katapatan sa estadong kinabibilangan, anuman ng lahi, pangkat at relihiyon ng mga mamamayang naninirahan dito. Ang mga mamamayan ay pinagbubuklod ng iisang paniniwala at pagpapahalaga. Ang nasyonalismong kultural ay isang uri ng nasyonalismo kung saan ang mga mamamayan ay pinagbubuklod ng iisang kultura, anumang lahi o pangkat ang kanilang pinagmulan. Ang etnikong nasyonalismo ay isang uri ng nasyonalismo na naniniwala na ang pagmamahal at katapatan ng isang mamamayan ay batay sa lahi o pangkat na kinabibilangan.
Nagsusulong din ang nasyonalismong ito. ng paniniwalang ang isang lahi ay higit na nakakaangat kaysa sa iban lahi. Ang agresibong nasyonalismo ay isang uri ng nasyonalismo na nagsusulong na palawakin ang saklaw ng kapangyarihan ng isang bansa sa pamamagitan ng pananakop at pagpapalawak ng teritoryo. Ang nasyonalismong liberal ay nagsusulong ng kalayaan ng isang bansa mula sa pananakop.
sapagkat hangad nito na magkaroon ng sariling soberanya na malayo sa kontrol at impluensya ng mga dayuhan. Ang kasarinlan naman ay tumutukoy sa kakayahan ng isang bansa na magkaroon ng sariling soberanya. Ito ay ang pagiging hiwalay ng isang bansa o estado sa kontrol ng mga panlabas na impluensya.
Ang isang bansang may kasarinlan ay malaya at may kakayahang pamunuan ang sariling pamahalaan. Upang maging ganap ang kasarinlan ng isang bansa, ito ay hindi lamang dapat malayo sa kontrol ng mga dayuhan. Ito ay tungkol sa pagkakaroon ng sariling batas, polisiya, pananagutan at sariling desisyon hinggil sa magiging tunguhin ng bansa sa inaharap. Ayon kay Professor Xiao Chua, ang kasarinlan ay ang pagnanais ng isang bansa na bumuo ng sariling sistema na malayo sa inilatag.
o ipinahayag na konsepto ng mga dayuhan. Ito ay higit sa ideya ng pagtakas o pagtiwalag sa pangangapi. Sa halip ay tumutukoy sa pag-angkin ng sariling desisyon para sa buhay. Ang pagkabansa naman ay isang proseso na isinasagawa ng mga may layon na bumuo ng sariling estado. Ang bansa o estado ay isang teritoryong politikal na pinaninirahan ng mga mamamayang may sariling pamahalaan at kasarinlan.
Bilang isang bansa ay binubuo ito ng apat na mahalagang elemento. Teritoryo, pamahalaan, mamamayan at soberanya. Ang teritoryo ay sumasaklaw sa geografikal na lokasyon at lupang kinalalagyan ng isang bansa. Ang pamahalaan ay pangkat na mga tao na namumuno. at nagsasayos ng sistema ng isang estado sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga batas at pulisiyang nagsusulong ng kaayusan at kaunlaran ng isang bansa.
Ang mamamayan ay tumutukoy sa pangkat ng mga tao na naninirahan sa isang estado. At ang soberanya ay ang pagiging malaya ng isang bansa sa kontrol ng mga dayuhan. Ito rin ay tumutukoy sa kakayahan ng isang bansa na lumikha ng sariling desisyon para sa tunguhin at kahihinatnan ng bansang kinabibilangan.
Ang konsepto ng nasyonalismo, kasarinlan at pagkabansa.